Sa lupain ng Peronicas ay nakilala niya ang isang dalaginding na prinsesa na anak ni reyna Pyramia dahil sa kanyang pakikipagsapalaran sa buong lungsod na kanyang nasasakupan. Ang peronica ay kilala sa tawag na Phoenix dahil sa isang kasaysayan na minsan ng lumitaw ang ibong Phoenix na pinaniniwalaang naging tao kaya karamihan sa mga tagaperonica ay mapupula ang mga buhok nila na may magagandang mata at makikinis na balat.
Nakilala niya si Perlend sa isang batis kasama ang ibang kababaihan na nagtatampisaw at naliligo sa malinis na tubig, dahil sa kanyang pakikipagsapalaran sa labas ng Thallerion doon sa karatig bansa ay nahulog ang loob ng prinsesa sa hari dahil sa kapitagan nito sa kababaihan. Si Perlend ay isang magiliw na babae at mapagmahal na anak nina Pyramia. Simula ng makita niya ang lalaki lage na siyang nagtatampisaw sa ilog na karugtong lang ng Cirtax.
Isang araw noon, nanaog si Xerxez sa kabayo para makapaghugas ng kamay at mapainom ng tubig ang mga kabayo nila. Ngunit mula sa di kalayuan nakita niya ang dalaga na nagtatampisaw at umaawit na para bang malambing na huni ng ibon.
Sapagkakataong iyon, nilapitan niya at masuyong kinausap ngunit kahit na sa kaunting oras, na nakilala ni Xerxez ang dalaga lalo na ng malaman niyang wala itong asawa, ngunit nagsinungaling ang dalaga nang tanungin siya ni Xerxez kung may mga magulang pa ito. Sa takot ni Perlend na baka ang mga magulang pa niya ang maging hadlang sa kanyang nararamdaman. Lalo't Hindi siya hinihintulotang magkanobya sapagkat hindi maitatangging may sakit siya, hindi pwede sa kanya ang makaranas ng matinding pagod gaya ng ginagawa ng normal na babae o ng isang ina. Malawak ang bansang Peronicas subali't pag-ibig ang dumugtong sa landas nila para sila ay pagtagpuin. Kapwa sila nabighani, kaya't wala ng makakapigil sa kanilang pagmamahalan.
Tuwing dumadaan si Xerxez sa batis ay napapansin nito palagi ang manipis na damit na ginagamit ni Perlend sa pagligo na tila ba kusa niyang inaakit si Xerxez na titigan siya.
Nakakabighani ang katawan ng dalaga kaya't natutukso siyang pagmasdan ito, kaya't agad na niligawan niya ang prinsesa ng walang pagdadalawang-isip sapagkat mahal na mahal na niya ito. Walang tanggi para sa isang dalaga na tanggapin ang panliligaw ng hari dahil alam niyang liligaya siyang tunay kapag sa piling siya ng lalaking mamahalin niya.
Napakasaya ng hari sa mga oras na'yon sapagkat tinugon ang kanyang pagsinta ng isang babae, ngunit bago ito sumama, umuwi muna ito sa kanilang bahay at may isang importanteng bagay siya na kinuha, ang kanyang kuwentas na binigay sa kanya ng kanyang ama.
Kinabukasan, naghintay si Xerxez sa batis para sumama na ito sa kanyang pag-uwi sa Thallerion, subali't ang ginawa nila ay parang pagtatanan narin sapagkat hindi niya isinangguni sa mga magulang ni Perlend ang pag-iisang dibdib nila na tila ba pinitas niya ito ng walang paalam na parang isang nakaw na pag-ibig; gayunpaman, ang tanging alam lang ni Xerxez ay ulila na ang dalaga kaya hindi na siya nangusisa sa buhay nito.
Pag-uwi nila sa kaharian ay agad na inutusan niya ang lahat ng mga tagasilbing-kababaihan na magsihanda para sa pagpupugay at sa kanilang kasal. Nagbigay siya ng mga imbetasyon sa lahat ng nasasakupan ng Thallerion. Kinabukasan ay nagsimula na ang mga tugtugan, sa mga sandaling iyon sinimulan na ang kasalan. Lahat ng tao ay nagbunyi at nagdiwang para sa kanilang kasal at sa pag-iisang dibdib nila.
Masaya ang lahat sa kasal na yon, lalo na para kay Xerxez, pakiramdam niya bumukas ang kalangitan para siya ay buhusan ng kaligayahan at magandang kapalaran. Ang mga panauhin ay mga mga engrandeng handog para sa ikinakasal , subalit hindi dumalo ang taga-peronica sa dahilang nagdadalamhati sila sa nawawalang anak na prinsesa. Ang buong akala ni perlend dadalo ang kanyang mga magulang, at kung mangyayari man yon buong pusong susuwayin niya ang ano mang pagtutol ng mga magulang niya.
Pagkatapos ng isang buwan, ang asawa ni Xerxez na kanyang sinisintang si Perlend ay nagdadalang-tao na, kaya't masaya niyang ipinamalita sa buong lupain ng Thallerion at maging sa mga kakilala niya, ang pagbubuntis ng kanyang asawa. Inisip ni Perlend na kung sakaling sabihin na niya ang totoo at magpakita na sa mga magulang, baka magdulot lang iyon ng tensyon at balakid sa kanyang pagbubuntis kaya minabuti na lang niya na manahimik.
Di nagtagal, ipinanganak ni Perlend ang malusog na sanggol, lalaki ang sanggol kaya tuwang-tuwa ang hari sa kanyang pagkakakita. Biyaya ito sa kanila kung kaya't pinangalanan ito ni Xerxez bilang si 'Pyramus' na sumisimbulo sa kanyang maalab na katapangan at sa kanyang kahusayan sa pakikipaglaban.
Medyo mapula ang buhok ng sanggol, at nagmana sa ina ang hugis ng mga mata nito, at maging sa kulay ng balat at kinis ay talagang nagmana sa bansang Peronica.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang nasasilid si Perlend kasama ang sanggol ay nakarinig siya ng ingay sa bintana, kaya iniwan niya saglit ang sanggol sa kanyang higaan, ngunit sa kanyang pagtataka ay wala siyang nakita na kahit anong bagay na maaaring maglikha ng ingay. Ngunit pagbalik niya sa silid, laking gulat niya nang may mga abong naka palibot sa sanggol at may napansin siyang isang marka sa dibdib nito dahil nasunog yong parti ng damit kung saan lumabas ang marka. Isang tulad ng simbolo ng apoy na parang ibon na mahaba ang mga pakpak at buntot nito. Ngunit nang makilala niya ang marka isa pala itong ibong Phoenix. Sa sobrang pagkamangha, nagpatawag siya Kay Xerxez.
"Ang Phoenix ng peronica ay lumapit sa ating anak!" Nagagalak na sabi ni Perlend.
"Hindi ba't isa lamang yon alamat ng bansa nyo?!!"
"Yon din ang buong akala ko, pero heto tingnan mo... Totoo ang alamat ng peronica." Agad na inilapit ni Perlend ang sanggol sa larawan ng Phoenix na pinapinta niya kay Xerxez. Inialay niya ang anak nila sa altar ng Phoenix na personal na pinagawa ni Perlend na meron ding statwa.
Lumapit sila sa statwa ng Phoenix at umilaw ang marka na tanging si Perlend lang ang nakakita sa marka. Mula sa hindi matukoy na direksyon nakarinig siya ng isang huni na di niya matukoy kung anong uri ng ibon iyon. Agad na kinuha ni Perlend ang mga abo sa sahig at inilagay sa isang luwad na yari sa porselana.
"Si Pyramus ay binasbasan ng Phoenix, ibig sabihin hinirang ng Phoenix ng peronica ang anak natin, nasa sanggol na ang basbas ng kaluluwa ng Phoenix.
"Ibig mo bang sabihin, dugong Phoenix na ang anak natin?"
"Ayon sa alamat, ang mga hinirang ng Phoenix ay magkakaroon ng pambihirang buhay, Isa na rito ang hindi pagtanda ng mukha at katawan kapag dumating na sa tamang gulang ang mga hinirang."
"Hindi ba't nakakapagtaka na man, ayon sa alamat ng peronica... Tanging nasa-dugo lang ng naunang hinirang ang pwede hirangin... At balita ko nasa dugo ni Reyna Pyramia ang huling tagapagmana ng dugong Phoenix. Ngunit may nakapagsabi sa akin, ang anak daw ni Pyramia ay nagkaroon ng sumpa, Isang sakit ngunit patay na daw ito kaya imposibling mangyari ang bagay na ito." Sabi ni Xerxez. "Hindi kaya. .. hindi yon totoong Phoenix? O kaya merong nakapasok na tao at sinubukang paglaruan tayo dito?" Natahimik lamang si Perlend sa sinabi ni Xerxez ngunit Pag-alis ni Xerxez sa silid ay napaiyak siya sa katutuhanang siya ang may sumpa at nararamdaman na niya na nanghihina na siya at ang lalong ikinalungkot niya nang ituring siyang patay na ng kanyang mga magulang.
Gayun paman, masaya pa rin si Perlend na kasama ang kanyang mag-ama, ngunit ang hindi alam ni Xerxez ay may dinaramdam na si Perlend na matagal na nitong tinatago, dahil sa takot ni Perlend na baka siya ay hiwalayan ni Xerxez kaya nanahimik na lamang siya at tiniis ang karamdaman subalit nang isinilang na niya ang kanyang anak, doon na naging komplikado ang sitwasyon.
Linggo ng araw na yon, umuwi si Perlend sa tahanan ng kanyang mga magulang ng palihim, at hindi rin yon nalaman ni Xerxez. Bitbit niya ang kanyang anak upang makilala ito ng magulang ni Perlend ngunit laking gulat ni Pyramia nang makita niya ito, dahil ngayon lamang ito nagparamdam sa loob ng isang taon na ang pagkakaakala nila'y patay na ito, kaya't sa sobrang lungkot at pangungulila ng ama ni Perlend sa kanya ay namatay ito.
Nagkaroon ng masidhing kalungkotan sa puso ni Perlend nang mabalitaan niya ang kinahinatnan ng ama niya. Parehong may malungkot na balita sila kaya't ng umamin si Perlend na lumalala na ang sakit niya ay napaluha si Pyramia, na tila unti-unting tinutusok ang puso niya sa sakit dahil hindi niya matanggap ang kalagayan ng kanyang anak na prinsesa.
Sinabi ni Perlend na ang dahilan ng kanyang paglaho sa Peronica ay dahil kusa siyang sumama at nag-asawa siya Kay Xerxez. "Si Xerxez?" Nagulat si Pyramia. "Ang Hari ng Thallerion? Paano nangyari yon?" Bakit hindi mo siya hiniwalayan! O sinabi sa amin na mag-aasawa ka pala, hindi sana naging malubha ang sitwasyon natin ngayon, hindi sana dinibdib ng ama mo ang iyong pagkawala." Galit na Sabi ni Pyramia.
"Ina, natakot ako na—" nauutal sa sabi ni Perlend. "Na baka hahadlangan nyo ang aking mithiin sa buhay. Mahal ko si Xerxez."
"Nababaliw ka na ba? Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Pinangaralan kita mula pagkabata na huwag kang tutulad sa normal na babae. Pero ang tigas ng ulo!" Iyak ni Pyramia. "Ngunit, wala narin tayo magagawa , dahil nandyan na rin naman ang sanggol."
"Pyramus." Sabi ni Perlend. "Pyramus ang ipinangalan namin sa kanya."
"Hindi ba't sinabi ko sayo anak, ang sumpa ay magpapatuloy, lalo't hindi dugong Phoenix ang ama mo kaya bakit mo hinayaang mangyari ang bagay na ito? Nagkulang ba kami sa iyo?"
Kapag ang dugong Phoenix ay nag-asawa sa hindi dugong Phoenix, ang anak nito ang magkakaroon ng sumpa, Isang sakit na kumakalat sa buong katawan, ito ay walang lunas. At lalong mapapalala ang karamdaman kapag ito ay manganak na tuluyan ng manghihina ang kanyang katawan na parang bulaklak na malalanta na lang kalaunan.
"Mahal ko si Xerxez... At alam kong paghihiwalayin mo kami kung sasabihin ko sainyo ang bagay na ito noon. Ang totoo, naghintay ako ng pagkakataon na sabihin sa inyo na umalis ako upang makasama si Xerxez, subalit pinigilan ako ng aking mga alalahanin, maging sa kondisyon ko man ay hindi ko din naaamin sa kanya ang totoo ."
"Ano ba ang pinakain sayo ng lalaking yon at nabulag ka sa pag-ibig? Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ako ng anak na tulad mo mag-isip."
"Heto si Pyramus, ina, ang magpapatuloy sa dugo ng Phoenix na alam ko hinangad nyo rin ang sandaling ito, ngunit kabaliktaran ang nangyayari sa katotohanan. Ngunit kung buhay ko man ang maging daan para magpatuloy ang lahi ng angkang phoenix, ay handa kong isilang ang sanggol na bunga ng tunay kong pagmamahal kay Xerxez."
"Anak, mas gugustuhin ko pang matapos na lang ang dugo ng Phoenix, kay sa makita kitang nagdurusa." Malungkot na sagot ni Pyramia.
"Ngunit, hindi mo ba matatanggap ang apo mo? Siya ang susunod sa yapak ni ama."
"Ang apo ko." Kinuha ni Pyramia ang sanggol at malabing na niyakap. Ngunit May nakita siyang bagay na parang peklat sa dibdib. "Hindi maaari. Ang apo ko ay—"
"Bakit po ina?"
"Kailan lang ito lumabas sa kanyang katawan?" Sabi ni Pyramia na seryoso ang pagkakatanong.
"Noong nakaraang Linggo, pagkatapos kong maipanganak si Pyramus, bigla na lang ako nakakita ng abo sa kanyang silid at pagkatapos, May umilaw sa kanyang dibdib. Hindi ba't sinasabi sa alamat binasbasan ng Phoenix ang sanggol?"
"Nagpakita ba sayo ang huling Phoenix? " Sabi ni Pyramia.
"Hindi. Wala akong nakitang phoenix ngunit May narinig akong huni na parang ibon, alam kong tanging ang may dugo ng angkang phoenix ang may kakayahang marinig ang hiyaw ng phoenix— ina, narinig ko iyon. At kung maniniwala ka, dinala ko ang hindi ordinaryong abo na bigla na lang lumabas sa silid ng anak ko. Heto ang abo."
"Hindi nga ito ordinaryong abo. " Mangha ni Pyramia.
"Ina, huwag n'yo sana ipagsabi ang tungkol sa anak ko. Nais ko lang lumaki siya ng normal na bata." Pakiusap ni Perlend.
Hindi na nakauwi si Perlend sa Thallerion dahil tuluyan na siyang humina ngunit humiling si Perlend sa kanyang ina na dalhin siya sa Thallerion, upang makita at makapiling man lang ang mag-ama.
Sinunod ng Reyna ang hiling ng anak niya kaya sinamahan niya si Perlend papunta sa Thallerion, upang kausapin si Xerxez. Ngunit pinagsabihan siya ni Perlend na kung sa kaling pumanaw siya, ay mananatili si Pyramus sa Thallerion sa piling ng kanyang ama hangga't hindi pa ito nagbibinata.
Sinabi din ni Perlend sa kanyang ina na wag niya Sana sumbatan o kamuhian si Xerxez sapagkat, hindi alam ni Xerxez na si Pyramia ang kanyang ina.
"Paano mo ito na gawa sa amin? Pinagkaluno mo kami?" Naiinis man si Pyramia ngunit pinilit na lang niya na umintindi. "
Pagdating nila sa Thallerion laking gulat ni Xerxez ng makita ang mga kawal ng mga peronica na paparating at nakita niya ang reyna.
"Nawawala na nga si Perlend, dinadagdagan pa ng mga hindi inaasahang bisita ng Reyna ng peronica. " Ngunit nang may nakita siyang parang isang pasyente na nakahiga sa magarang sasakyan na para sa isang prinsesa na minamaneho ng kabayo. Bumilis ang kutob niyang si Perlend ang pasyenteng yon kahit hindi pa siya kumpermado. "Hindi maaari ito! Ano ang nangyari Kay Perlend?!!" Hilakbot niya.
"Pyramia!!!" Sigaw ni Xerxez. "Anong ginawa mo sa asawa ko?!!!" Nagngingitngit na si Xerxez dahil iniisip niyang may ginawa ang taga peronica sa asawa niya.
"Hindi ko inaakala ganito ako salubungin ng hari ng Thallerion." Sumbat pa niya Kay Perlend.
"Xerxez.... " Tawag ni Perlend. Tumakbo agad si Xerxez ng marinig niya si Perlend dala ng kanyang pananabik. Alam ng lahat na mapagmahal na asawa si Xerxez. Kaya kung meron man mangyari sa asawa niya ay matindi ang nagiging sidhi ng kanyang lungkot, galit, at kawalan ng kontrol sa sarili. Niyakap agad ni Xerxez si Perlend at hinalikan, tapos kinuha niya sa kinahihigaan at pinasan ito.
"Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam, Lalo mo akong pinaalala." Tumahimik lamang si Perlend.
"Mahal na Reyna Pyramia... Utang na loob ko sa iyo ang personal mong paghatid Kay Perlend pabalik sa Thallerion. Kung ano man ang iyong dahilan o sadya, sa pagtulong sa asawa ko, labis akong humihingi ng pasasalamat... At dahil doon, magpapahanda ako ng piging para sa inyong lahat."
"Tumuloy kayong lahat!! " Sabi niya sa mga kawal ng peronica." Inutusan niya sina Matheros para sa piging.
Agad na dinala ni Xerxez ang asawa papunta sa kwarto nilang dalawa. Ngunit sumunod si Pyramia. At pagkapasok nila sa kwarto habang si Reyna Pyramia tumayo sa gilid ng pinto ay nagsalita si Perlend. "Xerxez, ang tunay Kong ina ay ang .. Reyna ng peronica....si Pyramia."
"Ah—!???" Natamimi si Xerxez nang malaman niya ang tungkol sa ina ni Perlend. Napatingin siya sa kinarorounan ni Pyramia.
"Ako nga ang ina ni Perlend." Mataray na sumbat ni Pyramia. At lumapit siya papunta sa kama ni Perlend.
"Ngunit ang Sabi mo .... " Humarap naman siya Kay Perlend habang naguguluhan. "Hindi ba't sinabi mo sa akin wala ka ng mga magulang doon sa peronica? " Ibinaba na niya ito sa kama at pinahiga ng maaayos.
"Nagsinungaling siya." Sagot ni Pyramia.
"Bakit mo ito nagawa sa akin? Ang buong akala ko totoong uliran ka na?" Naiinis na si Xerxez. "Ginawa mo akong tanga, paano na lang kung nagdulot yon ng digmaan? Dahil inasawa kita ng hindi man lang nag-paalam sa mga magulang mo? Paano kung —"
"Dahil mahal na mahal kita Xerxez!" Iyak ni Perlend. "Ginawa ko yon, dahil ayaw kong maputol ang pagmamahalan natin. Wala akong ibang hangad kundi ang mahalin ka lamang Xerxez." Labis na lumuluha si Perlend.
"Tama na!" Sabi ni Pyramia.
"Ano ba ang nangyayari sa kanya ... Bakit siya nagkakaganito, hindi na man siya ganitong nanghihina?" Pag-aalala ni Xerxez.
"Xerxez, nagawa niyang ilihim ang lahat, nagsinungaling siya sayo, pati din sa amin. Ngunit ginawa niya iyon dahil mahal ka ng anak ko."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"May sakit si Perlend." Malungkot na sagot ni Pyramia. At napahikbi na man si Perlend sa sobrang hiya, tumalikod siya Kay Xerxez at ayaw niya ito tingnan.
Mismo si Pyramia na lang ang nagsabi kay Xerxez na matagal ng may inililihim ang anak niya. Sa loob ng kanilang pagsasama ay doon palang niya nalaman na malubha na pala ang sakit nito, doon siya nag-alala at nalungkot dahil nagawa nitong ilihim ang lahat ng sakit na kanyang dinaranas. Gusto man niyang sisihin si Perlend ngunit, baka ikasasama pa ito sa kalagayan.
Wala na magawa si Xerxez sapagkat malubha na ang sakit niya, ngunit kahit lubosan ng lubog sa banig ang kanyang asawa ay hindi parin siya nawawalan ng pag-asa. Nalaman din niyang tunay ang pagmamahal ng hari sa kanya kaya'y sinisi niya ang kanyang sarili, ngunit magkagayo'y huli narin ang lahat para magsisi.
Naghanap si Xerxez ng mga dalubhasang manggagamot at maging ang mga misteryosong bagay ay ginamit nila ngunit wala paring nangyari, lalo tuloy lumala ang karamdaman ni Perlend, tuwing nag-uusap sina Xerxez ay lagi niyang naririnig sa bibig ni Perlend na huwag na raw siya mag-aksaya ng panahon para magamot pa ang sakit niya dahil huli na daw ang lahat, lagi din siya humihingi ng paumanhin kung bakit inilihim niya ito sa kanya.
Umabot sa anim na buwan ang pagsasama nila ni Perlend dahil sa sakit na hindi malulunasan, kahit anong pagsusumikap ni Xerxez ay madagdagan lang ang buhay ng asawa niya ay gagawin niya. Ngunit, kalaunan din nanaig parin ang kamatayan at ito'y lubusang lumisan sa ibayo ng mundo, kaya't tanging ang alaala nalang ng asawa ang hindi namamatay, ito'y laging nananatili't kumikintil hanggang wakas. Isang taong gulang palamang si Pyramus ng lumisan ang kanyang ina.
Malaki ang pananaghoy at paghihinagpis ng kanyang ama dahil sa pagkamatay ng kanyang minamahal na asawa. Maging ang ina nitong si Pyramia ay lubosang nagsusumamo sa pagyao ng kanyang anak sa mundo, sapagkat nag-iisa na lamang siya, iniwanan na siya ng asawa at pati ng nag-iisa niyang anak ay lahat sila'y patay na.
Mabigat man sa damdamin ni Xerxez, wala na siyang magagawa pa kundi ang tanggapin ang kapanglawan ng buhay. Ibinilin ni Perlend bago siya namatay na kung dumating ang panahon, sinabi niya sa kanyang ina
"Gawing mong hari si Pyramus sa Peronica."
Sa huling hantungan ni Perlend ay inilagay nila ang labi nito sa lumulutang na balsa at nilagyan ng mga bulaklak at pinaanod sa karagatan, pagkatapos ay sinilyaban ng apoy hanggang sa maging abo ito. Napadpad ito sa malayo hanggang sa lumubog pailalim ng katubigan. Pagkatapos ng mga pangyayari, tila nawala si Xerxez sa kanyang sarili, nagpaka-lasing siya sa mga alak hanggang sa nakaliktaan na niya ang kanyang mga tungkulin maging ang kanyang anak na si Pyramus at pati ng kaharian niya, ngunit mabuti nalang at nan'dyan si Matheros, kamag-anak niya sa ama, kung wala ay malulugmok ang kaharian nila na parang maihahalintulad din sa kanyang kapanglawan.
Lumipas ang apat na taon, singko anyos na si Pyramus, ngunit hindi niya naramdaman ang pag-alaga ng isang ama, dahil sa sobrang lungkot ni Xerxez ay nakalimutan niya na may anak pa pala siya na dapat bigyang pansin; sa tuwing nakikita ni Pyramus ang kanyang ama ay palagi niya itong nakikitang malungkot o tahimik. Gayunpaman, naging abala na rin si Xerxez sa kaharian kahit na hindi niya sabihin ang kalungkutan sa puso niya ay makikita pa rin sa kanyang mga mata.
Nararamdaman ni Pyramus na parang galit ang kanyang ama sa nangyari, dulot ng kalasingan ay lagi itong umiiyak sa tabi ng kanyang silid. Hindi niya matanggap ang kamatayan ng kanyang asawa, kaya't dinadaan na lang niya ito sa paglalasing at pagkukulong sa sarili. Si Pyramus ay naapektuhan din sa labis na panlulupaypay ni Xerxez, gusto niyang makapiling ang ama ngunit wala siyang magagawa kundi ang pagmasdan na lamang iyon. Ibig man niyang makapiling ang ama ngunit iniisip niyang hindi siya mahal ng kanyang ama dahil pinabayaan siya nito.
Tuwing gabi, kapag dinadalaw niya ang kanyang ama sa silid nito ay madalas nakikita niya itong tulala at malayo ang iniisip. Nalulungkot si Pyramus at lumuluha siyang lumapit, hindi iyon napansin ni Xerxez, sa kanyang paglapit, agad na yinakap niya ang kanyang ama. Umiyak ng umiyak si Pyramus habang nakayakap ito ng mahigpit. Ang kanyang mga iyak at tinig ay para bang nagsasabing, 'gising na ama'. Dulot sa mga iyak ni Pyramus, si Xerxez ay nagising at natantu niyang may malaki siyang mali na nagawa iyon ay dahil napabayaan niya ang kanyang anak.
"Anak, paumanhin dahil sa akin, hindi mo naramdaman na may ama na nagmamahal sa'yo."
Lumuha si Xerxez nang makita niya ang mukha ni Pyramus at nariyan pa pala para sa kanya. Hinaplos niya ang mukha nito at minasdan ng maige, napangiti siya ng masilayang malaki na ang kanyang anak na lalaki. Walang ibang magawa si Xerxez kundi ang yakapin ng mahigpit ang kanyang anak at hinalikan sa nuo.
Naging masaya ulit si Pyramus dahil naramdaman na niya ang tunay na pagmamahal ng kanyang ama. Kaya't tuwing gabi, magkatabi na sila matulog. Pinatawad ni Xerxez ang kanyang sarili at bumalik siya sa paglilingkod ng buong-buo sa kaharian niya. Bumalik na rin ang tiwala ng mga hari sa kanya.