Chapter 9 - Chapter 9

Kinabukasan, panglimang araw na mula sa pagkakatulog nina Pyramus. Maagang pinatipon ni Xerxez ang mga sugong pinuno niya, para sa napag-usapan nila kahapon ni Matheros. Ayaw din niya kasing masira at humina ang pagsasanay at paghahasa sa mga kawal, kahit may kasalukuyan siyang pinoproblema ngayon. Si Catana ang kanyang inutusan na papuntahin ang mga kasama nito, doon sa silid-pagpupulong, dahil si Catana lang ang una niyang nakita sa loob ng palasyo simula ng lumabas siya sa silid niya, pero sa katunayan papalabas narin sana ito ng tawagin ng hari. Nasa labas na kasi ang ibang kasama ni Catana at maaga silang nagsimulang magensayo. Agad namang tinugon ni Catana ang iniutos ng hari. Doon nalang hinintay ni Xerxez sa silid-pagpupulong ang apat. Medyo may katagalan ang pagdating ng apat dahil nagkagulo pa sa labas, naiinis kasi si Phalleon sa kalangyaan ng ibang kawal doon. Pinagalitan niya ang mga ito dahil matitigas din ang ulo ng iba.

"Bwesit na mga kawal na'yon!" Inis pa nga na sabi ni Phalleon. Narinig iyon ni Xerxez dahil malapit na ang apat sa pinto. Alam na ni Xerxez kung ano ang dahilan kaya't Hindi na siya magtataka pa. Pagpasok ng apat sinalubong sila ng tingin ng hari. May anim na kawal sa gilid na nagbabantay. May maliit na bintana doon sa gilid at may mga aklatan naman doon sa likod ni Xerxez, nakaupo kasi si Xerxez na nakaharap sa pintuan kaya't parang natatalikuran niya. May mga mapa na nakabalandra sa silid, malaki at malapad. Meron din doong nakalagay na mga lumang kagamitan na parang adorno na lang ang silbe. Hindi na din iyon bago sa kanila dahil ilang ulit na silang pabalik-balik doon para sa pagpupulong. Doon narin nakalagay ang libro ng kasaysayan ng Thallerion, dahil kung meron silang nais alamin tungkol sa kasaysayan ng isang tao o ng isang bagay ay doon na nila inaaral. Hindi na nila kailangan magtanong sa mga matatanda o sa mga marurunong na tao, dahil para sa kanila kabubuhan na'yong hindi marunong bumasa sa kasaysayan. Kaya't mahalaga ang kasaysayan para sa kanila.

Bago nagsimula ang pagpupulong ay siniguro muna ni Xerxez ang tungkol sa hudyat na ipinadala sa lupain ng Ossibuz. Dahil wala pang balita si Xerxez kung nakabalik na ba sina Cathark.

"Kumusta na si Cathark? Nakauwi na ba siya?" Tanong ni Xerxez.

"Kahapon lamang, mahal na hari." Mabilis na sagot ni Matheros. "Subalit, ayon sa sinabi ni Cathark, na ayon naman sa hari ng Ossibuz. Wala daw silang takot na makipaglaban sa atin! May ibinilin itong panata sa atin."

"Ano naman daw iyon?" Tugon agad ni Xerxez. Natahimik din ang iba.

"Wag daw tayong masyadong magpakahanda, dahil nasisiguro daw niyang tayo ang iiyak sa huli at magsisisi. Tapos daw ay ibubunyi daw niya kung sino ang manalo?" Pagpapatuloy ni Matheros.

"Ha, kung makapagsalita ang Matar na'yon!" Sabi ni Phalleon.

"Iyon lang ba ang sinabi ni Matar." Sabi ni Xerxez pero nagsisimula na siyang mag-aanalisa sa mga sinabi ni Matar. "Debale, wag muna natin pansinin iyon, ang mahalaga ay alam na natin kung ano ang sinabi niya, pero wag parin tayo magpakakampante. Baka nga may nakatagong lihim na hindi natin alam." Pagpapakalma niya sa mga kasama.

"Wag tayong mag-aksaya ng oras, mahal na hari." Sabi ni Matheros. "Simulan na natin ang maikling pagpupulong na ito." Udyok niya sa mga kasama.

"Ano nga ba iyon, mahal na hari bakit mo kami inanyayahan sa pagtitipong ito?" Tanong ni Catana na medyo napailing sa hari.

"Ano ang dapat nating pag-usapan? Sabi naman ni Vethor na nakatayo malapit sa bintana. "May dapat ba tayong bigyang pansin?" Nakatingin na siya sa mga kasama. Seryoso naman ang lahat habang naghihintay sa isasagot ng hari. Pero parang nahuhulaan na ni Matheros kung ano ang sadya nito pagpupulong.

"Kahapon nabalitaan ko na sinusuway kayo ng mga sutil na mga kawal. Matitigas daw ang ulo at mga duwag! Tama ba?" Pagbubukas ni Xerxez sa diskursiyon. "Malaki ang maidudulot nito sa atin, kaya't isa man sa kanila ang magkamaling sumuko, lahat damay-damay na."

"Ano ang ibig mong sabihin, mahal na hari?" Pagtataka ni Catana. "Ibig mo bang sabihin, napakadelikado ang digmaang ito, na hindi pwede magkamali? Kahit ni isa?"

"Ang ibig sabihin lamang ng hari," galing iyon boses ni Phalleon. "Hindi lang panalo o tagumpay ang dapat lasapin, bagkus ang karangalan at dignidad ng Thallerion pinaka-kinakailangan, upang tumayo ito ng walang takot o hiya na humarap sa buong mundo."

"Ganun nga ang ibig kong sabihin, mahirap kung-" napatigil si Xerxez ng guluhin siya sa isang katanungan na galing Kay Vethor, hawak niya ang isang bagay na galing sa Ossibuz, isang lumang makapal na papel na sinulatan ng dugo ng uwak. Maganda din naman ang istilo ng pagkasulat kaya't hindi naman basta-bastang makukutya, pero ang ikinainis nila ay bakit dugo ng uwak ang ibinigay nila talagang pinapainit niya si Xerxez. Hindi iyon ipinakita ni Matheros kanina dahil alam niyang masusuklam lang lalo si Xerxez. Hindi rin ito gaanong mahaba ang pagkakasulat kaya't Hindi din mahaba ang sukat ng papel, Hindi ito pangkaraniwang papel lang. Napansin agad nila ito na hindi ito dugo ng tao kundi dugo nga ng uwak dahil may palugit itong isang balahibo na nakadikit sa papel.

"Hindi ba kayo magtataka sa tugon ng mga Ossibuz?" Pag-agaw ni Vethor sa pansin ng lahat. "Bakit siya magagalak kung hindi panaman nagaganap ang digmaan? Nagagalak ba siya dahil iniisip niya matatalo tayo? O baka...?" Pag-iisip pa ni Vethor.

Napaisip din ang lahat pero kanina pa nagiisip si Xerxez kung ano nga ang ibig sabihin ni Matar. Pero isa lang ang kutob niya, may binabalak si Matar. Isang masamang hangarin! Mabilis na nagdadalumat ang lahat, pero lahat sila ay blangko maliban lang sa pananaw ni Xerxez. O kung paano niya unawain ang mga litrang iyon.

"Isa lang ang kutob ko," Sabi ni Xerxez sa katahimikang iyon. "Isa lamang itong landas na umukit ng dalawang panibagong daanan. Una ang maniniwala sa kanyang mga walang kwentang salita, para lang maloko niya tayo na maayos lang kasunduan. Pangalawa, alam Kong dahilan lang niya iyan, pero natitiyak Kong may bahong itinatago si Matar sa atin na maaaring magdudulot kapahamakan." Sabi pa ni Xerxez na pinag-isipan niya ng malalim, kanina pa nang dumating ang tugon ni Matar sa kaniya.

"Hindi po dudang, may binabalak ang Ossibian!" Sabi ni Catana.

"Mautak din ang hari ng Ossibuz," sabi naman ni Matheros. Nakatutok siya sa mukha ng hari, para makuha ang pansin nito sa kanya, dahil nahahalata niyang patuloy pa itong nag-iisip ng malalim. "Kaya walang duda talagang, may gagawin iyon laban sa atin?" Mataginting nitong sagot.

Nagkaroon ng kakaibang pananaw si Xerxez, na iyon naman ang ikinagulat ng lahat. "Hindi kaya, may ibang makikidigma sa atin?" Malikot masyado ang pagkakabigkas ni Xerxez kaya't parang wala din siyang naunawaan sa kanyang sinabi na ibig lang sabihin ay Hindi siya desidedong, kung tama ang kanyang hinala.

"Ano!?" Hilakbot ng lahat. Halos tumaas ang kanilang mga katawan sa Hindi maintindihang gulo sa isipan, kung kailangan ba nila itong tanggapin sa utak para eproseso, pero malayong-malayo naman sa kanilang sariling pananaw at kuro-kuro kung baga nagkaisa ang kanilang panig kaysa Kay Xerxez. Malayo sa iniisip nila ang sinabi ni Xerxez sa kanila, malabo din silang pumanig dito.

"Subalit, wala tayong proweba na magpapatunay na ganun nga ang plano ni Matar?" Nagsasalubong ang mg kilay ni Phalleon dahil sa hindi pagsang-ayon. "Dapat ba natin itong isipin?"

"Linawin nga natin!" Singhal ni Catana habang naguguluhan. "Bakit ba napunta doon ang usapan? Bakit Hindi tayo magpatuloy sa iisang deriksiyon lang, para hindi tayo magkagulo." Masimangot nitong banat.

"Palagay ko sang-ayon ako sa ating hari." Sabi naman ni Vethor, na parang nakakita ng anong bagay na matatagpuan sa likod ng bintana. Umatras siya sa binta at iyon naman ang ipinagtataka ng mga kasama.

"Anong problema Vethor?" Tanong ni Matheros. Na sinundan din ang tingin ni Vethor na papunta sa bintana. "Uwak! Itim na uwak!" Hilakbot niya.

"Tanga saan ka naman makakakita ng puting-uwak, aber?" Sarkastikong bato ni Phalleon Kay Matheros.

"Hindi yon ang ibig Kong sabihin, sabi nila kapag nakakakita ka raw ng ganito, ibig sabihin masamang pangitain na ito!" Paliwanag ni Matheros. "Isang panganib! Isang kasuklam-suklam na panganib!" Napatigil at halos Hindi makalunok sa takot ang lahat. Pati din ang hari ay kumbensidong-kumbensido sa sinabi ni Matheros.

"Nagdadala yan ng kamalasan!" Sagot naman ni Vethor. "Kailangan yang bugawin at palayasin sa lugar na ito o kaya patayin agad!" Ngunit pilit naman na kinukumbensi ni Phalleon ang lahat na tigilan na ang pag-iisip ng ganun.

"Ano ba kayo, uwak lang yan!" Sabi ni Phalleon na pangiti-ngiti pa. "Bakit ba kayo maniniwala sa mga bagay na madalas panakot lang sa mga bata?" Panunumbat pa niya sa mga kasama. "Tingnan nyo lilipad agad yan, baka kasi Hindi niya tayo nakita, bulag siguro!" Siya lang talaga ang nag-ingay sa mga oras na'yon, at ang natira ay nakatutok lang sa kanya. Binuksan niya ang bintana. At ipinakita pa niya kung ano ang hitsura ng uwak.

"Shooo! Shoo!" Bugaw niya dito, ngunit sa halip na lumipad ay tinutukan siya nito ng kakaibang tingin. At humuni pa ng malakas. "Uwaaak! Uwaaaak!"

"Ano bang kailangan mo ha?" Inis na sigaw ni Phalleon. "Bingi yata!"

"Paalisin mo na!" Utos ng hari. Inutusan din niya ang isang kawal na ibigay kay Phalleon ang isang mahabang kalasag. Ngunit tumanggi si Phalleon.

"Wag na kakamayin ko nalang itong walang hiyang uwak." Pag-aalboroto niya.

"Shoo! Umalis ka bwesit!" Nung malapit na ang kamay niya dumikit sa uwak ay bigla itong tumuka sa kanya ng malakas at nasugatan. Lumipad agad ito ng hindi man lang nakapaghigante si Phalleon. "Aray! Bwesit ka uwak!" Alimura niya sa uwak dahil sa inis at galit. Isinara niya agad ang bintana at pagkatapos humarap siya na hawak-hawak na ang dumudugong kanang kamay nito. Kakaiba ang sakit at hapdi na nararamdaman niya. Parang kinukurot ang kalamnan sa bahaging kamay niya. "A-anong nangyari sayong kamay?" Gulat na sabi ni Catana.

Biglang namutla ang kulay ni Phalleon at nanginig ito sa lamig na siya lang ang nakakaranas. Ang pakiramdam naman ni Phalleon ay parang inaatake siya ng mabagsik na trangkaso. Ang kanyang paningin naman ay parang mabulag sa liwanag, na kahit hindi naman maliwanag sa loob ng silid. Siya lang ang nakakaramdam ng kakaibang pangyayari sa kanyang katawan. Parang nalulula siya at pagkatapos nakakaramdam siya ng masangsang na hangin ngunit na wala rin ito ng ilang saglit. Bumalik na ang kanyang mabuting pakiramdam. Pagtingin niya sa kamay wala ng dugo na umaagos, na parang natuyo na ito, ngunit parang nagbabago lang ang kulay ng sugat niya, parang maputla na dapat ay mapula dahil sa dugo pero hindi naman masyadong napapansin na umiiba ang kulay ng sugat. Tinitigan lang siya ng mga kasama niya, habang nagugulat sa kanyang kinikilos lalo na ng humarap ito kanina. Tumawa siya.

"Ano ang nangyayari sainyo? Bakit kayo nagugulat, nako naman, napaalis ko na nga ang uwak ganyan parin ba reaksiyon ninyo?" Sita niya sa kanyang mga kasama.

"Ano ang nangyari sa uwak?" Tanong ni Matheros. "S-sa kamay mo?"

"Hayon, halata namang lumipad! Nainis siguro kaya tinuka ako! Bwesit talaga!" Inis pa din na sambit ni Phalleon. "Hay wala lang ito! Uwak lang yon!" Umupo agad siya pero parang nakakaramdam siya ng matinding pagkauhaw. Mabuti na lang may tubig sa harapan niya kaya't kumuha siya ng baso, pero parang kulang, kaya kumuha ulit siya at uminom pero talagang kulang parin. Kinuha na talaga niya ang pitsel na yari sa bubug at inubos ang tubig. Doon pa nakahinga ng maluwag si Phalleon. Humihingal siya at nagpasalamat dahil nawala na ang uhaw niya. Halos bumuhos ang katahimikan sa mga Sandaling iyon, Hindi sila makapaniwala na magagawa iyon ni Phalleon. Hindi sila makasalita at makapag-ingay dahil sa hindi pangkaraniwang kinikilos ni Phalleon. Pagkalipas ng ilang minuto, doon pa sinundan ng salita ni Phalleon.

"Pasinsiya na kayo, di ko matiis ang uhaw." Sabi nito na medyo na hihiya sa mga kasama. Dahil titig na titig ang lahat sa kanya. May kakaiba talagang nagaganap, kung baga'y kapanipanibago ang takbo ng Sandaling iyon, na tila ba nabalot iyon ng kababalaghan. Naging normal narin ang kinikilos ni Phalleon, at natigil narin ang hilakbot sa mukha ng lahat nang makita nilang panatag na ang kapaligiran.

"Kalimutan na natin yon," Paguudyok ni Xerxez sa mga kasama. "Balik tayo sa normal na usapan."

"Ano nga ba ang ating pag-uusapan?" Tanong ni Catana. Ngunit may kaunting gitla pa sa mukha niya. Pero sa tanong na'yon, si Phalleon ang tumunog.

"Nakasisiguro ka ba, Mahal na hari, sa posibling gawin ni Matar sa atin?" Nanlalalim na boses ni Phalleon.

"Palagay ko din," Aniyang sambit ni Vethor na walang ibang masagot. Habang tahimik pa ang hari na nakikinig. "Basta ako, susunod na lang ako sa agos ng panahon." Panigurong paghahalukipkip ni Matheros.

"Hindi naman masama kung mag-isip tayo ng iba, at maghinala." Sabi ni Catana na parang sumasang-ayon narin sa panig ng hari. "Mabuti ang maghinala kay sa magpakakampante. Hindi ba?"

"Tama ka nga Catana, mabuting maging matalas ang ating pang-amoy, kaysa sa magpakatanga at mabilog sa kanilang kasinungalingan." Masayang tugon ni Xerxez. "Dahil kapag ang taong-uhaw sa kayamanan at sakim, ay tiyak hindi matatahimik at hindi rin mapapakali. Madalas, ito ay gumagawa ng palihim na taktika para sa laban. Lahat susuungin!" Paliwanag pa ng hari.

"Tama nga kayo, mahal na hari." Angal ni Vethor. "Gayunpaman, kapag nagugutom ang mga tigre, madalas umaatake ito ng palihim!" Tumango lamang ang lahat na ibig lang sabihin ay naiintindihan nila ito.

"Kung nauunawaan ninyo ang ating pagpupulong at kung naiintindihan ninyo ang pinag-uusapan natin. Malamang, alam nyo na kung ano ang gagawin nating lahat!" Nagtataginting boses ni Xerxez, na halos makuha niya ang buong presensiya ng lahat na nandoon. Alam na ni Catana kung ano isasagot niya sa hari.

"Magbibigay ako ng utos sa mga kawal," Minasdan muna niya ang lahat bago nagpatuloy. "Ang lahat ng kawal na marunong gumamit na pana ay titipunin ko, upang magbantay sa bawat kanto ng palasyo, at upang magmasid sa labas ng kaharian. Kung ano man ang kanilang makita't mapansing kahinahinala tiyak hindi ito makakaligtas; pauulanan sila ng mga palaso kapag matanto ng ating mga kawal na may mga kalaban!" Matulis na pagkakasabi ni Catana, na halos hindi natatakot.

Nagalak ang hari sa sinabi ni Catana, maaaring kapaki-pakinabang ang mga panatang yon. Hindi rin nagpatalo ang mga kasama nito, kaya't mabilis na binanatan ni Matheros. At sinundan din agad ni Phalleon.

"Ako naman, mahal na hari," Pakitang-gilas naman ni Matheros. "Aatasan ko ang mga malalakas at malaki ang katawan para magbantay naman sa lahat ng lagusan. Isasara nila ang matibay na bakod na pader na nakapalalibot sa ating kaharian pagpasok ng gabi, at ang makapal naman na pintuan ng palasyo ay buong araw at gabi nila ito gwagwardiyahan, upang walang sino man ang makapasok na mga kalaban, sa oras na may mangahas na lusubin tayo." Malagaslas naman na panata ni Matheros.

"Meron din akong masasabi," Hiyaw agad ni Phalleon. "Para sa akin, upang lubos na mapanatag tayo, aatasan ko ang ilang kawal na manatili sa labas ng kaharian, maglalagay sila ng maliwanag na sulong-apoy sa palibot nito. Doon sila sa labas magmamatyag buong magdamag. Magbabalat-silang parang mga damo na hindi nakikita. At kapag meron ngang mangahas na kalaban, agad na magsisigawan ang trumpeta bilang isang hudyat na sinasalakay na tayo ng mga kalaban."

Ngumiti ang hari, dahil lubos na kasiya-siya ang mga ideya nila. Subalit medyo napailing ang hari at tinapunan niya ng tingin si Vethor, masyado kasi itong tahimik, at parang walang plano na makisalo-salo sa deliberasyon ng mga kasama. Iniisip tuloy ng mga kasama ni Vethor na hindi siya nag-iisip ng sagot. O ang magiging kontribusyon nito sa kasama. Pero siyempre, may inilaan na siyang tugon. Hindi rin naman niya hahayaang wala siyang maisasagot.

"Mahusay! Malaki ang tulong niyon sa ating kaharian. Hindi ko na pakikialaman ang inyong mga plano, hahayaan ko kayong, kayo ang mamahala sa mga kawal natin. Kayo ang bahala." Sabi ni Xerxez. "Vethor, ano ang iyong magiging tugon, sa mga suliranin natin sa palasyo?"

"Ano ang ideya mo?" Kanya-kanyang tanong naman ng tatlo.

"Simpli lang," Mahinahon na sagot ni Vethor. Naging malamig tuloy ang tingin ng lahat sa kanya dahil, hindi nila aasahan ang ganoong sagot.

"Ano ang iyong ipinapahiwatig, Vethor?" Tanong ni Matheros.

"Maayos ba yon na sagot?" Nangunguyam na sambit ni Phalleon.

"Siguro naman, matutawa kami sa sagot mo, Vethor." Sabi ni Xerxez. "Sige pagpatuloy mo ang iyong sasabihin."

"Sabi nga nila, aanhin mo kung panalo ka sa pagpapalakad ng mga taktika pero kung talo naman ang hari, at hindi nadepensahan." Lumulusong sagot ni Vethor. "Kung kaya't hahatiin at hihiwain ko ang mga kawal na sa paningin nyo'y walang silbe at mga duwag!" Mabugsong wika ni Vethor.

"Anoo?!" Pagdadaing ni Phalleon. "Bakit hahatiin mo pa sila, wala ngang silbe yon! Dapat ngang pag-isahin sila dahil sakit lang ng ulo ang aabotin mo doon. Puro kadaskulan lang ginagawa nila. Kainis!" Katwiran niya. "Bakit ba kasi may nabubuhay pang katulad nila?" Maang pa niya.

"Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang sagot na mas pinapahalagahan pa ang mga walang silbe?" Naninitang sabi ni Catana. Sinulyapan ng hari ang lahat dahil walang tigil na namamaso ang mga katanungan, at magugulo ang takbo ng usapan. Kaya't minabuti ng hari na pigilan sila.

"Tumahimik muna kayo!" Pigil ng hari. "Hayaan nyo munang patapusin siya at hayaan nyong ding pakinggan muna ang sasabihin ni Vethor. Nang sa ganun, maintindihan natin ng buong-buo." Pahiwatig ni Xerxez. "Sige na Vethor, ipagpatuloy mo na." Sabi nito nong nagsimula na ang katahimikan.

"Ang mga kawal na masasabing mahina, ay mahahati sa dalawa." Linibot muna niya ang mga mukha nila kung may magmagrereklamo pa ba o may magbibigay ng kominto, ngunit sa wakas ay nakinig naman ang mga ito hari. Kaya't nagpatuloy siya. "Ang unang pangkat na mabububo ay isesentro ko sa pagbabantay sa hari. Hindi sila aalis sa tabi ng hari. Susunod sila saan man gusto ng hari. Lagi sila magmamasid sa paligid at sa mga kilos ng tao, lalo na sa paglalakbay patungo sa digmaan. Sila rin ang magiging matibay na panggala sa hari." Nakikita ni Vethor na nakangiti na si Xerxez pero pinipigilan lamang niya ito. Naging malalim din katahimikan, dahil inaasahan din nila ang pangalawa at karugtong sa panata ni Vethor. "Ang pangalawa naman, magbabantay sila sa mga prinsipe. Idadagdag ko narin ang mga matatandang kawal, dahil gusto nilang magkaroon ng gawain. Kaya't ihahalo ko sila sa mga manggagawa at tagahanda sa lahat ng kagamitang pandigma. Gagawa sila ng isang proyekto, isang matitibay na mga misil. Malaki ang tulong ng misil para wasakin ang kaharian ng mga kalaban natin. Dahil sa misil na'yon na paparesan ng mga batong sinilyaban! Maaaring wasakin nito ang kaharian nila. Kaya't Yon ang silbe ng mga walang silbe sa pakikipaglaban at ayaw pumatay sa sariling mga kamay."

Napapalakpak ang hari, dahil kahanga-hanga ang panata ni Vethor. Kahit sina Phalleon ay natahimik at hindi nakapagsalita.. Sino kasi ang mag-aakala na sa gaya ni Vethor ay makakaisip ng ganun. Alam nilang si Vethor ay hindi marunong magsulat pero marunong magsalita. Nagustuhan talaga ng hari kaya't sumang-ayon ito.

Kaya, nang umalis na sila sa silid ay kanya na nila ito sinimulan, pero meron lang silang kaunting pagsasaayos sa mga kawal, na nais nilang ipangkat-pangkat para lang mangyari ang nais nilang mangyari. Ang kanilang pinagplanuhan. Nagtagumpay nga sila, at nakita iyon ng hari, ang naging kaunlaran sa ginawa ng mga pinuno.