Pinapunta na rin ni Laniro ang mga napili niyang mga kawal sa sasakyan nilang barko. Pagkatapos ay nag-usap sila ni Adamoth. Subalit, ilang saglit nagbago ang anyo ng kalangitan naging makulimlim at humangin ng malakas. Maya-maya ay nagsidatingan ang mga hiyaw ng uwak, at nakita nila ang maraming uwak na nagsipatong sa mga bubong ng palasyo. Natakot ang lahat dahil sa dami ng uwak, ay halos mangitim ang mga bubongan ng palasyo. Binubugaw nila ang nakakapangilabot na dami ng uwak. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang mga ito. Pero ang alam nila ay isa itong kababalaghan. Isang malagim na araw. Maiingay ang mga uwak at nagsisiliparan at nagsisipangdapo ang mga ito sa kung saan-saan. Pinatawag agad nila ang hari, para makita ang nangyayari sa labas ng palasyo niya. Nang malaman ni Matar ang nangyari sa labas ay hindi siya nabigla o natakot bagkus nginitian pa niya ang nagbalita sa kanya.
"Tumigil kayo sa pamamato't pamamalo sa mga uwak!" Sigaw ni Matar. "Mababait ang mga uwak nayan, mga kasamahan natin sila, na naghuhudyat ng magandang balita para sa ating lahat!!!." Singhal niya sa mga tauhan niya. "Kagaya sila ng uwak kong si Corvus na mabait."
"Pe-pero mahal na hari, parang mga salot sila sa kaharian mo?" Sabi ng isang kawal na may hawak na pana.
"Hindi sila mga Salot!" Sigaw ni Matar na parang umaapoy sa galit. Tumitig ang uwak na nasa balikat ni Matar at humiyaw na parang may ibig sabihin. Pagkatapos noon bigla nalang inatake ng mga uwak ang kawal na'yon na pinagalitan ni Matar. Tinukatuka at kinain ng kinain ang mga laman at namatay ang kawal na'yon. Natakot ang lahat sa pagkakakita. Tumindig ang mga balahibo ng mga tao sa kahindik-hindik na pagkakasaksi sa atake ng mga uwak.
"Tingnan nyo, Hindi sila mga kaaway. Tutulungan nila tayo sa mga kaaway natin!" Sabi ni Matar. "Ang sinumang kokontra sa gusto ko tiyak mamamatay. Kagaya niyan." Turo niya sa kawal na kinakain ng uwak. Nagsiliparan ang mga uwak at naiwan ang mga kalansay na wala ng laman, nagkalat ang dugo at ang baluti nito'y nasira narin at gutay-gutay na. Kahindik!
Nagsiliparan ang mga uwak papalayo at hiwa-hiwalay ang deriksiyon ng lipad. Hindi lumilad si Corvus ang uwak ni Matar kundi nanatili ito sa balikat niyang nakapatong. Nagtataka ang lahat, kung ang kababalaghang yon ay kagagawan ba ng hari o ng uwak. Natatakot na sila sa hari, pati din sa uwak. Iniisip nila na may kakayahaan si Matar na kontrolin ang mga uwak. Nakakabigla man pero wala silang magagawa kundi ang manahimik sa takot.
Nagsimulang naglakbay sina Matar papuntang kanluran, sakay ng mga itim na kabayo. Inihatid sila ng ilang kawal papunta sa karagatan, at pagdating nila doon nakasakay na ang biente-unong kawal. At may mga kawal din doon na guwardya ng barko. Nagbabantay sila doon. Sasama din sila sa paglalayag. Apat na oras ang linakbay nila Matar, mula sa kaharian patungo sa daungan ng barko.
Sinimulan na ang paglalayag. Malaki ang barkong ito, kaya nitong dumaan sa naninigas na karagatan at nagyeyelo. Simula pa lang sa unang araw ay marami na silang nadadaanang yebe at nasasalubong. Malalaki ang tipak ng yelo na lumulutang sa dagat. Masyado ng malamig ang temperatura.
Sa pangalawang araw, may nasalubong sila na isang barko na wasak-wasak at binabalot na ng yebe. Ang barkong ito ay pinaniniwalaang winasak ng isang malaking balyena. Tumitindi na ang lamig, at nakakamatay na. Mga higanting yelo at gabundok na anyo ng yelo ang kanilang nakikita. Habang papalayo, lumiliit at kumikipot ang daanan ng barko sa kalagitnaan ng naninigas at namumuting katubigan ng Orcasian. Sa mga kasama ni Matar ay tatlo na kumalas at namatay. Hindi nila kinayanan ang matinding lamig. Ang mga namamamatay sa kanila ay itinatapon lang nila ito sa nakamamatay na yelo. Nangangaligkig man ang lahat ay patuloy parin ang pakikidigma sa lamig. Balot-na-balot naman si Matar ng makapal na damit nayari sa balat ng hayop. Patay na ang kanyang uwak.
Pagsapit ng ikatlong araw, sumalakay na ang mabagsik at talagang nakakamatay na lamig, kipot na kipot na ang daanan sa yelo, kaya't mabagal na ang usad ng barko. Sa araw na ito, may Lima na mang namatay. Trese na lang ang naiwan. Pagsapit ng gabi, namatay naman ang isa. Nag-aalala na si Laniro, baka maubos ang mga isinama nila sa paglalayag.
"Mahal na hari, Dose na lang ang natitira, ang malungkot pa doon ay baka maubusan tayo ng kasama?" Pagbabalita ni Laniro. "Hindi pa natin masiguro kung magpapatuloy pa ba ang buhay nila dito sa malamig na lugar? At himala pa talaga, kung sino pa ang mga may sakit ang siya pang malakas kumapit." Sabi pa ni Laniro. "Patay na ang ibang may kapansanan, at yong apat na may sakit ay patay na din?" Saad pa nito.
"Patay na si Corvys!" Malamig na pagkakasabi ng hari. Napalingon naman si Laniro sa mga kamay ni Matar, hawak-hawak nito ang ibon. Napalunok naman si Laniro at sinubukan niyang linawin ang kanyang lalamunan.
"Wag mo sanang masamain, mahal na hari?" Medyo may kaba at takot sa boses ni Laniro dahil baka matulad siya sa isang kawal na inatake lang ng bigla ng mga uwak. "A-anong meron ba sa uwak na yan?"
Tinitigan siya ng hari. "Malalaman mo din ang kabuluhan ng mga uwak- pero saka ko nalang sasabihin sayo pagbalik natin." Malungkot na tugon ni Matar. Hindi mapipilit ni Laniro ang hari na sagutin ang kanyang katanungan, at kapag ayaw ng hari na magpatuloy alam na ni Laniro ang kanyang gagawin, Hindi na siya kumibo at umalis na ito sa kinaruruonan ng hari.
Umabot hanggang anim na araw ang paglalayag nila, matagal at masyadong mabagal at nakakamatay pa ang kanilang paglalakbay, dahil sa balot-na-balot ang dagat ng makapal na yelo. Sa wakas malapit na sila sa Moonatoria, huminto sila sa nakausling lupain ng Durasca, ang Durasca ay nasa katimugan ng Moonatoria, Hindi ito magkarugtong dahil nahihiwalay ang bansang Moonatoria. Kailangan pa nila maglakbay sa maputing lupain o tinaguriang 'Ang White-land' o mas kilalang sa 'the Moonlight kiss' dahil sa angkin nitong ganda't napaka-prestihiyoso. Sinabi sa paniniwala ng mga ninuno noon, na naging maputi ang lupain ng Moonatoria ay dahil may isa raw engkantada na naninirahan sa buwan ang gustong manirahan sa mundo ng tao, upang ibigin ang isang lalaki subalit nang malaman ng mga tao ay sinubukan nilang hulihin at paslangin ang diwata ng buwan. Ngunit iniligtas ng lalaki ang diwata at ito ay namatay dahil sa galit ng diwata ay ibinuhos niya ang kanyang kapangyarihan sa mga tao para ipaghigante ang sinisinta nito, isinuumpa niya ang lupaing ito. Naging kakulay na ng buwan ito, bumalik sa buwan ang diwata. Simula noon naging maputi na ang lupain hanggang sa tinawag na nila ito mula sa pangalang 'Moon' o 'Mona' mula sa pangalan ng diwata at karugtong naman ang salitang 'Athoria', ang pangalan ng lalaki, ay pinalitan ng bago at tinawag na "MOONATORIA". Ang Moonatoria daw ay nagsisilbing alaala sa diwata, dahil daw kapag ang diwata ay nalulungkot at nalulumbay ay inaalala niya ang lalaki, sapamamagitan ng pagsilip niya gabi-gabi.
Hindi pa nakakaapak sina Matar sa lupain Moonatoria sapagkat kailangan pa nilang maglakbay ng dalawang oras papunta naman sa kabilang karagatan. Doon ay sasakay naman sila ng maliit na bangka. Medyo maalon at mahangin sa bahaging hilaga ng karagatan, malamig parin ang tubig dito at may mga yelo paring nabubuo sa gilid ng baybayin. Parang naninibago ang mga kasama ni Matar ng marating na nila ang namumuting baybayin ng Moonatoria. Bumaba na sila sa bangka at sinigurong walang nagmamanman. Hindi pa alam ng mga kasama kung nasaan sila. Ngayon lang sila nakaapak sa lupaing ito, kaya't Nagtataka sila sa kanilang nakikita. May mga mapuputing bato doon na malalaki na matatagpuan malapit sa baybayin ng dagat, ang iba namang bato doon ay nakatampisaw sa tubig. Mabibilog at malalaki ang hugis ng ilan. Hindi na mapakali ang mga kasama ni Matar, kaya't napatanong na ang isa, ang malusog at matipunong kawal. Siya si Gallexe.
"Mahal na hari, saan po ba talaga tayo papunta?" Sabi ni Gallexe. Napalingon din ang mga kasama nila. Huminto muna si Matar ngunit Hindi ito lumingon. "Laniro, kausapin mo sila, ipaalam mo kung nasaan tayo." Utos nito ng hindi man lang kinausap ang nagtanong. Nagpatuloy na si Matar sa paglalakbay.
"Pinunong Laniro, saan nga ba tayo pupunta?" Sabi ng isang kawal na payat na payat. Buhay pa ang dalawang payat-na-payat, minasdan muna niya ang mga mukha nito.
"Nandito tayo sa mundo ng Moonatoria," Sagot ni Laniro.
"A-anooo?" Parang natinik sila ng malalim, nanginginig ang mga tuhod nila nang marinig nila kung nasaan sila. Halos magdabog ang mga ito sa takot. "Ayoko pang mamatay!" Nagnanangis na palahaw ni Gallexe. "Ayoko na magpatuloy!" Sigaw naman ng isa habang umuubo.
"At saan ka naman pupunta?" Tanong naman ni Matar dahil naiinis na siya sa karuwagan ng mga kasama niyang kawal. "Walang aalis!" Sigaw niya. "Kung gusto nyong mabuhay pa, sasama kayo saamin ni Laniro at ipakita nyo ang mga nakakaawang-tingin. Ganun lang!" Sabi ni Matar. "Hindi naman natin kailangang makipaglaban. Kaya kung ako sa inyo, ayos-ayosin nyo ang drama!" Mataray ang pagkakatingin ng hari sa kanila kaya naman natahimik sila. "Huwag kayo gumawa ng hindi ikalulugod ng hari ng Moonatoria! Tumahimik kayo, kung hindi kayo kinakausap at huwag kayo gumawa ng hindi kanais-nais na galaw, maliwanag?"
"O-opo!" Sabay sabi nila habang kumakalog naman ang mga ulo nito. Nakita nilang nagpatuloy na ang hari. Takot na takot parin ang mga ito. "Kabilin-bilinan ng hari na wag kayo magpakita ng takot, o magtangkang tumakbo. Kailangan ang mga mata nyo ay Hindi maligoy, tumingin kayo ng diretso at tapangan nyo ang sarili nyo, kung ayaw nyo lahat tayo ay mamatay." Papayo ni Laniro. "Galingan nyo ang pagpanggap, dahil gagawin natin ito para sa ating lahi."
"Paano kung patayin tayo sa loob? O baka...? O baka hindi na tayo makabalik pa? Hindi ko pa gustong mamatay!" Panghihinang-loob na sambit ni Gallexe. "Kami din!" Kanya-kanyang sagot naman ng iba.
"E di galingan nyo! Hindi tayo pumunta dito para mamatay! Alam ng hari natin kung ano ang kanyang gagawin, kaya manalig na lang tayo sa hari natin." Saad ni Laniro na parang nagpapalakas ng loob sa mga kasama.
Sumunod nalang sila sa paglalakad, medyo mahaba at nakakapagod na paglalakbay, taglagas ngayon, kaya naman ramdam nila ang kagandahan ng Moonatoria. Madidilaw at mapupula ang mga dahon ng puno, ngunit ang mga puno dito ay hindi makapal at marami. Mapuputi din ang kulay ng katawan ng puno namay mga guhit ng itim na linya at o kaya ay lusaw na itim. Kapag tagsibol, ang mga punong ito ay namumulaklak ng kulay rosas na meron ding maputi, at mangitim-ngitim ang mga sanga nito. Nadaanan narin nila ang mga bulubundukin na maputi't nababalot pa ng mga yebe na galing sa kalangitan. Umuulan ng paunti-unting yelo na may kasamang malamig na simoy ng hangin. May nakita silang lobo na malaki't kulay puti na may pagkakulay-abo. Patay na ito habang kinakain ng mga buwetre. Nang malapit na sila ay nagsiliparan ang mga ibon at nagsipatong sa mga sanga upang maghintay na makaalis sila. May tama ng pana ang lobong ito sa ulo, at may lima naman na nakatusok sa bahaging katawan at mga hita. Marahil kung papatayin sila, ganyan din marahil ang gagawin sa kanila, tatadtarin ng mga pana o mga armas. Na sa isip na nila ang mga masasamang guni-guni sa kanilang mga isipan, ngunit bale wala lang yon sa hari. Sabi pa nga nito sa mga kasama. "Wag nyo pansinin ang mga bagay na makikita nyo."
Walang tigil na umuubo ang mga kasama ni Gallexe, siya lang kasi ang walang pinapasan na karamdaman sa mga napili ni Laniro, lahat ay may dinaramdam sa kalusugan. Limang oras na ang kanilang paglalakbay, wala silang pahinga o huminto manlang para makapahinga ng mataas.
Malayo pa lamang, nakikita na nila ang puting pader na kumukural sa kaharian ng Moonatoria. Makapal at lampas-puno ang taas. Yari sa isang konkretong luwad at matigas na anapog at hinaluuan pa ito ng ilang kasangkapan at elemento para mabuo lang ang haligi na tinagurian 'White wall' o ang maputing pader ng Moonatoria. Isang daang dekada na mula ng ito sinimulang ipatayo, maraming ng hari at mga ninuno ang nagpatuloy sa proyektong ito para lang masiguro ang kaligtasan ng mga Moonatorian o mga tao-sa-Moonatoria. Dahil ayon naman sa kwento, sinasalakay raw sila ng mga mababangis na mga nilalang at handa daw ito pumatay at manira ng kaharian. Mga halimaw na naglaho na ngayon!
Tumunog ang mga malalakas na trumpeta ng Sabay-sabay, na ang ibig lang sabihin ay isang sinyales na may panganib at kailangan magsihanda ang lahat. Kahit malayo pa sina Matar sa pader-na-puti ay halata ng nagkakagulo't naaalerto na ang lahat sa pagdating nila Matar. Kinakabahan naman at natataranta na ang mga kasama ni Matar, takot na takot na sila kahit ingay pa lang ng mga Moonatoria at Hindi pa nga sila sinasaktan. Pinatigil sila ng hari, dahil ayaw niya kasing makita ng mga Moonatorian ang pangangamba ng mga kasama niya.
"Huminahon kayo! Pwede ba! Wag kayong magpamalas ng kahit anong gitla at gusot." Utos niya dito. "Laniro, pakalmahin mo sila, kundi lagot tayong lahat dito." Pabulong niya dahil nakikita na sila ng kawal ng mga Moonatoria.