Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

"Paano mo na lamang nakasunod ako sa inyo?" Nakatalikod parin si Matar. Nakasuot ng pula at nakatalukbong ang babaing ito na halos natatakpan ang mukha.

"Ang reyna ng Moonatoria... Natutuwa ako sa aking nasisilayan ngayon, reyna Azonia." Humarap na si Matar. Ngunit may punyal na biglang lumapit sa kanyang liig. Ngunit ngumisi lang si Matar at hindi man lang nagulat. "Tunay ka ngang mapangahas." Sabi pa niya.

"Hindi ako naniniwalang inutusan kayo ng Thallerion para maghatid ng mensahe." Mas diniin pa niya ng kaunti ang talim ng pinya sa liig ni Matar na naging sanhi ng pagpula ng balat nito.

"Humihon ka, Azonia!" Sabi ni Matar. "Hindi mo ako kaaway!"

"Kung ganun sabihin mo sa akin ang totoo, totoo ba na hinahamon ng Thallerion ang bansang Moonatoria?"

"Kung sasabihin ko ang totoo, ano naman ang mapapala ko sa isang tulad mo?" Ngunit biglang na mangha si Matar sa pagkakatitig niya sa mga mata ni Azonia. "Ah, sa pagkabasa ko sa mga mata mo... Parang gusto kong mangyari ang bagay na yon, hindi ba?"

"Tumigil ka sa ginagawa mo!" at binaba nito ang punyal. At tumalikod. "

"Paano kung sabihin ko sa'yong wala talagang digmaan na mangyayari sa pagitan ng inyong bansa at ng Thallerion?"

"Ano ba talagang kapalit ang gusto mo?" Sabi ni Azonia.

"Sa nakikita ko, mukhang maaasahan ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo ngayon." Sabi ni Matar.

"Wag mo akong bilugin, Matar, sabihin mo sa akin ang totoo at ibibigay ko sayo ang kapalit."

"Ang totoo wala akong balak na manglimos sa isang tulad mong mayaman at matapang na reyna. Yon ay kung papayag ka makipagsabwatan sa akin para sa digmaan."

"Kung digmaan ng Thallerion at ng bansa mo, hindi kita matutulungan. Ngunit alam ko pinaiikot mo lang ang storya."

"Hindi mo nga ako binigo Azonia, alam kong handa ka sa ganitong bagay. At asahan mong hindi magiging kaaway ng Moonatoria ang Ossibus."

"Sa tingin ko nagkakasundo tayo sa bagay na ito, ngunit lilinawin lang kita, kapag trinaydor mo ako, pwede kong baguhin ang kwento ng Ossibus."

"Malinaw sa akin ang lahat ng bagay, Azonia... Ang tanong— handa mo bang gawin bagay na yon?"

"Magkita na lang tayo." Yon lang ang sagot ni Azonia. Agad na umalis si Azonia ng walang kahit anong bakas na iniwan.

"Maagang magiging ulila sa ama ang bata." Sabi pa ni Matar sa kanyang sarili. Umalis na din siya nang matanaw niyang siya na lang ang mag-isa doon.

Ngayon pauwi na sila papunta sa Ossibuz. Dadaan parin sila sa dati nilang dinaanan. Makikipaglaban parin sila sa lamig. Ang matira ang siyang matibay! Ngunit dumaan muna sila sa lupain ng Brollasca.

"Mahal na hari, hindi ba't ito ang lugar na sinasabi na sinumpang lugar, bakit tayo aapak dito?" Sabi ni Laniro.

"Ang dami mong alam Pinunong Laniro." Mangha ni Gallexe.

Tumingin si Matar sa himpapawid at nakita niyang makulimlim ito. Nagtaka na man ang mga kasama niya sa kinikilos niya.

"Mainit ang lugar na ito ngunit makulimlim... Tunay ngang merong sumpa dito." Sabi ni Laniro. "Umalis na tayo dito."

"Wag muna..."

Bago sila bumaba sa barko inutusan sila ng Hari na magdala ng mga pangbungkal na gamit. Ngunit wala silang ideya kung para saan iyon.

"Magbungkal kayo ng lupa." Utos ni Matar doon sa mga kasama nila na may hawak na pangbungkal ng lupa. Kinabahan tuloy ang mga magbubungkal dahil sa isip nila tao ang ililibing doon sa hukay na gagawin nila.

"Pinuno, para saan ang hukay na gagawin ng ating hari?" Natatakot na tanong ni Gallexe.

"Di ko din alam... Sige na Utusan muna sila na magbungkal."

"May ililibing ba ngayon?" Sabi pa ni Gallexe. "Wala naman bangkay sa ating bangka...? lahat naman na namatay ay itinapon na sa karagatan ng orcasian. Hindi ba!?" Saad pa nito.

"Wag ka na masyadong matanong, gawin nyo na ang ipinauutos ng hari." Dagling sagot nito, ngunit nakatingin siya sa kinarorounan ni Matar na tila may kausap ito na hindi nila nakikita.

"Sige na gawin nyo na!" Gusto niya lapitan si Matar upang alamin kung sino ang kinakausap nito. Lumapit agad siya Kay Matar.

"Mahal na hari, may kausap po ba kayo dito? Sa bandang malaking bato na ito?" Sinilip niya sa likod ng bato ngunit wala naman. "Mahal na hari, kaninong bangkay ang ililibing doon sa butas na pinapagawa mo?"

"hindi ililibing kundi bubuhayin!" Mahina niyang tugon na tila nagmumuni-muni. "Tumahimik ka, dahil may sinasabi sa akin ang tao na aking napanaginipan."

"Sino?"

"Oras na para gawin ang ritwal ng Corvus na ipinauutos niya para sa darating na digmaan."

"Digmaan? Hindi ba't sinabi mo sa akin ang Thallerion at ang Moonatoria na ang magkakaroon ng panibagong digmaan." Taka niya.

"Digmaan para sa mga itinakda!" Sabi ni Matar.

"Mga itinakda? Mahal na hari ano ba ang mga pinagsasabi mo, naguguluhan na ako, bakit hindi mo ipaliwanag?"

"Nalalapit na bumagsak ang bagay na yan!!" Tumingala si Matar sa langit at nakita nila ang Isang maluningning na bituin. Nahindi naglalaho ang kislap.

Inilabas ni Matar ang Isang bangkay na uwak na si Corvys. "Ang uwak na yan!" Hilakbot ni Laniro.

May bumuses na nilalang sa di matukoy na deriksyon.

"Mahal na hari, may narinig ako na tao!" Sabi ni Laniro. Lumapit din si Gallexe pati na ang iba pa, at tumigil sila sa pangbungkal. Iniisip nila na baka may mga kaaway na dumating ngunit lumingon sila sa buong paligid, wala silang nakita o maging anino ng mga hayop.

"Mahal na hari, may nakakatakot na boses ang narinig namin habang nagbubungkal sila."

"Kayong mga may kapansanan, may sakit at mapapayat. Lumapit kayo sa akin. At magsihawak sa uwak ko. "

"Mahal na hari, para saan ang bagay na ipagagawa mo sa kanila?" Tanong ni Gallexe.

"Manood kayo ng mabuti Laniro at Gallexe, para sa gagawing ritwal."

Biglang nagbago ang panahon, naging madilim at kumikidlat. Lumalakas ang hangin.

"I-angat nyo paitaas ang uwak!" Sigaw ni Matar dahil lumalakas na ang kulog at kidlat. May biglang usok na lumabas sa uwak ngunit nag-aanyong mukha ng mga halimaw. Natakot ang mga kawal na nakahawak ngunit gustuhin man nilang bumitaw ay hindi na nila magawa. At ang mga halimaw na yon ay nagsipasok sa mga katawan nila, at nagbago ang kilos at galaw nila, nangaligkig at nag-astang mga hindi pormang tao ang galaw.

Lahat sila ay biglang tinamaan ng kidlat mula sa itaas at sumabog. Laking gulat nila Laniro sa pagkakasaksi, buong buhay nila doon pa lang sila nakakita kung paano tamaan ng kidlat ang tao.

"Mahal na hari ano ba ang ritwal nayon ba't sila natamaan ng kidlat?" Bulalas ni Gallexe. "

"Umalis na tayo didto, sapagkat paparating ang alamat ng ibong kidlat." Pangamba ni Matar.

"Tayo na Gallexe, sumakay na tayo sa barko." Sabi ni Laniro. "Ipaliliwanag ko sayo mamaya kung ano ang ibig sabihin ng hari." May narinig silang hiyaw ng malaking ibon mula sa itaas ngunit wala silang nakita o maging sinyales ng katawan ng ibon.

Agad sila nakasakay sa barko at umusad ba man ito ng madali papalayo sa lugar. May kumausap ulit sa kanya mula sa kanyang isipan. "Nabigo ka sa utos ko sayo. "

"May kalaban na dumating."

"Ang Aquila ang gumawa ng bagay na yon, kaya ka hindi nagtagumpay. Ngunit dahil hindi pa sapat ang aking kakayahan kaya ikinalulungkot kong hindi ko sila nailigtas."

"Ang akala ko, matagal ng nagtapos ang buhay ng maalamat na nilalang ng Elanthro?"

"Naisilang na ang bagong tagapangalaga ng nilalang na ito."

"Sabihin mo sa akin, sino ang taong yon?"

"Kahit na sinong katulad ko ay pinoprotektahan nito ang taong kanilang pinili laban sa mga nilalang na may kakayahang hanapin o maramdaman kung nasaan o sino ang hinirang."

"Ano ang gagawin ko gayong merong kumukuntra sa iyong kapangyarihan?"

"Huwag lang mag-alala...gawing mo lang ang mga pinaplano mo."