It was my birthday today but i don't feel okay, hindi ko alam kung bakit tila ayaw kong bumangon o ikilos ang katawan ko.
Nanaginip ako ng masama na madalas ko naman na maranasan pero kakaiba ang kagabi.
It was all dark and i can't even breath kaya alam ko na bangungot iyon.
Kaya nang magising ako ay tila wala ako sa sarili ko.
Nagulat pa ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang mga ate ko at si manang.
May dala ang mga ito ng birthday cake kaya napangiti ako at sinandig ko ang likod ko sa kama ko.
"Happy birthday ganda." Bati nila sa akin kaya tila nawala ang sama ng pakiramdam ko.
"Wow! Hindi po talaga kayo pumapalya sa pagbati sa akin." Nasabi ko na lang kaya lahat sila ay nakangiti kaya hinipan ko na ang cake nang matapos akong mag-wish.
It will be a good life and good health for the people i love the most, ang mga taong ito na kahit hindi ko kadugo ay siyang itinuring akong totoong pamilya nila.
At para na rin sa pamilya ko, kay daddy, tita, at sa tatlo kong kuya.
At last is for me na sana ay mabawasan na ang anxiety ko at ang mga panaginip ko na masama.
May kanya-kanya rin silang regalo sa akin at kahit hindi ito mamahalin ay ito ang pinakagusto ko sa lahat.
"Binilhan kita ng bracelet at sabi nila ay nakakawala yan ng masamang panaginip sa gabi hija." Napatingin ako kay manang sa sinuot niya sa akin na bracelet, sa gitna nito ay isang rhinstone na kakaiba ang kulay.
Nagpasalamat ako sa kanila at ang iba ay damit na syempre hindi pwede na hindi ko ito isuot.
Naligo muna ako bago ako bababa para sa agahan, lumabas na sina manang at huminga ako ng maluwag.
Pababa ba ako nang nakaabang na sa akin si Kuya Simon na may hawak na malaking box.
"Happy birthday my dear little sister." Bati nito na binigay sa akin ang regalo niya kaya nagpasalamat ako dito at humalik sa pisngi nito.
It was brief but i feel awkward, this feeling is not good everytime i have contact with him.
Then second is bumaba na rin ang dalawa ko pa na kuya na may kanya-kanya rin na regalo.
And of course their gifts are expensive and came from another country.
Napahinga ako ng maluwag at saka na kami pumunta ng hapagkainan at nawala na rin ang kaba ko.
Daddy and tita is in Thailand at kagabi lang ito umalis dahil ikakasal raw ang isa sa mga anak ng matalik na kaibigan ni daddy.
Syempre mas uunahin nila iyon dahil parte ng royal family ng Thailand ang kaibigan ni daddy.
Mas mahalaga iyon kaysa sa kaarawan ko.
"Aalis tayo mga three pm at nakadaong na ang yate sa pantalan." Sabi ni Kuya Simon kaya napatigil ako sa pagkain at tumango lang.
"Susunod na lang ako dahil may kailangan pa akong tapusin sa opisina." Sabi ni Kuya Steven kaya napatango na lang kami.
"I have meeting in locals later so susunod rin ako." Sabi naman ni Kuya Stephen kaya medyo nabahala ako dahil kami lang yata ni Kuya Simon ang magkasama na mauuna sa yate.
"Yeah, its fine ipapasunod ko na lang kayo mamaya sa pier." Sabi na lang ni Kuya Simon na tila kakaiba ang saya.
"Ayaw mong sumama?" Tanong ni Ate Doly habang sinusuklay nito ang mahaba kong buhok dahil medyo basa pa ito at pinusod ko lang basta kanina.
"Wala po kasi ako sa mood." Sabi ko dito kaya tumawa lang ito ng mahina at napatitig ito sa akin salamin.
"May dinaramdam ka ba na baka may mangyari sa party mamaya?" Tanong nito kaya napatitig ako dito mula sa salamin at saka ako tumango.
"Opo ate hindi po talaga okay ang pakiramdam ko." Sabi ko dito kaya hinaplos nito ang buhok ko at sinimulan niya itong itirintas.
"Magsabi ka sa kuya mo na ayaw mong pumunta baka maunawaan ka naman non." Sabi na lang nito kaya tumango na lang ako at huminga ng maluwag.
Ang sana na pagpapaalam ko kay kuya ay hindi natuloy dahil kasama naman pala ang girlfriend nito at ang mga kaklase ko na inimbitahan pala nito.
"Akala mo hindi ko sila iimbitahan no?" Tanong nito kaya napangiti na lang ako at napatingin ako kay Aika na kumaway sa akin.
Dito ay napanatag ako at pinahanda ko na kay Ate Doly ang mga damit ko.
Nauna ang sasakyan namin ng mga kaklase ko dahil may dadaanan pa raw sina kuya.
Pero nagulat na lang kami nang may bigla na lang humarang sa sasakyan namin kaya natakot ako bigla.
"Baba kayo bilis! Kung hindi dito pa lang tatama na itong baril sa bungo niyo!" Ito ang narinig namin nang buksan ng driver namin ang pinto ng sasakyan nito.
Hindi namin alam ang gagawin namin kaya agad kaming bumaba at hindi ako makapaniwala kung ano ang nangyayari.
Pero napahiyaw kami dahil may putok ng baril ang bigla na lang umalingawngaw, and the next thing i know is nagsisigawan na ang mga kasama ko.
The man who point a gun on us is in the ground and had a gunshot on his head.
Hindi ako halos makahinga dahil sa biglaan na pangyayari at ilan pa sa kasama ng lalake kanina ay patay na rin, and our driver who want to fight back is dead too.
"Who is Selena Montero!?" Isang boses ng lalake na naka-maskara at ang pumatay sa mga lalake kanina ang nagtanong kaya napaiyak na ako ng tuluyan.
Walang nagsalita sa mga kasamahan ko na pawang umiiyak at takot na takot.
"Oh, their you are honey." Lalo akong napaiyak ng kaladkarin ako nito pero nagpumiglas ako at akmang tatakbo pero bumanga ako sa matigas na dibdib dahilan para mawalan ako ng balanse.
"I got you Selena." Bulong ng lalake at dito ko naramdaman ang tila may tumusok sa leeg ko at nawalan ako ng malay.
Nang magising ako ay halos hindi ako makakilos dahil sa pagkakatali ng lubid sa buo kong katawan.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nagising ako na nandito na ako sa ganitong sitwasyon.
Napaiyak ako dahil sa takot at pilit na ginagalaw ang katawan ko.
Wala rin akong makita dahil may nakatakip na tela sa mga mata ko, napaungol ako at muling umiyak.
Naalala ko ang nangyari sa akin at sa mga kasama ko kaya dumagsa lalo ang takot sa buo kong katawan.
Nakarinig ako ng may tila paparating kaya tahimik lang ako na umiyak.
"Is she wake up?" Ito ang tanong ng boses ng isang lalake.
"She is and silently crying." Boses naman ng isa pa na mukhang nandito lang sa malapit sa akin kanina pa kaya nakita nito ang pagpipilit ko na igalaw ang katawan ko.
"Wait until our boss is arrive." Sabi ulit ng lalake na mukhang umalis na.
"Please wala po akong kasalanan." Mahina kong turan habang umiiyak dahil alam ko na nandito lang ang isa pang lalake.
"You don't have with us, but with your father there is." Sabi nito sa seryosong boses kaya lalo akong napaiyak.
Wala na akong lakas pa sa pagpupumiglas at masakit ang buo kong katawan dahil nalaglag ako sa kama na kinalalagyan ko kanina pero hindi ako tinulungan ng lalake na nandito lang sa tabi ko.
yw
"Ramdam mo na ba ang sakit ng katawan mo?" Tanong nito kaya lalo akong tahimik na umiyak.
Maraming sana sa isip ko kanina pa, sana hindi na lang ako sumama at nanatili na lang sa bahay at mas gusto ko pa na makita ang galit na mukha ni kuya kaysa sa kalagayan ko ngayon.
I don't know how many hours, or days had been past since i was captive by this men.
Nasa isang napakadilim na kwarto na ako at wala na ang nakatali sa katawan ko, i smell like garbage and everytime someone is here they are kept torturing me.
Isang latigo ang basta na lang tumatama sa katawan ko at kung minsan naman ay napakalamig na tubig.
I was tortured in any ways that i can't take it anymore.
Dahil halos wala na akong lakas na lumaban ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Someone is playing a ceillo piece, then theres a piano piece pero hindi basta lang na musika.
Tila unti-unting kinakain nito ang utak ko, hindi na lang physical ang ginagawa ng mga ito sa akin kundi unti-unti na rin nilang sinisira ang isip ko.
But i kept reminding myself that i need to be strong and i need to fight this.
I want to live and have a pieceful life, i want to find my mother and i want to be with my family again.
"She's a real fighter bro." Hindi ako kumilos dahil akala yata ng boses na iyon ay tulog ako.
"Ginawa na namin ang lahat sa nakalipas na dalawang buwan na sirain ang isip niya pero she is fighting for her mind and she is incredible." Sabi ulit ng boses nito kaya tahimik lang akong umiyak at pinilit ang sarili ko na indahin ang sakit ng buo kong katawan.
I don't know why i had to endure all of this but i want to keep fighting for my life, i want to see the sun and the world again.