Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 11 - Chapter 11: Land of Ossibuz: Mundo ng mga uwak

Chapter 11 - Chapter 11: Land of Ossibuz: Mundo ng mga uwak

Sa lupain ng Ossibuz na pinamumunuan ni Haring Matar ay napapalibutan ito ng mga malalaking tipak ng bato. Pinaniniwalaan ng mga matatanda na ang paglitaw ng mga higanting bato na yon ay dahil sa digmaan ng mga higanteng-nilalang. Bumagsak daw ito mula sa malalayo na parang mga bulalakaw. Di nagtagal, ang mga batong yon ang naging pananggala ng mga naninirahan sa Ossibuz laban sa mga mananakop. Binansagan ng mga dayuhan ang lupaing Ossibus na isang mundo ng mga uwak, dahil napakarami ng uwak, madalas nagkukumpulan sa iisang lugar, at madalas palage sila nakaapak sa mga malalaking bato. At minsan naman, napupuno ang kalangitan ng mga uwak kasabay ang pag-iingay ng mga ito ngunit isa lang ang alam nila, may paparating na mga kalaban. Kaya, para sa kanila binabantayan sila ng mga uwak.

Sa mga sandaling ito, si Matar ay nakaupo sa kanyang trono habang nakangiti at walang inaalala. Sa upuan niya, nakatungtong din ang isang uwak na kanyang alaga. Marunong siya sa pagpapaamo ng uwak kahit gaano man ito kailap. Isang gabi, may napanaginipan siya, ngunit sa panaginip na yon, para siyang kinakausap ng isang tao na binabalot ng maitim na usok. Ngunit sa panaginip niya, ay madilim ang paligid dahil gabi ito. Pero malinaw na nikikita niya ang kanyang kausap. Subalit, di niya makilala dahil natatakpan ang kanyang mukha ng usok. Ang boses ng nilalang ay napakalalim at tila boses lalaki ito ngunit nakakpanindig-balahibo. Narinig niya sa boses ng lalaking yon ang tungkol sa magaganap na digmaan.

"Bakit ka makikidigma sa lahing Thallerion?" sabi nito sa kanya."Matatalo ka lamang ng mga taong yon!" Nakikinig lang si matar sa mga sandaling kinakausap siya. "Magpadala ka ng isang kasulatan na hindi ka natatakot bagkus nasisiyahan sa posibleng kahihinatnan ng paparating na digmaan ninyo." Utos nito.

"At pagkatapos… pumunta ka sa Moonatoria!"

At doon na siya nagising. Kahindikhindik ang pagkagising niya ng mga oras na yon. Halos marinig ng mga tao sa labas ng palasyo ang pagsigaw niya sa takot. Nagsiliparan din ang mga uwak na nagkukumpulan sa harap ng bintana ni Matar. Nang matanto niya na isa lang pala iyong panaginip ay natahimik siya saglit at nagmuni-muni tungkol sa panaginip na yon. Sa huli, naunawaan niya ang ibig sabihin ng lalaki sa panaginip niya. Ang totoo, noong bata pa siya, sinabihan na siya ng kanyang ama bago namatay na balang araw ay may lilitaw sa kanyang panaginip na isang nilalang na makapangyarihan.

Mga ilang araw mula ng managinip siya, pinatigil niya lahat ng mga kawal niya sa pag-iinsayo, kaya nagulat ang lahat ng mga tao sa palasyo, pati na ang mga pinunong kawal. Nagtaka sila kung bakit pinahinto lahat ng paghahanda sa papalapit na digmaan. Kaya nagpatawag ng isang pagpupulong ang mga nakakataas na pinuno ng Ossibian at kasama na doon ang mga importanting konsejo sa pagpupulong.

"Anong kabaliwan ito?" sabi ni Fhajo, isa siya sa ginagalang na tao sa lugar na ito, at maimpluwensiya. Sinasabi ng ilang tao na mas karapatdapat si Fhajo bilang isang hari ng mga Ossibian kung hindi lang dahil sa Ama ni Matar, marahil si Fhajo ang pinili ng mga Ossibian. Dahil noong namumuno ang ama ni Matar, ay nabalot ito ng matinding karahasan. Sa katatunayan niyan, si Fhajo ay anak sa labas ng hari na ama naman ni Matar kaya sila ay magkapatid sa ama. Tanging ang ina lang ni Matar ang tinuring na isang kabiyak ng hari noon kaya, ang nagpatuloy sa pamumuno ay tanging sa ina lang ni Matar. Ngunit kahit papaano ay binahaginan parin ng parti ang ina ni Fhajo, kaya may boses siya sa loob ng palasyo.

"Naduduwag na ba ang anak ng isang hari na ubod ng karahasan noon?" sabi ng isa tao na hanay sa nasabing pagpupulong, matanda na ito. "Hindi ako makapaniwala sa bagay na ito!"

"Ang mga Ossibian ay hindi lahi ng mga duwag, kaya bakit tayo titigil sa paghahanda para sa darating na digmaan?" reklamo ni Adamoth. Siya ang siga na kawal na marami ng napaslang na kaaway. Hindi pa siya pinuno sa mga kawal dahil sa madali itong magalit at maiinis.

"Tumigil ka na diyan, Adamoth, akala mo kung sino ka para magsalita sa lahat ng mga nakatataas sayo dito sa pagpupulong. Isa ka lang bantog na kawal, pero masasabi ko ding ordinaryo ka lamang." Sabi naman ng isa doon na maayos ang kasuotan ng damit at siya ang tagapamahala sa mga yamang nakokolekta ng lupaing Ossibuz. Siya ay Thuweruz. Madaldal ang lalaking ito at hindi marunong magpigil ng sarili.

"Ano kaya kung ipakain ko sayo ang malaking sandata ko nang makita mong hindi ako isang ordinaryong tao!" inis na sabi ni Adamoth. Ngunit tinawanan lang siya nito.

"Tumigil na kayong dalawa!" utos ni Laniro, siya ang alalay ni Matar at pinagkakatiwalaan. Katabi niya ang binatang kawal na si Gallexe, bilang isang gwardya ng hari.

Habang dumarating na ang lahat ng mga tinawag para sa pagpupulong ay abala naman si Matar sa panunuood sa labas ng bintana, kaya wala pang nakaupo sa kanyang upuan dahil nandoon siya sa isang bintana na nakatingin sa mga lumilipad na uwak. Nakikinig lang siya sa mga pinagsasabi ng mga tao doon sa mesa-ng-pagpupulong. Habang nakatingin siya sa labas, hawak-hawak din niya ang alaga niyang uwak na pinangalanan niyang si Corvys.

Nararamdaman ni Matar na parang naiinip na ang mga tao sa kahihintay sa kanya para masimulan na ang pagpupulong upang malaman ang dahilan ng biglaang pagpapatigil sa paghahanda para sa darating na digmaan laban sa Thallerion.

Si Fhajo ang nagpatawag ng pagpupulong na ito dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Matar dahil iniisip niya na karuwagan ang ginagawa nito. Ngunit ang totoo talaga, gusto niya matuloy ang digmaan dahil kung sa kaling matalo at mapatay si Matar, siya ang susunod na Hari ng mga Ossibian. Kaya nagpapakita siya ng isang papel na magpapahanga sa lahat. Ngunit alam na iyon ni Matar kung ano ang pakay ni Fhajo kaya nga hindi siya nagpapakita ng interis sa ginaganap na pagpupulong.

Tanging si Laniro lang ang nakakaalam sa buong plano ni Matar. Bago pa pinatigil ni Matar ang lahat ay nag-usap muna sila tungkol sa plano niya. Kaya alam niya na ang dahilan.

"Mahal na Hari." Tawag ni Laniro. " Oras na para sa pagpupulong."

Pinalipad muna ni Matar ang kanyang uwak na si corvys. Bago siya lumapit sa kanyang upuan. Paglapit niya sa kanyang upuan nagsitayuan ang lahat bilang paggalang sa hari. Tahimik lang siyang naupo. "Maupo na kayo."

"Natutuwa ako dahil nandito na kayong lahat." Panimula ni Fhajo. "dininig ninyo ang aking panawagan tungkol sa masalimoot na katotohanang gumimbal sa ating lahat." Matapang niyang nilibot ng tingin ang lahat ng mga nakikinig sa kanya. "Na ang hari ng mga Ossibian… ay naduduwag na laban sa Thallerion!"

"hindi nga iyon makatuwiran." Parinig ng mga tao doon.

"Sinilang ako sa Ossibuz, ngunit ni kailan walang digmaan na hindi inayawan namin ng mga panahong iyon." Sabi ng isang matanda doon.

"Matapang ang ama niya, kaya bakit di siya nagmana sa katapangan ng kanyang ama, —hindi Kaya?"

"Kung ganito lang ang uri ng pamumuno, tiyak malalagay tayo sa di maiiwasang kapahamakan." Sabi ng isa doon. Natuwa naman si Fhajo dahil ramdam niyang sasama na ang loob ng mga mahahalagang pinuno kay Matar.

"Yon nga ang pinakapunto ng pagpupulong na ito..." sabi pa ni Fhajo. "dahil sa kanyang ginawa, iisipin ng ibang bansa na talagang mahina tayo, madaling umurong! Kaya sa palagay nyo karapatdapat ba ang hari na niloklok ninyo ngayon?"

Tahimik lang ang hari kahit na iniinsulto na siya ni Fhajo.

"Mga kagalang-galang na mga pinuno ng Ossibian, hayaan nyo ako magsalita bilang kanang-kamay ng hari…" bati ni Laniro. "Ang nakikita ko sa inyong usapan ay parang nakakabinging pakinggan dahil masyado kayong nagpadalos-dalos ng panghuhusga, bakit di nyo muna tanongin ang hari na nasa harapan nyo lang?"

"Ang duwag na yan!" Pang-iinsulto pa ni Fhajo.

"Tama nga naman. Masyado tayong nag-iisip ng kung ano-anong bagay laban sa hari natin." Sabi ng isang matanda doon.

Sumang-ayon naman ang iba, kaya tinanong nila si Matar kung ano ang dahilan ng pagpapatigil ng pag-iinsayo.

"Ang pagpapatigil mo ba sa aming paghahanda ay hudyat ba ng pag-urong mo sa papalapit na digmaan natin laban sa Thallerion?" Tanong ni Adamoth. ngunit hindi muna sumagot si Matar.

"Kung hindi siya makasagot, patunay lang yon na naduduwag siya!" sabi ni Fhajo.

Sasagot sana si Laniro ngunit pinigilan siya ng Hari. Sa puntong ito, nagsalita na si Matar.

"Mga ilang araw mula ngayon…" sabi niya na napaka-kalmado ng mukha at tono niya. Napatingin naman ang lahat. " Maglalakbay kami patungo sa MOONATORIA!" Linakasan niya ang boses niya sa dulo para marinig talaga ng lahat kung saan siya pupunta. Dahil doon, nagulat ang lahat at natakot.

"ANO!!!" Hiyawan ng lahat.

"moo---Moona…MOONATORIA!??? Gitla ni Fhajo.

"Nahihibang ka naba! Hindi mo nga kayang harapin ang Thallerion, Moonatoria pa kaya?" Sabi ni Thuwerus, na halos magpigil ng sarili sa pagtawa. Pero dahil hindi niya ugali ang magpigil kaya tinawanan niya ito ng malakas. "Talagang may sira ka na sa pag-iisip!" sigaw niya.

Tumayo na si Matar at hindi na niya pinansin ang mga kaguluhan ng mga tao doon sa pagpupulong.

"Marahil lasing lang ang hari." Sabi ng iba doon.

"kung lasing siya e di sana lango siya kumilos!"

"nagbibiro lang yata!"

"Mula ng matalo ang bansang Ossibuz…" tinig ng isang matanda. "Noong panahong nagsisimula pa lang magtayo ng sariling sibilisasyon sa lugar natin! Pinangako ng isang hari na hindi na muli makikipagdigma ang bansang Ossibuz sa Moonatoria dahil matapos ang madugong digmaan, maraming nagdusa at halos maubos ang lahi ng mga Ossibian sa mga panahong yon."

"Ngayon, sabihin nyo sa akin, sino ang duwag na sinasabi nyo?" sabi ni Laniro, ngunit walang nangahas na sumagot sa kanya kaya tumayo na rin siya.

"Tapos na ang pagpupulong na ito." Sabi ni Laniro nang siya ay tumayo na. "Tayo na Gallexe, kailangan pa natin hanapin ang mga taong isasama natin sa Moonatoria."

"Isa ba ako sa isasama ni Matar?" sabi ni Adamoth. at nakangisi ito.

"Hindi." Seryosong sagot ni Laniro.

"Imposible! Alam ng lahat na sa tuwing may paparating na misyon ako ang palaging isinasalang?" pagtataka ni Adamoth.

"ikinalulungkot ko sa mga oras na ito na hindi iyon ang ideyang naiisip ng hari."

Nang makarating na sila Laniro sa pintuan, hinabol ni Fhajo si Laniro ng sagot. "Sa tingin nyo ba makakaligtas kayo sa gagawing plano ni Matar. Sinasabi ko sa inyo para kayong kumuha ng isang matigas na bato at ipinukpok sa mga ulo nyo!"

"Matapang at Matalino si Matar! Kaya hindi ko kailangan pagdudahan ang mga plano niya."

"Talaga? Hayaan nyo, maghahanda na ako ng libingan nyo para sa inyong pagpapatiwakal." Pabirong sabi ni Fhajo.

"Siguraduhin mo lang na hindi magiging maluwang ang ihahanda mong libingan, dahil kung sakali mang maluwang, baka sa sarili mong hukay ay masama ka." Matapang na sagot ni Laniro.

Naalala ni Laniro ang kanilang pag-uusap bago pinatigil ni Matar ang paghahanda sa darating na digmaan.