Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Legends of the Constellar Kings

🇵🇭Israel_P_Villareal
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.7k
Views
Synopsis
The universe brings forth billions of stars that shine and continuously increase like shimmering sands that sparkle so bright. A mighty celestial being arose toward the pinnacle of the universe to sprinkle seeds among the stars and planets, those seeds manifest the perfection of their creator. The stars become the shelter of those seeds that eventually turn into celestial creatures and living elements. Years passed, and they evolved and became powerful. The evolution of their genetic origins has exceeded the expectations of the mighty celestial being. Turned out, they are like gods that abode supernaturally across the Universe. Soon, they called themselves the Constellar beings that seem dominant among living beings in the galaxies and carry significant roles and responsibilities to maintain balance in the universe. However, greed and an ambitious desire for power and authority brought chaos and unrest to everyone. Some seeds were corrupted by evil Constellar beings and turned into dark entities hiding in every shadow on the planet, including Earth. However, the Light side ordered to eradicate them due to their rapid growth that seemed contiguous. But then, even with how many times they killed them, they still grow abundantly. The chaos in the universe became serious and intolerable, the rampant of those dark entities brought imbalance to the cosmic energy that seemed the dark energy distracted the flow of lights energy to maintain its foundation. The Draco led his troops to challenge the Crux, known as the Divine light that gives hope and inspiration to all good beings. The Crux is one of the most important Constellar beings who protect the souls of every creature in the universe. This Constellar was capable to purify them and empower them with divinity. But, the Draco knows what is the counter of Crux. So, Draco led with the Triangulum to nullify the existence of the divine light, empowering the darkness and summoning other entities through the use of triangular teleportation that enables them to pass through space without consuming time. This makes them accessible to any attack strategy. However, the Crux rightful authority encouraged other constellar beings to ally against the dark intentions of Draco's invasion. The warrior Orion is a tactician sworn to fight alongside light orders. Orion's soldiers were powerful and weapon's master warriors who used swords, shields, spares, and other rudimentary weaponry but also capable of enduring long fights and wars without rest. The Crux's power burst directly amid crowded dark entities that tried to enter the gates of light realms. But, still not enough to eradicate those aggressive creatures that devour every living creature in the realm that reached their claws and fangs. Although the Draco suppressed the Light through the voltaic eruption raining toward the very heart of the realm. Many lives could be killed as soon as it landed, but the Aquila sent a stormy wind to repeal it. Many of Draco's allies, like Corvus as Draco's messenger, Hydra, the sea serpent with many heads that breath water, lava, mud, and acids, and freezes anything by exhaling air. The giant Cetus controls sea organisms from different seas in the galaxies and summons them to attack. Although some of them were under Draco's mind control, they manipulated their mind by altering them into a dark mentality that ferociously attacked whatever Draco commanded. Only Crux can destroy the mind control of Draco through purification and the power of enlightenment, which guides all stellar beings to an ethical decision. Crux aimed for the salvation of the universe because it was contaminated by the dark entities' energy that absorbed and devoured star souls to create a formidable Universe. A lifeless universe will be a forbidden fate— called shadows of death! read full at the introduction.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Thallerion

Hindi mabilang na digmaan ang sumibol sa pagitan ng Moonatoria at ng Thallerion. Madugo ang bawat labang kinakaharap noon ng dalawang bansa dulot ng matinding galit at paghihigante. Sa bawat kalansing ng digmaan kaakibat nito ang kay daming kawal na napaslang. Ngunit magkagayo'y hindi sila tumigil, ang galit ay nagbunga pa ng panibagong galit, hanggang nagkaubusan man ng mga kawal, wala silang uurungan sapagkat lahat sila ay mga liping mandirigma at magigiting na bansa.

Walang hinto ang kanilang sigalot, ni wala silang plano na wakasan ang digmaan hangga't wala sa kanila ang natatalo. Itinuturing na magkatunggali ang dalawang ito at kailan ma'y hindi ito maipagkakasundo.

Ngunit, lumipas pa ang maraming taon, hanggang sa isinilang na si Xerxez, hindi pa rin tumigil ang masalimoot na mundo ng mga Thallerion at Moonatoria, namulat si Xerxez ng isang mundo na puno ng karahasan, digmaan at mga pananakop.

At ang huling digmaan ay nag dulot ng malaking kapighatian Kay Xerxez dahil nasawi ang kanyang ama at dahil doon, lumaki siya na puno ng pakikipagsapalaran.

Doon sa pinangyarihan ng digmaan ng kanyang ama noon ay makikita ang napakaraming uri ng punong kahoy, may matataas at meron ding mayayabong kung kaya't walang sinuman ang nakakasaksi sa labang iyon, maging ang sikat ng araw ay walang ulirat sa nangyari ngunit dahil sa lakas ng mga kalansing ng ispada at kalantog ng mga matitibay na kalasag kaya't mismo ang katahimikan ang lumihis at namilipit sa takot sa pangambang makita ang mga buhay na mawawasak dulot ng digmaan.

Ang bawat kawal ay nanumpang magbuwis ng buhay noong mga panahong iyon upang ipagtanggol ang sariling lahi; handa nilang ipaglaban ng buong puso ang kanilang bansa laban sa mga kalaban, makamit lamang ang inaasam na tagumpay, kapangyarihan at kayamanan.

Sa termino ng pamumuno ng ama ni Xerxez ay tatlong ulit nang nagkaroon ng patas na digmaan laban sa mga Moonatoria na pinamumunuan naman ng ama ni Harthur na si Hedromus, na kinikilala na isang marahas na hari sa buong kasaysayan ng Moonatoria, at pinaniniwalaan pa ng mga taga- Moonatoria na biniyayaan siya ng matinding lakas mula sa mga dios ng kalangitan o mula sa bagsik ng Ursa subalit pinatunayan iyon ng hari na hindi nagmumula sa kung kaninong nilalang ang kanyang husay, bagkus, ipinamumukha niyang hindi siya isang ordinaryong hari na maihahalintulad sa karamihan; at ang bunga'y, naiwakli sa kamay ng Thallerion ang bansag na 'ang mahusay na taktisyan ng digmaan' , napabagsak ni Hedromus ang kapangyarihan ng Thallerion. Napasailalim ng Moonatoria ang lahi ng Thallerion at ginawang alipin sa loob ng pitong taon.

Noong napaslang ang ama ni Xerxez ay agad na tumakas ang mga kadugo niya, at pinilit siya na itakas patungo sa kagubatan ng Wendlock na malayo sa kaharian ng Thallerion ngunit kalaunan gumawa sila ng kuta doon sa distrito ng Rigil at nagtayo sila doon ng munting bayan na hanggang ngayon ay naging tirahan na ng mga iilang taga-thallerion at naging kampo ng mga militar at sundalo ng Thallerion, iyon ay upang hindi sila matunton ni Hedromus sa panahong nabihag sila.. Ngunit noong naging binata na si Xerxez ay namuno at palihim silang pumapasok sa ibang distrito ng Thallerion para udyukan ang mga kasama nila na naalipin sa pananakop ng Hari ng Moonatoria. Matindi ang pang-aalipusta ng mga sundalo ng Moonatoria sa mga taga-thallerion kaya nakipag-isa sila sa plano ni Xerxez na mag-alsa at bumuo ng isang panibagong digmaan laban sa Moonatoria. Kaya, hinamon ni Xerxez ang Hari ng Moonatoria upang bawiin ang lahi at ang bansa ng Thallerion doon sa lugar na nabibilang sa pagitan ng distrito ng Mintaka at Regil na ngayon isa ng ganap na pook ampiteatro ng mga gladyador. Nang natuklasan ng Hari na buhay pa ang anak ng Hari ng Thallerion ay hindi siya tumanggi sa hamon ni Xerxez dahil iyon talaga ang balak niya na paslangin ito. Nagkaroon sila ng kasunduan sa halip na isang digmaan, sa pamamagitan ng isang duwelo, na kung sino ang mapaslang ay ituturing na panalo, at kung sakaling si Xerxez ang manalo, mababawi nito ang kaharian ng Thallerion, pati na ang mga taga-thallerion na nasakop ng Moonatoria, ngunit kung masawi siya, lahat ng lahi ng Thallerion ay magiging alipin.

Malaki ang kompyansya ni Hedromus na mananalo siya sa duwelo nila dahil malaki ang kanyang katawan, at di himak na mas marami siyang karanasan sa pakikipaglaban kumpara sa isang binata na katulad ni Xerxez, ni hindi rin maitatanggi ang kanyang pagiging bihasa sa paggamit ng spada at pakikipaglaban. At bunga na rin ng kanyang kahambugan, masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Xerxez.

Napalaya ni Xerxez ang sarili niyang lahi sa kamay ni Haring Hedromus. Napaslang niya ang hari dahil sa kanyang talino at taktika, sabi sa kasabihan daig ng matalino ang malakas. Ngunit sa puntong iyon, utak at kumpyansa sa sarili ang ginamit ni Xerxez upang maisahan niya ang hari ng Moonatoria. Dahil sa nangyaring pagkasawi ng haring si Hedromus kinakatakutan na ng ibang bansa ang Thallerion nang mabalitaan ang pagkatalo ng hari ng Moonatoria, sinong mag-aakalang, isang binata lang ang tatalo sa isang hari na binansagang "ang mabagsik na uso", dahil siya ay hari ng Moonatoria. Ngunit ang totoo, ang determinasyon ni Xerxez ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang talunin ang hari. Subalit , ang paniniwala ng iba, si Xerxez na yata ang susunod na Orion. Nawagi man niya ang labang ito, malungkot parin si Xerxez dahil nag-iisa na lamang siya. Gayun paman, Taos pusong nagpapasalamat sa kanya ang buong Thallerion dahil nahimuk niya ang tagumpay kaya't masaya ang lahat at naibalik na ang lahat ng inagaw ng mga Moonatoria, at ang bawat sundalo ng mga Moonatoria sa bawat distrito at ang mga mersenaryo doon sa distrito ng Bellatrix ay pinalayas ng walang bitbit na anumang pagmamay-ari nila.

Sa huli, hinirang na hari si Xerxez ng mga konseho na pinamunuan ng mga magulang ni Matheros. Kaya, pinalakas niya ang hukbo ng sandata at lakas ng mga kawal.

Nakipagkasundo si Haring Xerxez, sa mga karatig bansa nito na magkaroon ng matibay na alyansa. Ang mga Thartherus na kilala sa tawag na Blue Moon country, ang Vhorlandrus, Peronicas na kilala naman ng marami na blooded-phoenix at ang Latherus o tawag sa nakararami na 'land of the sorcery'.

Upang hindi magkaroon ng hidwaan ang mga karatig bansa sa isa't-isa, ginawa niyang kaibigan at kakampi ang mga iyon, ngunit nais din sana ni Xerxez na magkaroon ng alyansa sa bansa ng Ossibus, subalit taliwas sa inaasahan ni Xerxez ang nangyari, hindi pumayag ang hari ng Ossibus na si Matar. Wala namang layunin si Xerxez na guluhin ang buhay ng ibang bansa kundi nais lamang niyang mapalawak ang pagkakaisa ng bawat lipi na naninirahan sa buong sanlibutan, ngunit sa ginawa ng mga ossibian ay ginalit nila ang hari ng Thallerion. Kaya walang nangyaring kasunduan sa pagitan ng Thallerion at Ossibus.

Gayunpaman, pinapaintindi niya sa kanyang mga kaalyadong hari na ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagtanggap, ang magiging tulay upang maibsan na ang awayan, bangayan at sigalot sa bawat bansa.

Ang Thallerion ay may tema ng pagiging mandirigma akma sa bansag na Orion. Mula sa daanan, merong mga statwa ng mga makikisig na mga kilalang mandirigma ng Thallerion at sa harap nito ang statwa ng mga naunang hari ng Thallerion. Sa harap ng palasyo makikita ang prestihiyosong Adorno ng mga pader na may kulay asul at abo. May mga kahoy sa harap ng palasyo na merong maayos na desinyo ngunit hindi makapal ang mga dahon niyon. Sa pintuan may nakaukit na simbolo ng mga mandirigma. Na merong gwardya na nakatayo sa magkabilang gilid. Sa loob, merong makikita ng mga larawan ng kasaysayan ng Thallerion, mga dating hari at reyna, maging ang mahahalagang tao na may malaking kontribusyon sa paglikha ng kasaysayan ng Thallerion. At sa ibang bahagi ng pader meron naman mga sandata , ang ilan doon mga dating armas ng mga yumaong hari at mga bantog na mga mandirigma ng Thallerion. Nahahati sa limang distrito ang kaharian ng Thallerion at dahil kilala sa kasaysayan na ang Thallerion ay sumisimbolo sa Dakilang Orion mas pinipili ni Xerxez na iwasan ang kaisipan na ito ng mga tao na ang bansang Thallerion ay nagdudulot ng di naiwasang digmaan,sa pamamagitan ng pakikialyansa at pakikisundo sa karatig bansa

Sa kasanayang paniniwala ng mga ninuno noon, ang ilan sa mga distrito ng Thallerion ay ipinangalan sa mga bituin. Sa unang Distrito ng Thallerion ay tinatawag na Distritong Betelgeuse, nandito nakatayo ang palasyo ng hari at sentral na pamahalaan, na sumasagisag sa puso at pamumuno ng kaharian. Nandito din ang mga mahahalagang konseho ng ministro ng kaharian na hanggang ngayon kamag-anak niya ang naatasang maglingkod sa ganitong tungkulin.

Ang pangalawa ay Distrito ng Rigel, ito ay distrito kung saan nakatuon sa militar ng kaharian, na may mga kuartel, mga lugar ng pagsasanay, at mga armorya. Dito lumalagi ang mga pinuno ng mga sundalo. Kagaya ni Matheros na isang kumandante na pinamumunuan ang tatlong kapitan ng mga sundalo na sina Phalleon, Vethor, at si Catana.

Sa Distrito ng Bellatrix, nakatuon dito ang kalakalan, komersiyo, at industriya ng mga negosyo, na may mga palengke at mga gilda ng mga mangangalakal, ngunit naimpluwensyahan ito ng mga mersenaryong Moonatoria. Dito nagaganap ang tagpuan ng mga mamamayan ng Thallerion para sa kalakalan at bilihan, at madalas matao sa lugar na ito kaya maraming nakakaaliw ng mga gawain didto. Madalas kapag gusto ni Xerxez na maaliw nag-iikot siya sa lugar na ito upang mamasyal at obserbahan ang mga tao.

At ang panghuli, ang Distrito ng Mintaka o Ang distritong ito ay nagsisilbing sentro ng kultura at edukasyon ng kaharian, na may mga aklatan, mga akademya, at mga museo. Dahil hilig ni Xerxez ng paglikha ng mga sining tulad ng mga larawan, nagpatayo siya ng gusali tulad ng museo tungkol sa pagpipinta.

May lugar din sa Thallerion na pinagtutuunan ang husay at galing sa pakikibuno at paggamit ng sanda kaya meron itong engrandeng Arena o engrandeng ampiteatro na nagtatanghal ng mga labanan ng gladyador, mga torneo, at iba pang mga pampublikong kaganapan. Upang maihayag ang pagtutok nito sa karangalan, katapangan, at kahusayan sa pakikipaglaban ng mga taong merong natatanging talento at galing.

Marami pang balak at plano na gustong gawin si Xerxez para sa mas ikauunlad ng bansang Thallerion kaya naman marami ang natuwa at nasiyahan sa kanyang pagpapahalaga sa mga larangan na maghuhubog sa bawat nasasakupan ng Thallerion, at magkakaroon din ng pangarap at mithiin ang mga kabataan ng Thallerion upang maging mahusay lalo na sa paglilingkod sa bansang Thallerion.

Bukod pa sa kanyang inisyatiba, naihayag din ni Xerxez ang kanyang katapangan sa pamamagitan ng pakikidigma at pagtalo sa mga kaaway na gustong sakupin ang bansa ng Thallerion. Ngunit kahit na sa malupit na katutuhanang nababalot ang mundo ng pakikidigma at kasakiman ng teritoryo at kapangyarihan ng ibang bansa, nakaramdam parin si Xerxez ng isang bagay na kulang sa puso niya, ngunit dahil mahal niya ang kanyang bansa kaya inuuna niya ito sa halip na sa sariling kapakanan ay pinili niya na paglingkuran ang bansa niya dahil yon lang ang kinikilalang pamilya niya.

Ngunit noong una paman, maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya dahil sa kanyang kakisigan, talino, at kapitagan. Matipuno ang kanyang katawan at kaakit-akit. kahit saan siya magtungo napapansin siya ng mga babae. Maraming babae ang nangangarap na mahagkan man lang sila ay higit na ikasisiya nila iyon, dahil nakakaakit ang mga labi ni Xerxez, kahit hindi pa ito magsalita. Subalit, alam ni Xerxez na hindi pa ang tamang oras para sa ganung bagay.