Chereads / Captured by the Mafia Lord / Chapter 2 - Chapter two

Chapter 2 - Chapter two

Kakauwi ko pa lang galing ng eskwelahan nang dumaan ako sa isang maliit na grocery store.

May natira pa akong fifty pesos na mula sa baon ko kanina kaya naisipan ko na bilhan ng pasalubong ang nakababata kong kapatid na babae.

Tiyak ako na maghahanap na naman iyon ng pasalubong sa akin.

Pagpasok ko sa tindahan ay napatingin ako sa isang batang babae na tila naiiyak sa isang sulok at nakatitig sa chocolate na nakasalansan sa harap nito.

Lumapit ako dito kaya napatingin ito sa akin.

"Gusto mo ba nito?" Tanong ko dito dahil halos kasing tanda lang ito marahil ng kapatid ko.

"But yaya said no." Sabi nito sa maliit na boses kaya mahina akong napatawa.

Ingelesera ang bata at tila anak mayaman, base sa suot nitong bestida at sa sapatos ng isang desney princess.

Mayroon nito ang kapatid ko kaya alam ko na mamahalin rin ito.

"Nasaan ba ang yaya mo?" Tanong ko kaya tinuro niya ang isang babae na tila nakikipag-flirt sa casher kaya napailing na lang ako.

"I will buy it and i will share it to you okay." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at isang kakaibang pintig sa puso ko ang naramdaman ko sa batang ito.

Napakaganda ng kulay ng mga mata nito pero magkaiba rin ang kulay na ikinamangha ko.

Ang kaliwa nitong mata ay kulay hazelnut na lighter brown at ang kabila naman ay bluish kakaiba sa lahat.

"I know i look weird right? I have different eye color so my dads wife always call me weird." Sabi nito na halos hindi na huminga pero nang huminga naman ito ay naamoy ko ang napakabangong hininga nito.

Parang gusto ko tuloy itong yakapin ng mahigpit, ang cute kasi nito.

"No, your eyes are beautiful." Sabi ko dito kaya napatitig ito lalo sa akin at saka ito ngumiti ng matamis kaya lalo along nawindang.

Iniwan ko ito saglit at kumuha ako ng chocolate bar at agad na nagbayad sa cashier.

Binalikan ko ang bata at saka ko binuksan ang chocolate at binigay ito sa bata.

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko dito kaya napangiti ito habang kumakain ng chocolate, nagliliwanag ang mga mata nito habang ngumunguya.

"Naku Selene ikaw na bata ka sabi ko sa'yo huwag kang kakain ng chocolate." Napatingin ako sa babae na agad na tinapik sa kamay ang bata dahilan para malaglag ang chocolate sa sahig.

"But i want to eat it." Sabi ng bata na Selena pala ang pangalan.

"Pero papagalitan ako ng step-mother mo." Giit ng babae kaya hinawakan ko si Selena na akma na naman nitong papaluin.

This woman is silently abusing this little girl dahil sa nakikita ko na takot sa mukha nito sa tuwing akma nitong papaluin ang bata.

"Sino ka ba ha? Bakit ka nakikialam." Sabi nito sa galit na boses kaya lalo akong nagalit sa babae.

"Huwag mong saktan ang bata napagsasabihan naman siya ng maayos." Seryoso kong turan dito kaya napaiwas ang tingin nito sa ibang direksyon.

Mayamaya pa ay hinila na nito ang bata at tinanaw ko na lang ito habang paalis.

Pero isang batang lalake na tila kasing edad ko lang din ang nakssulong ng dalawa, tila galit ito base sa mukha nito at pinapagalitan marahil ang yaya ng bata.

Mukhang kapatid ito ni Selena kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papano.

Napahinga na lang ako ng malalim matapos ko makita ang sasakyan na umalis na sakay si Selena.

Dumating bigla ang kuya nong bata at nakita nito mismo ang pagkaladkad ng babae sa kapatid nito.

Blessing in disguise pa yata ito dahil hindi na nito masasaktan si Selena.

Napailing na lang ako at naglakad na pauwi.

Nasa tapat pa lang ako ng bahay namin ay naririnig ko na naman ang sigawan ng aking ina at ama.

"Dahil diyan sa trabaho mo kung bakit malapit ka nang umuwi na wala ka nang pamilya na dadatnan dito!" Ito ang sigaw ni mommy kaya agad akong pumasok sa bahay.

Nakita ako ni daddy at napayuko na lang ito, nakasuot pa ito ng uniform ng pulis kaya napakuyom na lang ako ng kamao.

Mula nang malipat ng trabaho si daddy dito sa probinsya ay madalas na silang mag-away ni mommy.

Ito tuloy ang dahilan kung bakit madalas umiyak ang kapatid ko.

That time i don't even know why my mother and father always bickering.

Hindi naman sila ganito nong nasa dati pa kaming bahay namin, lumipat nga kami dito isang taon na ang nakakaraan ng madestino dito si daddy.

Pero mula nang lumipat kami ay dito na sila nagsimulang mag-away.

Sa tuwing tatanungin ko si mommy kung bakit lagi niyang inaaway si daddy ay umiiyak lang ito.

Not until i learned his new job here, my dad is not just a police officer, he is an agent too.

Nag-iimbestiga ito sa isang mayamang pamilya ang mga Montero, ang isa sa mayayamang pamilya dito sa lugar namin.

But this family is dangerous kaya ganon na lang ang takot ni mommy.

May minsan na pinili na lang ni mommy na umalis kami pero mahal na mahal nito si daddy.

But one day, the most painful day of my life happened.

It was midnight when i heard a gunshot, malakas ang pandinig ko kaya alam ko na putok ito ng baril.

Bigla akong napabangon at kinabahan ako bigla lalo na nang biglang pumasok dito sa loob ng kwarto ko mommy.

"Ismael don't make any sound kunin mo ang kapatid mo." Sabi ni mommy na tila takot na takot at may bahid ito ng dugo sa pisngi.

Hindi agad nag-sink in sa isip ko ang mga nangyayari kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Then in a blink of an eye, halos wala akong ibang marinig kundi sirena ng ambulansya at mga taong nagkakagulo sa labas ng bahay namin.

My parents are died, my little are died too, ang dalawa namin na kasambahay ay wala na rin buhay.

And me i have blood all over my body at i have two gunshot in my leg and arm.

Ang dugo na nasa katawan ko ay dugo ni daddy na prinotektahan ako laban sa mga lalakeng pumatay sa pamilya ko.

Akala ko ay wala na rin akong buhay pero nang magising ako ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko sa harap ko.

"He's still in state of shock." Ito ang narinig ko na turan ng isa sa ka-trabaho ni daddy na kapwa nito pulis.

I remember the conversation of my families killer, it was Montenegro who killed them.

Nag-histerikal ako dahil sa galit at sama-samang emosyon na ngayon ko lang napagtanto.

Sa isang iglap lang ay wala na ang pamilya ko, pinatay sila ng walang kalaban-laban sa harap ko mismo.

"Ang mga Montero sila ang pumatay sa pamilya ko!" Sigaw ako ng sigaw pero walang nakakarinig sa akin.

Then when i saw this man who order to killed my family ay agad akong lumapit dito na wala sa sarili.

"Ikaw ang pumatay sa pamilya ko hayop ka!" Sigaw ko dito dahilan para makuha ng lahat ang atensyon ko.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo bata." Sabi nito na karga ang isang batang babae na hindi ako makapaniwala na anak pala nito.

"He is the kid who gave me chocolate daddy." Sabi nito sa ama nito na agad na binigay ang bata sa bodyguard nito.

Kinaladkad nila ako at binigyan ako nito ng isang suntok sa sikmura dahilan para halos mawalan ako ng malay.

"Hindi ko alam kung bakit ka pa nila binuhay pero ito ang tatandaan mo isasama na rin kita sa mga magulang mo." Bulong nito sabay tulak sa akin kaya napadapa ako sa semento.

Hindi nga ako nagkamali ito ang nagpapatay sa mga magulang ko.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari, ang tanging naalala ko ay ang pagbaril sa akin ng lalake at pagtulak sa akin sa bangin.

Nang muli akong magkamalay ay halos hindi ko maikilos ang buo kong katawan.

"You need to get revenge in order to fullfil your duty Vito." Napatingin ako kay papa ang taong nagbigay sa akin ng pangalawang buhay.

"Iisa-isahin ko sila papa, wala akong ititira." Galit kong turan kaya tinapik lang nito ang balikat ko saka na ako iniwan dito sa lanai ng mansyon namin.

It's been ten years now since that night happened, namatay ako ng gabing iyon pero may taong nagligtas sa akin.

At ngayon na ako na ang lider ng organisasyon na tinayo ni papa ay gagamitin ko ang pagkakataon na ito para balikan ang mga taong pumatay sa pamilya ko.

"Selena Montero is eighteen years old now." Napatingin ako kay Kyle habang nakatingin sa telebisyon.

Naka-broadcast pa pala ang birthday nito at napakaganda nito lalo.

Nakasuot ito ng contact lens kaya hindi na makikita ang magkaibang kulay ng mga mata nito.

"Uuwi tayo ng Manila at kukunin ang pinakamagandang diyamante ng mga Montero." Seryoso kong turan dito kaya napatawa lang ito ng mahina.

"Nakahanda na ang isla at ang bahay Vito." Sabi nito kaya napatango ako dito saka ako napatitig sa dalaga habang nakangiti ito sa screen.

Soon that lovely face will be filled with fear and i will show it to that man who killed my family.