Agad akong sinandig ni Vito dito sa pader habang tinaas niya ang dalawa kong kamay sa ulunan ko.
Napapaungol na lang ako dahil intensidad ng halik niya at kumapa na sa loob ng blouse ko ang kamay niya at agad na kinubkob ang dibdib ko.
Pero agad akong napamulat dahil sa mainit na bagay na tumama sa mga mata ko at kaya pala dahil nasisinagan na ako ng araw mula sa labas.
Napahinga ako ng maluwag at saka napatingin sa paligid, oo nga pala panaginip lang iyon.
Mula nang halikan kasi ako ni Vito ay madalas na akong managinip ng malalaswang bagay.
Minsan ay nagugulat na lang ako dahil basa na ang panty ko at hiyang-hiya ako sa sarili ko.
Imoral ang ganitong pakiramdam pero hindi ko mapigilan, maging sa pagtulog, panaginip at tuwing maaalala ko ang ginawa nito ay hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.
Napabangon na lang ako dahil naiirita na ako sa araw mula sa labas kaya isasara ko na lang ito.
Nang maalala ko si kuya ay napahinga na lang ako ng maluwag at napatingin sa labas.
I feel so sorry for him but he killed two people kaya hindi pwedeng maabswelto ito.
Tumayo ako at pumasok na lang sa banyo at naghilamos ng mukha.
Paglabas ko ay nandito na sa loob si Vito na tinitignan ang mga paintings na natapos ko kaya nahiya ako dahil nakapantulog pa ako.
Nang makita ako nito ay napatingin ito sa akin kaya napayuko ako, wala pa naman akong bra kaya alam ko na bakat ang dibdib ko sa satin kong pantulog.
"Good morning and i'm sorry kung pumasok ako ng walang paalam." Sabi niya na tumalikod sa akin at sinenyasan ako na magbihis na kaya agad akong pumunta ng walk-in closet ko at nagbihis ng simpleng t-shirt na puti at maong na short.
"Hindi ka na naman natulog kagabi kaya tinapos mo na ito?" Tanong niya kaya lumapit ako dito at tumango.
Kinuha ko ang walis at dustpan at saka ako nagsimulang maglinis dahil sa mga natuyong paint at papel na nagkalat sa sahig.
"Pasensya ka na Vito makalat ang kwarto ko." Sabi ko dito kaya lumapit ito sa akin at kinuha sa akin amg hawak ko.
Napansin ko na may mga shopping bags pala sa gilid ng pinto ko kaya napatitig ako dito.
"I buy some dress for you and painting materials." Sabi nito kaya napatango ako at napangiti lang.
One thing about Vito is he is a generous for everything, at first i can't even touch the things he buyed for me.
Takot ako kasi baka may hilingin ito na kapalit pero sinabi niya na he want to support my painting and thats it.
Ang ilan sa nagawa kong paintings ay maayos na nakasabit sa library nito at sa opisina niya.
I am proud of myself for the first time dahil may taong nakaka-appreciate ng mga gawa ko.
"Can i have this one?" Tanong nito na napatingin ako dito na hawak ang latest na nagawa ko.
It was a dark scenery with beautiful moon and a girl facing the dark sky.
"You can have it of course." Sabi ko dito na ikinatango nito kaya hinalungkat ko na ang pinamili niya sa akin.
Napakunot noo ako dahil sa summer dress na nandito kaya napatingin ako dito.
"I am going to Davao next week if you want to come with me." Sabi niya na nakatitig sa akin kaya napatitig ako dito.
"You want me to come with you?" Gulat ko na tanong kaya napatawa ito at napatitig sa akin.
"Ayaw mo ng may bayad itong mga pinta mo diba? So naisip ko na ipasyal ka na lang." Sabi niya kaya napangiti ako at agad rin na napayuko dahil napatitig rin ito sa akin.
"Kung yan ang gusto mo okay lang." Sabi ko na lang mayamaya dahil hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko dahil ito ang unang beses sa loob ng ilang buwan mula nang kidnapin nila ako.
"If you really want to come with me then i will tell manang to pack your things." Sabi nito kaya napatango na lang ako at nagpaalam na ito na lalabas na dala ang canvas.
Napaupo na lang ako sa kama ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na pwede na akong makalabas ng isla na ito.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil malakas ang tibok nito.
Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko dahil tiyak ako na tatawagin na ako ni nanay.
Pagbaba ko ay naabutan ko na ito na naghahanda ng almusal kaya napangiti ako.
"Magandang umaga po nanay." Bati ko dito kaya malawak itong ngumiti at binati rin ako.
"Sinabi pala sa akin ni Vito na isasama ka sa Davao." Sabi nito kaya napatango lang ako.
"Sumama ka hija para naman kahit papano ay makalabas ka." Sabi nito mayamaya kaya tumango lang ulit ako.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng lalakeng ito pero dahil alam ko na hindi ako mapapahamak ay tulad ng sinabi ni nanay ay sasama na lang ako.
Saka ilang araw man lang iyon kaya sinabi ko dito na sasama ako.
Nauna na kaming mag-agahan ni nanay dahil wala pa ang dalawang lalake na kung hihintayin namin ito ay gutom na kami.
Patapos na kami nang pumasok si Kyle na kakagising lang at nakangiti itong binati kami.
Tahimik itong kumain at ako naman ay inaayos ko ang pinamitas na prutas at gulay ni nanay kanina.
Napangiti ako dahil sa kulay ube na patatas at kamote na pareho kong paborito.
Pero nang makita ko ang labanos na malaki ay iba ang nasa isip ko dahil naaalala ko pa rin ang naramdaman ko nang halikan ako ni Vito.
Pakiramdam ko ay napakainit ng buong mukha ko dahil sa hindi magandang tinatakbo ng isip ko.
The smell of new place to me is amazing.
Yate ang sinakyan namin papunta dito sa Davao ilang araw rin kaming nasa karagatan at that was the best things for me.
Tila ako naging malaya at hindi ko alam kung paano ko ikakalma ang sarili ko.
Pero nang sa wakas ay makadaong na kami sa pantalan at nakakita ako ng buhay na buhay na lugar na puno ng mga tao ay nakaramdam ako ng takot.
Pero nang hawakan ni Vito ang kamay ko ay napatingala ako dito.
"Don't be afraid Selena." Maikli lang nitong turan kaya napatango na lang ako at nakasunod lang ako dito na naglakad.
May kotse na sumundo sa amin at saka na kami pumunta sa hotel na kung saan kami maglalagi ng ilang araw.
Isang pribadong elevator rin ang pinasukan namin papunta marahil sa magiging silid namin.
"The vip room is for two person but with one king size bed so magkatabi tayong matutulog." Sabi nito kaya nagulat ako nang makapasok kami at napatango na lang ako.
Hindi ako pwedeng magreklamo dahil sinama lang naman ako nito at masaya na ako dahil ang lalakeng kumidnap sa akin ay sinama ako sa ganitong lugar.
Ang alam ko sa mga palabas o sa totoong buhay ay hindi gagawin ng kahit sino ang ginagawa ni Vito ngayon sa akin.
Hindi ko man alam ang dahilan nito ay hindi na lang ako magsasalita pa.
Mangha akong napatingin sa buong silid napakalaki nito at may magandang view mula sa labas.
May veranda na kitang-kita ang karagatan kaya napangiti ako.
"Do you like the view?" Tanong ni Vito kaya napatango ako at napatingin dito.
"Ang ganda dito ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong bakasyon." Sabi ko dito na humina ang boses ko kaya napakunot ang noo nito.
"Bakit hindi ka ba nakakalabas kasama ang pamilya mo?" Tanong nito na nakakunot ang noo kaya napailing ako at muling napatingin sa dagat.
"Hindi mula pagkabata ko dahil bawal akong lumabas o magbakasyon sa ibang lugar siguro ay bilang lang sa daliri ko na makasama noon kina daddy sa bakasyon pero hindi rin naman ako nakakalabas." Tuloy-tuloy ko na sabi dito na napamura ng mahina kaya natakot ako at napayuko.
"Then this will be your first vacation na mae-enjoy mo ang buong linggo na ito." Sabi nito na nilapitan ako at hinawakan ang baba ko at tinaas niya ito para matitigan ako.
Napangiti na ako at saka bumaba ang ulo niya para mahalikan ako na ikinagulat ko pero nagpaubaya na lang ako dito.
Nakayakap ako ngayon sa leeg niya at nakasandal na rin ako sa pader at napapaungol ako kapag sinisipsip niya ang dila at labi ko at bahagyang kinakagat.
Nakakawala ng hangin ang gigil niya sa paghalik pero gustong-gusto ko ang ganitong pakiramdam.
Dahil nga hinahabol na namin pareho ang hangin ay saka na nito binitiwan ang labi ko at magkadikit ang mga noo namin habang parehong humihingal.
"Napakabilis mong matuto Selena and i like your responce now." Bulong sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Hindi ko alam kung ano ang meron kami sa mga oras na ito pero hindi ko gusto na matapos ito o magbago ang pakikitungo niya sa akin.
All i want is him being like this, the way he talk and hug me like i am precious to him.
Sana walang magbago sa ganito at hindi na matapos pa ang ganitong pakiramdam ko.
Nag-order na lang ng hapunan namin si Vito dahil nagpahinga muna kami at alas-syete na rin kaming nagising.
Magkatabi nga kami na natulog at yakap ako nito kaya naging mahimbing ang tulog ko.
Masaya rin ako na kasalo ko ito sa pagkain ngayon dahil inaasikaso nito pati ang pagkain ko.
"Kaya ko naman maghimay." Sabi ko dito dahil tinatangal nito ng tinik ang isda na isa sa mga ulam namin.
"Let me be babe." Sabi nito na ikinatitig ko dito dahil sa tinawag nito sa akin.
At nang mapatingin siya sa akin ay kinindatan ako nito dahilan para ang puso ko ay tila halos tumalon mula sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.