Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 5 - Chapter 5: Orion misery

Chapter 5 - Chapter 5: Orion misery

"Anong saysay ng buhay ko, kung lahat kayo ay iniwanan ako?" Sabi ni Xerxez sa kanyang sarili habang nakaharap sa mga larawan ng kanyang mga asawa, ito ay mga ipininta niya noong mga panahong gusto niyang mapag-isa at aliwin ang sarili sapamamagitan ng pagpinta, mahilig siya gumuhit ng mga bagay sa malalaking kanvass. Kadalasan, mga mukha ng kanyang mga mahal sa buhay ang palage niyang pinipinta. Inaliw niya ang sarili sapamamagitan ng araw-araw siyang bibisita sa silid na'yon kung saan doon niya inilalagay ang lahat ng mga nagawa niyang magagandang painting. Minsan kapag pumupunta siya sa silid na'yon ay may hawak siyang isang alak. Umiinom siya ng paulit-ulit upang makalimutan lang ang masalimuot na kahapon ngunit bumabalik parin ito tuwing naiisip niya muli ang mga nangyari. At pag-ubos naman ang alak, ay mananahimik sa silid at mananatili doon na lumuluha at minsan naman ay doon na siya nakakatulog. Naglaho ang kanyang lakas, maging ang boses niya ay nanahimik na tila naging boses ng kapanglawan. Naging mahina siya dahil sa sobrang alingawngaw ng galit at bagabag ng damdamin. Lahat ng oras na lumakbay sa buhay ni Xerxez ay naging matamlay, nawalan siya ng pagasa dulot ng panlulupaypay. Kinalimutan niya ang lahat, na parang nasiraan siya ng bait at nahumaling na wakasan na lang ang buhay sa kadahilanang, wala ng magpapaligaya sa buhay niya, durog na durog na ang kanyang puso dahil sa higpit at karamutan ng kaligayahan sa buhay niya, may ligaya man ngunit ilang saglit lang mawawala din kagaya ng rosas na pinitas at inilagay sa plorera na sa simula'y kaganda-ganda't masamyo kung amoyin ngunit hindi tatagal ay magiging lanta ang mga ito at maiiwan ang natutuyong amoy. Kaya't ganito ikumpara ang kaligayahan ni Xerxez, malalanta rin na tila isang kahindik-hindik na sumpa ang ibinigay sa kanya. Malas sa pagibig! Kung baga.

Anim na taong gulang pa lamang si Pyramus nang mangyari ang insidente sa palasyo ng Thallerion. At nasaksikhan niya kung paano pinaslang ng misteryosong lalaki ang ina ni Maximus, at nang mga sandaling nagkagulo na ang mga tao ay sinagip niya ang sanggol. Buhay pa si Maviel ng kunin niya ang kapatid niya.

"Pyramus, wag mong pababayaan si Maximus, ituring mo sana siya bilang iyong kapatid." Habilin ni Maviel. "Ikaw ang panganay na anak ni Xerxez kaya alam kong hindi mo pababayaan ang kapatid mo."

"Mama, iiwan mo din ba kami?" Iyak ni Pyramus dahil nararamdaman niya ang lubhang pag-aagaw-buhay ng ina ni Maximus." Kahit sa huling pagkakataon tinawag niya itong 'mama' dahil ito ang palaging sinasabi ni Maviel na tawagin siya mama sa halip na pangalan niya.

"Pyramus, sa wakas narinig ko rin ang boses ng isang bata na tumatawag ng mama sa akin." Malungkot at nasisiyahan si Maviel dahil ang pinakapinapangarap niya at kinasasabikan ay ang magsalita na si Maximus at tawagin siya ng "mama". Ngunit sa kasawiang palad hindi na niya ito maririnig pa. Subalit, si Pyramus ang tumupad sa kanyang minimithi. "Salamat." Ngumiti si Maviel at pinilit na hinalikan sa nuo sina Pyramus at Maximus.

Nasaksikhan din ni Pyramus na hindi talaga si Maviel ang pakay nitong patayin kundi ang sanggol, sa binitawang salita ng misteryosong lalaki ay sabi niya.

 "Sayang mo, ang ganda mo panaman! Bakit mo pa kasi isinanggala ang sarili mo sa batang ito? Magkakaanak pa naman kayo! Pasensya na napag-utosan lang. Hay lintik nandiyan na sila!" 

Kaya't alam ni Pyramus kung bakit si Maviel ang napaslang, hindi ang batang iniligtas niya. Pansamantalang inaalagaan ni Pyramus ang kanyang kapatid sa tulong din ng mga katulong nila ay hindi siya nahirapan na alagaan ito. Hindi rin iyakin si Maximus kundi laging masigla at magalakin. Paminsan-minsan naman ay dumadalaw sila sa kwarto ng kanilang ama, subalit katahimikan lang ang sasalubong sa kanila. Tulala at wala sa kanyang sarili si Xerxez kaya't tumatabi na lang sila sa gilid nito upang maramdaman lang ng ama na nar'yan sila at minsan naman, kinakausap nito ang kanilang ama kahit walang boses na sumasagot.

Isang gabi, habang tahimik at mapanglaw ang kapaligiran; ay pumunta si Xerxez sa tabing dagat kung saan doon ipinaanod ang mga katawan ng kanyang mga asawa. Dahan-dahan at padaskol-daskol ang kanyang hakbang, medyo lango siya dahil nga nalasing ito dahil hindi siya tumitigil sa kaiinom ng alak halos maubos na nga niya ang mga inimbak na alak dahil sa kaiinom. Habang papunta siya doon sa tabing dagat ay puro galit, lumbay at pighati ang kanyang naiisip, at walang kahit na sigla o kagalakan man ang naglakasloob na pigilan siya sa kanyang nadarama. Sumisigaw ang kanyang galit, nangungusap ang kanyang isipan at maging ang kanyang puso ay parang wala ng tibok marahil pagod na itong kumapit sa masalimuot na pag-ibig ni Xerxez.

"Anong sumpa ito sa buhay ko? Bakit walang kaligayahan?" Namumugtong tanong niya sa karagatan. "Marahil may galit ka sa akin, Mundo? Kaya't nagkakaganito ang buhay kong ito!" Galit niyang singhàl.

Sa kanyang isipan, sinasabi niyang wala na siyang kwenta sa mundong ito, kaya't bakit pa niya pinapahirapan ang sarili, kung lahat ng dumarating sa buhay niya ay puro kapangitan. Kaya't mabuti ng taposin na niya ang kanyang buhay para wala ng paghihirap at sakit sa damdamin na daramdamin pa. Sawa na siya sa kapighatian ng kanyang buhay.

"Pagod na ako! Ayoko na, suko na ako! Napaiyak siya at dumaloy ang luha. "Kunin nyo na ako, mga mahal." Mahina niyang sabi.

Sa mga oras din iyon, walang nakapansin kay Xerxez marahil ay pagod at tulog na ang mga tao, subalit gising pa si Pyramus, kasama ng kanyang kapatid na mahimbing na natutulog sa mga kamay niya. Nakaramdam kasi si Pyramus ng takot at kaba sa mga Sandaling iyon, upang maibsan iyon, pinuntahan nila ang kanyang ama upang doon sila tatabi at matutulog. Ngunit nagtaka siya ng makita niyang umalis ang kanyang ama sa silid, kaya't upang matukoy iyon kung saan ito pupunta ay sinundan niya habang kasama ang kanyang kapatid. Hindi sila nagpakita o nagpahalatang sumusunod sila sa ama, kaya't narating nila ng matagumpay iyon ng walang kaalam-alam ang ama niya, na nariyan sila't nakamasid. Ngunit habang sinusundan nila si Xerxez ay marami ng katanungan ang pumapasok sa isipan ni Pyramus. Kahit sa mura niyang edad ay natutunan na niyang umintindi sa mga pangyayari lalo na sa kahinahinalang galaw ng ama nila. At kahit mahirap pa para sa kanya ang mga hamong ito.

"Ano ang gagawin ni ama dito, magpapakamatay siya? Hindi niya ba kami mahal?" Nagsimula agad ang luha niya ng lumabas ang mga katanungang iyon sa bibig niya.

Tahimik ang karagatan, niwalang alon na umaalolong at tanging ang sinag lang ng buwan ang nananaig sa mapanglaw na lugar na'yon. Tumakbo si Xerxez papunta sa katubigan ngunit sumimplong ang kanyang paa sa buhangin na iyon naman ang naging dahilan para siya ay bumagsak sa buhangin. Malas na nga sa buhay, lampa pa. Kaya't inis na inis siya sa mga oras na'yon, na parang hindi niya maipaliwanag, wala siyang magawa kundi ang hampasin ang buhangin na nasa harap niya ngunit napaiyak nalamang siya. Dahil sa matinding bagabag sa isipan niya ay naging dahilan ito para itulak siya sa masamang hangarin, iyon ay patayin ang kanyang sarili. Pagkatapos no'n, nagsimula namang bumuses ang kanyang galit at kapighatian.

"Mahal ko, bakit nyo ako iniwan?" Nanginginig ang tunong iyon, dahil sa lumalamig na ang gabi at lumalalim. "Kung hindi man kayo makakapiling, mas mabuti pang kunin nyo na ako!" Sigaw niya. "Kaligayahan din naman ang mawala sa mundong ito! Pagod na pagod na ako. Ang puso ko'y pagod narin." Nangangalay ang katawan niya ng sabihin niya iyon. "Utang na loob, kausapin nyo ako...sawa na ako sa patuloy na pagdaing sa inyo." Pinabagsak niya ang mga tuhod niya sa buhangin, upang sabihing isinusuko na niya ang kanyang buhay. Nakatingala siya sa papawirin habang may luhang tumatagos. Pumikit siya ng sandali at pagmulat niya ay huminga siya ng malalim at sabay sabing. "Mabuting tapusin ko na ito!" Tumindig siya kahit tabingi at medyo lango kung kumilos. Sunod-sunod ang kanyang hakbang papunta sa tubig ng karagatan. Wala na siyang ibang naiisip kundi yon nalang, nagpatuloy parin siya sa paglalakad. Subalit, isang paiyak na sigaw ang nangibabaw sa katahimikang iyon.

"Ama, huwag nyo po kami iiwan!" Basang-basa na ng luha ang pisngi ni Pyramus at ang ilan nito'y pumapatak sa mukha ni Maximus. "Pati ba naman kayo, ama iiwan kami?

" Pyramus, anong ginagawa mo dito?" Taka ni Xerxez sa mga sandaling iyon, na parang natauhan siya ngunit hindi parin humuhupa ang kanyang masamang hangarin.

"Hindi nyo po ba kami mahal? Maawa po kayo sa amin, ama." Nanginginig na sabi ni Pyramus. Humakbang si Pyramus papunta sa tubig ngunit pinigilan siya ng ama ng malapit ng mabasa ng tubig ang mga paa niya. "Huwag kang lumapit diyan ka lang!" Pigil niya sa anak. "Utang na loob anak, umalis ka na! Isipin mong wala ka nang ama." Pagtataboy nito sa kanyang anak.

"Hindi nyo kami mahal? Ngunit ama huwag nyo ito ituloy." Pakiusap parin ni Pyramus. Nanginginig na ang katawan ni Pyramus dahil sa takot, hindi niya alam kung saan o ano ang kanyang gagawin. Umiyak na si Pyramus ng malakas dahil hindi niya talaga alam kung ano ang kanyang gagawin. 

Humakbang pa ng humakbang si Xerxez, hanggang abot dibdib na ang tubig kaya't medyo malayo na siya sa kanyang anak. Ngunit nagsalita si Xerxez. "Paglaki mo wag kang maging tulad ko."

"Ama! Huwag nyo po kami iiwan." Pagmamakaawa ni Pyramus na halos mapaos na siya sa kasisigaw. Sa mga oras na'yon, nagising si Maximus dahil sa ingay at sa mga sariwang luha na pumapatak sa kanyang mukha. Ngunit natahimik na lamang ito ng saglit ng yakapin ito ni Pyramus. Ngunit sa mga iyak na'yon parang natauhan ulit si Xerxez.

"Saan galing ang mga iyak na'yon? Maximus? Anak ko?" Pagtataka ni Xerxez habang napahinto. Ngunit parang natanto niyang nagmamalikmata lang at guni-guni lang ang lahat na'yon. Lumingon siya kay Pyramus, subalit dumilim ng mga Sandaling iyon dahil natakpan ng kaulapan ang buwan. Kaya't hindi niya matukoy kung kasama ba nito ang kanyang anak na Si Maximus.

Nakita ni Pyramus kung paano nag-alala ang kanyang ama ng marinig ang iyak na'yon. Lalo na ng mapahinto ito. Naalala niya tuloy noong mga Sandaling lubog sa lupaypay ang kanyang ama, noong mga Sandaling umiyak siya. Naalala niyang madaling maawa si Xerxez sa mga bata lalo na sa anak nito na wala pang malay sa mundo. Mabilis siyang nakapag-isip ng ideya kung paano niya mapapanumbalik ang positibong pag-iisip ng kanyang ama. Para umiyak si Maximus ay kinurot niya ito sa braso ng matagal hanggang sa tuluyan itong umiyak ng malakas. Sising-sisi man siya sa kanyang ginawa ay para rin naman ito sa kanilang ama.

Hindi nga nagkamali si Pyramus sa kanyang naisip na ideya kaya't nagtagumpay siya, kaso nga lang ginamit pa niya si Maximus para lamang mabawe niya ang ama sa masamang hangarin ng kapanglawan. Naalala tuloy ni Xerxez ang huling habilin ni Maviel na wag niya pababayaan ang kanilang mga anak. Sa wakas na pahinto na ng iyak ang kaninang puro galit at kabiguan sa isipan ni Xerxez at ngayon ay napalitan ng pag-aalala.

"Ang mga anak ko!" Pagkadismaya niya sa kanyang pagkakita sa sarili na abot leeg na ang tubig. "Anong ginagawa ko? Ayoko na pagsisihan ng mga anak ko na naging ama ako nila kung ganito ako ka lubhang sawi at negatibo sa buhay." Marahil kung namatay si Xerxez, sino na ang bubuhay sa mga anak niya? Siguro mabubuhay sila na parang mga alipin at dudustahin ng mga tao at yon talaga ang magiging dahilan para kagalitan at kamuhian siya ng kanyang mga anak. Ngunit mabuti na lang at nagbago ang kanyang isipan. Kaya't napahakbang siya pabalik. "Mga anak ko! Pyramus! Maximus! Hintayin nyo ako diyan!" Nagagalak niyang sabi, subalit nadulas siya kaya't lumubog ang kanyang katawan.

"Ama! Sigaw ni Pyramus. 'Ano ang nangyari kay ama?' Hilakbot ni Pyramus. Ngunit napalitan agad iyon ng makita niyang nakatayo ulit ang ama at malapit na sa kanila. "Ama!" May galak sa mukha ng banggitin iyon ni Pyramus. "Mabuti't kayo'y nagbago. Mahal po namin kayo ama. Hindi po namin nais na mawalay ka sa amin, ikaw na lang po ang natitirang lakas upang kami ay mabuhay sa mundo." Nabuhayan talaga ng bigla si Pyramus nang makita niya ang pagbalik ni Xerxez. 

Humihingal ng makarating si Xerxez sa kinatatayuan nila Pyramus, dahil pinilit niyang binilisan ang takbo ng mga paa niya sa tubig. Sa kadahilanang pananabik na yaposin ang kanyang mga anak. Mula sa panganay na anak, ay kanya itong hinalikan ng paulit-ulit papunta sa bunso. Natauhan na talaga si Xerxez dahil wala ng pagdadalawang-isip sa kanyang isipan kundi ang makapiling ang mga anak niya. "Mga anak ko!" Bati niya na may pag-aalala. "Patawad sa aking kamalian. Nasaktan ko ang damdamin nyo, lalo na ikaw, Pyramus." Lumuluha siya, kahit basa ang mukha niya ay pansin parin na may luhang dumadaloy. Naawa naman si Pyramus sa kanyang pagkakakita kaya't agad naman niya ito sinalubong ng mahinahong sagot.

"Ama, huwag nyo na po isipin ang masalimuot na karanasang iyon. Ang mahalaga ay bumalik po kayo sa buhay namin. Buhay po kayo ama, iyon po ang mahalaga sa lahat!" Pagpapaliwanag ni Pyramus sa ama na hindi siya galit kahit sa kabila ng mga malagim na sandali. Kinuha ni Xerxez ang bata sa kanyang mga kamay, at magiliw na binitawan niya ang kanyang kapatid papunta sa kanyang ama. 

"Akin na si Maximus." Sabi pa ng ama ng may pananabik. Narinig pa ni Pyramus ang mga sinabi ng ama ng nasa kanya na ang bata. "Maximus, anak ko. Paumanhin, naging tanga talaga ako. Ni hindi ko man lang inisip na mayroon pa akong dapat alalahanin iyon ay kayo, mga anak ko. Patawad Maximus, napabayaan ko ikaw." Tinitigan na lang ni Pyramus sina Xerxez, nakita niya kung gaano kamahal ng ama niya ang kanyang kapatid. "Embes na ako dapat ang nangangalaga sa'yo ay naging pabaya ako sa iyo."

Umuwi sila sa kaharian na tila walang pighating gumuhit sa kanilang mga puso. Maging ang mga tao doon ay nabigla sa pa

gbabago ni Xerxez.