Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 3 - CHAPTER 3: Ang Thartherus

Chapter 3 - CHAPTER 3: Ang Thartherus

Kilala sa tawag na BlueMoon country ang bansang Thartherus. Maasul ang kanilang mga buhok at pati na ang kanilang mga mata, at hindi sila sumusuot ng mga makalumang damit, lahat sila ay matataas ang antas pagdating sa kasuutan at desenyo ng kanilang pamamahay. Mayaman sila sa mga yamang hiyas gaya ng topasyo, emerald, at mga dyamante.

Pinaniniwalaang pinakamasagana ang bansang Thartherus dahil sa yamang-likas na nakukuha nila sa kanilang bansa. At pagdating na man sa katangian ng kanilang pangangatawan, ang mga kababaihan sa bansang ito magaganda, at matitipuno naman ang mga kalalakihan. 

 Ang mga Thartherian ay bihasa din sa pakikidigma, ngunit mas pumapabor sa kalinangan ng mga agham, edukasyon at teknolohiya. Iningatan nila ang bawat lahi na nagbibigay ng kanya-kanyang kontribusyon. pumayag sila na makipagkasundo sa mga Thallerion pati na sa ibang bansa, dahil ito ang mabisang paraan upang lumawak ang karunungan at ugnayan nila na magdudulot sa kanila ng pag-unlad. 

May mga kwento na nagsasabi na ang bansang Thartherus ay tahanan ng mga talento. Sagana ng kultura, sining at kasiyahan ang bansang ito. Walang araw na hindi aawit ang mga mang-aawit, ang mga mananayaw, at walang instrumental na hindi tutunog o maririnig sa bansang Thartherus. Tila ba umapaw ang inspirasyon ng bawat isa.

Ngunit may mga aklat na naghahayag ng isang isang kwento tungkol sa zodiac subalit sa haba na ng kasaysayan ng Thartherus wala na naniniwala sa kwentong yon, bagkus, sila ay nahumaling na sa magiliw na realidad ng Thartherus. 

Si haring Driother ang kasalukuyang hari ng bansang Thartherus, maamo ang kanyang mga mukha at may perpektong hugis. Kayumanggi ang kulay ng mga mata niya na masiyahin at masigla. Maging ang kanyang masiyahing pagkatao ay nakakahawa na nagdudulot ng kasiyahan sa mga taong nakapaligid sa kanya. Siya lang ang natatanging hari sa Thartherus na hinahangaan ng maraming tao sa iba't-ibang larangan. 

Gwapo na lalaki si haring Driother kaya maraming nakakapansin sa kanya, at marami ding babae ang naaakit sa kanya karisma lalo na't marami siyang Talento, sa pagkanta, sayaw, art at marami pa at lahat yon ay nakakamanghang nagagawa niya ng may husay at karunungan.

Ang kaharian ng Thartherus ay malawak ang nasasakupan, ngunit ang desinyo ng mga tirahan ng mga mamamayan ay kakaiba at hindi karaniwang anyo ng tahanan kundi ito ay yari sa crystal at salamin na kung ilalarawan parang isang orb o mga pabilog na hugis na may stilo ng mga may kulay ng crystal. Ang mga gusali ay matataas ang antas ng desinyo na ginawa para sa mga siyentipikong pananaliksik at para sa mga dalubhasang imbentor.

Ang systema ng Thartherus ay nakatuon sa paglilinang ng karunungang mental at kapasidad. Gayunpaman, meron paring nakalaan para sa pagpapatibay ng sekyuridad at kapayapaan ng Thartherus, ang pagbuo ng militar at mga sundalo ng Thartherus ay merong spesyal na pagsasanay na magagamit sa aktuwal na sitwasyon.

Ang Monumento ng 12 Zodiac na nakatayo sa harap ng palasyo na may taas na walong talampakan na merong kaakibat na kulay ang nagbibigay ng holmark sa pangalang Thartherus. Ang totoo, si haring Driother ang nagpagawa ng Monumentong yon dahil sa kanyang panaginip.

Noong nagsisimula pa lang siya maghari nanaginip siya, pinakita sa kanyang harapan ang doseng Zodiac na parang mga dyamante na kumikinang at lumiliwanag at iba-iba ang kulay nito na hindi magkapariho. May tinig na nagsalita, Sinabi sa kanya na kailangan siya mag Karoon ng anak na lalaki upang hiranging bagong hari.

Naniniwala si Driother na merong Zodiac na giumagabay sa bansang Thartherus, kaya naghanap siya ng kanyang mapapangasawa, at dahil din sa hangarin niya na magkaanak agad kaya minabuti niyang mag-asawa at magkaroon ng anak sa lalong madaling panahon. Ngunit, iba ang takbo ng panahon, sa halip na lalaki ay biniyayaan sila ng anak na babae, si Maviel. At nasundan pa ng limang babae. Nang matanto ni Driother na tila nilalaruan na siya ng kapalaran, hindi na siya nangarap na magkaanak ng lalaki sa kanyang asawa. Gayun pa man, kinakausap parin siya ng doseng bituin sa kanyang panaginip at nagsasabi, "Isa sa anak mo ang magkakaanak ng bagong hinirang." Kaya natanto niya kung hindi man sa mga anak niya, malamang sa susunod na Kabanata ng pamilya niya magkakasupling din ng batang lalaki. 

Sa pamumuno ni Driother, pinapahalagahan niya ang agham, mga bagay na nagbibigay ng kainaman at kalusugan sa kanilang katawan. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa agham at teknolohiya mas napapayaman nila ang kanilang bansa. Dahilan para lumago at maging moderno ang kinakaharap ng mundo nito. Nakipag-ugnayan din si haring Driother sa bansang Dreamithrio para sa kalakalan ng mga ginto, dyamante at iba pang hiyas na mayaman sa kanilang bansa. Pagmimina ang pangunahing pinagkakaabalahan ng mga tao. 

Marami ang matatalino sa bansang ito, kaya sa halip pagtuunan nila ang pakikidigma, ay ibinaling na lang nila sa pananaliksik at pag-aaral. Walang individual sa kanilang lipunan na walang talento. Mula pa sa kanilang pagkabata, hinahasa na sila sa mga larangang kinagigiliwan nila. Ang anim na anak ni haring Driother ay may kanya-kanyang talento. Mga babae man sila ngunit Saksakan sila ng mga kakayahan. Ngunit lahat yon ay namana mula Kay Driother. Kaya ang Iniisip ng mga karamihan sa hari hindi isang tao... dahil papaanong— ang Isang tulad niya ay merong higit na karunungan sa anumang bagay. Ngunit mas hinahangaan pa siya ng mga tao dahil sa husay niya gumamit ng iba't-ibang uri ng sandata. At nakakapagtatakang mahusay siya sa mga ito.

Sa anim na anak ni Driother, Isa lang ang tinuturing ng mga tao na katamtaman lang ang dami ng kakayahan. Siya ay si Maviel, wala siyang gaanong hilig sa anumang bagay, para sa kanya ang panghuhuli ng mga maiilap na hayop sa kagubatan ang pinakanakakasiyang gawin. Pana ang itinuturing niyang pinaka madaling gamitin. Ngunit ang pinakagusto niya ang gumawa ng bitag, gusto niya ang mga ideya niya na siya lang ang nakakaalam at kapag meron siyang nabibihag ay dinadala niya sa kaharian at inihahandog sa kanyang ama, na tanging ang ama lang din ang humahanga sa kanyang ginagawa at kabaliktaran naman sa mga kapatid niya dahil nandidiri ang mga kapatid niya sa dahil sa kanyang panghuhuli ng mga mababangis na hayop. 

Minsan nagtataka ang mga tao kung bakit naiiba si Maviel. Siya ang panganay ngunit kung kumilos parang hindi babae dahil matapang at palaban na babae, at lalong hindi siya mahinhin. Pati sa pagpapaganda ay wala siyang panahon, ngunit kahit hindi magpaganda ang mga Thartherian ay magaganda parin sila. At dahil sanay siya sa pakikipagsapalaran sa kagubatan kaya, madalas tinatali lang niya ng simple ang kanyang buhok at dahil sanay siya sa kagubatan na parang isang kaibigan kaya hindi siya gaanong napapansin ng mga nanunuyong mga kalalakihan na nagmula pa sa ibang bayan, at ang iba ay nagmula pa sa malalayong bansa para manligaw lang sa mga anak ni Driother. 

Dalawa na sa mga mas na kababata sa kanya ang nakapag asawa, kaya nalulungkot si Driother dahil baka tumanda si Maviel na hindi man lang makahanap ng mapapangasawa. 

Ngunit nang minsan'y nakaramdam si Maviel ng pag-ibig, biglang nawala ang kanyang sigla sa pagpunta sa kagubatan para manghuli ng mga maiilap na hayop, nung nakita niya si Xerxez na nakikipag kasundo sa kanyang ama, nagkataon lamang noon na napadpad siya sa lugar kung saan nagtagpo ng unang beses ang mga hari para sa kasunduan na magkakaroon ng pagkakaisa. Nang makita niya ang binatang hari ay nahulog ang kanyang loob, naaakit siya sa kakisigan at kabutihang loob na ipinamalas ni Xerxez sa hari ng Thartherus. Palihim si Maviel na lumalapit ng patago makita lang niya si Xerxez. Nahihiya siya dahil hindi kagaya ng mga kapatid niya na sanay sa mga magagarang kasuutan. Kaya hindi gaanong napapansin ni Xerxez si Maviel. 

 Simula ng nakipagkasundo ang Thartherus sa bansang Thallerion. Si Xerxez ay bumibisita kasama pa ang ibang hari na kaalyansa. Wala pang asawa noon si Xerxez, noong bumibisita ito sa kaharian ng ama niya.

Isang araw habang pumipitas siya ng bulaklak sa likod ng palasyo, nagkataon na nagliwaliw si Xerxez para magpahangin, nagkita ang dalawa ng unang beses ng harap-harapan, ang buong akala ni Xerxez hindi ito anak ni Driother kundi ang buong akala niya ay Isang hamak lang na katulong. Kasi hindi ito gaanong magara magsuot ng damit, napaka simple lamang. Mahilig si Maviel sa mga puting bulaklak.

"Benibeni... Matagal ka na ba dito?" Tanong ni Xerxez. Hindi nakasagot si Maviel dahil nabigla siya at nahiya. "Ngayon lang kasi kita nakita." 

"Hari ng Thallerion... Paumanhin kung..." Kamuntikan pang mabasag ni Maviel ang florera.

"Ayos lang..." Napangiti si Xerxez. Tinulungan ni Xerxez si Maviel na isaayos ang mga puting bulaklak. "Maganda ka pumuli ng mga bulaklak…simbolo ng kadalisayan." 

"Nagustuhan mo ba ang bulaklak na ito?" Tanong ni Maviel. Kumuha si Xerxez ng Isang tangkay at inamoy ito. Pagkatapos ibinigay niya Kay Maviel. 

"Maganda ang bulaklak na ito dahil isang tulad mo ang nangangalaga ng mga ito." Sabi ni Xerxez. "Isipin mo palage, mas maganda ka kay sa sa bulaklak na ito." 

Nagsidatingan ang mga kapatid ni Maviel at hinahanap si Xerxez dahil may mga gusto ito sa kanya. Gusto nila pag-agawan si Xerxez ngunit wala siya nagugustuhan sa mga ito. Pag lingon ni Xerxez sa kanyang likod nakalis na si Maviel Kaya di niya lubos nakilala si Maviel. 

Iningatan ni Maviel ang bulaklak na ibinigay ni Xerxez sa kanya. Paglipas ng ilang taon, hindi na nakabisita si Xerxez sa Thartherus, at nabalitaan na lamang niya na may asawa na ito na mula sa taga Peronica kaya lubha ang kanyang kalungkutan at paghihinayang dahil hindi niya nasabi ang kanyang nararamdaman. 

Bumalik siya sa kagubatan at doon niya ibinuhos ang kanyang kalungkutan at panghihinayang.

Ngunit isang hindi inaasahang pagkakataon, meron isang mahiwagang bagay na lumiliwanag ang biglang sumulpot. 

"Maviel!" Tinatawag siya nito. Natakot si Maviel ngunit dahil naramdaman niyang hindi ito nagdudulot ng panganib o sindak kaya umakma siyang lumapit at sumagot. 

Ang buong akala ni Maviel isa itong mailap na hayop na nagtatago. "Anong nilalang ka?!!" May mga ingay siyang narinig ngunit hindi niya ito nauunawaan.

"Magkakaroon ka ng anak na magiging hari sa lahat ng mga constellar sa mundong ito. Siya ay tawagin mong Maximus. Ang lahat ng mga bituin ay yoyoko sa kanyang paghahari."

"Anong pinagsasabi mo, wala akong asawa at malabong magkakaroon ako ng anak, dahil simula ngayon wala na akong balak mag-asawa pa." Pakiramdam kasi ni Maviel mukhang pinapamukha sa kanya ang kanyang mga paghihinayang at kawalaan ng pag-asa.

"Nagkakamali ka, matatagpuan mo pa din ang asawang magbibigay sayo ng anak." 

"Si Xerxez ang mahal ko, siya lang ang tanging lalaki na nagpatibok sa puso ko. Kaya paano pa ako magkakaroon ng asawa kung siya ay may asawa na?"

"Making ka... Ang mga narinig mo ay magkakatotoo. " Bigla itong naglaho.

Dahil sa mga nasabi ng nilalang napagtanto niyang baka nga kailangan na niya tanggapin na wala na siyang pag-asa kay Xerxez, na sa ibang lalaki siya magkakaroon ng tunay na pag-ibig. Ngunit sa halip na maging malambot siya sa mga lalaki na nunuyo sa kanya ay tila wala siyang anong balani na makakapukaw sa kanyang pusong naging tulog sa pag-ibig.

Di natuwa ang kanyang ama sa kanyang nakikita na tila kahit anong panunuyo ng mga lalaki sa kanyang anak ay wala talaga itong kahit na anong kislap ng pag-ibig.

"Anak, alam mong wala akong naging anak na lalaki, ngunit wag mo rin sana isipin ang hindi pag-asawa. Tandaan mong babae ka, at dapat mong isipin kung ano ang bagay na ginagawa ng mga babae." Papayo ni Driother.

"Ama, anong magagawa ko kung ayaw ko sa mga lalaking nanliligaw sa akin." Sabi ni Maviel. "At ayaw mo bang makita akong masaya sa pamumuno sa mga kawal ng Thartherus?"

"Alam mo kung ano ang hindi ko gusto, ngunit bakit ba pinipilit mo maging ganyan ka? Wala akong reklamo sa kagustuhan mong pamunuan ang mga kawal ng ating bansa. Ano ang nagtulak sayo para gawin mo ito?"

Natahimik si Maviel. Iniisip niya ang mga dahilan. Ngunit ang totoo si Xerxez ang naging dahilan niya kung bakit gusto niya mapabilang sa mga pinuno ng bansang Thartherus.

"Wala. Wala na man, ama. " Sabi niya ngunit midyo siya nagkakaroon ng tensyon sa kanyang boses. "Gusto ko lang naman ipakita sayo na maaasahan mo akong anak pagdating sa pamumuno." 

Simula noon hindi na tinatanong ng ama si Maviel tungkol sa dahilan nito sa pagiging pinuno ng bansa nila. Ngunit ang laging gumugulo sa isip nito ay kung bakit ayaw pa nito mag-asawa.

At sa paglipas ng ilang taon, kumalat ang balita na namatay ang asawa ni Xerxez na si Perlend, na isa palang anak ng Reyna ng Peronica. Kumalat din ang sabi-sabi na si Xerxez ang dahilan ng pag-asawa ng palihim sa anak ni Reyna Pyramia. Ngunit naging malinaw pa rin iyon sa reyna ng Peronica dahil ikwenento ni Perlend ang buong katutuhanan. Subalit sa ibang tao itong naging palaisipan.

At nung nalaman ito ni Maviel, sinabihan niya ang kanyang ama na imbitahan niya ang buong hari, para sa kaarawan ng ama niya. Ngunit dahilan lamang niya iyon para pati si Xerxez ay maimbitahan kahit na ito'y nanlulupaypay sa pagkamatay ng asawa.

 Kaya isang araw masigabung nagdiriwang ng isang malaking kasiyahan ang Thartherus dahil sa ito'y kaarawan ng kanilang hari. Maraming tugtugan, sayawan at hindi rin mawawala ang kainan at inuman. 

 Sa kasiyahang iyon, marami ang dumalo, ang mga hari na sina Vhalthimoos, Harios, at si Reyna Pyramia at pati din si haring Xerxez, at yong iba pang mahahalagang opisyal na mga kaalyansa. 

Dinidiriwang ni Haring Driother ang kanyang kaarawan, at dahil ito'y hiling ng kanyang panganay na anak na may isang special na kondisyon, 'na mag-aasawa na siya' kung maiimbitahan niya ang lahat ng hari na kaalyansa nila. Kaya't tuwang-tuwa si Driother, dahil napaka simple lamang umano ang kondisyong iyon. At malabong hindi siya mahihirapan na gawin iyon maliban na lang Kay Xerxez dahil nga may problema ito.

Gayunpaman, inimbitahan niya ang mga kapwa niya hari dahil gusto niya matupad ang sinabi ng kanyang anak kahit na wala siyang ideya kung sinong lalaki ang balak nito pangangasawahin.

Nagsalo-salo ang lahat sa kainan, ang iba naman ay magiliw na nagmamasid sa mga kababaihang sumasayaw. Maluning-ning ang mga suot nito kapag ginagalaw nila ang katawan nila sa pagsasayaw. Magaganda ang kababaihan sa Thartherus kaya naman, ang mga hari ay nabubusog na sa kagandahan ng mga kababaihan.

 Hindi nabibighani si Xerxez o kahit balani ay wala siyang nadarama na umibig muli, wala siyang nagugustuhang babae ngunit ang pinakahuling dalaga na sumayaw ay napatayo ang lahat at nabighani sila dahil nakakasilaw ang kanyang kagandahan at alindog, maging ang mga sayaw nito ay nakakatawag-pansin sa mga mata ng mga lalaki doon sa kasiyahang iyon. Natulala si Xerxez ng maalintana niya ang magandang mukha ng dalaga sa intablado. Ayaw na niyang itigil ang kanyang pagtitig at parang unti-unti ng nahuhulog ang kanyang puso sa magiliw na babae. Natatandaan niya ang huling pagtatagpu nila noon, at pero hindi niya ito lubosang nakilala.

"Sino ang babaing yan?" Tanong ni Xerxez sa mga kasamahan niyang hari.

 "Siya ay si Maviel, isang magaling na madirigmang babae at panganay na anak ni Haring Driother." Sagot ni Vhaltimoos.

"Anak ni haring Driother?" 

"Oo – ano ka ba, matagal na tayong pabalik-balik sa Thartherus, impossible na mang hindi mo siya nakita?... O baka na man hindi ka pa nahihimasmasan. Hay naku .. kung ako sayo maghahanap ako ng ibang babae na magpapasaya sa akin... Gayahin mo ako... Kung gusto mo, pumunta ka sa Vhorlandroos, hahanapan kita doon ng babaing makakasama mo."

"Huwag mo nga udyukan si Xerxez na maging babaero kagaya mo. " Sabi ni Haring Harios. "At sa tingin ko, hindi na niya kailangan maghanap pa ng babae." Pangiti pa nito na tila may ibig sabihin siya.

"Iniinsulto mo ba ang mga babae sa Vhorlandroos?" Maang pa ni Vhaltimoos, dahil sa kalasingan hindi na niya masyado naiintindihan ang pahiwatig ni Harios. 

"Ikaw lang ang nagsabi noon."