Ang kaharian ng Thallerion na pinamumunuan ni haring Xerxez ay bumuo ng apat na mga pinuno. Una si Matheros, siya ang kauna-unahang naging pinuno ng mga kawal na naging kumandante ng lahat ng mga pinuno, dahil mahusay siyang makipagdigmaan gamit ang mahabang ispada, mahaba ang balbas niya at malaki ang katawan. Maskulado kung kumilos, pati ang pangangatawan ay hubog panglalaki talaga. Dahil sa kanyang katapangan, ay nahimok niya ang mga kawal na maging matibay kahit sa kalagitnaan ng digmaan. At siya rin kasi ang pansamantalang nag-aasekaso sa kaharian kung may mga problema si Xerxez.
Pangalawa si Phalleon, isa siyang mahusay pagdating sa paggamit ng kalasag. Dahil sa talas ng mga mata niya at lakas, kapag inihahagis niya ang kalasag ay natatamaan ito kahit medyo malayo na ito o kahit tumatakbo ang kalaban ay kaya niyang tantiyahin kung saan ito babagsak. Siya naman ay mahilig magsiyasat at magkilatis sa mga tao lalo na sa mga baguhan at mga kalaban na nagpapanggap lang. Iyon naman ang kanyang tungkulin bukod sa pakikipaglaban, talagang naaasahan siya ng hari pagdating dito.
Pangatlo si Catana, bata pa siya ay pangarap na niyang maging pinuno sa mga kawal. Siya naman ay mahusay sa paggamit ng pana. Babae man siya pero pinakita niya sa hari na talagang may laban siya. Ipinakita niya kung gaano siya kahusay sa pana, hindi pangkaraniwan ang kanyang lakas at tapang dahil sa pana palang niya ay nagniningas na ito. Hindi pa naman siya gaanong bantog sa pakikipaglaban ngunit sisiguraduhin niyang hahangaan siya ng ilang kababaihan na takot sa paglusong.
Ang panghuli at ang pang-apat ay si Vethor. Kilala siya bilang mahusay sa paggamit ng mga patalim tulad ng balaraw, punyal at mga matutulis na itak. Matalas naman ang kanyang pandinig at mga mata niya, kaya't kung may magtatangka sa kanya ay tiyak naunahan na ito ng balaraw. Mabilis niya kasi itong inihahagis at tatama ng diritso sa kalaban na gusto niyang patamaan. Magaling din siya sa kamayan at pakikisuntok.
Samantala, nakatayo si Xerxez sa itaas ng koridor ng palasyo ay minamasdan niya ang mga kawal sa ibaba. Habang nandoon siya ay iniisip niya ang kanyang mga anak. Naging malungkot ang mukha ni Xerxez ng maalala niya na Hindi pa na gigising ang mga anak niya, at apat na araw na ang nakalipas.
"Marahil kung nandito ang mga anak ko, ay tiyak matutuwa iyon sa tabi niya. Meron sanang makukulit na ingay na maririnig niya sa mga Sandaling ito." Sabi ni Xerxez sa kanyang isipan, habang ginugunita niya ang kanyang mga anak, lalo na si Maximus na palage siyang kinukulit. Wala siyang ibang maisip kung paano niya ito magigising o ano ba ang lunas. Hindi rin niya matukoy kung isa ba itong sakit o anupaman. Isa lang ang kutob niya, ito ay kagagawan ng halimaw. Ngunit wala namang naniniwala sa kanya.
Ilang saglit lang ay Hindi niya namalayan na nandiyan pala si Matheros. Hindi niya na malayan na dumating ito para siya ay kausapin. Lumapit ito sa kanya dahil may problema itong dapat pagpasyahan ng hari.
"Mahal na hari." Bati ni Matheros. Medyo na gulat si Xerxez sa tinig na'yon, ngunit Hindi niya ipinakita na siya ay nagulat, kundi nagkunwari siyang may iniisip at sinagot niya ito ng parang ramdam na ramdam niya ang pagdating ni Matheros. "Ano ang iyong sadya't naparito ka?" Sabi ni Xerxez. "May kailangan ba tayong ayosin tungkol sa ating mga kawal?" Tanong pa niya. "Ngunit wari ko'y wala naman tayong dapat problimahin. Sa nakikita ko sa kinikilos ng mga kawal ko ay masisigla sila't kapuri-puring tingnan. Talagang magigiting ang mga kawal natin." Dagdag pa ni Xerxez.
"Mahal na hari." Bati ulit ni Matheros pero, parang sinasabi niyang dapat ng tumigil si Xerxez sa pagsasalita.
"Ano nga ba iyon, Matheros?" Taka ni Xerxez. "Tila yata nagdadalawang-isip ka sa pagpunta dito? May dapat ba tayong ayosin?" Pagusisa nito.
"Tama po kayo ng hinala! May dapat nga tayong ayosin." Sabi ni Matheros na parang tumataas ang dugo sa inis. "Ipaliliwanag ko na lang sayo, kung ano iyon?" Marahan niyang bitaw. "Ang ilan sa mga binatang-kawal ay nagrereklamo sa amin! Madalas ang sinasabi nila, nakakatamad at nakakapagod ang pagsasanay. May ilan naman, maaga ng nagsisinturon ng buntot! Mga duwag ang mga baguhang-kawal! Sila yong mga bago naming nakalap at natipon na mga tauhan para gawin nating mga kawal na mandirigma." Turo niya sa ibaba.
"Ilan lahat sila? Tanong ni Xerxez habang minamasdan niya ito.
"Kung yang bilang na'yon ay Hindi hihigit o lalampas sa isang daan. Subalit ang kabuuhan sa atin dito sa Thallerion ay anim na libo ng kawal. At sa pangkat naman ng Peronicas, ay aabot daw sa dalawang libo. Sa Thartherus naman ay limang libo, at ganun din sa Latheruz ay limang libo din. At sa Vhorlandrus naman ay apat na libo. Ngunit sabi nila madadagdagan pa ito. Kaya't sana sa atin naman ay madagdagan at hindi mabawasan. Baka isipin ng mga kasama mong hari mahina tayong magpapalakad sa mga sutil nating kawal." Sabi ni Matheros.
"Ikinalulungkot ko kung ganun, ay dapat ay aksiyonan agad natin ito." Medyo may pagkadismaya sa mukha.
"Ngunit may balita ako sayo." Napalingon agad si Xerxez sa sinasabi ni Matheros. Iniisip niya kasi na baka tungkol ito sa halimaw. "Ano ang balita?" Dagli niyang tanong.
"Ang mga retiradong kawal at mga nakaligtas na mandirgma noon, na matatanda na, ngunit may mga lakas pa ay sinabihan kaming handa daw silang sumabak muli sa digmaan." Sabi ni Matheros na may galak sa mukha. "Ngayon, pag-isipan mo ito ng maige. Alin sa kanila ang pipiliin mo? Iyon bang isang daang-kawal ngunit duwag naman o ang mga matatandang mandirigma na matatapang pa kaysa sa ungol ng liyon?" Tanong ni Matheros na may paghahamon.
"Sino ba ang hari? Bakit ayaw nilang sumunod sa ipinagbibiling-utos ng hari? Hari ba sila? Sino ba sila para magreklamo? Mga kawal lamang sila na dapat sumunod sa imamando ng hari." Marubdob na sagot ni Xerxez. "Ngunit naiintindihan ko ang mga iniinda nilang sakit na mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay kung sakali mang masawi sa digmaan. Ngunit kung walang pagtitiis, di rin tatagal ang inaakala nilang kaligtasaan, didilat ang katutuhananang maraming naghihintay na kaaway , upang bantayan ang palasyo na maubusan ng sandata para sila ay makapasok at makaatake ng walang kaano-ano. " Sabi pa ni Xerzes. "Ngayon, hayaan mo akong talian sila sa mga liig nila dahil masyado ng mailap sila na parang pinakawalang mabangis na hayop na halos hindi na makakilala sa hari. Ipakita nyo sa kanila ang kahigpitan ko! Para makita nila kung paano ko patutulisin ang mga ngiping mapupurol na katulad nila!" Mapoot na sabi ni Xerxez kay Matheros.
Kinaiinisan ni Xerxez ang mga tao na ayaw sumunod sa kanya at yong mga matitigas ang ulo. Lalo na ang mga duwag. Ayaw niyang marinig na sabihin ng ibang lahi na duwag ang mga Thallerion. Sapagkat, ang lupain ng Thallerion ay bantog at kilalang matapang at mga magigiting na mga mandirigma. Gayunpaman, marami ng kaaway ang napabagsak nito. Kaya naman, pangit sa pandinig ang tawaging duwag ang Thallerion. Nakakawala ito ng sigla at digninidad. Kaya't ang katagang duwag ay katatawanan ng sinumang makarinig non.
Naging mabigat ang mga balikat ni Matheros sa kaaalala dahil iniisip niya na baka pagdating sa kalagitnaan ng digmaan ay magsipagtakbuhan ito pauwi at magsipag-atrasan ito dahil sa takot. Talaga namang kahiya-hiya ito kung ganoon ang mangyari.
"Matheros, maaari ba tayong mag-usap ng tayo lang?" Pagkuha niya sa pansin ni Matheros. "Alam Kong Hindi ka naniniwala sa sinabi ko na tungkol sa halimaw na nakita ko." Napailing at parang matatawa si Matheros dahil iniisip niyang tuluyan ng nabilog ang isip ni Xerxez sa mga kababalaghan.
"Ano bang pinagsasabi mo, Xerxez?" Sabi niya na parang mapapatawa. "Hanggang ngayon ba ay naniniwala ka parin doon?" Seryoso na ito ng mukha.
"Totoo ang nakita ko!" Pagpipilit ni Xerxez. "Maniwala ka sa hindi, nangyari talaga ang lahat ng kababalaghang iyon." Sabi ni Xerxez na talaga namang pinaghirapan niyang masabi iyon para lang maniwala si Matheros. At ang kasiryosohang iyon nakikita talaga sa mukha ng hari. Walang ibang maisip si Matheros kundi isang salat na salita.
"Okey," Sabi ni Matheros nama'y pagdadalawang isip. "Sige. Pero wala kana mang basehan na talagang nakita mo iyon?" Nagkaroon siya ng hindi timbang na pag-iisip. Maniniwala ba talaga siya o kukutyain nya ang hari dahil sa mga pinagsasabi nito. Sabi nito sa kabilang bahagi ng kanyang utak. Hindi siya makapaniwala na ganito ang nangyayari sa pag-iisip ng hari. Dati hindi naman ganito kasiryoso ang hari sa mga kababalaghan, tinatawanan lang niya ito.
"Ang nasirang pader! Hindi ba kayo Nagtataka doon? Sa mga anak ko, na hanggang ngayon nalulunod sa mahaba't peligrosong pagkatulog nila? Hindi pa ba kayo nagtataka doon?" Pagpapaintindi ni Xerxez. Napaisip tuloy si Matheros sa mga Sandaling iyon. Nakikita niya kasing apektado ang hari, nag-alala at naghahanap ng tulong at alam niyang siya ang nais hingian ng tulong ni Xerxez. Sa palagay niya, dapat na siyang maniwala sa hari. Wala naman talagang kaaway na nakapasok kaya't imposibling mawawasak lang ang pader ng walang dahilan. Dahil kung meron mang kaaway tiyak makikita nila iyon. Kung magdududa pa siya, sa sinasabi ni Xerxez maaaring masasaktan pa si Xerxez dahil hindi siya naniniwala. At wala na mang mawawala kung paniniwalaan niya ang hari.
"Ano ang gusto mong mangyari?" Pagpapalakas-loob niya sa hari.
"Halika," sabi ni Xerxez na nagmamadali sa paglakad. "May ipapakita ako sayo." Pahabol pa niya. Nagtataka tuloy si Matheros kung ano naman ang nais ipakita ni Xerxez sa kanya. Marami siyang naiisip na bagay na posibling iyon ang nais ipakita sa kanya. Subalit maya-maya'y nagtaka siya kung bakit pumunta sila sa lugar na hindi pamilyar sa kanya, papunta sila sa isang silid. Personal itong silid ni Xerxez kaya't walang ibang pumapasok dito maliban lang kung guwardya ka ng hari. Ito ang tanging silid na masasabi ni Xerxez na may katahimikan, dahil kung gusto niyang mapag-isa o nababagot siya ay dito siya pumupunta. Bago pa sila makapasok, tinanong muna niya si Xerxez.
"Ano ba ang gusto mong ipakita sa akin?" Paniniguro ni Matheros. Nagtataka rin siya kung ano ang laman ng silid na'yon. "Diyan na ba?" Tanong pa nito.
"Halika pumasok ka." Udyok ni Xerxez.
Pagpasok ni Matheros bumaha sa kanyang paningin ang mga larawan, may mga malalaki at may maliliit na kwadrado ng larawan. Kumikislap ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Linibot niya ang buong sulok ng silid, para makuha lang niya ang kabuuhan ng silid at para makita niya ang lahat. Nakita niya ang mga asawa ni Xerxez na nakapinta sa oleo. Nakita din niya ang dating hari, na ama ni Xerxez at ang katabi ng dating hari ay ang kanya ring ama. Marami pa siyang nakita doon. Ngunit nakuha lang ang pansin niya ng makita ang isang larawang sa harapan nila, ito lang kasi ang naiiba. Tinitigan niya ito ng maige ngunit natigil lang iyon ng lumapit si Xerxez doon sa kanyang tinititigang larawan.
"Matheros, sana maniniwala ka na sapamamagitan nitong pininta ko." Sambit ni Xerxez, na parang nagmamakaawa. "Hindi ko ito kathang-isip lang. Ginawa ko ito sa abot ng aking makakaya, kung ano ang nakita sa kababalaghan iyon." Mariin niyang paliwanag.
"Kung ganun, totoo nga ang halimaw na sinasabi mo?" May parang hilakbot na tumama kay Matheros. "A-anong plano mo dito? Hindi ba iisipin nila tuloy na baliw tayo dahil naniniwala tayo sa hindi nila pinaniniwalaan? Sa isang kababalaghan?" Panghihinang-loob na sagot ni Matheros.
"Ang anak ko ang inaalala ko, nasa panganib ang dalawa! Matitiis ko ba'yon?" Napahikbi sa kalungkutan ang hari. Natahimik na lang din si Matheros, dahil wala rin siyang magagawa, kundi makinig na lang sa winiwika ng hari.
"Ano ba ang magagawa natin? Ano sa palagay mo, isa ba itong sumpa na galing sa halimaw na'yon? O isang mapanganib na sakit na dumapo sa mga anak ko?" Tanong niya na parang nalulunod sa kalagitnaan ng karagatan at nawawalan ng pag-asa.
"Ang mabuti pa, magpatawag tayo ng mga marurunong na salamangkero! Magpapahanap tayo sa ating mga kawal, at sasabihin nating, bibigyan ng malaking gantimpala sa sinumang makakapagsabi ng lunas sa sakit ng mga prinsipe." Matalinong ideya ni Matheros.
"Tama!" Nabuhayan si Xerxez sa pagkarinig niya non. Halos lumuha ang mga mata niya sa galak. "Sige, Matheros ganun ang gagawin natin. Itataya ko ang aking kayamanan para lang sa ikabubuti ng mga anak ko." Masayang tugon pa nito.
"Kung ganun, aalis na ako, kukuha ako ng mga kawal at uutusan ko sila na maglakbay na ngayon din, para makapagsimula na silang makahanap ng mahuhusay na mga salamangkero at mga pantas na natao na marunong hubarin ang problema mo mahal na hari, Xerxez." Ganadong sagot ni Matheros.
"Sige na kung ganun, agahan mo na sila sa paghahanap at para makahanap sila ng maaga, nang maaga ding magamot ang mga anak ko." Pag-uutos niya kay Matheros.
Ganun nalamang ang kagalakan ni Xerxez ng maiwan siya doon sa silid dahil kahit sa mga oras na ito nagkaroon siya ng pag-asa na kahit paano mapapagaan ang kanyang loob dahil tinulungan siya ng kanyang Pinsan na tapat pa niyang kaibigan. Nagpapasalamat ang kanyang puso't isipan dahil Kay Matheros na naging katuwang niya sa lahat ng problema niya, dati pa. Pagkatapos noon pumunta na lang siya sa kwarto niya para kumustahin ang mga anak niya na natutulog pa hanggang ngayon.