Chereads / Captured by the Mafia Lord / Chapter 12 - Chapter twelve

Chapter 12 - Chapter twelve

Nang matapos kaming kumain ni Vito ay may meeting pa ito online kaya inabala ko na lang muna ang sarili ko sa panonood ng telebisyon.

Nilatag ko ang futon sa baba ng kama namin at inayos ko ang mga unan sa palibot para maging kumportable ako sa panonood.

Dahil hindi naman mabigat ang kama ay nagawa ko itong maibaba pero kalahati lang ito na nakasuporta pa rin sa kama.

Nang masiguro ko na okay na ang ginawa ko ay napangiti ako, kahit antukin na kami ay walang problema dahil malambot naman ang tutulugan namin.

Mahina lang ang volume dahil baka maistorbo ko si Vito, ang gwapo nito kapag naka-salamin at seryoso sa ginagawa.

Kung ang ibang lalake ay pangit o hindi magandang tignan kapag nakakunot ang noo ng mga ito ay iba si Vito.

Napaka-gwapo pa rin nito sa itsura nito, kaya hindi ko mapigilan na hindi mahulog ang loob ko dito ng tuluyan.

Ang saya ko kanina dahil tinawanan lang ako nito sa binili ko at sinabi pa nga nito na dapat inubos ko na lang yong pera na binigay niya.

Kaya lang nga baka hindi naman namin ito maubos, kaya sinabi ko na sapat na ito.

Kumuha ako ng grape juice sa maliit na fridge dito at isang potato chips.

Napatingin ako kay Vito na abala pa rin sa pakikipag-usap sa ka-meeting nito.

Hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi nito dahil ibang lenggwahe ang sinasabi nito.

Pero alam ko ay magkahalong italian at french base sa ibang salita nito na medyo alam ko.

Nong nagtu-tutor kasi ako ay may french at italian language ako na subject pero basic speach lang naman iyon.

Umupo na ulit ako at nagpatuloy sa panonood ng cartoon movies na hindi ko pa napapanood.

Maganda ito at tungkol sa isang elemento, ang apoy na babae ang bida.

Nasa kalagitnaan na ako ng pelikula nang tumabi sa akin si Vito na sinandal ang ulo sa balikat ko.

"Tapos ka na?" Tanong ko dito kaya tumango lang ito at inamoy ang leeg ko kaya medyo nakiliti ako.

"I'm tired babe hindi na kita maipapasyal." Bulong nito kaya napangiti lang ako.

Sabi kasi nito kanina ay maglakad-lakad daw kami sa dalampasigan pag-natapos ito pero dahil nga pagod na ito ay okay lang sa akin.

"Ayos lang Vito magpahinga ka na muna." Sabi ko dito kaya inayos nito ang pwesto namin at nasa likod ko na siya at yakap na ako kaya napasandal ako sa dibdib nito.

Kumuha ako ng chips at sinubo nito kaya agad naman nitong kinain nag binigay ko.

Naiyak ako sa pinapanood namin kaya tinawanan lang ako nito, emosyonal lang talaga ako kapag may mga ganitong tagpo sa pinapanood ko.

Naka-dalawa kaming movie at naramdaman ko na lang na tulog na si Vito sa likod ko at mahina na itong humihilik.

Niligpit ko na muna ang mga pinagkainan namin at saka ko inayos ang pagkakahiga ni Vito.

Nahirapan pa ako na ayusin ito dahil mabigat ito dahil malaki ang katawan, good thing at naayos ko rin at kinumutan ko na ito.

Nagpunta ako ng banyo at saka nagsepilyo at naghilamos.

Nang matapos ako ay binuhay ko ang ilaw sa side table at pinatay ko na ang main swith ng ilaw at saka na ako tumabi kay Vito.

Yumakap na ako dito at hinalikan ito sa pisngi at naramdaman ko na niyakap ako nito ng mahigpit at dito na ako nakatulog.

Nang magising ako kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Vito at maliwanag na sa labas dahil medyo may siwang sa bintana.

Napaunat ako ng mga braso at niyakap ang unan na ginamit ni Vito at inamoy ito.

Naiwan pa ang amoy nito na masarap sa amuyin dahil mabango ito.

Wala si Vito dito sa kwarto namin kaya baka lumabas ito at nag-jogging.

Lagi itong tumatakbo tuwing umaga kaya nga maganda ang built ng katawan nito.

Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at dahil alam ko na hindi pa naman babalik si Vito ay nagbihis na ako.

Pero sakto na nahubad ko na ang pajama ko nang pumasok si Vito kaya nagkagulatan pa kami.

"What a site seeing." Sabi na lang nito kaya namula ako bigla at agad na nagbihis.

Naka-panty at bra na lang kasi kaya hiyang-hiya tuloy ako.

May bitbit na itong agahan namin kaya lumapit na ako dito ng maayos ko ang sarili ko.

"Pasensya ka na Vito." Bulong ko kaya napatingin ito sa akin habamg inaayos ang pagkain sa lamesa.

"It's okay babe, don't be shy from now on okay." Sabi nito kaya napatango na ako at lumapit dito at hinalikan ko ito sa pisngi at binati kaya napangiti na lang ito.

Naligo muna ito habang iniinit ko ang soup sa microwave dahil gusto ko ng mainit.

May fried rice, bacon, scramble egg, mushroom soup at adobo flakes na paborito namin pareho ni Vito.

May mango juice, at pinya na matamis nang tikman ko ito.

Niligpit ko na muna ang pinaghigaan namin ni Vito at inayos ko na ang kama at mga unan na ginamit namin.

Hindi naman ako nahirapan at inayos ko ang lamesa na kung saan nakalagay ang laptop at ilang papeles ni Vito.

Inayos ko ito at niligpit rin ang maleta namin at tiniklop ko ang marumi namin na damit.

May personal naman kaming authomatic na washing machine kaya lalabhan ko na lang ito mamaya para wala kaming maduming damit pag-uwi.

Sakto naman na natapos ito at nakatapis lang ito ng tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito.

Namula na naman ako dahil nakita ko na naman ang magands nitong katawan.

Napaisip ako kung ilang babae na kaya ang nakahawak dito o ilang babae na kaya ang nayakap at nakatabi nito sa pagtulog.

O hinalikan at inangkin sa kama dahil sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito at nagulat ako.

"Ano na naman ba yang tumatakbo sa isip mo ha?" Tanong nito na nakabihis na ng puting t-shirt at maong pants.

Napatingala ako dito at napatitig na lang sa gwapo nitong mukha.

"Vito pwede akong magtanong?" Bulong ko dito kaya napatango ito.

"Anything for you babe." Sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Ilang babae na ang nayakap mo?" Wala sa loob kong tanong dito kaya tumawa ito ng malakas at napailing na lang.

"Yan ang iniisip mo kanina pa? To answer your question i never had contact in any woman until you came i mean until i abducted you." Bulong nito sa seryosong boses kaya tila nagdiwang ang pandinig ko sa sinabi nito.

Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi at ang mahalaga sa akin ngayon ay marinig na wala itong nayakap na ibang babae mula sa akin.

"Kain na tayo baka lumamig yong soup." Masigla ko nang turan dito sabay hawak sa kamay nito papunta sa lamesa.

Masaya kaming nag-agahan at habang kumakain kami ay tumawag si Vito sa bahay.

Si nanay at si Kyle ay kausap namin at maayos naman daw doon.

Nagtatanong na nga si nanay kung nag-enjoy daw ba ako kaya agad akong tumango dito.

Sabi ni Vito ay uuwi na raw kami sa makalawa kaya napangiti na lang ako at nagpaalam na sa dalawa.

"Today i don't have any activity so we can go somewhere and spend our day together." Sabi nito sa akin kaya agad akong napatango at malawak na ngumiti.

Magkahawak kamay kami na naglalakad sa dalampasigan ni Vito habang nakatingin paligid.

Maraming tao na may kanya-kanyang ginagawa at tulad namin ni Vito ay naglalakad-lakad lang din.

Kahit mainit ang panahon ay mahangin at ang pathway na nilalakaran namin ay may mga puno na siyang nagbibigay ng lilim sa amin.

Nakasuot ako ng simpleng summer dress na pinaresan ko ng sandals at isang shoulder bag na lalagyan ng wallet at cellphone namin ni Vito.

Si Vito naman ay puting t-shirt naka-shade ito at pantalon at naka-sandals rin.

Kaswal pareho ang suot namin pero marami pa rin ang nakakapansin dito.

Lalo na ang ilang kababaihan ay napapatingin dito na tila balewala naman dito.

"This is why u don't want to go to crowded places like this." Sabi nito mayamaya kaya napatingin ako dito.

"Bakit naman maganda ang lugar." Sabi ko dito kaya napangiti lang ito.

"Some men are looking at you and i don't like it, its makes me want to kill them." Sabi nito kaya napangiti na lang ako.

"Ako nga dapat magsabi niyan sa'yo." Sabi ko na lang dito kaya sabay na lang kaming napatawa.

Naghanap kami ng resto na pwede namin kainan ng tanghalian mamaya para makapagpa-reserve na kami.

Nang makahanap kami ay naghanap naman kami ng cafe dahil gusto ko ng milkshake.

Habang maghihintay kami ng order ay naihi naman ako kaya sandali akong nagpaalam dito.

Habang umiihi ako ay may narinig ako na nag-uusap kaya napakunot noo ako dahil pamilyar sa akin ang boses ng dalawang babae.

"He is insane to tell you that he loves his sister not as siblings, that is incest you know." Sabi ng boses ng babae na kilalang-kilala ko na.

"Yeah, he is but Selena is still mising and that is good because if ever that party is happend that day sigurado ako na matutuloy ang pantasya ni Simon sa kanya." Sabi naman ng isang babae kaya napahawak ako sa dibdib ko na napakalakas ng tibok ng puso.

Gusto kong masuka sa mga naririnig ko sa pinag-uusapan ng dalawang babae, ang isa rito ay girlfriend ni Kuya Simon ang kapatid ko.

Napaiyak ako dahil sa nalaman ko ang nangilabot ako ng husto.

Kung hindi ako kinidnap ni Vito ng araw na iyon baka nga mas napahamak ako at sa sariling kamay pa ng kapatid ko.

Nang masiguro ko na wala na ang dalawang babae ay nanginginig pa ako na lumabas ng cubicle.

"Babe why took you so long?" Tanong ni Vito kaya napatingin ako dito at agad na yumakap ng mahigpit dito habang nanginginig pa rin ang buo kong katawan.