Nakasara pa ang lagusan ng White-Wall, at hinarangan ng apat na kawal ang lagusan. At ang apat na pinuno na'yon ay sina Wadroth, Esthanef, Yttmirh, at si Kinchith. Nakaharap ang mga kawal na ito sa kanila habang nakahawak na sa spada. At ano mang oras handa silang umatake at pumatay, kung may magkakamaling gumalaw ng hindi kanais-nais at kung mukhang aatake ang kaaway. Ngunit alam ni Matar na mga pinuno ang apat na nakatayo sa harapan nila.
"Anong ginagawa nyo dito?" Sabi ni Yttmirh isang lalaking matangkad at malapad ang pangangatawan. Tinitigan niya ang mga kasama nito at napatawa. "Yan ba ang mga kawal mo?"
"Nakakatawa sila!" Tawa naman ng pangalawang lalaki na kalbo at may mahabang balbas. Siya si Wadroth. "Magpapatawa ba kayo sa hari namin?" Tumawa silang apat.
"Bakit hindi mo dala ang buong bayan mo?" Sabi naman ni Esthanef nasa kanan ni Wadroth.
"Hindi ko kailangan ang tulad nyo! Wala akong panahon para aksayahin ang oras ko para makipag-usap sa tulad nyo." Galit na sumbat ni Matar, ngunit tinawanan lang siya nito.
"Oo nga naman, hari ka nga ng Ossibuz, at Hindi ka rin makakapasok sa pader na ito hangga't hindi pa mapapasyahan ng hari. Mahirap na, kung magtiwala kami sayo." Seryoso ang pagkakasabi ni Wadroth.
"Ngayon ipaliwanag mo nga sa amin kung ano ang iyong dahilan kung bakit kayo narito?" Tanong naman ni Kinchith na nasa kanan naman ni Esthanef. "Bakit ka karapatdapat na papasukin sa pader na ito? Ang mga tao lamang na may kailangan at sadya ang pinapapasok dito, maliban na lamang kung yang pinunta nyo dito ay para sa hari!"
"Nais kong makausap ang hari!" Sagot ni Matar. "May ibibigay kaming hudyat para sa kanyang kaharian. Mahalaga ito!"
"Ibigay mo na lang sa amin, at makakaalis na kayo." Sabi ni Yttmirh.
"Hindi ako papayag!" Paglalapastangan ng hari. "Paano namin malalaman kung tunay ngang ibinigay nyo? Kailangan ko siyang makausap ng harap-harapan, hari para sa hari!"
"Gusto nyo bang mamatay?" Galit na sabi ni Esthanef. "Ipinagbabawal ng hari ang magpapasok ng kalaban sa kaharian niya!" Paliwanag pa nito. "Kaya kung ako sa inyo, mas mabuti pang umalis na kayo, huwag ka ng humangad na makakapasok kayo sa loob."
"Bakit Hindi nyo muna kausapin ang hari at ipaalam sa kanya na narito ako at may sasabihin." Sabi ni Matar. "Sige aalis agad kami kung ayaw niya ako kausapin ng harap-harapan. Nakikita nyo naman na kaunti lang ang bilang ko at kahit hanapan nyo pa sila ng mga sandata ay wala silang itinatago, dahil hangad lang namin ay makausap ang hari nyo. Yon lang naman! Ipagdadamot nyo pa ba yon?"
Nagkatitigan ang apat na kawal, at halatang pinapasyahan nila ito ng maige. Ngunit sa huli para silang nakumbense.
"Sige, pero siguraduhin nyo lang--- dahil alam nyo na marahil kung saan kayo dadamputin? Kamatayan!" Singhal ni Kinchith.
Umalis na ang apat at pumasok na muli sa loob ng lagusan ng White Wall. Pagpasok ng apat agad na sumakay sila sa mga kabayo nito at mabilis na nagpatakbo papunta sa kaharian. Isang milya pa ang haba at layo ng kaharian kaya naman isang oras naman ang nasayang. Minamasdan naman nila Matar ang paligid, sa itaas ng pader ay may mga kawal na nagbabandera ng mga pana nito, minamasdan sila at sinusubaybayan ang bawat kinikilos nila Matar. Nilalamig na ang mga kasama ni Matar dahil kanina pa sila naghihintay ngunit wala pang dumarating na tugon mula sa hari. Bumulong si Laniro.
"Mahal na hari, isang oras na tayong naghihintay dito, pero wala pa sila? Kailangan ba talaga tagalan ang pagpasya nila?" Pabulong ni Laniro. "Mukhang kailangan na nating umalis, dahil napapansin Kong kanina pang tutok na tutok sa atin ang mga kawal na'yon."
"Wag kang matakot, Laniro. Ganyan naman talaga ang trabaho ng mga kawal, kundi ang magmatyag at makipaglaban. Hay sawa na ako dyan! Nakakawalang-umay!"
"M-mahal na hari, parang bubukas na ang lagusan?" Gilalas ni Laniro.
"Magsihanda kayo!" Sabi ni Matar. Dahil inaakala nila Matar, na makikita na nila ang hari, ngayon din, kaya nagsitayo sila ng matuwid at halatang linalakasan nila ang kanilang loob. Malalakas na bugtong-hininga ang pinakawalan ng mga kawal ni Matar na ibig sabihin lang ay lumalaban sila sa takot at kaba. Pagbukas nakita nila ang apat at may mga kasama itong ibang kawal. Maskulado ang mga kawal na nakita nila, para silang nanliliit sa dami. Ngunit ng makita nila na wala ang hari sa tao na nagsidatingan ay nakahinga naman sila ng medyo maluwag pero natatakot parin ang mga kasama ni Matar.
"Maswerte ka Matar, dahil pumayag ang hari namin." Sabi ni Wadroth, na medyo masungit ang pagkakasabi. "Sumunod kayo sa amin! Pero bago yon sumakay muna kayo sa karitong pinapaandar ng isang malaking-baka." Mando pa nito. "Malayo pa ang ating lalakbayin." Sinulyapan lang sila ng tingin mga kasama ni Wadroth.
Napabulong si Laniro sa hari. "Kaya pala natagalan sila nang balik, dahil...ang layo pa ng palasyo..."
"Pader pa lang ang dinaanan natin, kaya wag ka masyadong mag-isip na ganon lang kasimple ang Moonatoria." Mahinahong tugon ni Matar.
Naglakbay na ang apat habang pinapasakay pa sila ng ibang kawal. Umandar na rin ito. Sa isang kariton ay pinagkasya lang nila ang sarili, medyo may kasikipan pero maiinda lang naman ang sikip. Nakikita nila na nag-uusap-usap ang apat, sumunod naman ang mga kawal habang naglalakad. Halatang sila ang pinag-uusapan ng apat, dahil sinusulyapan sila ng mga ito at ngingiti na parang may ibig sabihin at may pagmamaliit. Pareho lang ang bilis ng pagpapatakbo ng mga kabayo at sa kariton. Kaya naman, Hindi masyado malayo ang agwat ng apat sa kinaroonan nila Matar. Sinubukan ni Matar na magtanong at upang makuha niya ang atensyon nito, sinubukan niya magingay gamit ang lalamunan, pakunwari siyang nag-ehem.
"Ehmm!!! Maaari ko bang malaman kung ano ang tungkulin nyo dito sa Moonatoria?" Tanong ni Matar. Nagkatinginan muna ang apat at tila nangungusap ang mga mukha nila sa isa't-isa.
"Kami ang tagapamahala sa mga lagusan ng Moonatoria. Tungkulin namin na siguraduhin na walang makakapasok na kalaban o panauhin na Hindi muna dadaan sa amin." Sabi ni Esthanef.
"Pagdating nyo sa pangalawang pader, tatanggalan namin kayo ng mga armas at kahit anong matutulis na bagay sa inyong katawan, kahit palamuti pa yan." Sabi ni Yttmirh. "Yan din ang isa sa ginagampanan namin."
"Hindi lang pamamalakad sa lagusan ang kinaaabalahan namin, kami rin ang taga-hatid ng mensahe sa labas at loob ng Moonatoria." Sagot naman ni Kinchith
"Hanggang doon lang ang pwede mong malaman, dahil Hindi mo na kailangan malaman kung ano pa ang magagawa namin." Sabi naman ni Wadroth na may pagkasimangot sa tuno.
"Masekreto!" Maang pa ni Matar.
Malapit na sila sa kaharian ng Moonatoria, nakikita na nila ang pader ng kaharian, puti din ang kulay. Pagdating doon nakikita nila ang mga kawal sa itaas at baba na nakatingin. Inalisan sila ng mga kagamitan sa katawan, kaunti lang ang nakita. Maliban sa hudyat na hawak ni Laniro ay nanatili iyon sa kamay nito, subalit kinilatis muna ito bago isinauli sa kanyang kamay.
"Lakad na!" Sabi ng kawal na nasa likod nila.
Pagbukas ng pangalawang lagusan ay bumungad sa kanila ang napakaganda at napakataas na palasyo ng Moonatoria, sa daanan palang nakakatawag-pansin na ang katubigan na nagpapalibot sa kaharian, tanging ang malapad na daanan lang ang naghahati sa katubigan na malinaw at nililiguan ng mga mapuputing gansa. May mga isda doon. Maraming ornamentong halaman at bulaklak sa paligid. Malawak ang harapan ng palasyo, at atraksiyon nito ang magandang mukha ng palasyo. Napakaganda sa labas, ano pa kaya ang sa kaloob-looban niyon? Kung ikukumpara ang kagandahan ng palasyong ito ay malubhang nakakahigit ito sa nakararami. Pinakaprestihiyoso!
Pagdating nila sa tapat ng pintuan ng palasyo, sinalubong naman sila ng panibagong kawal na yon naman ang maghahatid sa kanila patungo sa harap ng hari. Nagpaiwan ang mga kawal na kanina ay nag-aaligid sa kanila, ngunit pumalit naman ang maraming kawal, binabantayan sila buong oras at ano mang oras ay handa silang tangkaing patayin kaya't ayosin lang nila Matar ang kanilang kilos baka Hindi magustuhan ng hari, baka isang pitik lang ng daliri, ubos sila.
Binuksan ang pintuan ng dalawang kawal para sila ay papasukin. Nakita nila ang hari, na nakaupo Sa isang pilak at malaginto ang kinang. Parang nababalot ng dyamante at kworts ang buong paligid ng trono ng hari. At ang mga kagamitang makikita doon ay parang yari sa mga ginto't pilak. Napakaganda ang dayademang nakasuot sa ulo ng hari, namay palamuting hiyas na mamahalin. Siya si Harthur, ang hari ng Moonatoria. Mabagsik siya na hari, marami na siyang nasakop at napatay na hari. Siya ang tanging anak ng haring si Hedromus. Noong natalo ni Xerxez ang ama ni Harthur ay siya din agad ang nagmana sa lahat ng pagmamay-ari ng ama. Pinamunuan niya ito at pinayaman ng pinayaman at hanggang sa naging makapangyarihan na sila. Naagaw nila ang buong konteninte ng Moonatoria at balak pa nilang lusubin ang iba pang kaharian at ang mga bansa. Katabi ng hari ang asawa nito, at reyna ng Moonatoria, balot-na-balot siya ng mga alahas at halos dinadamit na niya ang mga magagandang hiyas sa katawan. Siya naman ay si Reyna Azonia. Malaki at agaw pansin ang kanyang korona, dahil sa ubod ng ganda at kaibig-ibig. Ngunit hindi lang yon, ang reyna ay napakaganda at nakakahalina, may malagintong buhok at mapupulang labi, palaging magara ang suot niya, ayaw niya na magmukhang polube o magmukhang pangit sa mata ng mga tao kaya para makuha niya ang pansin ng mga tao ay nagsusuot siya ng mga bagong stelo na pinapagawa niya sa mga embroyderia niya. May sampung mananahi siya at taga desinyo ng mga damit, at dalawang mga bihasa sa pagpapaganda.
. May anak na ang reyna, isang babae na ngayon ay umiibig narin. Prinsisa at ipinanganak na kakambal na ang kagandahan. Siya si Whyte. Palaban na bata at mahilig makipagsapalaran. Kaya niyang makipaglaban, mahal na mahal siya ng kanyang ama kaya't lage silang nagsasama at nag-uusap, kaya siya natotong makipaglaban at makipagdefensa sa sarili iyon ay dahil tinuturuan siya ni Harthur kung paano makipaglaban at iligtas ang sarili kung may kapahamakan na haharapin. Sa katunayan niyan, si Harthur ay hindi nakakapagbibigay ng anak sa asawa, yan din ang dating reklamo ng mga asawa niya noon, kaya't tinaksil siya't naghanap ng bagong asawa, ang mga asawa ni Harthur. Baog siya na hari kung baga! Hulaan nyo kung paano nagkaanak sila ni Azonia. Mautak ang reyna, yan nalang ang dapat paniwalaan.
"Mahal na hari, nandito na ang besita mo," Salubong ni Wadroth. "Wag po kayo mangamba sapagkat siniguro na naming hindi sila makakagat. Inalisan na namin sila ng mga ngipin."
"At mukhang hindi nakakatakot ang mga mukha. Matatawa lang po kayo!" Saad naman ni Esthanef. Suminyas na man ang hari na patunay na pinapayagan niya na papasukin ang mga bisita. Agad naman kumilos ang mga kawal sa pagbukas ng isang mataas na pintuan.
Sa malayo pa lang alam na ni Harthur kung sino ang paparating na panauhin nila. Inisip ni Harthur na baka plano ni Matar ang humingi ng tulong sa kanila lalo't alam niya na kasalukuyang hinahamon sila ng Thallerion. "nakakadiri naman yang mga kasama niya, mahal ko! Pabulong ni Azonia sa kanya. "para ba silang mga may nakakahawang sakit." Pandidiri ni Azonia, at kumuha siya ng isang pandekorasyong pamaypay upang takpan ang kanyang ilong.
Nang makarating na sila Matar sa harapan nila pinigilan sila ng mga gwardya na naghatid sa kanila papunta sa loob ng kaharian ni Harthur.
"hanggang dito lang kayo sa linyang ito!" sigaw ng isang gwardya.
Nagsipasok ang mga kawal at pumunta sa harapan ng hari at reyna, sila'y nagsiayos ng paharap kina Matar upang bantayan ang kanilang mga kinikilos. May dumating din papunta sa bawat gilid ng palasyo, at ang huli ay sa likuran nila Matar. May mga hawak itong pana. Tanging ang nasa harapan lang nila Matar ang may hawak na panggala. Dumating din ang mga ipinagmamalaking pantas ng Moonatorian. Para saksihan ang magaganap na pag-uusap ng Moonatoria at ang Ossibuz.
Nang nasa ayos na ang mga kawal , doon palang nagsalita ang hari ng Moonatoria. "Kumusta na Matar?" Bati ni Harthur. "Tila yata pinadpad kayo ng masamang hangin dito sa kaharian." Mabalasik na pagkakasabi ng hari at biglang tumayo ang malaabong liyon at mabalahibo angkop sa klima ng lugar nila, umungal ito na parang nangungusap kaya nagulat ang mga kasama ni matar ngunit nang himasin ito ng hari tumahimik ito at naupo habang nakatitig sa mga panauhin. "Ano ang inyong sadya't naparito kayo?" Tanong ng hari. Ngunit alam na niya kung ano ang sadya ni Matar dahil nga binalitaan na siya kanina, nagkukunwari lang siyang walang alam.
"Mahal Kong asawa, baka may mga masasamang binabalak yang mga tao na yan, laban sayo o laban sa ating lahat?" Pangungulimbat ni Azonia sa hari. Tinitigan ni Harthur ang mga kasama ni Matar isa-isa. Pagkatapos sinulyapan niya muli si Matar, at doon naman nagsimulang bumoses si Matar.
"Galing kami sa Thallerion," wika ni Matar, nakuha agad niya ang atensiyon ng lahat, at natahimik. Medyo kumunot-nuo ang mukha ni Harthur, at nagbanggaan ang mga kilay nito.
Nagkaroon ng mga usap-usapan ang mga pantas pati na rin ang mga tao na nandoon. Maraming nagtataka sa sinabi ni Matar tungkol sa sinabi niya.
"Thallerion!"
"ang bansang minsan ng tumalo sa ating bansa!"
"Hindi ito maganda!"