The calendar in my room that Nanay Elvy bought is the one who i always see.
Its been four months now since i was captive by the man who always mad at me.
He is mentally abusing me, i know what he is doing by tormenting me this much.
My body is aching, i don't know why maybe because i didn't even walk around.
Lagi lang akong nandito sa kama ko at hindi ko kasi maikilos ang katawan ko. Hindi ako pwedeng lumabas at tila ako presong ni ang ikilos ang katawan ay hindi ko magawa.
I suspected the medicine that i am drinking lately, that monster is slowly killing me.
And i feel so sorry for myself, gusto ko nang umuwi pero wala akong laban sa lalakeng iyon.
I don't want to ask help for nanay because i don't want that man to hurt her.
Sabi ni nanay ay may apo ito na may sakit at ang lalakeng iyon ang gumagastos sa lahat ng bayarin nito sa hospital.
This is why she take this job, she loves her family so much and i don't want to ruin it.
Hindi ko alam kung hinahanap pa ba ako ng pamilya ko? Ito ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.
Miss na miss ko na ang pamilya ko at ang mga ate ko.
Hindi ko alam kung kumusta na ba sila o kung naaalala pa ba nila ako.
Nakarinig ako na may paparating kaya napahiga ako at nagpanggap na tulog.
"Hijo baka pwede na huwag mo na siyang bigyan ng Lidocaine halos hindi na niya maikilos ang mga paa niya." Ito ang narinig ko na pakiusap ni nanay sa alam ko na lalakeng ito.
"Huwag niyo akong pakialam sa kung ano ang gusto kong gawin. Ang trabaho niyo lang ay bantayan ang babaeng iyan!" Galit na turan nito sabay sara ng pinto at malakas ang pagkakasara nito dahilan para magulat ako ng husto.
So may binibigay pala talaga itong gamot para hindi ko maikilos ang katawan ko.
Mayamaya lang ay narinig ko si nanay na umiyak na lang at saka ito lumapit sa akin.
Niyakap ako nito at paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin.
I want to console her but i don't know what to do.
Pakiramdam ko ay paralisado ako at sa tuwing susubukan ko na kumilos ay hindi ko magawang ikilos ang buo kong katawan.
This is the medicine that they force me to take, wala akong magawa dahil hindi ko alam kung paano lalabanan ang pagpapainom nila sa akin.
And then all of the sudden ay may bagong babae na siyang nagbabantay sa pagkain ko at pag-inom ng tubig, at kapag hindi ko ito sinusunod agad ay nakakaranas lang ako ng pananakit mula rito.
I am physically abuse by that woman and i feel so sorry for myself again and again.
Ilang beses, araw o buwan pa ba akong mananatili sa ganitong sitwasyon.
Ubos na rin ang luha sa mga mata ko dahil hindi ko na kaya pang umiyak, siguro dahil sa ganitong sitwasyon ko ay nasanay na ang katawan ko sa sakit at kung ano-ano pang torture na pinaparanas sa akin ng mga tao dito.
Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko.
"Wala naman mawawala kung may gawin kayo diyan kaya bilisan niyo lang habang wala pa si Vito at Kyle." Natakot ako dahil may tatlobg lalake abg nandito ngayon sa loob at ang babaeng nagsalita ay tumatawa pa na sinara ang pinto.
"Ako ang mauuna." Narinig ko na sabi ng isang lalake kaya pilit kong kinikilos ang katawan ko.
"No…" Bulong ko dahil naramdaman ko ang haplos ng isang lalake sa binti ko.
"Linulumpo ka na pala ng boss namin kaya wala ka nang silbi." Sabi ng isang lalake sabay tawa kaya nagpumiglas na ako at humiyaw ako ng malakas at hindi ko alam kung paano ako makakawala sa mga taong ito.
Hindi ako makapaniwala dahil unti-unti kong nararamdaman ang hawak ng mga lalake sa akin kaya pinipilit ko pa rin na lumaban.
Pero tawa lang ang sagot ng mga ito sa pagmamakaawa ko.
Bakit ako, bakit kailangan kong maranasan ang bagay na ito dapat mamatay na lang ako.
Tinigil ko na ang panlalaban ko dahil isang malakas na sampal at suntok lang ang natamo ko dahilan para ikapilipit ko ito sa sakit.
Pero nakarinig ako ng ingay at magkakasunod na putok ng baril ang narinig ko dahilan para lalo akong matakot.
Lalo na nang maramdaman ko ang basa sa katawan ko at nang pilit kong itaas ang kamay ko ay dugo, sariwang dugo ang nakita ko.
Dito na biglang nandilim ang paningin ko at hindi ko alam ang mga sumunod pa na nangyari.
Nang muli akong magising ay isang tunog ang naririnig ko, ang hindi ko pa rin maikilos ang buo kong katawan.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko at nakita ko ulit ang lalake kanina.
Ngayon ko ito mas natitigan pa ng mabuti pero hindi ko magawang magsalita dahil tila may bara sa lalamunan ko.
Napakagwapo pala nito pero ang nasa isip ko ay kung paano nito walang awang pinatay sa harap ko ang mga lalake kanina.
"She's still shock pare." Sabi naman ng isa pa na lalake na kakapasok lang ng silid at kasunod si Nanay Elvy na agad akong nilapitan at niyakap.
Dito ako napaiyak at hindi ako makapaniwala na nandito na ulit ito.
Nagising ako isang gabi na napakadilim at sobrang tahimik kaya halos hindi ako makahinga.
Dahil sa pagpipilit ko na ikilos ang katawan ko ay hindi ko sinasadya na masagi ang pitsel sa maliit na lamesa dito sa gilid ng kama ko.
Naglikha ito ng ingay kaya alam ko na may makakarinig dito.
Nahawakan ko ang dibdib ko dahil nahihirapan ako na sumagap bg hangin.
"Selena what happen?" Isang boses ang narinig ko at nakakita ako ng liwanag kaya umubo ako at muling sumagap ng hangin.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan niyo pahihirapan ang dalaga pero nagmamakaawa ako sa iyo Vito, hayaan mo nang makalabas man lang si Selena may phobia na siya sa madilim na lugar hindi mo ba nakikita ang katawan niya unti-unti nang bumabagsak." Ito ang narinig ko na pagmamakaawa sa boses ni nanay sa lalake na nandito sa silid ko.
"Dapat lang yan kanya manang." Isang seryoso at galit na boses ang sinukli lang ng boses na iyon.
"Pero hindi tamang unti-unti mo siyang tanggalan ng karapatan na mabuhay." Narinig kong muli na pakiusap ni nanay kaya naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko at tuluyan na ulit na tumulo ang luha sa mga mata ko.
Nakatulog ako sa tahimik ko lang na pag-iyak.
Kinabukasan nang magising ako ay hinahaplos ng mainit na kamay ang pisngi ko kaya napamulat ako.
"Magandang umaga hija." Bati agad ni nanay kaya napangiti lang ako at dinala ang kamay ko sa ibabaw ng kamay nito.
"Magandang umaga rin po." Bati ko rin dito kaya nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata nito.
"Nagluto ako ng masarap na sopas para sa'yo hija." Sabi nito na pinakita sa akin ang umuusok na sabaw sa mangko.
Pinunasan muna ni manang ang mukha ko at ang mga braso ko at saka niya rin ako pinalitan ng damit.
Kahit hirap ako na gumalaw ay pinilit ko pa rin na ikilos ang katawan ko para hindi ito gaanong mahirapan.
"Nararanasan ko lang ito kapag nilalagnat ako noon at ang mga ate ko ang nag-aalaga sa akin." Bulong ko habang pinupunasan ni nanay ang leeg ko kaya napatitig ito sa akin.
"Patawarin mo ako hija kung hindi kita magawang matulungan sa sitwasyon mo." Ito ang sabi ni nanay kaya umiling lang ako dito.
"Okay lang po nanay." Bulong ko habang nakangiti kaya napaiyak na naman ito at ngayon ay mas lumakas ang paghikbi nito.
"Alam ko na napakabait mong bata dahil napalaki ka ng pamilya mo na isang mabuting tao." Umiiyak nito na turan kaya napangiti lang ako.
Kung patuloy kong ilulugmok sa kalungkutan at sakit ang sarili ko ay walang mangyayari, kailangan ko rin naman na lumaban para sa kalayaan ko.
Magana akong kumain habang inaalalayan lang ako ni nanay sa pagsubo, medyo mainit ang sopas pero kaya ko naman at hinihipan naman niya ito para mabawasan ang init.
Nakita ko ang sarili ko sa salamin ang payat ko na pala lalo at namumutla rin ang buo kong katawan.
Ang mga mata ko ay kita na ang magkaibang kulay nito kaya napailing na lang ako.
Habang nagkukuwentuhan kami ni nanay ay bumukas ang pinto kaya kinabahan ako at humigpit ang hawak ko sa kamay nito.
"Iwan niyo na muna kami manang." Boses ng lalake ang narinig ko kaya natakot ako ng husto.
"Ayos lang hija babalik agad ako." Sabi ni nanay na pinakalma ako kaya napatingin na lang ako sa likod nito hanggang sa makalabas ito ng pinto.
Ang lalake na nakatingin sa akin ay umupo sa upuan na inalisan ni nanay at seryoso ito na nakatingin sa akin.
"You want to know hows your family doing now?" Tanong nito bigla kaya napatingin ako dito bigla.
"Hindi naman nila ako hinahanap diba?" Bulong ko na tanong kaya napakunot ang noo nito.
"Yeah, like you are not existing in their life now." Seryoso ulit nitong turan, alam ko na ginagamitan na naman ako nito ng kung anong torture sa isip ko pero sinanay ko na ang sarili ko sa bagay na ito.
"Pakiusap gusto ko lang makakita ng liwanag sa labas." Bulong ko imbes na may sabihin tungkol sa pagbangit nito sa pamilya ko.
Napatitig ito sa akin at hinawakan ako sa panga ko dahilan para maramdaman ko ang sakit sa hawak nito.
"Napakatibay mo talaga siguro dahil isang demonyo ang ama mo!" Tila patalim sa pandinig ko ang boses nito sabay bitaw sa panga ko at narinig ko na lang lumabas na ito ng silid ko.
Napatitig na lang ako sa kisame at napahinga ng malalim, i need to be strong in order to get my freedom.