Si haring Harthur o mas bantog sa tawag na haring Athor ay nakilala dahil sa kanyang husay sa pagpapalaganap ng pagkakaisa ng iba-ibang nasyon. Sa husay at galing makipagnegosasyon at gumawa ng kusunduan na tiyak maaasahan sa anumang oras. Umaasa sa bansa ng moonatoria ang ibang nasyon kagaya ng Durasca, Brullasca, at marami pa.
Ang buong kasaysayan ng Moonatoria, ay mas nagmarka sa kanila ang pagiging maagap at mapaghimagsik na bansa laban sa mga bansang sumasakop sa ibang teritoryo ng mga bansang naging kakampi o kaalyansa. Tanging ang Thallerion lang ang nakatalo sa Moonatoria ngunit hindi rin yon masasabing na talo sapagkat Isa lamang iyong Hamon sapagitan ni Hedromus at Xerxez. At dahil sa kapusukan ng hari ng Moonatoria noon kaya nabawi ng Thallerion ang lahat ng bagay na kinuha ng Moonatoria sa kanila. Ngunit, namamayagpag parin ang pagiging mahusay na bansa.
Kinatatakutan ng mga karatig bansa, gaya na lamang ng Durasca, Englondrax, Rhinecarus at sa Philadelphinox. Nakilala ang bansang Moonatoria bilang Puting-mandirigma at ang matibay na puting-pader na pinakasikat sa lahat.
Tinatawag noon ang bansang Moonatoria bilang Ligaw-na-uso o mas kilala dati na Woz. Maraming ligaw na uso ang madalas nagpapakita sa mga tao at madalas napapasabak sila sa mga mababangis na hayop na ito.
Si haring Harthur ay may isang anak na babae kay reyna Azonia. Tinuturing na prinsisa ang anak ng hari na si Whyte, isang maladiosang-kagandahan kung ilarawan ang kanyang kagandahan kahit sa mura pa nitong edad. Masaya si Harthur dahil sa kanyang anak.
Noong nagsisimula palang siya maging hari, di na mabilang ang mga babae na naasawa niya, ngunit ni isa ay hindi siya nagkaroon ng mga anak. Kaya hinihiwalayan niya ang mga babae at naghahanap ng panibago sa hangaring magkaroon ng anak na magmamana sa kanyang kayamanan at sa pamumuno. Dahil doon, nagdulot ng malaking depresyon sa kanyang buhay, hinugot niya sa pakikidigma at wala siyang awa ubosin ang mga kalaban niya, ngunit hindi parin siya naging masaya. Nagmistulang miserable ang buhay niya, marami nga siyang kayamanan o maging sikat man siya sa buong daigdig kung hindi naman siya magiging masaya .
Ang buong paniniwala ng lahat ay talagang may deperensa sa kanyang pagkalalaki, yon ay baog siya. Wala din siyang kapatid na pweding magpalit sa kanyang trono sakaling pumanaw na siya. Dahil doon masasayang lang ang mga plano niya para sa Moonatoria. Ngunit may pinsan itong nagngangalang Moldovar na tinuturing niyang kapatid at kaibigan. Pareho silang wala ng ama, kaya nagturingan na lang silang magkapitid.
Ngunit sa pag-aalala ni Athor na baka hindi siya magkakaroon ng anak sa kanyang magiging asawa pa, Iniisip niya na sa magiging anak na lang ni Moldovar ang pwede maging kahalili sa kanyang trono. Subalit, sa mata ng mga tao isa itong kabiguan para sa isang hari.
Isang dapit hapon noon habang nagbabasa siya ng mga kasulatan ng ibang nasyon at mga karatig bansa patungkol sa kanilang mga hinanaing pang ekonomiya, sistemang pangsekyuridad at mga reklamo patungkol sa kanikanilang mga problema. Ay nakatulog siya sa sobrang pagod na maghapon siyang nagbasa at nag-aral ng mga iyon.
Isang panaginip ang naghayag sa kanya ng isang pangitain, isang babae ang nakita niyang nagsasayaw sa kanyang harapan. Ngunit nang nilapitan niya, nakita niya na isa na itong Oso subalit biglang naglaho na parang ulan ng yelo. At pagkatapos nakarinig siya ng isang tinig ng isang lalaki na nagsasabi: "wag mong pilitin ang sarili mo sa paghahanap ng babaing magbibigay sayo ng anak. Sapagkat sa darating na mga araw matatagpuan mo siya at lalapit sayo."
"Sino?" Sabi ni Athor ngunit kita sa kanyang mukha ang Kaba at pagkagulat. "Impossible na yata na meron pang babae na makakabigay sa akin ng anak!"
Sumagot yong lalaki. "Ngunit sa puntong ito, mauutakan ka ng isang babae."
"Ano?— ano bang klaseng babae ba siya para mautakan ako— Isa ba siyang mayaman, mataas ang Uri ng kanyang pinag-aralan? Ano?!!"
Tumawa lang ang lalaki.
"Sino ka ba?" Sabi ni Athor. "Hindi mo ba kilala kung sino ako?!!" Sabi pa niya. "Ako si Harthur, hari ng Moonatoria. Wala pa yata sa buong buhay ko ang nakatalo sa husay at talino ko!!!"
"Masyado kang bilib sa sarili mo!" Sita pa ng lalaki. "Tingnan mo kaya kung ano ang kahinaan mo?!"
"Mukha yatang minamaliit mo ako ... Bakit di ka magpakita?— Tika anong lugar ito!!!?" Nagulantang si Athor ng makita niyang nasa isang kagubatan siya, ngunit may umuulan na yebe.
"Ito ay isang Dimensyon!!!"
"Dimensyon?!!" Nataranta siya. "Isang mundo o lugar na hindi nauugnay sa realidad!!! Isa na ba akong patay para makita ko ang lugar na ito?"
"Huwag kang magulat, may digmaan ka pang haharapin sa mundo mo Kaya di ka pa patay!"
"Ano?!! Ngunit mapayapa ang Moonatoria sa mga panahong ito. At kailan man walang nangangahas na kalabanin ang bansa ko?" Suhesyon niya.
"Masyado ka ngang bilib sa sarili mo, di mo ba naisip na yan ang pwede maging mitsa ng buhay mo! Subalit, dahil nagustuhan ko ang pagiging ikaw o ang pagkatao mo, may malaki akong handog para sayo."
"Talaga na mang ginugulat mo ako, ang tulad mong hindi ko nga nakikita o kilala ay may balak pang regaluhan ako." Natatawa si Athor.
"Ako si Alioth!" Malakas na tinig nito. "Pinili kita na maging hari ng Ursa!"
"Ano!!!" Nanlaki ang mga mata ni Athor sa pagkakarinig nito na halos hindi makapaniwala. "Ursa!!" Napabuga siya ng saglit. "Alam mong kinasusuklaman ng mga tao Noong una pang panahon ng mga moonatorian ang biglang pagsulpot ng mga Oso, Lalo na kung ito'y maghahasik ng lagim." Sa Tono at areglo ng kanyang salaysay para siyang nagrereklamo at tumatanggi.
"Sinasabi mo din ba na kinapopootan mo din ang mga Ursa?"
"Hindi— Ngunit ayaw iyon ng mga mamamayan ko. Galit sila sa Oso. Takot ang iba sa Oso. At ayaw nila sa isang hayop na malaki at mapanganib!"
"Kung mapanganib na Oso ang kinatatakutan nila, ano naman kung ang isang tulad mo ang maging hari ng Oso?!"
"Eh pati ako magiging halimaw sa mata nila!!!"
"Ganito na lang, ipapakita mo sa kanila na kaya mong pasunurin at paamuhin ang mga mababangis na Oso. Halimbawa na lang ang itim na Oso na ito!!!"
"Ano!!!" Kinabahan bigla si Athor. Naalala niya noong bata pa siya nang biglang sumulpot ang malaking parang halimaw na Oso na maitim sa loob ng pader. "Ang halimaw na yan!!!
"Oo, siya nga!!!" Ipinakita sa kanyang harapan ang buong wangis nito. Ngunit ang pinagkaiba nga lang mas lalo itong tumangkad at tumaba. May mga piklat pa ito sa mukha at nakakatakot ang haba ng mga kuko nito.
"Isa lang yan sa patunay na mabangis ang Ursa!"
Doon na nagising si Athor. "Isang panaginip? Hindi kaya Isa yong babala na merong makakapasok na kalaban sa loob ng pader?" Kaya Simula noon naglagay siya ng mga gwardiya at mga pinuno sa bawat lagusan upang magsilbing bantay sa bawat bantang paparating. Binaliwala lang niya ang panaginip na'yon, subalit di niya namamalayang mangyayari ang ang sinabi ni Aliot sa kanyang panaginip ang tungkol sa babae.
AZONIA: ang tinutukoy na babae
Sa isang bayan na nasasakop ng Moonatoria na tinatawag na Crescenta village ay may nakita si Athor na isang babae na tinuturing na nagbibinta ng aliw sa kanilang bayan. Siya ay si Azonia, bansag sa kanya ng mga tao doon ay isang kalapating mababa ang lipad.
Ang totoo, ulila na si Azonia dahil patay na ang mga pamilya nito, itinakwil na rin siya ng mga kamag-anak niya nang malaman nitong nagtratrabaho ito sa isang lo-ok kung saan nagbibinta ng aliw sa mga kalalakihan. Ngunit ang di nila alam, Isang tuso na babae si Azonia, hindi niya hinahayaan na may makasiping sa kanya na lalaki. Ang totoo pera lang ang habol niya sa mga lalaki. Hindi niya hinahayaan na magalaw ang pagkababae niya sa dahilang may mga plano pa siya.
Ang totoo marami siyang mga paraan upang hindi siya masipingan ng lalaki. Ngunit dahil yon ang trabaho niya, Iniisip ng lahat na isa siyang babae na mababa ang lipad.
Napakataas ng pangarap ni Azonia kahit na sa kalagayan niya, hindi siya tumigil na mabuhay. Wala siyang maituturing na pamilya. Wala din siyang pinagtaposan ng pag-aaral at lalong hindi siya tanggap ng mayamang sosyalidad sa Moonatoria.
"Balang araw makakaapak din ako sa palasyo ng Moonatoria." Sabi niya noon, habang nakikita niya mula sa malayo ang palasyo. Mula ng maulila si Azonia dahil sa hatol ng hari na si Hedromus sa kanyang mga magulang dahil pinaratangang spiya ng bansa ang mga ito, lahat ng angkan ni Azonia ay nadamay at inilagay sila sa pinakahamak na Uri ng lipunan, tapos ang kanyang mga magulang ay binitay sa harap ng maraming madla, at si Azonia naman, tinanggalan ng karapatan na makapag-aral, at hindi rin siya pwede makapunta sa lungsod ng mga mayayaman, at lalong hindi siya pwede makapunta sa kaharian ng Moonatoria dahil nabibilang siya sa pinakahamak na antas sa lipunan ng Moonatoria. Maliban na lang kung hari ang magpapasok sa kanya.
Kaya pumasok siya sa trabaho ng mga babaing mababa ang lipad, dahil nabalitaan niya noon na doon pumupunta ang hari upang magpakalasing. Ito lang ang mabisang paraan niya para makalapit siya sa hari. 'gagawin ko ang lahat upang sirain ang Hari ng Moonatoria.' bulong niya sa kanyang isip. "Naniniwala ako, Agitta na balang araw makakabalik ang angkan namin sa maayos na stado. "
"Hindi ba't inabandona ka na din ng sarili mong angkan dahil sa trabaho mo ngayon?"
"Maiintindihan din nila balang araw." Sabi ni Azonia. "Makakahanap din ako ng lalaki na magdadala sa akin sa Moonatoria!"
"Tumigil ka na nga diyan sa kapapantasya mo!" Sabi ni Agitta isang babae na nagbibinta din ng aliw. " ang mga babaing tulad natin, wala ng puwang ang mangarap ng mataas pa sa magkaroon ng asawa. . "kinadidirian na tayo ng mundo, kaya wala ng saysay ang mga sinasabi mo! At isa pa… Sino na mang baliw na lalaki ang papatol sa mga tulad natin, bruha?" Natatawang Sabi ni Agitta kay Azonia.