Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 20 - Chapter 20

Chapter 20 - Chapter 20

Matapos ang mga gabing yon na maset-up nina Lancaster si Moldovar, ay doon na nagkagulo-gulo ang buhay ni Moldovar, . Binayaran nila ang isang saksi na magsinungaling at ipalabas na si Moldovar ang pumatay sa kanyang kaibigan. Ngunit dahil ang saksi ay asawa ng kaibigan ni Moldovar ay nakonsinsya ito, ngunit sa kasawiang palad palihim din itong pinaslang nina Harrison kaya hindi na ito nagkaroon ng pagkakataon na bawiin ang kanyang nasabi. Kamatayan ang ihahatol ng hari sa kanya kahit na magkadugo sila at matalik na kaibigan ito ang isinisigaw ng mga pamilya ng kaibigan ni moldovar, ngunit dahil sinulsulan siya ng reyna.

"Alam ko ang iniisip mo at ramdam ko yon na labag ito sa damdamin mo, dahil sayo mismong hatol mamamatay ang matalik mong kaibigan.." pakunwari ni Azonia.

"Isa nga akong hari ngunit, masakit para sa akin na mangyari ang bagay na ito." Napabuntong-hininga na lamang ang hari dahil sa napakabigat ng dinaramdam niya at nakakahawa ang kalungkutang iyon sa tunay na nagdadalamhati.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Sabi ni Azonia. Napailing na man ang hari at nagtataka sa ikinikilos ng asawa niya. "Sinabi mo na ang solusyon mismo sa bibig mo!!"

"Ngayon lang kita nakitang nag-iisip asawa ko, ano ba ang gusto mong ipahiwatig?" Sabi ni Harthur na malungkot parin ang mukha at nanlulupaypay.

"Ikaw ang hari, at ikaw din ang makakabigay ng solusyon sa nangyayari, total lahat na man tayo ayaw siyang mamatay at walang ibang paraan na pwede pigilan ang kamatayang hatol kapag napagpasyahan muna ito bukas maliban na lang kung papalitan mo ang hatol."

"Kamatayan lamang ang hatol sa sinumang nagkakasala." Maikling tugon ng hari.

"Lagdaan mo ito ngayon, at ipamamahagi ito sa konseho ngayong gabi upang ipaabot ang bagong kasulatan ng hatol mula sayo." Planadong-planado na ni Azonia ang mga hakbang niya.

"Labag ito sa konseho kapag hindi ito dumaan sa pormal na pagsusuri... Kailangan itong pagpulungan." Sagot pa ng hari. "Mag-isip ka nga!"

"Buhay ng kaibigan o hatol na kamatayan niya?"

"Pinapapili mo ako?" Maang pa ng hari. "Malamang alam mo ang sagot ko!" Binasa ni Harthur ang kasulatang hatol. At nagulat siya nang mabasa niya ito. "Isa itong....!" Halos maghandusay siya sa pagkakaunawa niya. "Hindi! Isa itong kahibangan!!! Hindi ako papayag!!!"

"Yon lang ang tanging paraan!!!"

Sa pagsapit ng umaga sa bulwagan sa harap ng intabladong pag-uusig. Nagsitipon ang mga tao para pakinggan ang huling hatol ng hari. At si moldovar na nakagapos gamit ang kahoy na nasa leeg niya at nakasaklay ang mga kamay habang nakakadena. Hindi ito pangkaraniwang paghahatol, sapagkat kilala ng marami na mabuting tao si Moldovar, at ang kamatayang hatol ay hindi talaga natutugma para sa isang tao na naglingkod ng matuwid.

Sa mga sandaling nandoon pa siya sa entablado't sinisigawan siya ng ilang tao lalo na ang mga kamag-anak ng namatay na kaibigan niya, sinisisi siya sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At habang nandoon siya, tila may hinahanap siya na kahit sa huling araw niya ay masilayan man lang ang mukha ng isang sanggol na bunga ng isang lihim na pagtataksil ng reyna sa hari. Anak niya si Whyte. At nagtaksil din siya sa hari dahil sa bugso ng tukso.

Tumunog na ang kampanang naghuhudyat ng paglilitis ng kamatayan. Sa puntong yon, hindi pa lumalabas si Harthur sa kanyang silid at tila nahihirapan siyang pagpasyahan ito.

At nang oras na ng paghahatol, siya ay nagsulat muna ng mensahe para kay Moldovar sa isang maliit na sulatan. At doon sa entablado ng paghahatol, siya ay nagsalita.

"Mula sa kinikilalang bansa na makapangyarihan, ang Moonatoria, at bilang ako na Hari ay pinawawalang bisa ko ang hatol na kamatayan!" Nagulat ang lahat, ngunit ikinasisiya iyon ng mga mahal sa buhay ni Moldovar.

"Mabigat ang kasalanan ng lalaking ito, wala ng ibang hatol ang pwede ipares sa kanyang kasalanan!!" Sigaw pa ng mga nangunguna sa protesta Kay Moldovar.

Dumungaw si Azonia mula sa isang veranda siesta ng palasyo, habang inaalalayan ng mga tagasilbe, pinapayungan at pinapaypayan ng malumanay. Akay-akay nito ang sanggol habang mahimbing na natutulog.

Tumayo ang mga nakatataas sa konseho at nagsalita. "Hindi pwedeng mapasawalang bisa ang hatol niya sapagkat lumabag siya sa batas natin, at mula sa batas ng Moonatoria siya ay dapat mamatay!"

"Kung gagawin mo ito nang walang maayos na dahilan maaari ka maalis sa pwesto." Sabi pa ng isa doon.

"Ang sinuman magkasala basta't sa ngalan ng batas ng Moonatoria, ito'y hindi tumitingin sa kung sino ito o kung ano ang pagkakilanlan nito." Tugon ulit ng naunang nagsalita.

"Makinig kayo, ang taong ito ay hahatulan ko ng bagong hatol!" Sabi ni Harthur. Natimimi ang mga tao sa paligid. Naguguluhan ang mga konseho.

Tumunog ang mga trumpeta, Isang sundalo ang nagmamadaling lumapit sa entablado at may hawak-hawak na kalatas.

"Magbibigay ka ng isang bagong hatol na hindi dumadaan sa aming pagpupulong?"

"Kalapastanganan na ito sa ating ordinansya at maging sa ating batas."

"Hindi ito pormal!"

"Palibhasa kasi kaibigan niya ang nasasakdal!" Bulungan pa ng iba. "Sigurado tayo, ginagawa niya ito para iligtas ang Isang kaibigan."

Gumawa ng ingay si Azonia mula doon sa itaas upang himukin ang atensyon ng mga tao. "Bakit kayo na iinis? Kayong mga matatalino na walang ibang gawin kundi ang maupo at magsalita, utak ba talaga ang ginagamit nyo O panghuhusga lamang?"

"Sino ba ang mapangahas na yan?"

"Ang bagong Reyna ng Moonatoria!" Sigaw ni Lancaster. "Magbigay pugay!"

Nagsalita na si Harthur at binuklat niya ang kalatas sa harap ng mga konseho upang ipabasa sa kanila.

"Ang bagong hatol ko Kay Moldovar..."

Nagkatinginan ang mga pinuno ng konseho, tila pinag-aaralan nila ito kahit saglit.

"Lilisanin ni Moldovar ang bansang Moonatoria at ituturing na kaaway, ang sinuman bumanggit sa kanyang pangalan, ang sinuman magsalita tungkol sa kanya...ay papatayin!"

"Kahindik!"

"Mula sa araw na ito, pakakawalan siya ngunit ito na rin ang huling araw na kikilalanin siya, kung babalik siya dito o kahit makita man lang na umapak siya sa lupain, dapat siya patayin. Ngunit kung baliwalain nyo ang utos na ito kayo ay bibitayin, at ituturing na kasabwat at spiya ng bansang ito."

"Sa araw na ito, lalagyan siya ng marka." Dumating agad ang Isang sundalo na may hawak na Isang pinainit na bakal.

Nag-iiyakan na ang mga mahal sa buhay ni Moldovar at di nila matanggap na ganito ang gagawin Kay Moldovar.

"Oras na para tatakan siya!" Sigaw ng isang sundalo. May dalawang sundalo na lumapit Kay Moldovar at mahigpit na dinala sa harap ng entablado. Itinaas ng sundalo ang bakal na may pagyayabang sa maraming madla.

Lumapit si Harthur Kay Moldovar at palihim na inilagay ang sulat sa loob ng damit nito. Hinawakan niya ito sa balikat bilang pagpapaalam.

At pagkatapos nito, lumapit na ang Isang sundalo at agad na hinawakan ang ulo ni Moldovar at pinayuko niya ito ng patagilid. At ang liig ay kanyang tinatansya na lagyan ng isang tatak.

Napasigaw at napaungol sa sobrang sakit si Moldovar. "Ang taong ito ay markado na!!" Sigaw ng lalaki na nagmarka sa kanya.

"Sino ka na ngayon? Di kita kilala?" Pangungutya ng lalaki.

Nalulula si Moldovar dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya. At hinihila na siya ng mga sundalo patungo sa labas ng Moonatoria, at ipahahabol sa kanya ang mga yakal na mababangis. Rinig na rinig niya ang mga iyakan ng mga tao doon. Pilit man niya na abotin sila ngunit ang mga sundalo'y pwersahan siyang hinihila.

"Moldovar!" Iyak ni Menca. "Mahal kita!!!" Isang pag-amin ng pag-ibig sa gitna ng gumuguhong pader o sa pahahon ng dilubyo.

"Isama siya!!!" Sigaw ng Isa pang sundalo. "Gusto niya mamatay!"

"Hindi!!!!" Hilakbot ni Moldovar. "Wala siyang kasalanan!!! Wag nyo siya idamay!"

"Kasasabi lang ng hatol, ngunit nagpakatanga ang babaing yan."

"Bakit mo ipinahamak ang sarili mo? Menca, hindi mo na sana yon ginawa." Iyak ni Moldovar.

"Mahal kita Moldovar, kung mamamatay ka man lang mabuti ng sabay na tayo!!!"

"Sige na!! Nakikita nyo ba ang kagubatang yon, pumunta kayo doon sa abot ng inyong makakaya. Dahil kung hindi, ang limang yakal na ito ang kakagat sa mga katawan nyo!!!" Sabi ng nangungunang sundalo at may pangungutya pa.

"At pagsapit ng pangalawang araw, kung makita naming nandoon pa kayo sa gubat na yon, at makitang buhay pa, tatapusin na min ang buhay nyo... Naiintindihan nyo ba?"

"Tandaan nyo to... Babalik ako sa lugar na ito dala ang aking paghihigante!" Marubdob na bilin ni Moldovar.

"Iyon kung mabubuhay ka sa mundong kasusuklaman ka ng lahat ng bansa!" Nandoon sila Lancaster nanonuod kaya agad na sumagot ito.

"Bibigyan kita ng isang "clue" bago ka umalis..." Sabi ni Lancaster. "Ngunit wag mo Sana ito ikagulat."

"Alam kong may kinalaman kayo..."

"Nagbibintang ka ba?" Sabi ni Harrrizon. "Sino ba ang lalaking ito at tumatahol sa atin?"

"Total, sira na ang magiging buhay mo... At wala ka naman mapupuntahan pa, bakit hindi na lang natin sabihin sa asong ito... Na ang minsan pang basahan na pinatuloy sa kaharian ang naging ipinampunas sa makinis mong baluti at ang basahang yon ay naging kasing kintab na ng ginto!" Sabi ni Lancaster. "At heto.." binigyan siya ng Isang kasuutan ng Isang sanggol. "Yan ang magiging clue na maibibigay namin sayo. "

"Ang kasuutang ito..." Medyo napailing at tinitigan niya ito ng maige at kinuyom ng mahigpit.

"Mukha yatang nagustuhan niya ang ibinigay mo, Lancaster." Sabi ni Harrrizon. "Sahalip na magtaka siya, tila yata alam niya ang bagay na ito?"

"Hindi na yon mahalaga.. basta't nasabi na natin ang bagay na ito.. kahit na bumalik siya dito at maghigante, wala pa din siya magagawa dahil alam naman ng lahat minarkahan na siya." Mahinang Sabi ni Lancaster Kay Harrizon.

Suminyas na si Lancaster sa sundalo na pakawalan na sila Moldovar. At pagdating nila sa kalagitnaan pakakawalan naman ang mga asong yakal.

"Isa ka ng asong gala...woof worfff !!!" Tuya pa ni Woeffelon.

"Sige na!!" Sigaw ng sundalo. "Pakawalan na ang mga yan!!!"

"Sige Takbo!!! Bilis!!!" Sigawan pa ng ibang sundalo.

"Baka bitawan ko na ang hawak Kong yakal na nagpupumiglas!" Ingay din ng ibang sundalo na humahawak sa mga kadena ng mga yakal.

"Wag muna!" Nakataas na ang bukas na kamay ng sundalo. Sa puntong ito, tumatakbo sila Moldovar sa abot ng bilis na kaya nila. Nahihirapan man si Menca ngunit kinaya nito sa tulong din ni Moldovar.

"Kumapit ka lang sa akin Menca!!!"

"Wag mo akong isipin Moldovar... Ano man ang mangyari... Iligtas mo pa rin ang sarili mo, mamamatay ako na ililigtas ka."

"Hindi, pareho tayong mabubuhay."

Binabalak ni Menca na maging pain sa mga yakal upang hindi na habulin si Moldovar ng mga ito, ngunit buhay niya ay itaataya niya.

"Wag Kang tumigil!!! Sabi ni Moldovar at nagulat siya nang makita niya ang balak na gawin ni Menca.

"Sige na, Moldovar... Tumakbo ka na!!!" Umiiyak na Sabi ni Menca.

"Hindi... Huwag Kang tumayo na lang diyan."

"Sige na!! Lampasan muna ang pulang bandilang yon..."

"Makinig ka sa akin, hindi mo kailangan magsakripisyo para iligtas ako. Tayong dalawa ang haharap sa mga jackal na yon... Manalig ka sa akin, malalampasan natin ito."

"Moldovar, hindi mo naiintindihan, walang sinuman ang nakakaligtas sa mga yakal na yon.

"Tandaan mo, naging pinuno din ako, at alam kong makikilala ako ng mga jackal na yon." Malaki ang tiwala ni Moldovar na mapapaamo niya ang mga Jackal na yon, dahil noong mga panahong namumuno pa siya, palage niya ito pinapakain, hinihimas, at lahat ng aso doon sa Moonatoria ay tila ba maamo sa kaniya.

"Paano mo nasisiguro?"

"Manalig ka sa akin!"