Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 6 - Chapter 6: Ang halimaw

Chapter 6 - Chapter 6: Ang halimaw

Simula ng matanto ni Xerxez ang mga pagkakamali niya hindi na siya nag-isip pa ng iba, lalo na ang pag-aasawa muli kundi pinagtutuunan na niya ng pansin ang kalakaran ng palasyo at maging sa ibang nasasakupang bansa. Kahit marami paring naghahabol na mga magagandang dalaga sa kanya. Ngunit kahit na marami ang nagsasabing may sumpa si Xerxez dahil siya ay malas sa pag-ibig ayon sa mga paniniwala ng mga matatanda ng Thallerion, may nagsasabi paring handa sila mamatay basta't mapangasawa lang si Xerxez. Subalit, mismo na lang si Xerxez ang tumanggi sa kanila. Napaunlad niya ang kanyang sandatahan, at napalawak ang teritoryo ng Thallerion, naagaw niya ang buong lupain ng Wendlock. Kaya't saludo sa kanya ang mga hari. Dahil doon, nagbunga iyon ng sigalot, ang lahi ng Ossibuz na malapit sa lupain ng wendlock ay nagalit kaya bilang tugon ng hari na si Matar ay hinamon niya ang Thallerion na umalis sa lupain ng Wendlock dahil marami sa mga lahi ng Ossibus ay lumipat na sa lupain ng Wendlock. Ngunit tumanggi si Xerxez. "Pinagsabihan kita dati na makipagkasundo ka sa amin bilang kaalyansa ngunit tumanggi ka. At ngayong nasa amin na ang Wendlock gustong mong bawiin iyon?"

Dise-sais narin si Pyramus, malaki na siya at mukha ng binata kung mag-isip, subalit malaki din ang pinagbago nito, naging pihikan at madaling magalit, lalo na sa mga katulong niya. Ang dating mahaba na buhok na palage niya pinapasuklay sa mga katulong ay pinagunting niya ito, kaya mas lumalabas na ang kanyang pagbibinata. Dahil dugo siya ng Peronican kaya napakakinis ng balat niya na walang kahit anong dungis. Ang mga mata niya ay nagmana sa kanyang ina pati ang kutis ng balat. Ayaw din niya ng pakalatkalat lang ang mga gamit lalo na sa kanyang silid. Lage siyang naiinis sa kanyang kapatid, dahil palage siya nito ginugulo ang nais lang naman ni Maximus ay makipaglaro sa kanya.

"Ama, may ipamamalas ako sa inyo!" Sigaw niya habang nagmamadali, at umupo sa tabi ng hari. Nakuha naman agad ang pansin ng mga tao doon lalo na ang ama nito, nandoon din si Pyramus. "Ano naman ipapamalas niya, baka kahiya-hiya lang!"

"Tutugtog po ako para sa inyo." Masayang sagot ng bata. Nakangiti rin ang lahat maliban lang Kay Pyramus. "Mukhang nagmana ang anak ko sa hari ng Thartherus, dahil may ipapamalas na talento." Masayang tugon ni Xerxez. Medyo nagkaroon ng katahimikan sa mga saglit na'yon, na nagpapahiwatig lamang ng paggalang sa munting prinsipe. "Katahimikan!" Sabi pa ng isa doon. Naghihintay din ang hari kung ano ang gagawin ng kanyang anak, mayamaya hinipan na niya ang Instrumentong hawak niya. Mula sa bibig niya patungo sa butas ng plauta ay lumabas ang matamis at malambing na tunog doon. Palakpakan ang lahat sa ipinamalas ng prinsipe. Mangha ang lahat, dahil alam nilang walang nagtuturo sa bata tapos ganuon kahusay ang natuklasan nila. Napakagaling sabi ng ilan doon. "Tunay ngang dugong Thartherus!"

"Napakahusay! Sino ang tumuro sayo niyan?" Mangha ng ama. "Si haring Driother ba ang nagturo sa iyo niyan?"

"Opo ama, binisita ako ni lolo at dinalhan niya ako ng mga regalo, at sabi niya tuturuan niya ako magtugtog, kaya natutunan ko ang pagtugtog ng plauta.

"At saka, tinuruan ko din ang Kaibigan ko." Magalak na tugon niya. "Si Caspard!" Bakas sa mukha niya ang pagmamalaki sa kaibigan.

"Anak iyon ni Vethor." Sabi ni Xerxez.

"Hindi ba't isang mahirap lang si Vethor? Bakit ang isang maharlika ay nakikipagsalamuha sa anak ng isang dukha?" Bulungan ng mga tao doon. "Tumahimik kayo!" Sigaw ni Xerxez. "Papuntahin si Vethor, ngayon din. Ngunit may umangal na isang delegadong kawal, si Phalleon.

"Walang dunong ang lalaking iyon, Hindi nga siya marunong magsulat. Bakit nyo pa pinapahalagahan ang mga taong ganun?" Pagrereklamo pa nito. "Nararapat lang na utasan ang walang kaalaman para matuto at maging kawal niyo."

"Ang tao na may mabuting gawa ay dapat lang makatanggap ng gantimpala." Sabi ni Xerxez, sa katunayan kasi nyan, maraming nakikitang kabutihan si Xerxez kay Vethor sa paglilingkod bilang isang kawal. "Sa Simula pa, nakikitaan ko na siya ng mabuting ehimplo sa kasamahan niyang kawal, kaya't dahil din mabuti din makitungo ang kanyang anak sa anak ko ay may spesyal akong handog para kay Vethor." Diin pa ng hari.

"Pagbati sa hari— marahil may dapat ka muna bigyan ng spesyal na handog." Galing iyon sa lalaking iniluwa ng malaking pintuan. Siya si Matheros na kanyang pinsan.

Sa kabila ng panlulupaypay siya yong naging pansamatalang tagapamahala sa kaharian ni Xerxez. Malaki ang kanyang ginagampanan, bukod dito siya din kasi ang pinagkakatiwalaan ni Xerxez.

"May kilala ako." Agad siyang lumapit sa harapan ng hari. "Tiyak Kong ikalulugod mong makilala siya." Nagtaka tuloy ang hari dahil parang kakaiba ang kinikilos ni Matheros.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" Medyo nagkaroon ng inip sa isipan ni Xerxez dahil sa mga mungkahe ng kumandante niya. "Hindi mahalaga ang kung ano ka, ang mahalaga ay kung paano ka makitungo sa kapwa mo." Natahimik lamang sila. Ngunit bumaling muli si Xerxez Kay Matheros. "Maaari mo bang ipakilala kung sino yong sinasabi mong ikalulugod ko." Utos niya Kay Matheros.

"Hindi po kayo magkakamali sa kanya, mahal na hari. Sapagkat mabuti siyang tao at bihasa kung makipaglaban gamit ang pana."

"Tama ba ang narinig ko? Mahusay siya sa pana?" Napailing ang hari.

Nang marinig niya ang tungkol sa pana, tila ba bumabalik naman ang kanyang malungkot na alaala sa yumaong asawa niya. Katunayan kasi niyan unti-unti na siyang nakakaginhawa sa masalimuot na kapanglawan. Subalit nang marinig naman niya ang pana na siyang ikinamatay ng kanyang asawa ay parang nagkaroon ulit siya ng marubdob na paghihinala. Iniisip niya kasing lahat ng may pamana ay may kinalaman sa pagkamatay ng asawa niya kaya ganun na lang kung makapaghinala siya.

"Papuntahin mo agad!" Sigaw ng hari na parang nagniningas na sa galit. Nagtaka ang lahat kung bakit biglang nagbago ang ugali ng hari na kanina lang ay walang bakas ng kahit na kasungitan sa mukha at ngayon ay tila daig pa ang mabagsik na liyon.

"Catana!" Tawag ni Matheros. Ang katunayan niyan ay kanina pa naghihintay si Catana sa likod ng malapad na pintuan kaya't ng narinig niyang siya na ang tinawag ay agad na pinagbuksan siya ng dalawang guwardya doon. Pagpasok niya doon, nakikita niya ang mga kawal na nakatayo sa bawat gilid ng dadaanan niya. Pakiramdam niya ng makaapak sa ginintuang sahig ay para na siyang nakaapak ng paraiso. Kumikintab lalo na't pagpasok niya ay sabay din sumilip ang sinag sa labas. Nahihiya pa nga siya sa simula ng pag-apak niya sa sahig dahil maalikabok ang kanyang sandalyas. Nung pagpasok niya, nasilaw ang mga mata ng tao doon dahil sa sinag, kaya't hindi agad nila napansin ang mukha ni Catana.

Nung hindi pa nakita ni Xerxez ang buong pagkatao nito ay para na siyang naghahalusinasyong makakaharap na niya ang lalaking pumatay sa asawa niya, ngunit pagdilat ng mga mata niya mula sa pagkakasilaw sa sinag ay nakita niya ang maganda at makini-kinitang alindog ng babae. Ang akala kasi niya ay lalaki ang makakarap niya ngayon, kaya't duda siyang ito ang kalaban, pero nawala ang lahat ng iyon ng makita niya ang hubog ng babae. Maganda at matangkad ang babaing ito kaya't kahali-halina, ang mga lalaki doon ay bakas ang bunganga nilang nakabukas. Napatili at napatunganga. Subalit winasak iyon ni Matheros.

"May dalawa na siyang anak, mahal na hari." Sabi ni Matheros, napansin kasi niya na parang unti-unting nilalamon ang atensiyon ng mga tao. Nagsipaglunok ang mga kalakihan doon dahil sa pagkarinig. Sayang, yan ang huling narinig ni Matheros sa mga Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Nawala din ang galit at paghihinala niya ng makita na niya ang babae.

"Bakit hindi mo sinabi Matheros na babae pala ang iyong ipapakita sa amin?" Sabi ni Xerxez, ngunit sinagot lang siya nito ng maikling-salita. "Sopresa!"

"Ikinagagalak ko pong makita kayo, mahal na hari." Pambating tugon ni Catana. "Ako po'y humihingi ng iyong basbas, at handa po akong maglingkod para sa inyo." Nakaluhod si Catana sa mga Sandaling ito. "Galing po ako sa distrito ng regil, at kasalukuyang pinuno ng mga sundalo ng kababaihan."

"Tamang-tama ang iyong pagpunta dito, sapagkat nangangailangan ako ng karagdagang alagad dahil marami natayong nasasakopan at sa tulong nyo mas mapapailki ang kabagalan at katigasan ng mga kawal natin." Diretsahang sagot ni Xerxez, hindi na siya nagsiyasat ng malilim dahil alam niyang tapos na itong nasiyasat ni Matheros.

"Hindi ko po kayo bibiguin, mahal na hari." Masayang sagot ni Catana. "Aba! Dapat lang!" Dugtong din ni Phalleon

"Ama. May mangyayari po bang digmaan sa ating kaharian, tila seryoso ang mga nagaganap, parang pinaghahandaan niyo talaga ito? Isa ba itong digmaan na magaganap?" Sabi ni Pyramus, nasa stado ng pag-aalala ang emosyon ng kanyang mukha.

Nakaupo sa tabi ni Xerxez sa magkabila ang dalawang prinsipe, nasa kanan si Maximus at sa kaliwa na man si Pyramus. Napatiklop ng saglit ang bunganga ni Xerxez, ng marinig niya mismo sa bibig ng kanyang anak ang tungkol sa digmaan, pero ayaw niyang makitang mag-alala ang kanyang mga anak. "Hindi ito isang paparating na digmaan, anak, kundi isang sigalot lang sa pagitan ng Ossibus at Thallerion."

"Ang lakas ng loob nila para magdulot sila ng gulo sa ating bansa, ama." Sagot ni Pyramus.

"Alam kong nag-aaral ka tungkol sa politika at pamumuno kaya alam mo kung ano ang ugali ng mga ossibian."

"Inuugali nila ang ugali ng uwak, nagsasamantala ng pagkakataon. Kaya, ama huwag n'yong bigyan ng pagkakataon ang mga bansang tulad nila."

"Mahusay na ang anak mong si Pyramus, mukhang nagmana yata sa iyong galing." Sabi ni Matheros. "Malayo na siya sa dating Pyramus. Katulad mo rin na nagbago na rin. Ngunit, wag mo na sana balikan ang mga araw ng takipsilim.

"Asahan mo." Sabi ni Xerxez. Naalala ni Xerxez ang isang gunita noong mga sandaling nagsisimula pa lang siyang magbangon mula sa kanyang panlulupaypay.

Sa araw noon, habang may mga suliraning iniisip si Xerxez at walang magawa kundi napabuntong-hininga nalamang. Bahagya niyang napasoklob ang kanyang mukha sa mga kamay niya, na ibig sabihin ay nalulungkot siya sa kanyang mga iniisip na problema. Medyo matagal ang kanyang katahimikan sa silid ng mga Sandaling iyon, hanggang sa may narinig siyang hagikhikan. Napukaw ang kanyang sarili at nawili siyang makinig sa masisiglang tawanan ng dalawang bata. Pakiramdam niya, naglalaro ito ng habulan dahil naririnig niyang papalapit ng papalapit ang mga tinig nito sa kanyang kinaruruonan. Nagagalak siyang pinapakinggan ang mga ingay ng dalawa kaya't tuwang-tuwa siya ng makita na niya sila.

"Mga anak ko! Pumunta kayo sa akin, at ako'y yakapin nyo. Alam Kong may sa sabihin kayo sa akin." Nakangiting salubong ni Xerxez sa mga anak niya.

"Ama, masaya po kaming nandito ka dahil kanina pa naming hinahanap ka, mabuti na lang nakita namin ang mga hari, at tinanong namin kung nasaan ang hari ng Thallerion?" Sabi ni Maximus, mga nasa kwatro anyos na dito si Maximus ngunit masyadong matabil na ito kahit hirap pa siya magbigkas ng mga ilang salita. "Bakit nyo hinahanap ang hari ng Thallerion?" Ngumiti siya ng may paggigigil. Alam niyang may umiiral na kakulitan sa mga anak niya kaya't sinabayan na lang niya ito, at para mawala din ang kanyang pagod sa kaiisip sa mga suliranin sa kaharian. "Anong gagawin nyo sa hari?" Pakunwari niyang tanong sa dalawa. Agad naman sinundan ng sagot ni Pyramus ang tanong niya.

"Huhulihin po namin siya! Upang ikulong sa pagmamahal namin." Anyang sagot ni Pyramus. "Pagmamahal?" Sabi ni Xerxez. Dumugtong Agad si Maximus, subalit nagpapakunwaring boses matanda. "Ganun nga ho ang gagawin namin sa kanya, kaya't sabihin mo sa amin kung nasaan nagtatago ang hari ng Thallerion."

"Paano kung sabihin Kong, Ako ang hari ng Thallerion! Huhulihin nyo ba ang isang tulad ko?" Naglalakas kunwari ang kanyang loob. Nagdudula-dulaan lamang silang tatlo. "Ikinalulungkot po naming, Hindi na namin itutuloy ang pagdakip sa kanya." Sabi ni Pyramus. Isang katanungan agad ang inihagis ni Xerxez. "Bakit?"

"Hindi kasi namin akalaing isa pa lang matapang na hari ang kaharap namin. Subalit, kung isusuko mo ang iyong buhay. Ika'y aming ikukulong sa hawla ng pag-ibig at kaligayahan." Makabuluhang sagot ni Pyramus.

"Susuko na ako. Handa Kong tanggapin ang ano mang kaparusahan nyo, ang makulong sa hawla." Mabilis na sang-ayon ni Xerxez. Nagtaka din ang mga dalawa. "Tila kay bilis ng iyong pagsuko?" Sabi ni Maximus. "Ang alam ko'y matapang na matapang ang hari ng Thallerion?"

"Mas pipiliin Kong makulong pa sa hawlang may kaligayahan kay sa malayang walang ligaya." Madamdaming sagot ni Xerxez. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga anak niya kaya't hindi niya matiis na hindi niya ito mayakap at mahalikan sa nuo. "Halinga kayo sa aking tabi." Tawag niya sa dalawa. Lumapit naman agad ito sa kanya, si Pyramus ay naupo lang sa tabi ng ama samantalang, pinaupo ni Xerxez si Maximus sa kanyang hita.

"Maswerte talaga ako dahil nandito kayo sa aking buhay, sa aking tabi." Masayang sabi ni Xerxez. "Alam nyo wala ng makakahigit sa kahit anong yaman meron ako, basta't kayo ay naririto talagang nagiging maligaya ang araw ko." Ngumiti ulit siya. "Aanhin ko ang pagiging hari, kung malayo kayo sa buhay ko. Kayo ang tangi Kong lakas, at buhay ko narin. Dahil kayo ang ligaya ko, ang pagmamahal ko'y nasa inyong dalawa. Kaya't kung sino man ang sumubok na saktan kayo at ilayo kayo sa akin ay paparusahan ko talaga."

"Talaga po ama?" Pahangang sabi ni Maximus. "Siyempre naman anak, gagawin ko ang lahat para sa inyo. Gagawin Kong katuwaan ng mga tao ang sino mang mangangahas na saktan kayo. Pahihirapan ng pahihirapan ko ang gagawa ng masama sa inyo. Kahit lumuha man sila ng dugo, Hindi ko talaga siya patatawarin."

"Naku! Nakakatakot po pala kayo ama!" Hanga niya.

"Alam mo Maximus, bulilit lang ang mga yon, para Kay ama." Dugtong ni Pyramus. Nagkatuwaan na lamang sila, naaliw sila sa kanilang pagbibiruan hanggang sa nadatnan na lang ng antok ang dalawang anak ni Xerxez. Masaya si Xerxez sa kanyang mga anak at wala siyang pagsisisihan kung naging anak niya sila.

Ang misteryosong nilalang

Isang araw noon, namasyal sina Pyramus at Maximus sa kakahoyan, tumakas sila sa mga bantay upang magliwaliw sa kagubatan. Kahit na disesais na si Pyramus siya parin ang nagpasimuno sa planong iyon. Ngunit hindi naman iyon malayo sa lupaing Betellguese na malapit sa hanggan ng Wendlock. Walang ideya si Maximus kung ano ang gagawin nila doon, bukod sa sinabi nitong mamanasyal lang sila. Sa Kuro-kuro ni Maximus habang naglalakad sila kanina ay isa iyong paglabag sa utos ng kanilang ama. "Magagalit sa ama kapag malaman niyang tumakas tayo." Sabi ni Maximus. "Ano kaba, gawain ko ito noong kasing edad kita. Kabisado ko ang lugar na ito. " Magalak na sabi ni Pyramus."

Ngayong nandito na tayo, maliligo tayo sa ilog ng cirtax. Tapos mangunguha tayo ng mga prutas sa banda doon. Matamis yon." Sabi pa niya. "Alam mo, kapag naiinip ako sa pag-aaral tumatakas ako papunta dito."

"Hindi ba't yon ang pinaka-ayaw ni ama?"

"Oo." Sabi ni Pyramus. Habang hinuhubad niya ang kanyang mga damit, at wala na siyang saplot. "Kapag magpapahuli ka."

"Talentado ka , matalino na man ako!" Sabi ni Pyramus. "Kaya, marami akong rason. Kaya dalian mo marami pa tayong gagawin ngayon." Tumalon na agad si Pyramus sa ilog at lumangoy. Napilitan na din si Maximus na maligo sa ilog. Napaka linis ng ilog at maraming maliliit na isda na lumalangoy na nakita ni Maximus.

"Ang saya kuya!!" Tuwa ni Maximus."

"Ito ang nagpamulat sa akin ng tunay na kaligayahan." Sabi ni Pyramus.

"Tara punta naman tayo doon sa mga ligaw na prutas. Masarap yon kainin. May kasin tamis ng ubas doon. Tara!" Tumatakbo si Pyramus kaya masyadong naiiwan si Maximus.

Sa mga sandaling iyon, biglang lumabo ang paningin ni Maximus. At nahihirapan na siya lumakad. "Kuya." Ngunit may mga tinig siyang naririnig. "Maximus!" May mga sumisigaw at may mga bumubulong. "Kuya!!!" Sigaw niya.

"Sa unahan, iba ang nakikita niya isang nakakatakot na lugar na parang nasusunog. Ang alam ni Maximus doon tumakbo si Pyramus. Kahit lumalabo ang kanyang paningin humakbang parin siya ng humakbang.

May nakita siya isang nilalang na nakatayo sa unahan ngunit nababalot ito ng maitim na usok. Matangkad na parang lalaki ang tindig. Sa una'y aakalain niyang si Pyramus iyon ngunit ng malinawan niya ng paningin isang halimaw na nakatatakot ang mukha. Ngunit bigla na lang iyon nawala. At naramdaman niyang may pamilyar na boses ang gumising sa kanya. "Maximus! Maximus!! Gumising ka!!!"

"Kuya!!!!" Nangingiyak niyang tugon.

"Ano ba ang nangyari sayo at bigla ka na lang hinimatay?

"May nakita akong nakakatakot na nilalang!" Sagot niya nahalatang nanginginig pa ito sa takot. "Kumain ka, baka nagugutom ka lang." Sabi ni Pyramus. "Hindi iyon totoo." Sabi pa ni Pyramus. "Guni-guni mo lang iyon. Matagal na ako sa lugar na ito ni kailan wala akong karanasan o makasalamuha lamang Yong sinasabi mo. Baka mga baboy-ramo lang nakita mo dito. Naku madalas gumagala rito ang mga Hayop na ganun.. hindi kita napagsabihan."

"Iba sa hayop ang nakita ko, kundi isang nakakatakot na na nilalang!" Humagulgol si Maximus. "Alam mo nananaginip ka lang. Nakatulog ka ng maabutan ko." Sabi ni Pyramus. "Pambihira ka talaga, kaya mo matulog sa lupa."

Tumahimik na lang si Maximus, dahil ramdam niyang hindi siya paniniwalaan ni Pyramus. "Baka napagod ka kanina, tayo na umuwi na tayo." Sabi ni Pyramus. "Basta ang bilin ko sa iyo. Wag kang magsasalita ng tungkol dito."