Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Lumipas ang isang lingo, ngunit nananatiling tulog parin ang mga anak ng hari. Gaya ng inaasahan ni Xerxez na may magsisidatingang mga mahuhusay na salamangkero, at mga pantas na matatalino, para sa pabuya. Subalit wala ni isa sa kanila ang nakakasagot sa lunas. Walang nakakaalam kung anong sakit ito, o masasabi bang sumpa?

Walang nagtagumpay sa kanila. Lahat sila ay bigo na masulosyonan ang suliranin ng hari. Ngunit may isang matandang kuba, na may sungkod at nakasoklob ng maitim na damit. Mahina ito maglakad. Hindi din siya kilala at lalong walang nagsabi dito at nag-inbita para sa mga prinsipe. Bago siya pinapasok, tinutukan muna siya ng mga matutulis na kalasag at mga ispada. Kinilatis muna siya ng mga kawal. Pinayagan ng hari na patuluyin siya sa harap niya. Gaya ng plano ni Vethor, pinalibutan muna ng mga kawal si Xerxez para masigurong ligtas at hindi mapahamak ang hari. Diskumpyansa parin sila kahit na matandang kuba pa ito.

"Hanggang dyan ka lang, buksan mo ang iyong mukha." Utos ng isang kawal. Tinitigan ng lahat ang bawat kinikilos ng kuba, mula sa mga paa, galaw ng kamay, maging ang kilos ng damit nito. Dahan-dahang tumaas ang kaliwang kamay papunta sa ulo para hawiin ang humaharang na tilang maiitim sa mukha. Kanina pa ito tahimik Simula ng dumating ito palasyo, pero gulat din ang lahat lalo na sa biglaan nitong pagdating. Masyadong kaabang-abang ang mga sandali, ngunit umubo ito. Nakita nila ang balat sa kamay, na talagang, kunot na kunot na ang balat dahil sa katandaan. Pansin nilang matandang-matanda na ito, at pangit kahit Hindi pa nila nakikita ang mukha. Sa huli, kumalat sa mga mata nila ang hitsura ng matandang kuba, lalaki pala ang kuba.

Matandang-matanda na nga ang lalaking kuba, pero medyo pa ito malakas at kaya pa niyang buhatin ang sarili para maglakad. Nanindig ang balahibo ng mga tao doon, dahil ngayon lang sila nakikita ng ganoong kapangit na tao. Mahaba ang buhok nito at puting-puti na talaga. Tumingin muna ito sa paligid at isa-isa niyang minumukhaan ang mga tao doon, pero parang nakakaramdam sila ng takot kaya't hindi sila makatingin ng diritsahan sa mukha ng matanda.

"Dumating na ang sumpa!" Kahindik-hindik ang tinig na'yon na nagmula sa isang matanda. Lalong bumagsik ang paninindig-balahibo ng lahat. Pati ang mga salamangkero na nandoon pa ay nangibabaw parin ang pagkagitla.

"Malaya na ang dragon!" Parang naghahasik talaga ng lagim ang matanda, dahil nakakapanindig-balahibo ang bawat bibigkasin nito. "Matakot na kayo!" Pagbabanta pa nito.

"Paano mo na laman ang tungkol sa dragon? Nakita mo rin ba?" Usal ni Xerxez, nahalos mapatayo sa inuupuan. Nagsitabi ang mga kawal na nag-aaligid sa harapan ni Xerxez. Nagkaroon ng bulong-bulungan ang lahat, nagtataka at nanghihilakbot sila sa mga narinig nila. Hindi ito sumagot, ngunit nanlilisik ang mga mata nito. "Anong sumpa ang pinagsasabi mo?"

"Mararamdaman nyo ang mga kababalaghan!" Matinik na pagkakasabi ng matanda. Parang mabilaokan sina Xerxez, lalo na't may mga natutuklasan na silang kakaiba. Mga bagay na hindi maipapaliwanag. Bigla tuloy nakaramdam si Phalleon ng kakaibang kaba. Kaninang umaga ay tinaliaan niya ang kanyang sugat dahil parang nangingitim ang sugat niya. Malihim na hinawakan ni Phalleon ang kanyang kamay, at hinimas-himas na ibig sabihin lang ay parang natatakot siya sa sumpa, at iniisip din niyang, sangkot ang kanyang sugat sa sumpa. At ang uwak na'yon ay may sumpa!

"Darating sila ano mang oras!" Mabulwak na pagkakasabi matanda. Ang mata ng matandang-kuba ay nanunuligsa. Hinahanap niya ang mga mukha na matatapang. Animo'y namimilipit ang mga katawan nila na hindi makagawa ng pagprotesta o sabihing Hindi totoo ang lahat. Wala din lakas si Phalleon, ang dating maingay pagdating sa mga kababalaghan, ngunit ngayon mismo siya ay naging tahimik.

"Ang mga prinsipe ay kailangan ng makainom nito, ng isang beses lang." Inilabas ng matanda ang isang halaman na hindi pangkaraniwan, walang nakakakilala sa nakita nila halamang yon, pero alam nila gamot yon na makakalunas sa sakit o sa sumpa ng mga prinsipe. Inutusan ni Xerxez ang isang kawal upang abotin ito.

"Ang lakas ng mga prinsipe ay naagaw at naglaho, dahil Hindi nila nakayanan ang mga nilalang na pumasok sa katawan nila." Nangungusap ang mga tinig ng matanda.

"Wag kayong mag-alala, hindi mapapahamak ang dalawa, matagal umipikto ang gamot ng halamang yan dahil matindi ang pagkaubos ng kanilang malay. Pero nasisiguro kong magigising ang dalawa." Tumalikod na ito.

"P-paano ang sumpa?" Pahabol ni Xerxez. "Paano naman namin maaalis ang sumpa?" Nanginginig ang mga tinig na'yon. Tumigil ang matanda pero Hindi ito sumubok na humarap sa kanila.

"Walang lunas sa sumpa!" Sabi nito namay kalaliman ng boses. "Ang sumpa ay nasa mundo na natin." Nagpatuloy na ito ng paglalakad. Parang natahimik ang mundo nang mga Sandaling iyon. Paglabas sa pintuan saka lang nahimasmasan si Xerxez, agad niya inutusan ang isang kawal na malapit sa kanyang tabi, na pabalikin upang bigyang gantimpala ang matanda. Bilang tugon ng kawal ay tumakbo na ito ng mabilis, para maabutan niya ito, pero iniisip niya na maaabutan niya agad ito dahil bukod na matanda na ito ay mahina pa kung lumakad. Kaya naman tiyak na maaabutan niya ito. Pagdating niya sa labas ng pinto, napadilat siya ng makitang wala na doon ang matanda kahit kalalabas palang non, hindi naman naabutan ng isang minuto ng utasan siya ng hari, kaya't imposibling maglalaho lang iyon ng saglit. Tinanong niya ang isang kawal doon na nakatayo.

"May nakita ka bang dumaan dito? Isang matandang kuba?" Tanong nito sa isang kawal na nakatayo sa pintuan. Sinagot siya nito. "Wala akong nakita." Sabi ng kawal. Sumagot din ang kasama nito na nakatayo din sa kabilang kanto ng pintuan. "Wala kaming nakitang kuba dito mula pa kanina? Wala din kaming nakita na pumasok siya sa loob." Pagtataka pa ng kasama. "Hanapin mo sa ibaba."

Nagpatuloy ito ng paghahanap, nagtanong-tanong siya sa mga tao na nandoon, subalit bigo siya sa paghahanap. Samantalang naghihintay naman sina Xerxez sa pagdating ng kawal ngunit wala pa ito. Kinulimbat siya ni Matheros.

"Mapagkakatiwalaan ba natin yon, ang matandang kubang yon?" Tanong ni Matheros na may pag-aalinlangan. Naiintindihan ni Xerxez si Matheros na nag-aalala ito sa kanya at sa mga prinsipe.

"Oo, Matheros, kung ito man ang tanging gamot, magising lang ang mga anak ko." Sabi ni Xerxez, kahit may agam-agam siyang nadarama. Sumagot na man si Phalleon.

"Paano kung lason pala iyan?" Nagulat ang lahat sa nasabi ni Phalleon. "Hindi natin kilala ang halaman na yan." Paglilinaw niya sa lahat. Napahikbi ang hari, at tinutukan niya ang halaman. Bumigat tuloy ang pakiramdam ni Xerxez, dahil wala parin siyang kasiguraduhan, kung tama ba na maniwala siya sa sinabi ng matanda o isiping hinala. Baka kasi pinadala iyon ng kalaban nila, sino naman kasi ang mag-aakala, malay ba naman natin may nagmamanman sa kaharian.

"Ngunit, ang mga nakita ko ay nabanggit niya sa atin?" Usal pa ni Xerxez. "Ang dragon, at alam niya rin ang nangyari sa anak ko!" Nanghihimagsik ang mga mata ni Xerxez.

"Wag tayong maniniwala sa kababalaghan!" Tinatapangan ni Phalleon ang sarili, at iniisip niya naman na ang sugat niya ay sugat, wala ng iba pa.

"Paano kung totoo nga?" Pagproprotesta na ni Matheros. "Na ang lahat ng nangyayaring ito, ay totoo! Na ang mundong ito ay nababalot na ng kababalaghan?" Nagngangalit na nasabi ni Matheros.

"Hindi tayo mga bata dito para maniwala sa mga bagay nayan!" Inis na alboroto ni Phalleon. "Ano!"

"Phalleon, iba na ang mundo natin ngayon!" Sumisigaw na si Matheros. "Baka nga isinumpa na tayo!" Napalunok si Phalleon ng malalim.

"Walang sumpa!" Ganti niya. "Binibilog lang kayo ng matandang kuba na'yon!" Nanunuyang sigaw ni Phalleon. Iritang-irita na si Xerxez sa magulong usapan ng dalawa kaya't minabuti niyang taposin na ito. Dahil kanina pang tinititigan ng mga tao sila.

"Tumigil na kayong dalawa!" Sigaw niya dito. Sa mga oras, dumating ang kawal. Hingal na hingal ito. Halos hindi mamukhaan ng hari dahil pawis na pawis pa ito.

"Mahal na hari!" Tawag ng kawal. "W-wala na po ang matandang yon!" Nanghihinang sagot nito.

"Ano?" Taka ng hari. "Paanong makakaalis na'yon, e mabagal nga yon maglakad!" Nagugulumihanang sagot ni Xerxez. "Ang akala ko nga, natagalan kayo dahil mabagàl siya maglakad kagaya ng pagong?" Taka din ang lahat ng nakikinig doon.

"Y-yan nga rin po ang ipinagtataka ko po, ngunit tinanong ko ang mga gwardiyang-kawal sa pintuan kung dumaan ito, subalit, wala daw silang nakitang matandang kuba na pumasok at lumabas sa lugar na ito."

"Ano?" Bulalas ng hari. "Tawagin sila at papasukin, kung malaman kong nagsisinungaling ka, marahil ipapuputol ko yang dila mo!" Nangyayamot sa inis na sabi ni Xerxez.

"M-mahal na hari?" Nanginginig na tugon nito. "H-hindi po ako nagsisinungaling!" Tanggol niya sa sarili.

"Hnnnk, siguraduhin mo lang!" Usal naman ni Matheros.

Agad na pinatawag ang dalawang guwardya sa likod ng pintuan. Mabilis naman natugunan ang kahilingan ng hari. Nagtataka pa ang dalawa kung bakit sila pinatawag, habang mainit ang ulo ng hari.

"Sabihin nyo sa akin ang totoo, kung ang lalaking ito ay nagsasalita ng matuwid!" Nakakapasong tanong sa pagsalubong ng hari sa kanila. "Totoo bang Hindi nyo nakita ang matandang kuba mula sa pagpasok at paglabas niya dito sa loob?"

"O-opo, Mahal na hari!" Tarantang sagot ng dalawa. "W-wala talaga kaming nakitang tao na kuba at matanda." Paliwanag ng isang gwurdya.

"Nag-iinbento ba kayo ng istorya, kunwari nagbubulag-bulagan ha, ganon?" Inis na sumbat ni Phalleon. "Mga bulag ba kayo? Kitang-kita namin na pumasok siya, tapos lumabas! Tapos ngayon sinasabi nyo na wala kayong nakita? Kasiraan na yata ito ng pag-iisip!" Masamang timplada ni Phalleon sa kanyang pagkasabi. "Siguro natutulog kayo, habang nagbabantay?" Galit nitong singhal.

"H-hindi po, pinunong Phalleon." Takot na sagot ng dalawa. "Ginagawa po namin ang aming tungkulin." Sagot naman ng gwurdyang nasa gitna. Tatlo silang nakaharap sa hari.

"Tama na Phalleon." Pagpapahinahon ni Xerxez Kay Phalleon. "Mabuti pa itigil muna natin ang usapang ito, magkakagulo lang lalo." Mando ni Xerxez.

"Makinig kayong lahat, kung totoo man o hindi ang mahalaga, alam natin ang ating mga sarili. Kaya't mahinahon kayo." Papayo ni Catana. "Wag kayong magpadala sa takot, kung ano man ang ihahatid ng bukas ay harapin natin."

"Mabuti pang kalimutan natin ang naganap." Sabi naman ni Vethor.

Naging mapayapa narin ang mga tao doon, naibsan din ang mga kaba, inis at yamot. Subalit may napansing amoy si Catana. Hindi niya alam Kung saan ito nanggagaling basta't parang gumagala-galang masamang-amoy. Parang nabubulok na amoy.

"Saan yang masangsang na amoy nayan? Mabaho! Nakakadiring amoy!" Nandidiring sagot ni Catana. Naaamoy narin ng mga kasama. "Oo, parang bulok na katawan ng tao, amoy patay! Nakakasuka!" Sabi ng isang babaing kawal doon.

Naamoy ni Phalleon ang mabahong amoy, at pakiramdam niya nasa kanya nanggagaling ang amoy na'yon, kaya't kinabahan siya. Pakunwari naman siyang napahawak sa kanang kamay niya na binalot ng itim na tila, baka siya pa ang paghinalaan ng lahat. Maya-maya naglaho ang masangsang na amoy.

"Kababalaghan na yata yon?" Sabi ni Matheros. Hindi narin umangal si Phalleon dahil alam niyang magkakaroon lang iyon ng karugtong patungo sa magulong usapan.