"Mahal na hari, kung hindi mo masasamain, ang taong ito ay taga ossibuz ngunit bakit tayo maniniwala na galing sila sa Thallerion na balita natin, meron Silang kasalukuyang hidwaan." Sabi ng Isa sa mga pantas doon.
Tumaas lamang ang kamay ni Harthur na nagpapahiwatig lang na tumigil muna sa pagsasalita.
Nang makita ng lahat ang sinyas ni Harthur, sila ay tumigil sa pagsasalita, ngunit patuloy parin ang kanilang mga kuro-kuro at nagbubulungan. Kaya nang magkaroon na ng katahimikan pinatuloy niya ang salaysay niya. "Subalit, pinarusahan nila kami dahil sa paglabag namin sa kasunduan, ang huwag pumasok sa lupain ng Wendlock kailanman. Pumunta kami sa kaharian nila para makipag-usap at humingi ng tulong subalit, itinakwil nila kami at pinarusahan. Oo, may hidwaan kami ngunit.... Hangad lang naman namin ay karagdagang pagkain at gamot dahil laganap na sa amin ang taggutom at sakit." Pakunwaring naging malungkot ang mukha ni Matar at bumubuntong-hininga. "Sabi nila, tutulungan lang daw nila kami, kung- " tumigil ito ng saglit. "Kung susunod kami sa isang kondesyon, isang mabigat na parusa ang ibinigay sa amin, iyon ay ang pumunta sa kaharian mo, Harthur. May sadya sila kung bakit kami naririto ngayon sa harap nyo, iyon ay dahil may gusto silang ipaalam sayo, isang hudyat ng paghahamon!" Nagulat ang lahat.
"Hinahamon tayo ng Thallerion?" Sabi ni Azonia na tila naglalaho ang galak. Tahimik lang ang hari na nakikinig.
"Ang alam ko… kasalukuyan kayong hinahamon ng Thallerion, ano ang nangyari sa alitan ninyong dalawa?" pagtataka ni Harthur.
"Hindi kaya isa itong patibong, mahal na hari?" sabi ng isang pantas doon.
"Yon din ang iniisip ko." Sagot niya doon sa isang pantas at pagkatapos, tiningnan niya si Matar. "Napaka-imposible ng ganitong kaganapan, tila yata pangbata lang ang hidwaan ninyo?"
"Sinasabi ko na nga ba kahina-hinala ang mga taong yan!" sumbat ni Azonia. "Hindi dapat natin pagkatiwalaan ang mga taong yan!"
"Kaya ngayon, ipaliwanag mo sa akin kung ano ba talaga ang pakay mo dito sa kaharian ko?"sabi ng hari.
"Sa katunayan niyan, ang hudyat na ito ay ibinigay sa amin, isa't kalahating linggo na ang nakakalipas. Lulusob sila sa inyo at ito ang katibayan." Lumingon si Matar kay Laniro. At agad naman na ibinigay ni Laniro ang hawak-hawak niyang hudyat.
"Hudyat?" Gilalas ni Azonia. "Y-yan ba ang hudyat?"
"Paano mo mapapatunayang sa kanila nga galing ang hudyat nayan? O baka naman, gawa-gawa nyo lang iyan at inbento! Alam Kong naghahanap lang kayo ng pagkakataon, at marahil pa nga nagmamanman kayo ngayon, para makapagsamantala sa amin, tama ba ako?" Paghihinala ni Harthur.
"Ma-mahal na hari, huminahon kayo, sapagkat nagkakamali po kayo." Dagling sagot ni Matar. "Tingnan nyo ang hudyat na ito, at ang pinagsulatang ito. Hindi ba't tanging ang Thallerion lang ang may ganito at sila lang ang nakakagawa ng ganitong sulatan. Maski man kayo'y walang ganito? At isa pa sa patunay, nilagdaan ito ng hari ng Thallerion." Pagpapaliwanag ni Matar. "Kung hindi kayo naniniwala, hawakan nyo, tingnan at kilatising maige. Hindi kami nagsisinungaling." Paghihikayat nito.
"Mahal Kong asawa, natatandaan ko ang bagay na'yan!" Mataginting na pagkakasabi ni Azonia. "Ganyan na ganyan din ang mukha ng sulatan nang minsa'y dinalhan tayo ng mensahi galing sa Thallerion, yan ang ibinigay sa atin. Walang duda, sa kanila nga galing ang bagay nayan!" Pag-aalala ni Azonia.
"Kilala din namin ang bagay na'yan, mahal na hari." Sabi ng mga pantas.
"Nakakapagtataka naman, ang Thallerion ay hindi gumagamit ng ibang panauhin at lalong hindi ang kaaway! Si Cathark lamang ang kanilang inuutusan." Sabi ni Harthur, nabigla si Matar at medyo kinabahan ang mga kasama ni Laniro. Tinutukan ni Harthur si Matar at hinahanapan na sila ng mga masasamang reaksiyon at mga kahina-hinalang sinyales sa mga kilos nila. Para na silang tinutuka ng mga mata ng hari. Nakakakaba! Subalit pigil na pigil parin sina Matar, kaya agad na sumulong si Matar para panindigan at mananggala ng mga kasinungalingan.
"Haring Harthur, kung Hindi kami inutusan ng Thallerion, Hindi sana kami makapagbibigay ng hudyat sa inyo?" Mahinahong sagot ni Matar. "Ang totoo, Hindi namin gusto ito, pinilit nila kami na papuntahin dito para ipahatid ang gusto nilang mangyari." Malungkot na pagkakasabi ni Matar. "Kung hindi sana laganap ang gutom at sakit sa bayan ko, Hindi sana kami lalapit. Kung wala sanang sakit at taggutom sa Ossibuz, malamang nandoon ako sa aking kaharian nagpapahinga't nakaupo kagaya ng ginagawa nyo." Masyado ng madamdamin si Matar sa kanyang pagkakasabi. "Tingnan nyo ang aking mga kawal. Mga mapapayat na at dinadapuan ng mga sakit, dahil walang sapat na pagkain para sila ay lumakas muli at lumusog." Hikayat ni Matar.
Minasdan na talaga ng matagalan ng hari ang mga kasama ni Matar. Kanina pa niya naririnig ang ubong pilit na pinipigilan pero masyadong lumalala ang ubo kapag pinipigilan. Nakita rin niya ang isang kawal na walang paris ng mata, ang dalawang ubod ng payat. At mga may sira sa kulusugan na medyo mapapayat at mapuputla. Isa lang ang nakita nitong malusog at matipuno. Ganoon din ang ginawa ni Azonia, subalit para siyang kinakain ng awa.
"Mukhang totoo nga, mahal Kong asawa." Sang-ayonong sambit ni Azonia. "Tingnan mo nga talaga ang mga mukha nila at mga balat, talagang payat-na-payat. Nakakaawa!" Naaawang sabi ni Azonia.
"Oh reyna ng Moonatoria, tunay ngang busilak ang puso mo at maawain." Pagpupuri pa ni Matar.
"Wag mo silang kaawaan, Azonia!" Masimangot na usal ni Harthur. "Dahil baka mas masahol pa yan sa mga tigreng-gala!" Pagngangalit pa ng hari.
"Pero, hindi mo ba nakikita?" Nangingibit-balikat na pagkakasabi ng reyna. "Bahala ka nga!" Tinarayan nito ang hari. Tumahimik ito sa at umalis.
"Bago kami pumarito, haring Harthur," Dumadagundong tinig ni Matar. "May sinabi sa amin si Xerxez!" Napalingon ang lahat at ang ibig sabihin lang ay gusto nilang marinig ang sasabihin ni Matar.
"Ano yon?" Nangungusap na titig ni Harthur. "Ano ang sinabi ni Xerxez?" Napansin ni Matar na parang may nangyayaring hilakbot sa mga kinikilos ng lahat. Masukal na pagkakatingin ni haring Harthur.
"Kapag hindi daw kayo makikipaglaban sa kanila," Seryosong pagkakasabi ni Matar. "Ay iisipin nilang, Duwag-ang-Moonatoria!" Diin pa ni Matar. "At bilang patunay daw na kayo ay sumang-ayon sa hamong iyon, pumunta kayo sa Brollasca ngayong darating na Linggo." Udyok pa niya dito. "At kapag naman ay Hindi kayo sumunod patunay lang iyon na naduduwag ka. Isa pa, kaya raw niya natalo ang ama mo ay dahil mas magaling siya kay sa sa amo mo. Kaya, ano pa kaya kung ikaw, wala ka na raw pinagkaiba sa ama mo na mahina, at mapurol sa digmaan!"
"Sa tingin ko, isip bata lang ang nagsasabi ng ganoong bagay. Malayo ang Brollasca para sa ganoong paghaharap, sa tingin mo ba maniniwala ako sayo?" Galit na sabi ni Harthur at napatayo sa kinauupuan. Mga sundalo paalisin sila sa harapan ko. "Patatawarin kita sa araw na ito, ngunit kapag nalaman ko na hindi ka nagsasabi ng totoo, ako mismo ang magdedeklara ng digmaan laban sayo at sa bansa mo!"
"Sandali lang, wag mo sana isipin na isa lamang itong biro ang pag-uusap natin ay hindi ang pagpapatawa sayo. Patutunayan iyan ng kapalaran." Sabi ni Matar.
"Umalis na kayo!" Sigaw ni Harthur. "Hindi ko kailangang magtiwala sa inyo!"
"Kung ayaw mo pa umalis, baka magbago ang isip ko! Baka Hindi na kayo makabalik pa!" Inis na singhal ni Harthur.
"Mahal na hari, Matar. Tayo na!" Masuyong sabi ni Laniro.
"Paalam sa inyo... Kami'y aalis na!" Maamong paalam ni Matar. "Tayo na mga kasama!" Sabi nito.
Naiwang may inis at yamot sa mukha ng hari. Sumisilakbo ang tindi ng pagkainis, ngunit buo ang loob niya na hindi siya basta-basta naniniwala sa mga ganyang kwento. Alam niya kung anong uri ng bansa ang Ossibus, na kilala ng karamihan na isang tuso at mapanlinlang. Kahit na isa lang itong paghahatid ng mensahe wala siyang balak na paniwalaan iyon.
Sinundan parin sina Matar ng mga kawal papalabas ng kaharian at papunta naman sa lagusan ng White Wall. Ang apat parin na pinuno ang naghatid sa kanila papalabas.
"Masuwerte talaga kayo!" Sabi ni Esthanef.
"Siguraduhin nyo lang na totoo ang mga sinabi nyo, dahil kung Hindi pupuntahan talaga namin kayo sa kaharian nyo at maniningil!" Pananakot pa ni Wadroth.
"Papatayin ka namin, Matar!" Sabi ni Yttmirh. "Pati kayo, Laniro!"
"Nagpapatawa ba kayo sa hari namin?" Ganti ni Laniro.
"Wag na kayong bumalik pa dito, dahil sa susunod na pagbalik nyo —patay na kayo!" Sabi ni Kinchith.
"Wag kayong mag-aalala dahil nasisiguro kong babait kayo sa amin." Sabi ni Matar.
"Mukha mo!" Sabi ni Wadroth na may pagkasuklam.
"Paalam sa inyo." Sabi ni Gallexe. Kumaway-kaway pa ang mga kasama ni Gallexe.
"Sandali lang!" Pahabol ni Yttmirh. Lumingon naman sina Matar, inihagis ni Yttmirh ang mga sandata nilang binalot ng tilang-kulay kayumanggi na maladilaw ang kulay. "Muntik nyo makalimutan!"
"Salamat at ibinalik nyo!" Medyo may pagkasarkastikong sabi ni Matar. "Akala ko naman ay aangkin nyo na ang mga sandata namin?" Pangungutya pa ni Matar. Ngunit tumawa ang mga ito.
"Hindi kami mahirap, at lalong hindi namin kailangan ang bulok nyong sandata, baka magdala pa yan ng malas at kalawang dito sa amin!" Sabi ni Esthanef.
"Basura lang yan para sa amin." Sigaw naman ni Kinchith. Pinagtatawanan nila sina Matar. "Umalis na kayo!" Bugaw nila.
Pumasok na ang apat at sumara na ang lagusan. Nagpatuloy na sina Matar sa paglalakad pa balik. Tagumpay si Matar sa kanyang plano at Hindi pa sila napahamak. Halos tumalon sa tuwa ang mga kasama ni Laniro at pati siya ay nakahinga na maluwag. Ilang araw na kasi siya palaging kinakabahan at natatakot kaya ngayon ipagpapasalamat niya ang kaligtasan nila sa hari. At simpre malaki din ang nagawa nila kahit hindi sila nagsalita, ang pagpapanggap na mahina't kaawa-awa ay malaking tulong na'yon para kumbensihin at paniwalaan sila ng Moonatoria. Ngunit hindi naging kumbinsido ang hari sa sinabi ni Matar. Ngunit ang totoo, isa lamang iyon taktika para magkaron siya ng bagong pagkakataon.
"Laniro, mauna na kayo sa barko." Sabi ni Matar.
"Hindi pwede mahal na hari... Mapanganib ang gagawin mong ito." Tutol ni Laniro. "Dito lang kami sasama sa iyo. Kung magpapaiwan ka dito mag-isa pwede ka dito salakayin nang hindi namin na mamalayan."
"Manalig ka sa akin, sige na! Umalis na kayo at asahan nyong darating ako agad." Sabi ni Matar na matatag niyang inutos.
Natahimik si Laniro at sumunod nalang. "Mag-ingat na lamang po kayo mahal na hari."sabi ni Gallexe.
Sa kinatatayuan ni Matar, marami ang kahoy doon na mapuputi at May mga malalaking tipak ng bato. Tumayo lang siya doon na parang nahuhulaan niyang may darating na tao. Mula sa likod niya may naririnig siyang yapak na paparating sa kanyang likod ngunit hindi siya gumalaw para usisain yon. Bagkus nag salita siya. "Kanina pa kita hinihintay!"