Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 7 - Chapter 7: Ang Asembleya ng mga pinuno ng bansa

Chapter 7 - Chapter 7: Ang Asembleya ng mga pinuno ng bansa

May mga panauhing dumating sa kaharian ng Thallerion, ang hari ng Tharterus, ng Vhorlandrus, ng Latherus at ng Peronicas. Pinatawag sila ng hari ng mga hari, walang iba kundi si Xerxez. Mahalaga ang kanilang pagpupulong. Seryoso ito dahil ang mga kawani ng pagpupulong ay binubuo ng mga nakatataas na pinuno. Hinamon sila ni Matar, hari ng Ossibuz, dahil gusto niyang pabagsakin ang Thallerion sa kadahilanang nais niya hamonin si Xerxez. Kaya't bilang paghahanda nila Xerxez, kailangan nilang pagplanuhan ito ng maige.

"Nasa iyo ang kapasyahan ng nakararami, kagalang-galang na hari, Xerxez." Sabi ni Driother, ang hari ng Thartherus. Habang nakaupo silang lahat sa isang parihabang misa na yari sa isang kahoy, at pinakintab.

"Kung papayag kang pababagsakin natin agad ang kaharian ni Matar, hari ng Ossibuz. Dahil sa kanyang walang hiyang paghamon sa atin. Magiging madali na para sa atin na palakasin ang ating pwersa, kapag matalo na natin ang walang kwentang yon, siguro naman mananahimik na'yon sa kahihiyaan!" Galing iyon sa hari ng Vhorlandros, si Valthimoos. "Gayunpaman, maaari na tayong lumaban sa mga Taga- Moonatoria, ngunit mangyayari lamang iyon kung matatalo natin ang Ossibuz?" Tinitigan ni Xerxez si Valthimoos.

"Tama siya Xerxez." Galing naman iyon sa Reyna ng Peronicas, si reyna Pyramia. "Subalit, ang kapasyahan ay na saiyo." Mala maligamgam ang buses na'yon. Tahimik lang ang hari na nagiisip, kaya't parang nailang ang mga hari sa kanyang katahimikan.

"Ano nga ba ang iyong kapasyahan?" Tanong ni Driother. "Sapagkat kanina kapang tahimik, mukha yatang malalim yang iniisip mo, tiyak ko namang pinag-iisipan mo ito?" Tinitigan niya si Xerxez, na ang ibig lang sabihin ay naghihintay ng kasagutan sa kanyang tanong.

"Napagpasyahan ko na!" Sabi ni Xerxez sa kanyang mga kasama na may kaamuhan sa tuno. "Sa tingin ko nga, kinakailangan natin ng malalimang pagpaplano. Sa ating paglusob!" Napalingon ang lahat at tila may mga ngiti sa kanilang mukha habang pinagmamasdan ni Xerxez ang mga kasama niyang hari.

"Kailangan natin ng malakasang pwersa! Karagdagang kawal at mga manggagawa at higit sa lahat, mga kagamitang pandigma!" Papayong sambit ni Pyramia.

"Kailangan natin ng mabisang taktika!" Pahabol din ni Driother. Agad namang inilatag ni haring Harios ang kabuuhang mapa ng Thallerion. Pagkatapos, minasdan nila at sinuri ng maige. Sa mga Sandaling iyon, doon naman nagsimulang nagsalita si Xerxez.

"Ngayon, may naisip na ako na sa tingin ko'y mabisang paraan." Sabi ni Xerxez at doon naman napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa. "Kung nakikita niyo sa mapa, sa dakong hilaga, marami tayong kalaban dito!" Turo niya sa mapa.

Sa hilagang-silangan ng Thallerion, matatapuan ang lupain ng Ossibuz na dumurugtong sa malawak na kagubatan ng Wendlock. Ang Wendlock naman ay nasa bahaging kanluran ng Thallerion, sa likod naman ng Wendlock, ay matatagpuan ang lugar na Evergreen forest, at sa hilagang bahagi ng Wendlock nandoon naman ang Deathcave land, kung saan, inabandonang lugar at walang naninirahan doon, kundi ang mga mababangis na hayop. May mataas itong bundok na ang tawag din ay Deathcay mountain. Sa timog-silangan ng Thallerion ay matatagpuan ang lupain ng Thartherus, at nasa kanluran naman ng Thartherus ang Vhorlandrus, at sa bahaging ibaba ng Vhorlandrus ay ang Latheruz naman, at sa bahaging itaas ng Latherux ay ang Peronicas na nasa kanluran din ng Vhorlandrus. Ang pagitan lang nila sa Thallerion ay ang pinakamalaking-ilog at napakahaba ay ang Cirtax river. Minsan dinadaungan ito ng mga malalaking galyon, at mga bapor na pangkalakal. Matatagpuan naman ang lupain ng Sparton de lox, sa bahaging hilaga ng Evergreen forest. Marami itong lambak at matitirik ang anyo ng lupa. Sa bahaging-itaas ng Sparton De Lox ay matatagpuan naman ang kapatagang Brollasca, walang damo na tumutubo sa lupaing ito at puro buhangin lang ang nakapalibot, at wala din kahit isang puno doon na nakatayo. Ang Moonatoria lang pinakamalayo dahil may lima pang kontinente ang lalakbayin. May mga desyerto na madadaanan na ang tawag sa desyertong iyon ay Dearthlust. Aabot sa isang buwan kung may kamel o kabayo kang sasakyan pero kung wala dudoble ang tagal ng iyong paglalakbay. Medyo malapit lang ang lupain ng Ossibuz sa lupain ng Thallerion, maaaring lakbayin lang ito ng isang linggo, nasa likod lang ng Oortz Forest ang lupain ng Ossibuz, sa Oortz Forest na ito may roon ditong kabundukan na matataas. Matagal ng may hidwaan ang Thallerion sa mga Ossibian o mga taong naninirahan sa Ossibuz, dahil nag-aagawan sila sa lupain ng Wendlock, ngunit ng matalo sila sa una nilang pakikituos sa mga Thallerion ay lubha silang nadismaya at ngayon hinahamon nila ulit ang Thallerion para maangkin nila ang Wendlock. Ang kaharian ng Ossibuz ay maraming mandirigma, puro lalaki ang mga kawal at walang babae na nakikipaglaban sapagkat kaunti lang ang bilang ng babae nila. Para sa kanila pang dekorasyon lang kababaihan at kaluguran nila.

"Ngayon kailan natin sila lulusubin?" Sabi ni Harios hari ng Latheruz. Nanahimik ang lahat at halatang may inaasahan silang karugtong sa tanong na'yon. Namimilog ang mga mata nila sa pag-aasam na marinig ang sagot ni Xerxez, lalo na mahalaga ang katanungang iyon para sa kanila.

"Pagkatapos ng isang buwan!" Desididong sagot ni Xerxez. Nagulat ang lahat sa naging desisyon ng hari. "Ano! B-bakit patatagalin pa natin ng ganun kahaba?" Nagwawalang sagot ni Driother. Sumagot din si Valthimoos. "Masyado ng mahaba ang isang linggo, lalo pa kung isang buwan pa talaga ang hihintayin?" Pagpanig niyang sambit.

"Alam nyo kung bakit, masyado kayong reklamador!" Inis na sagot ni Xerxez. "Kung nais nyong manalo ang ating lupain sa digmaan, dapat lang may ilalaan tayong panahon. Papayag ba ang mga kawal kapag sabihin Kong bukas agad makikipaglaban sila sa mga kalaban ng wala silang kahandahanda, o kung sabihin Kong ngayon na pumunta na sila at lumusong ng wala man lang paghuhunos-dili? Ganun ba ang gusto nyo?" Galit niyang sumbat sa mga hari. "Ano ba kayo? Hindi nyo ba iniisip na kapakanan natin ang buhay ng mga kawal natin, kailangan mas maingat tayo, hindi yung padalos-dalos ng atake! Buhay nila ang nakasalalay sa katagumpayan natin." Natahimik at natamimi ang lahat. "Sahalip tulungan nating hasain at paunlarin ang pwersa ng mga kawal natin. Mag-eensayo sila sa loob ng buwang ito, at maghahanda sa pagtitipon ng mga kagamitang pandigma." Sabi ni Xerxez ngunit naging maamu naulit ang boses nito.

"Kung iyan ang iyong nais, sasang-ayon ako." Sabi ni Harios, siya ang unang sumang-ayon. "Ako din" sabi ni Pyramia. Medyo nalagyan ng puwang ang mga Sandaling iyon dahil parang nag-aalinlangan pa ang dalawa. Sa huli, tumunog din ang bibig ni Valthimoos. "Sige, sang-ayon na din ako." Napatingin sila Kay Driother dahil siya nalang ang hindi pa nagsalita sa pagsang-ayon. Wala din magawa si Driother dahil kapasyahan na ng nakararami ang pasya ni Xerxez. "Payag na ako. Para sa ating katagumpayan!" Ngumiti si Driother kaya't tumawa na rin ang lahat.

"Para sa ating tagumpay!" Sabay-sabay silang naghiyawan.

"Marahil nakapaghanda na sila kaysa sa atin." Seryosong sagot ni Xerxez. "Pero para sa atin, para lamang silang latak na walang silbe. Kawawa lang ang sasapitin nila!" Nag-aalborotong sabi ni Xerxez. Nagsipaghagik-hikan ang mga hari sa sinabi ni Xerxez. "Pero huwag muna tayo magsalita ng patapos, Hindi natin sukat ang panahon." Pagsusuway ni Harios sa mga hari. "Palagay ko tama talaga si Xerxez, kailangan tagala may ilalaang oras at panahong igugugol sa pag-eensayo. Kailangan natin patibayin at palakasin ang hukbo ng mga kawan. Dahil kung Hindi, maraming buhay ang masasawi. Tuso si Matar, kaya't maging maingat tayo bawat oras." Hikayat niya sa mga hari.

"Kung ganun, ang hukbo ng kabayuhan ko ay akin ng ihahanda sa pagsasanay." Sagot ni Valthimoos.

"Ikinagagalak Kong marinig iyon, Valthimoos." Saludong bati ni Xerxez. Kaya't bilang pagtanggap ay sinagot niya agad ito. "Walang anuman, gagawin ko iyon alang-alang sa atin." Mapungay niyang sagot.

"Kaunting tigil lamang, Xerxez. Ilang kawal ba ang dapat nating ihanda sa darating na digmaan?" Tanong ni Driother, napalingon din ang mga mukha ng mga hari.

"Hindi natin alam kung anong bilang meron sila? Ngunit mabuti ng damihan ang bilang ng hukbo natin. Dahil kung mas marami, mas magiging malamang tayo!" Palunas na sagot ni Xerxez sa katanungan na gumimbal sa isipan ng mga hari.

"Wag na nating patagalin pa ang usapang ito, marahil, kailangan mo nang mag-utos ngayon ng isang mapagkakatiwalaang tagahatid-liham para sa hamong ito, at para malaman nila kung kailan gaganapin ang digmaan. Hindi na din kailangan sabihin kung saan, dahil baka taniman pa nila pandaraya at mga patibong." Mungkahe ni Pyramia.

"Tama ka nga reyna Pyramia, dapat ganun tayo mag-isip, dahil Hindi ito isang laro kundi isang buhis-buhay na paligsahan. Isang kompetisyon!" Mabugsong hamon niya sa mga kasama. "Wag na kayong mag-alala sa parteng ito, dahil nandiyan si Cathark, siya ang napagkakatiwalaan ko pagdating sa usapang pahatid-liham. Mahusay siyang magtalastas sa harap ng mga kaaway natin, kaya't hindi siya napapahamak dahil matalino at tuso siya kung magsalita."

"Kung ganun, pwede na tayong magsialisan." Sabi ni Xerxez. "Magkita-kita na lang tayo pagsapit ng ikaapat na linggo." Pagwawakas ni Xerxez sa pagpupulong.

"Au revior!" Sabi ni Driother sa mga kasama. At nagsialisan na ang mga hari, ngunit nagpaiwan muna si Pyramia. Nagtataka kasi siya, nang pagdating niya kanina ay hindi siya sinalubong ng apo niya na si Pyramus. Kaya't kinumusta niya si Pyramus, sapamamagitan ng pagtanong sa ama.

"Kumusta na si Pyramus? Bakit Hindi ko siya nakita? O salubungin man lang ako? Baka naman nilalason mo ang utak ng apo ko kaya't Hindi na niya ako pinapansin?" Masungit na tanong ni Pyramia.

"Reyna Pyramia, aaminin Kong naging pabaya ako pero ang lasonin ang utak ay isang malaking kahibangan! Kung ganunman, bakit ko naman gagawin yon?" Pasanggalang sagot ni Xerxez. Natahimik ang reyna. "Kung ganun nasaan siya ngayon?" Paibang ihip ng tanong ni Pyramia.

"Ang alam ko nasa silid aralan ang dalawa kong anak." Diretsong sagot niya. Kumalma ang reyna. "Mabuti na man kung ganun!"

May biglang dumating na sundalo, ang mga tagabantay ng mga prinsipe. "Mahal na hari, nawawala po ang mga prinsipe. Wala kaming dahilan kung paano nang yari iyon. Ngunit ang sabi kanina pang umaga nawawala dahil ang akala namin nandoon sila sa loob ng silid nag-aaral." Sinampal siya ng reyna.

"Kanina pang umaga!!!?"Nanlilisik ang mga mata ng reyna sa pagkakarinig ng balita. "Nawawala ang mga prinsipe sa ganoong kahaba ng oras? At sasabihin nyo ng ganun lang?" Pagkasuklam ng reyna.

"Tama ba ang narinig ko, nawawala ang mga prinsipe?" Sambit ni haring Driother. Xerxez, nasaan ang apo ko?"

"Sagutin mo kami, Xerxez!" Sabi ni Pyramia.

"Hindi ko ko alam." Nababahala din na tugon ni Xerxez. At kabado siyang sa kalagayan ng mga anak niya.

"Inaamin mo nga na naging pabaya kang ama!" Masungit at nag-aalborotong sambit ng reyna. "Dahil paano mo naman talaga malalaman kung naging pabaya ka. Hindi ka naman naging obligado sa anak mo noon paman! Ang mabuti pa kukunin ko na lang si Pyramus dito sa pamamahay mo. Kukunin ko siya kahit lalabagin ko ang utos ni Perlend.!" Supladong sabi ni Pyramia.

"Yon ang Hindi mo pwedeng gawin sa pamilya ko! Kahit alimurahin mo ako ng harap-harapan pero ang kunin at ipalayo ang anak ko, iyon ang mahigpit kong ipinagbabawal at kamumuhian ko iyon!" Marubdob niyang sagot sa reyna.

"Paano kung ang anak mo ang gustong umalis, may magagawa ka ba?" Paghahamon niya Kay Xerxez. Natahimik si Xerxez. "Tingnan mo, natahimik ka dahil alam mong si Pyramus ay pinabayaan mo noon." Pagpapadismaya niya sa isip ni Xerxez."Hindi! Nagkataon lang iyon, pero alam Kong Hindi ganun mag-isip si Pyramus. Hindi niya kami iiwan." Pananalig niya sa kanyang sarili.

"Mga kawal halughugin nyo ang buong distrito ng Thallerion. Hanapin nyo ang aking mga anak." Sabi ni Xerxez.

"Xerxez, alam mo kung ano ang nangyari kay Maviel, hanggang ngayon ba mababa parin ang sekyuridad ng Thallerion?" Maang pa ni haring Driother.

"Haring Driother, alam kong malungkot ang sinapit ng anak mo ngunit ginagawa ko naman ang lahat para hindi na muli mangyari ang trahedyang yon." Malungkot na tugon ni Xerxez.

"Si Maximus na lang ang tanging ala-ala ng anak ko. Kaya utang na loob. Gawin mo'ng ligtas ang apo ko."

"Pinangako ko sa sarili ang bagay na yan. Kaya sana pagkatiwalaan mo ako." Maya-maya may dumating na sundalo at nagbalita. "Mahal na hari nakita na namin ang mga prinsipe sa likod ng palasyo."

"Ayos lang ba ang mga prinsipe?" Sabi ni Driother. " Opo!" Masigasig na tugon ng kawal.

"Papuntahin ang mga prinsipe sa loob ng palasyo." Utos ni Xerxez. "Alam kong pakana ito ni Pyramus, ilang beses na niya ito nagawa sa kanyang mga bantay.

"Gusto ko rin payuhan si Maximus." Sabi ni Driother. Saktong dumating nana Pyramus, kasama si reyna Pyramia.

"Lolo." Tuwang-tuwa na salubong ni Maximus. "Halika dito, Maximus!" Masayang tugon ni Driother.

"Ano itong kabaliwang ginawa ninyo?

Pyramus!" Tawag ni Pyramia. Paparating ito.

"Lola?" Nagulat si Pyramus. Hindi kasi alam ni Pyramus na sa araw na ito darating ang pinuno ng mga kaalyadong bansa, isa na doon ang lola niya.

"Bakit kayo tumakas sa silid aralan?" Sabi ni Pyramia. "Hindi ka ba tinuturuan ng ama mo ng maayos na paggalang?"sabi pa nito. "Hindi kayo nagpapaalam, tama ba yon na pag-uugali?"

"Hindi ko tinuturuan ang anak ko ng masamang asal." Paninindigan ni Xerxez. "Kaya kung pwede lang reyna ng Peronica, piliin mo ang mga salitang hindi nakakalason sa pandinig."

"Ama, at lola huwag na po kayo magtalo. Wala na man kaming masamang ginawa sa mga araw na ito. Pinansyal ko lang si Maximus doon sa likod ng palasyo. Hindi ba Maximus?" Maang pa ni Pyramus.

Dahil napag-usapan na nila ang tungkol dito, kaya agad naman na sumang-ayon si Maximus.

"Totoo po iyon, ama... katunayan po iyan na libang po ako sa mga tanawin doon. "

"Mukhang nagsasabi si Maximus ng totoo." Sabi ni Driother. Ngunit tinitigan ni Xerxez si Maximus na tila may nakikita siyang di maayos sa mga mata ni Maximus, na tila isang palabas lang iyon dahil hindi siya kumbinsido sa galak ng mga mata nito. "Mabuti na man kung ganun, Maximus at Pyramus mag-usap tayo mamaya."

"Makinig kayong dalawa!" Sabi ni Pyramia. "Mula sa araw na ito, huwag kayo magtatangkang umalis sa palasyo dahil may nabubuong banta laban sa mga ossibian. Maliwanag? Lalo ka na Pyramus, nakakatanda ka sa kapatid mo, kaya ikaw dapat ang maging ehemplo ng mabuting asal."

"Opo Lola." Sagot ni Pyramus na tila hindi nasisiyahan.

"O sige, aalis na ako , babalik na ako sa bansang Peronica." Agad na hinalikan ni Pyramia sa nuo si Pyramus. "Xerxez, wag mo sana kalimutan ang bilin sayo ni Perlend."

"Naiintindihan kita."

"Ako din Xerxez, aalis na rin ako." Sabi ni Driother. "Maximus, wag mong kakalimutan Yong mga regalo ng mga tita mo. Nailagay ko na iyon sa kwarto mo."

"Talaga po, pakisabi po na salamat sa kanila."

"Basta mag-iingat ka palagi, at kumain ka ng maayos."

"Lage ko Pong sinusunod ang mga payo nyo sa akin, katunayan po nga niyan inuubos ko ang pagkain na binibigay sa akin. At nagawa ko na rin magtugtog sa harap ni ama." Masiglang sabi ni Maximus.

"Talaga ba.... Ang dali mo pala matuto mukhang nagmana ka sa'kin." Natutuwang sagot ni Driother. "Sa susunod iba naman ang ituturo ko sayo. Pangako ko iyan sayo, basta magpaka bait ka lang."

"Ano po ang sunod na ituturo mo sa akin?" Nagdadalang na tanong ni Maximus na tila gusto na niya iyon malaman at matutunan.

"Sa susunod na lang." Sabi ni Driother.

"Maximus. Tama na yan, baka may importante pang gagawin si haring Driother."

"Mag-ingat po kayo lolo sa iyong pag-alis." Masigabong wika ni Maximus. Nakikita ni Xerxez na Wla na Yong kaninang may guhit ng takot sa mga mata ni Maximus.

Napaisip tuloy si Xerxez, kung talagang naging pabaya siyang ama sa kanyang mga anak. Lahat ng mga isinusumbat sa kanya ni Pyramia ay maiintindihan niya ang dahilan, ngunit kung mipamumukha sa kanya ang pagiging mahinang ama at mawalan ng karapatan sa kanyang mga anak ay magiging iba ang templa ng kwento. Ngunit alam niya balang araw, ang mga anak niya ay nakatadhana sa kanya-kanyang destinasyon ng pamumuno. Pinaalalahanan din siya ni haring Driother na magiging hari ng Thartherus si Maximus dahil walang ibang apo na lalaki na pwede pumalit sa kanyang trono.

Pinuntahan niya ang kanyang mga anak sa kanilang silid at kinausap. 'magtapat nga kayo sa akin, ano ba talaga ang totoong nangyari?"

"Ama, sinabi na namin kanina kung saan Kami nagpunta, bakit pa magdududa kayo?"

"Sagutin mo ako ng maayos Pyramus, alam kong may hindi magandang nangyari. " Sabi niya. "Ano ba ang nangyari sa pinuntahan nyo? Sa tingin mo ba hindi ko nararamdaman kung anong mabigat sa iniisip ni Maximus."

"Oo, tumakas nga kami sa silid aralan, at pumunta sa hangganan na malapit sa Wendlock. Pero hindi naman kami lumagpas sa hangganan, ama."

"Kahit na, mapanganib ang kabundukan lalo na't May mga banta ngayon Thallerion laban sa Ossibus. Ngunit, hindi yon ang gusto kong marinig sayo, sabihin mo sa akin may nangyari ba doon sa lugar na pinuntahan nyo?"

"Si Maximus ang makakasagot sayo niyan." Sabi ni Pyramus. "Sige na Maximus.

"Ama, natakot ako sa lugar na yon.... May— May isang halimaw!!!"

"Nakakita daw siya ng halimaw, ngunit sa totoo nakita ko siyang nakahandusay sa lupa at binabangungot ... akala ko nga kinagat siya ng ahas." Natatawang sagot ni Pyramus.

"Hindi iyon biro, Pyramus... Kung nagkataon na napahamak ang kapatid mo dahil sa iyong kapabayaan, malilintikan ka sa akin.

"Ama, kabisado ko ang lugar na iyon." Bakit naman kami pupunta doon kung hindi ko kabisado ang lugar." Pagrarason ni Pyramus.

"Ngunit ama, nakakatakot po talaga ang mukha ng malinaw na yon!""

"Masyado ka na kasi nahumaling sa mga ikinuwento ng lolo mong thartherian. Ayan tuloy kung ano-ano ang nakikita mo."

" Hindi ba kayo naniniwala sa mga kwento na minana pa mula ng mga ninuno? Ang mga halimaw ay madalas nagpapakita sa mga taong ibig makipagkunekta sa buhay na tao upang maging sangkap sa mithiin nito."

"Tulad ng Peronica, sinasabi na may dugo ng Phoenix. Ikaw ba Pyramus, meron bang mga palatandaan na iyong naranasan na na may nagparamdam sayo ng kakaibang enerhiya?" Sabi ni Xerxez.

"Ama, bakit po ba maniniwala tayo sa mga bagay na gawa lang ng imahinasyon. Hindi iyon totoo!"

"Ayon sa alamat, ang angkan ni reyna Pyramia ay nanggagaling daw sa lahi na merong dugo ng Phoenix. "

"Ang mga mapupulang buhok ba kagaya ng sa akin, ay masasabi kong isang natural na katangian ba sa Peronica lang makikita."

"Anak, ang mundo ay humaharap ng mga kababalaghan, at bawat kwento ng mga ninuno natin noon ay karugtong sa kasalukuyan. kaya, huwag mo sana isipin na ang mga halimaw o mga kakaibang nilalang ay hindi nabubuhay kasama ang mga tao. Sila ang tinatawag na mata sa dilim, di natin sila nakikita ngunit kaya nila magpakita sa atin sa paraang gusto nila."

"Ama, natatakot po ako kasi pakiramdam ko sinusundan ako ng halimaw na yon. Tuwing nananaginip ako, May mga nagpapakita sa akin."

"Kailangan lang ito nagsimula anak?" Sabi ni Xerxez at nakuha ang atensyon niya sa sinabi ni Maximus.

"Kinakausap ka ba niya?"

Hindi po siya nagsasalita."

"Nakakatawa!" Sabi ni Pyramus." Paraan mo ba ito ama para takutin si Maximus.

"Hindi iyon biro, Pyramus... Kung nagkataon na napahamak ang kapatid mo dahil sa iyong kapabayaan, malilintikan ka sa akin.

"Ama, kabisado ko ang lugar na iyon." Bakit naman kami pupunta doon kung hindi ko kabisado ang lugar." Pagrarason ni Pyramus.

"Ngunit ama, nakakatakot po talaga ang mukha ng malinaw na yon!""

"Masyado ka na kasi nahumaling sa mga ikinuwento ng lolo mong thartherian. Ayan tuloy kung ano-ano ang nakikita mo."

" Hindi ba kayo naniniwala sa mga kwento na minana pa mula ng mga ninuno? Ang mga halimaw ay madalas nagpapakita sa mga taong ibig makipagkunekta sa buhay na tao upang maging sangkap sa mithiin nito."

"Tulad ng Peronica, sinasabi na may dugo ng Phoenix. Ikaw ba Pyramus, meron bang mga palatandaan na iyong naranasan na may nagparamdam sayo ng kakaibang enerhiya?" Sabi ni Xerxez.

"Ama, bakit po ba maniniwala tayo sa mga bagay na gawa lang ng imahinasyon. Hindi iyon totoo!"

"Makinig ka, ayon sa alamat, ang angkan ni reyna Pyramia ay nanggagaling sa lahi na merong dugo ng Phoenix. Kaya spesyal ka sa Peronica."

"Ang mga mapupulang buhok ba kagaya ng sa akin? O si lola Pyramia na kahit mataas na ang edad mukhang dalaga parin?

"Oo, isa yong katangian na tanging may dugo ng Phoenix. Kaya Anak, ang mundo ay humaharap ng mga kababalaghan, at bawat kwento ng mga ninuno natin noon ay karugtong sa kasalukuyan. kaya, huwag mo sana isipin na ang mga halimaw o mga kakaibang nilalang ay hindi nabubuhay kasama ang mga tao. Sila ang tinatawag na mata sa dilim, di natin sila nakikita ngunit kaya nila magpakita sa atin sa paraang gusto nila."

Habang nagkwentuhan ang mga mag-ama, biglang may nagpakita sa kanila na isang halimaw, mahaba ang buntot at nanlilisik.

"Tama ka ng sinabi, kami nga ang mga mata nagmamatyag sa inyo. At sa tingin ko oras na para kunin ko ang para sa akin." Nakakatakot ang tinig ng halimaw, at gumaya siya ng tao na isang matangkad, makapal ang kalamnan, at may balbas. Mapula ang kanyang mata. "Ito ang temporyong katawan ko!" Ngumisi ito.

"Magtago kayo sa likod ko!" Sabi ni Xerxez.

"Ama, ang taong yan hindi ba yan Yong halimaw kanina?!!!" Nangingilabot na sabi ni Pyramus. "Totoo nga ang mga halimaw sa mundo.

Sa pagkakataon yon, walang magawa si Xerxez, ngunit buo ang loob niya na harapin ang halimaw. Ngunit alam niyang may kapangyarihan ang halimaw na higit sa normal na tao. Kaya inaaasahan niyang sasabak siya sa isang peligrosong hamon.

"Hindi ba ikaw ang batang nakita ko sa aking pangitain?" Turo niya kay Maximus. " Ikaw na yata ang sinasabi ng banal na hari sa kalawakan na naghayag ng propesiya, ang tatapos sa akin?" Sabi nito. "Kung ganun, hindi ko hahayaang mangyari ang bagay nayon sa hinaharap." Lumakas ang tinig niya.

"Subukan mong galawin ang anak ko!"

"Ano na man ang kayang mong gawin , hari ng Thallerion, hindi ka na man ang Orion!" Sagot nito. "Ang mga dating hinirang ay pinatay ko na sila, sa paraang digmaan. Kung ikaw ang susunod na Orion, sige nga iligtas mo ang mga anak mo sa aking gagawing pagpaslang sa kanilang." Bigla itong naglaho at hawak na niya ang dalawang anak ni Xerxez.

"Hindi!!!!" Sigaw ni Xerxez. Biglang nakaramdam si Xerxez ng kakaibang enerhiya na tila mula sa kanyang kaibuturan may enerhiyang nagising. Isang enerhiya na ngayon lang niya naramdaman. Gumana ang bilis ng utak niya sa pag-iisip. Lahat ng taktika ay naisip niya kung paano kalabanin ang halimaw.

Nakita ng halimaw na tila umiilaw ang mga mata ni Xerxez. "Ikaw na ba yan Orion!" Nakita niyang mukhang may sumanib kay Xerxez. "Haha, magaling! Naisipan mo na rin magparamdam sa akin."

"Bitawan mo ang mga anak ko!" Sabi ni Xerxez. Ramdam ni Xerxez ang matinding lakas na nagmumula sa kanyang buong katawan.

"Ang digmaan natin sa kalawakan ay dito natin tapusin, Orion." sabi ng halimaw. "Sa ngayon wala pa akong tunay na kapangyarihan na pupulbos sayo, at alam kong abilidad lang ang meron ka ngayon." Kumuha ang halimaw ng sandata mula sa kadiliman. At kinulong niya ang dalawang anak ni Xerxez sa isang rehas na gawa ng maitim na mahika.

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo!" Sabi ni Xerxez. Nabigla si Xerxez ng kumuha ang halimaw na tao ng maitim na Spada. Kaya bilang pananggala, bumunot siya ng Spada sa kanyang baywang.

"Unang beses ko itong mararanasan ang makipag duwelo sa mortal na tao. Kung hindi ka ang Orion, siguro naman bigyan mo ako ng magandang laban!!!"

"Ama, mag-iingat ka!!" Sigaw ni Pyramus.

"Shhhh...." Sita ng halimaw. "Mabuti pa'y matulog kayo!!!" Biglang na lang natulog ang dalawa dahil sa mahikang inilagay ng halimaw.

"Ngayon, tayo na lang dalawa. Aaminin kong wala pa akong tunay na kapangyarihan, pero okay lang ba kung gagamit ako ng Spada na gawa sa kadiliman... At kapag masugatan ka nito kahit isang daplis lang para ka nang kinakain ng buo."

"Tama na ang salita!" Sabi ni Xerxez. Nabasa ni Xerxez sa mata ng halimaw na sa mga sandaling ito, hindi magagamit ulit ang teleportation.

"Kung ganun tikman mo ito!!!! " Mabilis at sagad ang ataki ng halimaw na kayang diinin ng sobra si Xerxez. Ngunit sa bilang ng karanasan ni Xerxez sa pakikipagdigmaan, na hubog na ang kanyang sarili sa mga ataki ng mga kalaban kung paano iyon sanggain.

"Hindi ako makakapayag na makuha mo ang mga anak ko!" Sigaw niya.

"Iyon kung pagbibigyan kita." Kampanteng sagot ng halimaw. "Sa tingin ko hindi ako nagaganahan sa mga ataki mo." Sabi ng halimaw. " Hindi ka nga ang Orion!" Tawa pa nito at nanunuya.

"Bakit hindi ka bumalik na lang kung saan kang planeta nanggaling... kaysa nakikialam ka ng buhay ng iba!!!"

"Sa tingin mo ba ako lang ang nandito para sa mithiing makamit —ang pagbabalik ng kapangyarihan!"

"Mga hangal, ang planetang ito ay para sa mga mortal lang!"

"Doon ka nagkakamali, ang propesiya ang nagsabi na ang mundong ito ay nababagay na tirahan ng mga makapangyarihang Constellar na kagaya ko."

"Kung isa ka lang kaluluwa, bakit ka nagkaroon ng pisikal na katawan?"

"Ito ba?" Ngumisi ito ng may kakaibang awra.

"May isang ritwal na nagbigay sa akin ng kapangyarihan na magkaroon ng pisikal na katawan. Ang isang pari na nagbigay sa akin ng katawan sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay na tao."

"Ang bansang Cypriox ba ang sinasabi mo!!?"

"Gumagawa ba ng halimaw ang mga bansang tinatawag ang sarili na banal?"

"Sino ang tinutukoy mong pari?"

"Bakit hindi mo na lang tanungin ang Spada ko!" Natamaan si Xerxez kaya nagdulot iyon sa kanya ng matinding paghina. "Katapusan mo na ito."

Ngunit mula doon sa rehas may liwanag na parang apoy ang biglang lumiyab at nabalot ang buong silid. Nawasak ang rehas at lahat sila ay parang nabulag sa sobrang liwanag. Sa takot ng halimaw tumakas ito ng walang bihag na dala.

Naiwang tulog ang dalawa at ang tanging makakagising lang niyon ay ang halimaw. Ngunit matindi din ang sinapit ng katawan ng halimaw. Nakita ni Xerxez kung gaano kagulo ang silid at nawasak ang buong paligid. Ang mga pader ay nagmistulang pinasabugan. Nakaupo si Xerxez at nanghihina dahil sa kanyang tama. Iyon ang unang beses na nakakita si Xerxez ng halimaw at nakipaglaban.

Nanganganib na nga ang mundo dahil kumakalat na ang mga nilalang upang maghasik ng lagim, sabi ni Xerxez sa kanyang isip. Nang makakita ng matinding liwanag mula sa itaas ng palasyo, nagsitakbuhan ang mga tao sa takot, ngunit si pinunong Matheros ay agad na nagsaklolo papunta sa kinaroroonan ng liwanag. Ngunit alam niyang lugar iyon kung saan nandoon ang malapit na silid ng hari at mga prinsipe.

"Mahal na hari! Xerxez!!!" Tawag ni Matheros. Hinahanap nila sina Xerxez at nang madatnan nila ito, nagulat silang nanghihina ito. Mahal na hari, bakit ka nagkaganito?" Gitla ni Phallion. Nakikita nilang namumutla si Xerxez sa sobrang panghihina.

"Magpatawag kayo ng mga medik ng Thallerion, at sabihing magmadali!" Utos ni Matheros.

"Masusunod po." Sabi ng kawal.

"Xerxez, ano ba talaga ang nangyari dito? Bakit ang gulo?" Tumingin tingin si Matheros sa paligid at nakita ang mga prinsipe. "

"Pinuno, walang malay ang mga prinsipe!" Sabi ni Catana.

"Ang mga anak ko." Mahinang sagot ni Xerxez. Mula doon nahimatay si Xerxez.

"Xerxez, gumising ka!!" Tiningnan niya sugat ni Xerxez na tila may lason. "Nasaan na ba ang mga medikal!!!!?" Galit na sabi ni Matheros na sobra ng nababahala.

"Ang bagal nyo!" Sabi ni Phallion.

Agad nila ginamot si Xerxez, at sinuwerteng naagapan ang pagkalat ng lason. Nandoon sila sa gilid ni Xerxez naghihintay na magising. Ngunit matapos ang pangyayari, nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang buong militar para malaman ang sanhi ng kaguluhan. Ngunit gayunpaman, tanging si Xerxez lang ang makakasagot sa mga katanungan na gumigimbal sa kanilang isipan.

Noong magkaroon na ng ulirat si Xerxez, sinalubong agad siya ng mga mukhang pamilyar sa kanya. At sinisikap na kumustahin ang kanyang kalagayan. Ngunit sa halip na sagutin ang mga katanungan nila, hinanap nito ang kanyang mga anak. " Nasaan ang mga anak ko?"

"Xerxez, nasa maayos na kalagayan na ang mga anak mo. Ngunit hindi pa sila nagigising."

"Sabihin mong bigyan ng karagdagang gwardyang magbabantay sa kanila." Utos ni Xerxez.

"Linagyan ko na iyon ng dobleng gwardya." Sabi ni Matheros.

"Mahal na hari, sabihin mo sa amin kung ano ang totoong nangyari." Sabi ni Phallion. "May kalaban ba na nagtangka sa buhay nyo?"

"Oo." Sagot ni Xerxez. Sasabihin sana ni Xerxez ang tungkol sa halimaw ngunit napaisip siya nang mas malalim.

"Kung ganun, sino ang taong yon?" Sabi ni Matheros.

"Hindi ko kilala ang taong yon, ngunit kailangan mo pumunta sa Cypriox upang ipag-alam kung sino ang paring sumasagawa ng ipinagbabawal na ritwal!"

"Ang Cypriox na kilala sa banal at santo na bansa ay gumagamit na pala ng mga ipinagbabawal na ritwal?" Sabi ni Phallion.

"Mali ang pagkakaintindi mo, may isang pari na taga Cypriox na lihim na gumagamit ng ipinagbabawal na ritwal."

"Anong kinalaman ng pari na yon sa taong umataki sa Inyo Xerxez?" Taka ni Matheros.

"Maniniwala ba kayo na ang taong yon ay bumuhay ng isang halimaw na kayang magbalat ng tao?"

"Halimaw?" Sabi ni Matheros na halos hindi makapaniwala.

"Ang halimaw na yon ay nagbalat tao." Sagot ni Xerxez. "Maaaring nabibilang siya sa nilalang na ahas o sa dragon."

"Baka yan na ang tinutukoy ng mga matatanda na isang Hydra o ang Draco. Ngunit sa tingin ko isa yong Cetus ang halimaw sa dagat na kayang magbalat ng tao. Yon ang kwento ng mga matatanda. Ngunit, malayo ang karagatan sa Thallerion ngunit ang mahabang ilog na cirtax ay posibleng may koneksyon sa paglitaw ng halimaw na tinutukoy mo." Sabi ni Matheros.

"Ang taong Yong ay sumisimbolo sa baliktad na presensya ng Crux."

"Triangulum ang sinasabing May kakayahang tumawag ng mga halimaw!" Sabi ni Matheros. "Naiintindihan na kita kung bakit kailngan natin magpatulong sa bansang Cypriox dahil sila lang ang may pwersa na kontrahin ang mga kadiliman."

"Temporaryong katawan lang iyon ng halimaw kaya maaaring manghihina siya anumang oras." Sabi ni Xerxez.

"Kung nakaharap mo ang halimaw, paano mo hinarap ang kalaban? Walang laban ang mortal na tao sa kanila. At ang liwanag na yon, saan yon ng galing?" Sabi ni Phallion na tila nagtataka.

Hindi makasalita si Xerxez, ngunit ang alam niya ang liwanag ay nagmumula doon sa kanyang mga anak. "Hindi ko rin alam ang dahilan ng liwanag na yon. Ang tungkol naman sa aming paglalaban, limitado lang ang kanyang kakayahan, sapat iyon para mapantayan ko ang kanyang lakas. Subalit, gumamit siya ng Spada na may mahika."

"Mabuti na lang hindi ka niya na purohan." Sabi ni Matheros.

"Sa tingin ko nga merong anghel na tumulong sa amin para makaligtas." Sabi ni Xerxez, ngunit dahilan lang iyon ni Xerxez.

Dumating sina Catana. Nagmamadaling pumasok.

"Mahal na hari, ang mga anak n'yo ay tila pinahihirapan habang natutulog!" Sabi ni Catana na nakaukit sa kanyang mukha ang pagkahabag.

"Batid kong isa yong sumpa ng halimaw!" Sabi ni Phallion.

"Hindi maaari!" Tumayo si Xerxez, ngunit nahilo siya at muntik pa siyang matumba mabuti na lang nakahawak agad siya kay Matheros.