Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

Laging naririnig ni Azonia ang tungkol sa tsimis ng mga tao tungkol sa pagkatao ng hari nila. Dati napakaraming naghahabol kay Harthur sa pangarap na maging reyna, ngunit nagtagal wala ng gustong magpakasal sa kanya, dahil halos maubos na niya ang mga kababaihan sa buong lupain ng Moonatoria. Mahanap lang ang babaing makapagbibigay ng anak. Parang nandidiri na sila dahil sa ilang babae na ang nasipingan ni Harthur. O minsan nga'y naghahanap sila ng babae mula sa ibang bansa para maasawa ni Harthur.

Dulot ng kawalang pag-asang magkaanak, ay nahumaling si Harthur na magliwaliw na lang sa mga pook aliwan, mag-inom ng alak at magpakasasa na lang sa sugal. Sa isang pagkakataon, nagkita ng landas sina Harthur at Azonia doon sa pook aliwan.

"Gusto ko ng babae!" sigaw niya doon sa may ari ng pook aliwan. Sa mga oras na ito, lasing si Harthur. Malayo palang nakilala na ni Azonia ang boses ng sumusigaw kaya dagli siyang lumapit at hinusayan niya ang kanyang paglalakad na may pang-aakit, sinadya niyang dumaan sa harapan ni Harthur. "ikaw, gusto mo bang magpakasal sa akin bukas?" sigaw niya kay Azonia.

Nagkaroon ng ideya si Azonia na gamitin ang pagkakataong yon para mangyari ang kanyang mga pangarap kahit sa panandalian lamang. "hindi ko talaga inakala na mismo pa ang hari ang aalok ng kasal sa isang tulad ko. Pagkasinusuwerte nga naman!"

"Sige, sa isang kondesyon!" Sabi ni Azonia habang nilalambing ang lasing na hari. "payag ka?"

"para sa tulad mong maganda, malalaki ang hinaharap, at kaakit-akit ang mga labi ay payag ako sa kahit anong kondesyon mo.." nahahalina si Harthur sa katawan ni Azonia at parang takam na takam na siyang dalhin ito sa kanyang silid.

"Gawin mo akong Reyna ng Moonatoria!" Sabi ni Azonia habang

Natahimik saglit ang hari, at tinitigan ito ng di pangkaraniwang titig. At ngumisi ito na parang nababaliw.

"Ang lahat ng naging asawa ko ay wala ni isa sa kanila ang naging reyna ng Moonatoria dahil hindi nila natupad ang kasunduan, kaya mismo na sila ang umaalis. Magiging reyna ka lamang kung bibigyan mo ako ng anak?" sabi ng hari. "pero kung mabibigyan mo ako ng anak… sasabihin ko sayo, pagkasilang ng pagkasilang ng anak natin ay magiging reyna ka na ng Moonatoria."

Napatayo si Azonia mula sa pagkakaupo sa mga binti ng hari. Sumimangot ito at ayaw niya pansinin. Alam ni Azonia na hindi mangyayari ang hangarin niya dahil alam niyang matutulad lang siya sa ibang babae na inasawa lang tapos hiniwalayan na kaagad. Hindi asawa ang hinahanap ng hari kundi isang himala.

"Yon lang naman ang kasunduan… kung papayag ka sa kasunduan, hindi kita gagalawin ngayon." Sabi ni Harthur. "titiisin ko muna ang aking pagnanasa sayo."

"Trabaho ko ang bumuhay sa mga patay na ugat, kung gusto mo ipararamdam ko sayo ngayon." Pang-aakit niya kay Harthur. Naisip ni Azonia na yon na ang simula ng kanyang mga plano na makaapak siya sa palasyo upang makakuha ng pagkakataon, kahit sa maliit na panahon na ilalagi niya kung sakaling hindi siya mabuntis. Pero inaasahan na niya na hindi talaga siya mabubuntis dahil dinig niya na mula sa mga nagkwekwentohuan na baog si Harthur.

"Huwag na… ang gawin mo na lang sa mga oras na ito ay mag-ayos ka na sa iyong sarili dahil dadalhin na kita sa palasyo ko upang manirahan ka na doon mula sa gabing ito." Payo ng hari.

Isinama na nga ni Harthur si Azonia sa palasyo, at pinalayas naman yong dati nitong kinakasama na babae. Ganito ang ginagawa ni Harthur sa tuwing magpapalit na siya ng asawa. Pauuwiin na niya ito kung saan man ito ng galing kapag nakahanap na siya ng panibagong ipapalit. Pero yong ibang babae, hindi na nila hinihintay na palayasin sila ng hari, dahil ang iba ay kusa na silang umaalis . ang totoo, may mga babae na ang habol lang nila ay ang maging reyna ngunit dahil hindi nagawang magkaanak kaya walang nangyari sa mga pangarap nila na maging reyna.

Sina lubong sila ng kaibigan ni Harthur, at kababata, siya ay si Moldovar. Matipuno ang kanyang pangangatawan at kaakit-akit ang kanyang kagwapuhan. Ang tungkulin niya sa kaharian ay ang panatilihin ang kapayapaan sa loob at labas ng palasyo, nakatataas din siya sa lahat ng mga pinuno ng mga kawal. Hinahangaan din siya ng mga tao sa husay niya magsalita at makipag-usap sa mga tao, at madali niya ito napapasunod. Ginagalang siya ng mga tao dahil napakabait niya sa kapwa.

At siya rin ang kanang kamay ni Harthur pagdating sa mga planong pandigma. Naiisip na rin ni Harthur na kung sa kaling mamatay siya si Moldovar ang papalit sa kanya, dahil magkaibigan sila at pinsan niya ito.

"Magandang gabi Haring Harthur… masaya akong nakauwi kayo ng maaga, susunduin na naman sana kita kung lumampas ka na sa takdang oras ng pamamasyal. At Mabuti na lang naisipan nyong umuwi ng maaga."

"Ipakikilala ko nga pala sa inyo si Azonia." Sabi ni Harthur. "mula bukas asawa ko na siya." Lango-lango pa masyado ang kilos niya. "pakihatid na lang siya sa kanyang kwarto, kaibigan." Inalalayan na siya ng mga katulong papunta sa kwarto nito. Kaya sila na lang naiwan.

"Natutuwa akong makilala ka, ako nga pala si Moldovar,at narinig mo naman, kaibigan ako ng hari pero tinuturing niya akong kapatid kapag kami na lang ang nag-uusap." Pagpapakilala ni Moldovar. Inabot niya ang kanyang kamay tanda ng paggalang at pagtanggap ng isang panauhin sa palasyo.

Nang makita ni Azonia si Moldovar para siyang na akit sa kakisigan nito. Ang labi ni Moldovar ay nakakaakit tingnan, at maging sa kanyang mukha ay nakakakuha ng pansin. Maganda at medyo kulot ang buhok ni Moldovar. Mukha siyang anghel at napakaamo niyang tingnan.

"A-ako din…" sabay abot ng kamay ni Moldovar. Naramdaman ni Azonia ang lambot ng kamay ni Moldovar na tila Isang kamay ng isang mayaman na hindi man lang narurumihan. Napakalambot nito.

"Tayo na…" Malamig din sa pandinig ang boses ni Moldovar.

Nagsidatingan ang mga alagad ni Harthur na sina Lancaster, Harrison, at Woeffelon. Tumatawa ang mga ito na tila nanghuhusga at nanunuya.

"Panibago na namang babae!" pabulyaw na sabi ni Harrison. "Sigurado akong may iiyak naman, gaya ng babae kanina na pinalayas namin… kawawang mga nilalang!"

"Bakit nyo pinalayas si Hyge?" sabi ni Moldovar.

"Yon kasi ang utos sa amin ng hari." Sagot naman ni Woeffelon.

"Hoy, ikaw babae… parang natatandaan kita, parang nakita na kita … di ko lang talaga maalala kung saang lugar yon?" sabi ni Lancaster.

"baka nagkakamali ka lang..?" tanggi naman ni Azonia.

"Malalaman ko din yon." nginitian ni Lancaster si Azonia na animo'y may ibig sabihin.

"sa napapansin ko, siya lang ang kakaiba sa mga babaing naasawa na ni Harthur." Sabi ni Harrison. Pagdating sa pagkilatis parang nakikilala na ni Harrison ang pagkatao nito. "mahilig ka mag-ayos ng iyong buhok, halatang sanay na sa mga kemikal na pangpaganda yang mukha mo, para kang isang… " hindi na tinuloy ni Harrison ang kanyang sasabihin. Parang sinadya niyang itago ang kanyang pagkilatis.

"Umalis na kayo! Wag nyo na siya guluhin." Sabi ni Moldovar. Nakinig naman ang tatlo, pero habang papalayo ito, si Azonia parin ang sentro ng kanilang topiko.

"Simula bukas hindi ka na nila guguluhin… "

"Salamat…"

"ito nga pala ang kwarto mo." Binuksan niya ang kwarto, at pinapasok niya si Azonia.

"lahat ng mga makikita mo sa loob ng silid na ito ay pwede mong kunin at gamitin."

Naupo si Azonia sa kama at tinitigan niya si Moldovar ng may pang-aakit na sulyap. Habang nakatayo lang si Moldovar sa harap ng isang malaking salamin.

"May asawa ka na ba?" sabi ng dalaga. At tinitigan niya ito ng diretsahan sa mata.

"wala akong asawa, pero meron na akong nagustuhan …at tiyak kong hindi ka yon!!"

"hahaha... marunong ka din pala magpatawa Pero kung— ?"

"Magpapadala ako ng dalawang alalay mo." Sabi ni Moldovar. "Maiwan na kita dito."lumakad na si Moldovar papunta sa labas ng kwarto ngunit may sinabi si Azonia sa kanya noong sakto lang siya makalampas sa pinto.

"Kung sakaling hindi kayo magkatuluyan ng minamahal mo… mamahalin mo ba ako?"

Napatigil si Moldovar at sinabi. "Tanging ang kapalaran lang ang makakasagot sa katanungan mong yan. " At lumakad na ito.

"Ang gwapo niya." Sabi ni Azonia, at napahiga siya sa sobrang saya. Pagkatapos napatingin siya sa may salamin na puno ng mga pangpaganda sa mukha.

"hindi ko talaga akalain na makakapunta ako dito sa palasyo ng Moonatoria, at ito! Itong mga pangpagandang ito! Lahat ng ito— ay Akin!" at napunta naman siya doon sa mga malalaking kabinit na puno ng mga magagandang damit pangmayaman at tanging mga Maharlika lamang ang nakakasuot noon. Kaya't niyakap niya ang mga damit na yon ng may paglalambing. Lumaki si Azonia na mahilig sa pagpapaganda at sa pagiging pasyonista kahit na wala siyang pangmayaman na damit noon.

"simula bukas… isa na akong mayaman, at hahangaan na ako ng mga kalalakihan simpre...hindi ko kakalimotan ang mga plano ko.. Kaya walang makakapigil sa aking mga kagustuhan… pero." Napatigil si Azonia. "hindi ako papayag na panandalian lamang ang mga ito na para lamang akong nagbabakasyon, kung sakaling hindi ako makahanap ng pagkakataon."

"mag-isip ka Azonia!" kaharap niya sa salamin ang kanyang sarili. " wag mo hintaying maglaho ang mga bagay na ito sa buhay mo na parang nananaginip lang na kung magigising na wala na ang lahat." Sabi niya sa sarili. "Ito na ang oras, ngayong pinapasok na nila ang minsan pang tinanggalan nila ng karapatan.. ako na man ang maglalaro sa kanila. Lalo ka na Harthur!!!"

***