Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

"Isang linggo na ang lumipas simula ng dumating ang hudyat ng mga Thallerion," Panimulang bati ni Laniro. Si Laniro ang isa sa pinagkakatiwalaan ng hari, tapat at taos-puso na nagsisilbi sa hari, at siya ay maaasahan sa ano mang oras. Siya rin ang naging kamay at mga mata sa pagpapaunlad niya sa kaharian ng Ossibuz, subalit kulang parin ang lakas nila para palawakin, lalo na't nagdaranas sila ngayon ng pagbabago ng klima na sanhi ng paghina sa agrikultura. "At nalaman nating nagtala sila ng takdang panahon para sa darating na digmaan." Sabi ni Laniro, doon pa napatigil si Matar sa kangingiti. "Ngunit, ang ipinagtataka ko, bakit mo pinatigil ang mga kawal natin sa paghahanda?" Makatwiran niyang tanong. "Dahil dito, magagalit ang mga konseho at ang mga mahahalagang tao dito sa kaharian mo? Isa na doon si Fhajo!" Ngumiti ulit ang hari. "Lumilipas ang oras, sayang kung hindi pa natin pagtuunan ng pansin ito? Kailangan nating mag-ensayo kung Hindi, mawawasak tayo!" Tumahimik lang ang hari, habang nakikinig. "Ngunit, pakiramdam ko naglalaro ka lang, dahil ginantihan mo lang sila ng panunuyang hudyat. Biro lang ba ang lahat, para sayo?" Naiinip na si Laniro dahil walang kaimik-imik ang kausap niya.

Tumawa na muli si Matar at humalakhak ng malakas. Nabigla tuloy si Laniro. "Bakit ka natutuwa, mahal na hari?" Sabi ni Laniro na may pagkapoot sa mga kilay niya. "Nagagalak po ba kayong matalo?" Masuyong tanong niya, tinitigan niya ito sa mga mata.

"Alam mo Laniro, ang pagiging hari ay pautakan. Pagalingan ng plano. At utak ang ginagamit!" Pinindot niya ng daliri ang nuo niya ng may pagpapahiwatig na tila nanunuligsang sagot ni Matar. "Kung hindi ka marunong mag-isip, talo ka na! Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Humakbang papunta sa likod ni Laniro, na parang nagtalikuran silang dalawa sa isa't-isa. Nakaharap si Matar sa mga kawal niya, samantalang si Laniro ay nakaharap naman sa upuan ng hari.

"Plano ang pinakaimportante sa lahat. Aanhin mo ang matapang ng mga kawal at aanhin mo rin makapangyarihang kaharian, kung wala na mang plano! Tiyak na babagsak ito, parang bato na tinapon sa putik, unti-unting lulubog pailalim." Malagintong-karunungan ang kanyang isiniwalat.

"Nabasa ko ang isinulat mong hudyat ngunit hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin? Ano ba talaga ang Plano mo?"

"Wag munang isipin ang mabulaklak kong isinulat doon, hindi naman yon mahalaga. Bahala sila kung paano nila yon iintindin, kinukutya ko lang naman sila, yon lang." Masiglang sabi ni Matar.

"Yon lang?"

"Mag-isip ka nga ng malalim ng maunawaan mo ako." Usal nito, humarap na si Matar Kay Laniro pero nakatalikod parin si Laniro sa kanya. "Masyado kang maalalahanin, Laniro. Alam mo ba kung saan yan hahantong yang pag-aalala mo?—Sa kamalasan." Malamig na pagkakasabi ni Matar, tinapik niya ng malambot ang balikat nito. "Hayaan mo akong, ako ang magmaniho sa mga araw na ito. Pelegroso man ang plano ko pero pagmagtagumpay tayo dito, tiyak tiba-tiba tayo, mapupuno ng kayamanan ang kaharian ko." Napaharap si Laniro, at ang mukha nito'y parang nagugutom at gusto niyang lasapin ang mga sasabihin ni Matar.

"Ang Thallerion ay maraming kaaway, kaya't hindi lang tayo nag-iisa. Nandiyan di ba ang Moonatoria?" Tanong niya.

"Simpre naman, pero ano naman ang ugnayan ng Moonatoria sa ating hidwaan sa Thallerion, o sino pa diyan na kaaway din ng mga Thallerion? Nagtatakang tanong ni Laniro.

"Hindi tayo ang makikipaglaban!" Mataginting ingay ni Matar.

"Ano?!" Gulat na pagkasabi ni Laniro. "Si-sino ang makikipaglaban? Nagugulumihanang sagot ni Laniro. Pero parang nahulaan na ni Laniro kung ano ang ibig ipahiwatig ng hari. "A-ang Moonatoria ba? Sila ba?" Kinakabahan siya sa plano ng hari.

"Ayon!" Kumakalatog na tugon ni Matar. "Nakuha mo rin sa wakas! Yan ang gusto Kong mangyari!" Nakangiting Sabi nito.

"Pero, paano mo iyon gagawin? Mapanganib ang gagawin mo!" Nagsusumigaw na payo ni Laniro.

"Simpli lang naman iyon," Tugon ni Matar, umupo siya at may inabot sa gilid. "Itong parang balat ng hayop na manipis na kanilang sinulatan ng hudyat, ang magpapatunay at magpapatibay na sila ay hinahamon ng Thallerion!" Masigasig na paliwanag ng hari. "Maniniwala sila nito sapagkat, walang iba o sinuman ang nakakagawa ng ganitong sulatan." Dagdag pa ng hari.

"Maniniwala kaya sila sa atin, kung tayo ay nandoon na?" Malagim na tugon nito, iniisip kasi ni Laniro na baka mapahamak sila o talagang mapapahamak sila. "Hindi kaya paulanan tayo ng mga pana at atakihin ng bigla. Tiyak na wala tayong lusot doon, kung ano man ang tatangkain nila sa atin o gawin?" Papayo nito. "Kilala mo rin ang Moonatoria, kaya wag tayong magpakakampante dahil mapanganib sila! Lalo na't katiting lang ang bilang natin sa kanila?" Paghihikayat nito sa hari na baguhin ang mga plano nito.

"Hindi ko isusugal ang buhay nating lahat, kaya gagamitin ko ang kahinaan natin, ang maliit na bilang ng kawal para sa kanila!" Usal pa ng hari.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Mahinahong wika ni Laniro.

"Para maniwala sila," Pagpapatuloy ni Matar. "At ng isipin nilang hindi masama ang ating layunin sa pagpunta, magdadala tayo ng mga tauhan na mabibilang lang ng mga daliri. Subalit, uutusan kita ngayon, na dalhan mo ako ng mga kawal na mapapayat at mukhang sakitin, kung pwede nga yong naghihingalo para kapana-panabik naman. Nakakaasam yon!" Mandu ni Matar.

"Bakit mga mapapayat at may mga sakit pa ang gusto mong piliin? Ga'yong, marami naman tayong matitipuno't malulusog na kawal?" Pagtataka ni Laniro. "At saka, baka sa daan pa lang, maghingalo na sila at mamatay!" Naghahalong inis at pagtataka ang nadarama ni Laniro dahil parang kahibangan ang mga naiisip ng hari. "Ideya pa ba ito? Hindi na ito maayos, Matar!" Siklab niya. Doon na nagsiryoso ang mukha ng hari.

"Kung ikaw ang hari ng Moonatoria, at makita mong ganun ang kaharap mo? Maiinis ka ba o matatawa?" Sabi ni Matar. "Hindi ba't magdadalawang isip ka? Dahil iisipin mo muna ang iyong dignidad. Dahil kung tunay kang hari, makikipaglaban ka, hindi sa harap ng kaharian mo kundi sa tamang lugar!" Paliwanag nito. "Maliban na lang kung makita nilang maghahasik tayo ng lagim, pupunta tayo doon, iyon ay ipamukha sa kanila ang pirasong ito!"

"Ang totoo, mahinang taktika lang iyon. Sino na mang baliw ang maniniwala sa ganoong kadahilanan. Layunin ko lang na makapasok sa loob ng Moonatoria upang magkaroon ng pagkakataon na makausap ang hari.

"Kung iyan ang iyong nais, wala na akong magagawa, sasang-ayonan ko ito ayon sa kagustuhan ko. Naiintindihan ko na!" Sang-ayong tugon ni Laniro. "At nawa'y nga magtagumpay tayo."

"Mangyayari't mangyayari ang lahat, sisiguraduhin ko yon!" Nakangiting tugon ni Matar. "At kapag may nanalo na sa kanila, doon na tayo lulusob! Natitiyak Kong madugo ang labanang ito at pagkatapos ng digmaan, siguradong kaunti lang din ang mga kawal nila, at sugatan. Hindi ba't magada sa tainga? Magwawagi tayo!" Tumawa ito dahil sa galak.

"Mahusay nga! Kapana-panabik!" Sabi ni Laniro. "Kung ganun, aalis na muna ako, upang masimulan ko na ang paghahanap." Mulugod nitong sagot.

"Hala, sige ng maaga tayong makapaglayag at makapaglakbay papunta sa Moonatoria. Wag mo ng sabihin sa kanila kung saan tayo pupunta." Sigaw ni Matar habang papalayo na si Laniro. "Alam ko yon!" Sigaw din ni Laniro.

...

Pagkatapos ng pagpupulong, pumunta siya sa kanyang silid at nag-isip pa ng mga plano. Iniisip niya kung ano naman ang susunod niyang hakbang kung sakaling nandoon na sila sa lupain ng Moonatoria, pero matagal na niya itong binabalak, Simula pa noong natalo sila sa unang laban, Hindi niya matanggap ang pangyayari, kaya't ngayon desidedong-desidedo na siya, wala paman itong kasiguraduhan pero alam niyang epektibo ang planong ito. Ito lang ang paraan para manalo sila laban sa Thallerion. Ngunit saglit siyang natahimik ng may dumapong uwak, malapit sa kanyang inuupuan. Dumapo ito doon sa may bintanang wala sarang. May dugo ito sa tuka at nanlilisik sa kanya ang uwak at humuni. Nagtaka tuloy si Matar kung bakit nagpakita ang uwak sa kanya ng walang takot. 'Hindi normal ang uwak.' Tugon ni Matar sa kanyang isip. Lumapit siya dito pero Hindi ito umaktong lumipad. 'Anong meron sa kanya?' Tanong niya ulit. Sinubukan niyang bugawin.

"Bhooo! Hoooo! Shoooo!"

Wala paring tinag sa uwak ang mga ibinatong ingay ni Matar. Kaya ang ginawa niya, dinakip niya ito. Napakaamo ng uwak, ni hindi nga nanunuka. Pinalipad niya ito pero bumalik parin ito sa kanya. Pinadapo niya ito sa braso at tinitigan ng maige. 'Ngayon lang ako nakakita ng uwak na ganito kaamo?' Bulong pa niya. 'Hm, suwerte ka sa akin' natutuwang sabi ni Matar. Nauupo na siya ulit.

Kinabukasan, tinipon na ni Laniro ang mga napili niya kahapon. Mga mapapayat at mapuputla ang mukha. Biente-uno na kawal ang napagpasyahan ni Laniro na isasama nila papunta sa Moonatoria. Ang anim dito ay may mga sakit, na parang may sakit sa baga dahil ubo ng ubo ito at nanghihina, pero mapapayat ang Anim. May dalawa pa silang kasama na payat na payat talaga animo'y salat na salat na talaga sa pagkain, para ng kalansay kung pagmasdan. Ang Lima naman doon ay may mga kapansan. Gaya ng dalawa doon ay walang paris ng mata, at isa naman doon ay putol ang isang kamay. Tatlo naman doon ang mukhang walang sakit, pero hindi naman sila matitipuno, at medyo lang may kapayatan. Isa lang ang malusog at matipuno doon. Pinili ni Laniro ito, para may matira parin, iniisip kasi ni Laniro na baka kasi mamatay ang mga napili niyang may mga sakit at mga mapapayat na kawal.

Tuwang-tuwa ang mga napili ni Laniro dahil ang buong akala nila ay maglalakbay sila kasama ang hari. Oo, sasama nga sila para sa hari pero hindi nila alam kung saan. Ngayon lang kasi nila naramdaman na may halaga pa sila kahit may mga sakit at kapansan pa sila. Nagtaka din at nainggit ang ilang kawal.

''Bakit hindi tayo ang pinili ng hari?" Tanong ng kawal sa kasama niya. "Tayong Matitipuno't malalakas ay hindi tayo pinansin ng hari?" Pag-aalboroto ng mga kawal doon.

Narinig ni Laniro ang mga usapan ng mga ito, pero hindi lang niya pinansin. Dumating na ang hari, kaya bilang paggalang nila ay nagsitipon ito at humarap sa hari. Nakita nila namay itim na ibon na nakapatong sa balikat ng hari. Isang uwak! Ngayon lang nila nakita ito kaya't nakakapagtaka. Tinitigan ng hari ang lahat ng kawal niya mula sa kaliwa patungo sa kanan. Nagsisidatingan pa ang iba.

"Makinig kayong lahat!" Bati ni Matar. "Tayo ay maglalakbay sa nagyeyelong karagatan ng Orcasian!"

Nagbubulung-bulungan ang lahat, iba-iba ang ingay at nag-uusap-usap. Lahat ay gustong sumama sa paglalayag.

"Ngunit, kaunti lang ang sasama!" Sabi ng hari. Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga kawal ng marinig nila ang sinasabi ng hari. "Magpapaiwan kayo dito at magbabantay!" Bulwak na pagkasabi ni Matar. "May napili na si Laniro."

"Paano kami?" Sigaw ng isang kawal. "Walang mangangasiwa at magmamando sa amin dito?" Malaki ang kanyang katawan at may hawak na atsa. Siya si Adamoth, kaibigan ni Laniro. At mahusay na mandirigma ni Matar.

"Ikaw ay akin ngayon iniluluklok sa pwesto ng pamumuno sa mga kawal at inuutusan kita na panatilihin ang kapayapaan sa dito sa kaharian ko, at maging talim sa mga taong susubok na magsamantala sa aking pag-alis. Susunod sila sayo, Simula ngayon." Pagluluklok niya Kay Adamoth sa tungkulin bilang pinuno ng mga kawal.

"Maraming salamat, Mahal na hari." Lumuhod si Adamoth at yumuko ang ulo.

Tumayo na si Adamoth at taas-nuong humarap sa hari.

"Simula ngayon, susundin nyo na si Adamoth." Sabi ni Laniro. Nagsiluhod at nagbigay pugay sa kanya. Bumalik na si Matar sa loob ng palasyo niya at inihanda na niya ang sarili sa paglalayag at paglalakbay papunta sa Moonatoria, ngunit isang pangitain ang naghayag sa kanya at sabi: "hintayin mo ang isang babae sa labas ng Moonatoria pagkatapos ng pag-uusap nyo ng hari ng Moonatoria."