Chereads / Captured by the Mafia Lord / Chapter 8 - Chapter eight

Chapter 8 - Chapter eight

Napatingala ako sa kalangitan habang nakaupo ako dito sa upuan sa labas ng bahay.

Kahapon ang unang beses kong makalabas sa bahay matapos ang ilang buwan.

At ngayong umaga ay maaga akong nagising at bumangon para makita ang pagsikat ng araw.

Kanina pa nagpakita si haring araw pero nandito pa rin ako kahit medyo mainit na at pinagpapawisan na rin ako.

Okay lang kasi matagal kong hindi naramdaman ang sikat ng araw sa balat ko, dangan nga lang ay malamang mamula ang buong katawan ko nito.

"Naku ikaw na bata ka mainit na nandito ka pa rin sa labas." Ito ang bumungad sa akin ang pag-aalala sa boses ni nanay kaya napangiti lang ako.

"Good morning po nanay ko." Bsti mo dirmto habang nakangiti kaya napailing na lang ito at pinatayo na ako at inakay na papasok sa loob ng bahay.

"Nagising ako na wala ka na sa kama mo kaya pala at nasa labas ka." Sabi nito nang makarating kami sa hapag-kainan.

"Alas-syete pa lang po pero mainit na ang araw." Sabi ko habang nakatingin sa orasan.

"Hay naku oo naman may heatwave nga sa Manila." Sabi nito kaya umupo ako at nagsimula nang maglabas ng iluluto nitong agahan."

"Pwede po akong tumulong?" Tanong ko mayamaya kaya napatingin ito sa akin at pinalapit niya ako sa kanya.

"Ay sige halika ito hiwain mo ang kamatis, bawang at sibuyas." Sabi niya na napatingin sa mga tinuro niya.

Binigay nito sa akin ang kutsilyo at sangkalan na ikinalunok ko dahil hindi ko alam kung paano magsimula.

Nakita siguro nito na hindi pa ako nagsisimula kaya tumawa ito.

"Hindi ka ba marunong maghiwa nito?" Tanong niya kaya napatango ako at hiyang-hiya dito.

"I never use knife or go to kitchen, my step-mother never let me po." Sabi ko dito kaya napailing na lang ito at kinuha sa akin ang kutsilyo.

"Halika tignan mo ang gagawin ko para kahit papano ay matutunan ka sa kusina." Sabi ni nanay kaya napatango ako at pinanood ang ginagawa nito.

Sa ginagawa nito ay tila madali lang naman pala, hihiwain ng maliliit ang kamatis, dinikdik nito ang bawang at ang sibuyas ang panghuli dahil ang amoy nito ay ang magpapaiyak sayo.

"Kapag naghihiwa ng mga sangkap ay lagi mong ihuhuli ang sibuyas para hindi ka masyadong umiyak sa amoy nito." Sabi ni nanay kaya napatango ako at medyo kumirot na nga ang mata ko dahil sa amoy nito.

I don't like the smell of garlic nor onion dahil hindi sa mabaho ito, may amoy lang ito na hindi kaaya-aya sa pang-amoy lung medyo sensitive ka.

"Ikaw naman nakuha mo naman diba?" Tanong ni nanay na binigay na sa akin ang kutsilyo kaya tumango ako.

Madali naman akong matuto kaya tinandaan ko lang ang ginawa ni nanay at saka ko tinignan ang liit ng hiniwa nito kaya nagsimula na ako.

Dahan-dahan lang ang ginawa ko na paghiwa.

And i feel proud of myself when i finish it.

"Look po nanay." Masaya ko na sabi dito na lumapit sa akin kaya napangiti ito at pinuri ako.

"Mabilis kang matuto hija." Sabi nito kaya napangiti ako.

Nagtanong pa ako kung ano pa ang susunod kaya pinalabas nito sa akin ang limang itlog mula sa fridge na agad kong sinunod.

"Ito naman ganito ang gawin mo, ang gusto kasi nina Vito sa itlog ay may kamatis at sibuyas kaya babatihin mo lang ito lahat dito sa mangko." Sabi ni nanay na tinuruan ako kung paano basagin ang itlog kaya tumango ako.

At nang matapos ako ay pinalagyan nito sa akin ng kaunting asin at paminta at saka ko ito binati gamit ang tinidor na minuwestra rin ni nanay.

And then my first day in the kitchen is not that bad.

Nakaka-proud pala na matuto ng mga ganitong bagay na hindi ko man lang nasubukan pa.

Lagi kasi akong nasa kwarto ko lang, nag-aaral, nagpipinta at minsan ay tumutugtog ng piano at clarinet.

Minsan homeschooled rin ako kaya wala akong masyadong alam sa mga bagay-bagay.

But now nagpapasalamat ako dahil unti-unti kong natututunan ang mga simpleng bagay na ito.

Nang matapos kami ni nanay mag-prepare ay tinawag na nito ang dalawang lalake sa telepono na nakakonekta sa bawat kwarto dito sa babay.

Kinakabahan ako dahil ngayon ang unang beses na makakasabay ko sa pagkain ang dalawang lalake.

Hindi pa rin naman ako gaanong kumportable sa mga ito dahil sila ang abductor ko.

But after that terrifying moment in that room i finally breathing fine now.

Napatayo ako ng maayos nang pumasok na ang isa sa kanila, this is Kyle the man who rescued me.

"Good morning Selena." Bati nito na nakangiti kaya agad ko rin itong binati.

At nang mapatingin ako sa kasunod nito ay nagtama ang mga mata namin at bahagya itong ngumisi.

Ang lakas bigla ng tibok ng puso ko sa paraan ng titig nito kaya agad akong akma na tatalikod pero tinawag ako nito.

"Manang, Selena come on seat now." Sabi ni Vito kaya napatingin kami dito at nagkatinginan kami ni nanay.

"Sige na po bihira lang lumamig ang ulo ni Vito kaya umupo na kayo at saluhan na kami." Sabi naman ni Kyle kaya agad na akong niyaya na makaupo ni nanay.

And our awkward and silent breakfast began.

Magana akong kumain kahit alam ko na may sumusunod na tingin sa bawat ginagawa ko.

Nang matapos kami ay agad nang lumabas dito sa hapagkainan sina Kyle na maraming nakain dahil masarap raw ang agahan.

Agad ko nang tinulungan si nanay na magligpit ng pinagkainan namin.

"Paano po maghugas ng pingan?" Ito naman ang tinanong ko kay nanay dahil gusto ko rin matutong maghugas ng pinggan.

And the days have past, halos hindi ko na namalayan ang oras o ang araw pa na dumaan.

Marunong na ako sa gawaing bahah, magtahi at magtanim ng halaman sa garden nitong bahay.

Nalibot ko na rin ang paligid ng isla at masasabi ko na ang peaceful ng buhay ko sa nakalipas na araw.

This is the life that i want but i know the fact that this will not forever.

Napatingin ako sa balita sa telebisyon habang nananahi kami ni nanay.

Nabitawan ko ang hawak ko dahil ang pamilya ko na naman ang nasa balita.

It's been a month since i last saw the news about them.

Napatingin rin ako kay Vito na nasa kabilang panig at abala sa kung ano ang ginagawa sa laptop nito.

Marahil ay nagtatrabaho na naman ito.

"Hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap sayo hija, pero sobra na yata ang pinapalabas nilang balits tungkol sayo." Hindi na napigilan na komento ni nanay kaya napailing na lang ako.

I know my family is making this just for their own privelage.

"I can't help it to think if can go back to them now nanay." Pabulong ko na turan dito kaya sinuway ako nito.

"You can stay here as long as you want Selena." Napatingin kami kay Kyle na kadarating lang na galing sa bayan.

"Come on Kyle don't sweet talk to her like that." Seryoso na turan naman ni Vito na nakatitig sa amin kaya hindi ko sinasadya na matusok ng karayom ang daliri ko.

Napaaray ako kaya napatayo ito bigla at lumapit sa akin.

"Careful with needle will you." Sabi nito na kunuha ang kamay ko at sinuri nito ang natusok ko na daliri.

Namula ako at tila ba kaming dalawa lang ang nandito dahil parang wala kaming kasama.

Napatikhim na lang si Kyle na nakangiti sa amin kaya agad kong binawi ang kamay ko na hawak ni Vito.

Minsan hindi ko talaga maamtim ang isip ng lalakeng ito, may oras na tila gusto ako nitong kainin ng buhay, minsan naman concern tulad ng mga sandaling ito.

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko nang bumalik sa upuan niya si Vito.

Napatingin naman sa akin si nanay na inayos lang ang salamin at kakaiba ang ngiti.

Napabangon ako bigla dahil sa masamang panaginip na gumupo sa akin.

Nang mapatingin ako sa orasan ay alas-tres pa lang ng madaling araw.

Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa panaginip kong iyon, it was dark na lagi naman at halos hindi ako makahinga.

Binuksan ko ang ilaw ng lampshade ko at saka tumayo para kumuha ng tubig pero wala na palang laman ang pitshel.

Kailangan kong bumaba para makainom dahil nanunuyo ang lalamunan ko.

Kinuha ko ang jacket ko at sinuot ko ito dahil tamad na akong magsuot ng bra.

Tutal madaling araw pa naman kaya wala pang gising sa mga kasama ko.

Lumbas ako ng kwarto ko at binaybay ang hallway papunta sa hagdan at kahit medyo madilim ay kabisado ko naman ang dinadaanan ko.

Nang makababa ako ay dumiretso ako sa kusina at saka ako kumuha ng baso at lumapit sa water dispenser.

Nakadalawang baso ako dahil uhaw na uhaw talaga ako.

Akma akong lalapit sa sink pero nakakita ako ng anino sa likod ko at akma akong hihiyaw pero natakpan ng kung sino ang bibig.

Nagpumiglas pa ako pero malakas ito kaya natakot ako ng sobra.

"It's me Selena." Bulong ng lalake sa akin at nang mabosesan ko ito ay napatigil ako sa pagpiglas at nawala agad ang takot sa dibdib ko.

Binitiwan na ako nito at humihingal ako na napatingala dito na naamoy ko ang mabango nitong katawan.

"Bakit gising ka ng ganitong oras?" Tanong ni Vito kaya napatingin ako sa baso na buti na lang ay nailapag ko na.

"Nagising ako at nauhaw kaya bumaba ako." Sabi ko dito pero naamoy ko rin na amoy alak ito kaya alam ko na nakainom ito.

Akma na akong lalakad pero nahawakan niya ang braso ko at sa isang iglap ay yakap na niya ako at ikinagulat ko ang ginawa nito.

Ang labi niya ay nakalapat na ngayon sa mga labi ko sa pagkagulat ko.

"Can you open your lips for me?" Bulong niya na may halong inis kaya napaawang ang labi ko ng hindi ko sinasadya kaya agad niya ulit akong hinalikan.

Dahil sa gulat at kung anong damdamin ang lumukob sa akin ay hindi agad ako nakakilos dahil ang unang halik ko ay si Vito pala ang makakakuha.