Nang makita ng mga sundalo na tila ba hindi umusad sila Moldovar sa pagitan ng pulang bandila.
"Tingnan mo, parang ayaw nila yata lumagpas sa pulang bandila?" Sabi ng sundalo na may hawak na teleskopyo.
"Pakawalan!!!" Sigaw ng nakatataas na sundalo at agad na kinuyom ang palad, na pahiwatig na pinapayagan na nito bitawan ang mga Jackal.
Agresibo ang mga ito animo'y rumaragasang kidlat sa sobrang bilis. "Tatlong araw na hindi sila pinakain, tiyak akong gutom na gutom ang mga yon, walang dudang sasakmalin nila ang mga pinatakas."
"Hindi lang yon, kakainin sila mula laman hanggang buto... Hahaha!!!"
Nang makita nila Moldovar ang mga Jackal na nag-aalikabok dahil sa sobrang bilis ay nataranta si Menca ngunit matapang si Moldovar na harapan ito.
"Bilisan mo ang takbo Menca, kailangan makapagtago tayo doon sa bundok na yon."
"Wala ng sapat na oras, Moldovar... Hindi na natin yon mararating ng sabay..." Iyak ni Menca. "Kailangan ko magpaiwan dito upang makatakas ka..."
"Ilang ulit ko ba sayo sasabihin na, hindi mo kailangan magsakripisyo para sa akin... Manalig ka na kaya natin talunin ang mga Jackal na yon. Sakali Mang hindi ko mapaamo o hindi ako kilalanin ng mga yon...lalaban tayo ng buong tapang!" Paghihikat pa niya Kay Menca.
Naalala ni Moldovar ang kanyang Isang panaginip, kakaibang panaginip, tila Isa itong buhay na panaginip dahil kinakausap siya ng Isang dambuhalang aso.
"Pagdating ng panahon, gagawin kitang pinuno ng mga Canis, lahat ng aso, ay magiging kawal mo at ituturing ka nilang hari, lahat sila ay susunod sayo, at sa takdang panahon ikaw at ako ay magiging Isa." At Simula ng managinip siya noon, naging matalas na ang kanyang pang-amoy, at tila ang mga aso sa kanya, mailap man o mabangis ay napapaamo niya ito kapag nahahawakan niya o kapag nasasalitaan niya ito.
Kaya malaki ang tiwala ni Moldovar sa kanyang sarili na magagawa din niyang mapaamo ang mga yakal na yon, Lalo pa't kilala na siya nito dati pa.
Sa abot ng makakaya nila ay nakatungtong sila sa paanan ng bundok sapat na yon para hindi na sila mapansin ng mga sundalo ng Moonatoria ngunit sa kasawiang palad, naabutan sila ng mga yakal.
Pinigilan ni Moldovar si Menca na sumigaw o maglikha ng komosyon na magiging sanhi ng pag-atake.
"Dyan lang kayo!" Pigil niya dito ngunit dahan-dahan pa din itong lumalakad papunta sa kanila, at umiikot ito sa kanila na para bang naghahanap ng tiyansa kung sakaling magkaroon ng pagkakataon. Naririnig nila ang parang kulog ng mga bibig nito na kanina pa gustong sumakmal ngunit dahil kalmado si Moldovar at alam niya ang bawat galaw ng mga ito kaya hindi nagkakaroon ng tensyon.
"Hindi ito madadaan sa usapan, isipin mong aso ang mga yan, kaya walang saysay kung hindi tayo manlaban."
"Shhh...wag mo sila tingnan sa mata... Tumingin ka lang sa mga paa nila, buntot, at tainga. Wag ka din tumakbo!!!" Alam kasi ni Moldovar na kapag ang mga aso ay nagagalit, o hindi nila makilala ang tao sa pamamagitan ng amoy, nagiging iretable sila. Nagiging marahas ang mga aso kapag tinitingnan sila sa mata Lalo na kung hindi nila kilala ang tao. Ang paglapit ng aso ay paraan ng pagkilala nila sa tao ngunit kung tatakbo ang tao hindi na nila makilala ito kaya madalas umaatake sila. At ang Gaya na man ng mga jackal na sanay kumain ng karne, nagiging agresibo silang umaatake kung nakikita nilang takot ang tao. "Wag Kang matakot, Menca."
"Anong plano mo sa kanila? Di pinakain ang mga yan ng tatlong araw, kaya walang duda na gutom ang mga yan!!" Sabi ni Menca na halos hindi na niya maintindihan ang kanyang takot. At nanginginig pa ang kanyang mga tuhod.
"Makinig kayo sa akin, ako si Moldovar ang dating pinuno ng mga sundalo sa lupain ng kaharian ng Moonatoria. Ako ay nakikiusap... Patakasin nyo kami."
Tumigil sa pag-ikot ang mga yakal at tumayo ito sa harapan nila na tila naunawaan si Moldovar. Mula doon sa sulok ng kagubatan may mga asong nagsilitaw at hindi mga pangkaraniwang aso, magaganda ang mga balahibo nito at nagsilapit sila Kay Moldovar. May dalang bihag na hayop ang tatlong aso. At ibinigay nila sa limang Jackal. Kinain nila ito at nagkaroon ng mga bahid ng dugo sa mga bunga nga nila.
At sa oras na yon, may kumausap sa kanya mula sa kanyang isip.
"Matagal nang nagtatago ang mga asong ito dahil hinihitay ka nilang pamunuan mo sila at gumawa ka ng sariling kaharian para sa mga Canis. "
"Sino ka? Bakit ko kailangan pamunuan ang mga aso, gayong mga hayop lamang sila." Naramdaman ni Moldovar na ang boses na yon ay tila pareho sa boses na narinig niya sa kanyang panaginip.
"Ako si Sirius, isang Hari ng Canis. Ako ang kausap mo sa iyong panaginip. Patunay lang yon na ikaw ang pinili ko bilang hari sa mundo nyo para sa mga Canis." Wika ni Sirius . Tumingin ka sa iyong paligid, ang mga asong yan ay mahuhusay sila sa pakikipagsapalaran sa kagubatan ngunit para silang mga asong walang nagmamay-ari. Kaya Simula ngayon ikaw na ang magsisilbing hari nila at nang buong Canis. Kaya makakausap mo at maiintindihan muna ang linggwahe ng mga Canis."
"Isa itong kahibangan, paano ako magiging hari kung aso ang pamumunuan ko? Mga hayop lamang sila na tumatahol? "
"Wag mong maliitin ang kakayahan ng aso, kung sa tingin mo mga hayop lamang sila, nagkakamali ka, sapagkat sila ang uri ng hayop na handa Kang samahan at ipagtanggol ka laban sa mga masasamang tao na may masamang hangarin." Sabi nito. "Sumunod ka sa kanilang paroroonan doon mo matatagpuan ang lupain na inihanda nila para sayo."
Gayun nga ang ginawa ni Moldovar sinundan nila ang yapak ng mga aso. Dumaan sila sa mga matitirik na kabundukan, at mga makikipot na lagusan. At pagpasok nila sa isang bunganga ng kweba ay nandoon nakatago ang isang malapad at napapaligiran ng mga malalaking bato, nasisikatan din ito ng araw at meron ding talon na hindi gaanong maingay ang ragasa ng tubig.
"Moldovar, ano ang lugar na ito?"Tanong ni Menca. "Meron pa palang lugar na hindi pa natutuklasan ng mga Moonatoria."
Nagtaka si Moldovar ng bigla na lang niya naiintindihan ang mga ingay ng mga aso doon. Parang mga tao lamang ang mga ito na nag-uusap.
"Naririnig mo ba ang ingay ng kanilang pag-uusap, Menca??
"Ano? Wala akong naririnig na may nag-uusap?" Sagot nito na may pagtataka at may pangungusisa sa kapaligiran. "Mga asong nagkakaholan lamang ang naririnig ko."
"Ibig sabihin ako lang ang nakakarinig at nakakaunawa sa linggwahe nila."
"Anong linggwahe?"
"Ang linggwahe ng mga Canis!"
May nakita si Moldovar na Isang malaking tipak na bato ngunit may pormang upuan doon sa itaas ng bato. Umakyat si Moldovar upang matanaw niya ang buong lawak ng lugar. Habang nandoon siya sa itaas may asong kumausap sa kanya.
"Matagal ka na namin hinihitay." Nagulat si Moldovar nang marinig niya ang aso na nagsasalita sa kanya. "Wag Kang matakot." Makapal ang balahibo ng aso na halos nataatakpan ang mga mata nito. Matangkad ito na aso.
"Ano ang lugar na ito?"
"Ito ang Canisrealm." Lumakad ang aso sa unahan at dumungaw sa baba. "Matagal ng panahon mula nang itayo ito ng unang hari ng Canis. Ngunit ngayo'y wasak na ito na parang isang kweba na pwede pagtaguan ng mga taong takas."
"Isa itong Canisrealm?" Namangha si Moldovar at hindi makapaniwala sa kanyang pagkakarinig. "Ngunit paano ito nagkaroon ng kaharian dito gayong, wala sa mapa ang kahariang ito?"
"Tama ka, binura sa mapa ang ipinangalan ng dating Hari. Na ang tawag noon ay Vro Zan city at pinalitan ng Outcast City. Noong namumuno pa si Vrozirus , hari ng Canis, ang lahat ng mga aso noon ay namuhay na matapang at makapangyarihan gamit ang talas ng pang-amoy, bilis, at lakas sa pagtulong sa ibang hari sa kanilang digmaan, Ngunit ang totoo wala talaga siyang kaaway, dahil mapayapa siyang naghahari dito, ngunit sa kagustuhan niyang tumulong sa ibang kaharian na inaapi ng malalakas na kaharian, naging tinik siya sa mata ng mga mapang-aping hari. Kaya sa kasawiang palad, inatake ng mga Lupus ang kahariang ito at winasak nila ang buong kaharian hanggang sa ito'y lumubog sa lupa. At Simula noon, nagkawatak-watak ang mga aso, ngunit kaming mga sanay sa bundok ay nanatili dito sa paniniwalang may darating na bagong hari." Tumingin ang aso sa kanya. At binigyan siya ng sinyas na umupo.
"Ang Sabi ni Sirius, ako ang kanyang pinili bilang hari, ngunit galing ako sa Moonatoria, at alam mo kung anong Uri ang pamamalakad at sistema... At ito'y pinaniniwalaang tagapagmana sa kapangyarihan ng Ursa na si Alioth. Ang constellar soul ng Ursa." Paliwanag ni Moldovar.
"Tama ka nga, ngunit ang Canis ay tumitingin sa taong tapat sa kanyang pinaglilingkuran na bansa."
"ako'y itinakwil at linagyan ng marka ng isang hatol ng paglimot at pagturing na kaaway."
"Makinig ka, si Sirius ang pumapasya kung sino ang hihiranging Bagong hari ng Canis." Sabi ng aso. "Pinili ka ni Sirius. Ang Kapangyarihan ng canis ay kailangan mong gamitin sa mabuting paraan. "
Naupo si Moldovar sa isang upuang bato at biglang may mga lumiliwanag na linyang kulay asul at ito'y kumalat sa buong lugar. At pagkatapos, nalikha ang Korona na para sa hari. Lumulutang ito sa hangin at ito'y may mga asul na hiyas na nakadikit sa korona.
"Isuot mo na ang Korona ng Canis."
Dahan-dahan na hinawakan ni Moldovar ang Korona, at maingat na inilagay sa kanyang ulo. At sa puntong yon, lumiwanag ang mga mata niya ng kulay asol. At nagkaroon siya ng kasuutan ng pang hari. At nagbago ang buong kapaligiran, umangat ang mga pader mula sa pagkakalibing nito at pagkatapos nasaayos ang mga wasak na bahagi ng lugar. Isa itong sekretong kaharian na walang sinuman ang nakakatonton. Nagkaroon ng ilaw sa buong kanto ng pader at naging maganda na ang lugar.
Kapag suot ni Moldovar ang Korona, kahit saang lugar sa mundo kaya niya puntahan gamit ang isip niya sa tulong ng mga aso. Nakakakonekta siya sa lahat ng Uri ng aso sa daigdig.
Nagsidatingan ang iba't-ibang uri ng aso na di mabilang ang dami. At lahat ng mga ito ay lumiliwanag din ang mga mata.
"Gagawin kong parang tao ang mga asong ito." Bumuses si Sirius. "Nang sa ganun hindi na muli mauulit ang kasawiang nangyari sa dating Hari. Ano Mang oras kung gugustuhin nila na maging tao. Magagawa nila. Sa pamamagitan nito makahawak na sila ng sandata laban sa mga tao. "
"Kamangha-mangha ang mga bagay na ito!!!" Gilalas ni Moldovar. Naging tao nga ang mga aso. Na para silang mga ordinaryong tao. "
***
"Oo... At bawat napiling hinirang ay gagamitin sila upang wasakin ang ibang hinirang nang sa ganun, sa pagbagsak ng kapangyarihan, makukuha nila ang kapangyarihan ng ibang constellar. Kaya, bilang hinirang ko, bibigyan kita ng proteksyon laban sa mga masasamang constellar. At dapat mong panatilihin ang constellar seed sa buong Canis. Dahil maaaring kunin nila iyon at angkinin. Gamitin mo at palakasin ng sa ganun hindi ka nila madaig."
"Ang hinirang ng Corvus ay natagpuan na... anumang oras pwede siya umatake sa iba pang hinirang."
"At handa siya magpadala ng hudyat ng kanyang Pag-atake. Gamit ang mga uwak ay hudyat ng panganib. Ngunit huwag Kang matakot. Darating ang mga saklolo mo sa anumang oras. Gagamitin ng mga Corvus ang ibang tao para masagawa ang kanyang mga plano nang sa ganun... Kapag wala nang laban, para na lang silang ibon na dadapo't manunuka at magsisikain. Ganun ang mga katangian ng Corvus." Paliwanag pa ng aso.
Naunawaan naman ni Moldovar ang mga sinabi sa kanya. Ngunit bilang isang hinirang, nakaramdam siya ng Kaba dahil hindi niya alam kung gaano katindi ang mga magiging kalaban niya. Alam niya sa puso niya na ayaw niya ng karahasan ngunit dahil may tungkulin siya na iniatas sa kanya. Isang bagong pag-asa ang bumukas sa kanya upang mabuhay pa ng may dangal at katapatan.
"Ngunit tandaan mo, hindi ka na pwede magkaanak muli, dahil hinirang ka na, nananalaytay na sayo ang kapangyarihan ng Canis. At ang anak mo ngayon...ay itinakdang magiging hinirang din ng URSA."
"Hindi maaari!!!"
"Ang Canis at ang mga Ursa ay hindi maaaring magsanib pwersa. Kaya ituturing mo na siyang kaaway. Ikinalungkot ko ngunit yon ang magiging tadhana ninyong mag-ama."
Biglang nagbago ang kulay ng buhok ni Moldovar. At tumubo ang kanyang mga balbas at naging kulay berdi ang mga mata niya. Hindi na siya makilala ni Menca na siya si Moldovar. Parang ibang tao na siya na hindi niya kikala.
"Ikaw ba yan Moldovar?" Tanong ni Menca sa sobrang pagtataka. Ngunit ng bumuses si Moldovar, hindi narin niya ito makilala.
"Hindi ikaw ang Moldovar na kikala ko."
"Yan ang totoong Moldovar sa kanyang kaloob-looban. Sa tulong ng kapangyarihan kaya lumabas ang kanyang tunay na anyo mula sa kulay, boses, at pananalita."
Binigyan ng aso si Menca na makaunawa sa salita nila. Kaya laking gulat niya ng marinig nito ang boses ng aso. "Tandaan mo Menca, ang mga Canis kapag ginagalit, nagiging madilim ang isipan nila, ngunit kung sa katapatan naman, kaya ka nilang ipaglaban sa abot ng makakaya nila. " Paliwanag pa ng aso. "Wag Kang mag-alala... Siya parin yan."