Napatitig ako sa sarili ko sa salamin at saka ko inayos ang damit ko.
Kinurap ko ang mga mata ko para maayos ang contact lens ko na siyang tumakip ng totoong kulay ng mga mata ko.
Ngaying umaga ay araw ng sabado ibig sabihin ay nandito si daddy at maaring buo kami ngayong araw.
Kaya naman makakakain ako ng kasama ang pamilya ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko dahil alam ko na nandoon na si daddy dahil nag-text na ang isa sa mga ate ko na nasa hapag-kainan na si daddy.
Pababa pa lang ako ay maingay na sa baba sa hapagkainan.
Naririnig ko na ang boses ng mga kapatid ko na lalake, at si Tita Alondra ang asawa ni daddy.
"Pagsabihan mo nga itong bunso mo Santiago! Mababa na naman ang nakuhang marka sa klase." Ito ang narinig ko na reklamo nito kay daddy.
Kumaway ako kay Ate Doly na naghahain ng agahan nang makita ako nito.
Nang mapatingin sa akin si Kuya Steven ay agad itong ngumit kaya agad na akong umupo sa tabi naman ni Kuya Simon na nakangiti rin akong tinignan.
"Well hindi mo ba tatanungin si Selena? Mataas na naman ang nakuha niyang marka mom." Sabi nito sa ina na umingos lang at masama akong tinignan kaya napayuko ako.
"I don't care about her Simon!" Sita nito sa anak nito kaya napatingin ako kay daddy na tahimik lang na nagbaba ng dyaryo.
"Good morning po daddy, tita." Bati ko na lang sa kanila na dito na ako tinignan ng aking ama.
"Hows your school hija?" Tanong nito kaya napatingin ako dito at bahagyang ngumiti.
"Okay naman po dad, marami na pong paperworks pero kaya ko naman po." Sagot ko dito na biglang ikinatikhim ni tita kaya natahimik na ako.
"Yeah, galingan mo pa sa pag-aaral para wala masabi ang tita mo." Sabi nito kaya tumango ako at kumuha na ng pagkain.
Magsasalita pa sana si tita pero pinatahimik na ito ni Kuya Steven kaya lihim akong nagpasalamat dito.
This is the scenery of my everyday life, walang katapusan na pag-ikot lang.
Maingay ang hapagkainan kapag wala si daddy, konti lang yong ingay kanina dahil nandito ito na bihirang mangyari.
Kaya sumabay ako sa pagkain dahil madalas ay sa dirty kitchen ako nag-aagahan kasabay ang mga kasambahay namin.
Mas gusto ko naman silang kasalo kaysa sa riot na hapagkainan na ito.
What else pa kung nandito pa ang isa sa mga kapatid ko si Kuya Stephen na kakambal ni Kuya Steven.
Wala pa ito ngayon dahil mukhang madaling araw na naman iyon na nakauwi, but hindi sa barkada iyon galing kundi sa trabaho nito sa kapitolyo.
Kuya Stephen is the mayor of our town, while my dad is a congressman of our province.
Nasa pulitika ang linya ng pamilya namin kaya medyo nakakalula kung tutuusin ang sitwasyon namin.
Dad has three son with his wife, my older bothers. And me i am the illegitimate child of my father to my unknown mother.
I am the product of my fathers betrayal to his wife while Simon is just two years old.
Iniwan raw ako ng aking ina mula nong sanggol pa lang ako at iniwan ako nito sa tapat mismo ng mansyon at may iniwan lang na sulat na ako nga ang anak ni daddy.
Pina-DNA nila ako and it was confirmed that i am a Montero, anak ni daddy sa isang dayuhan na taga-Romania.
And that woman is already left the country and left me of course.
So its make me a half-romanian because of my mother.
They didn't even know that woman name kaya hindi na ito pinahanap pa ni daddy.
Maraming may galit sa pamilya namin na ang sumasalo ay ang mga kapatid ko, Kuya Steven is a young attorney and our family lawyer.
While Kuya Simon is in last year of college na tila walang pakialam sa future nito, and me i am in third year college.
I am now seventeen years old and in two months ay debut ko na.
Nasa third year college na ako dahil nag-accelerate ako ng isang taon dahil sa taas ng marka na nakuha ko last year.
I know my brother and dad is proud of me and that is enough for me now.
But when in public eye i am their princess who they love and treasure the most, but in our house i am nobody.
I am being neglected thats why i am doing my best to be perpect for them.
Hindi man na ako nakakaranas ng physical abuse, sa mental abuse ay mas malala.
They are perpect in the public eye but in this house it will be the different story.
"Saan mo pala gustong mag-bakasyon o ganapin ang birthday mo hija?" Tanong ni daddy mayamaya kaya napatingin ako dito.
"I don't like party po dad, and simple celebration is enough for me." Sabi ko dito kaya napatingin ito sa akin at tumango na lang.
"If you say so hija, just tell me where you want to go i will set a time and places for you." Sabi nito kaya napatango na lang ako.
"Why don't we have your debut in our yatch Lena?" Tanong ni Kuya Steven kaya napatingin ako dito at napaisip.
"Tama si kuya, baby sis yong tayo-tayo lang diba." Sabi naman ni Kuya Simon kaya napatango na lang ako.
"Pwede rin po." Nakangiti ko na lang na sabi sa kanila, ayokong tumingin kay tita dahil alam ko na masama anv titig nito.
Nasa loob lang ako ng kwarto buong umaga at gumagawa ng mga takdang-aralin ko.
Mayamaya lang ay may kumatok sa kwarto ko kaya napatingin ako sa orasan, alas onse na pala ng tanghali.
"Bukas yan pasok!" Sigaw ko kaya bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Baby girl may bisita ka sa baba, kaklase mo raw." Sabi ni Ate Doly na siyang pumasok dito kaya napatingin ako dito.
Nagtaka ako kung sinong kaklase eh wala naman akong ka-close sa mga ito.
"Ano daw po pangalan?" Tanong ko na inayos ang salamin ko.
"Anne daw ang pangalan may itatanong lang sana daw ito about sa project niyo." Sabi nito kaya napatango na lang ako.
Wala naman akong sinabi na pumunta ito dito sa bahay at nakapagtataka na nakapasok ito dito sa bahay.
Bumaba na lang ako kasunod si Ate Doly na mukhang alam na ang bagay na kailangan ng bisita ko kuno.
"Hello Selena." Bati agad nito habang nasa sala at inayos ko ang salamin ko sa mata saka ito tinanguan.
"What do you want Anne?" Tanong ko dito kaya nawala ang ngiti nito sa labi na pilit lang naman.
"Well i'm here for Simon is he here?" Tanong nito na siyang pakay nito at napailing ako dahil kinailangan pa nitong magsinungaling sa guwardiya namin.
"He is not here so please leave our house now." Seryoso ko na sabi dito na akma akong tatalikod pero may tumama na kung ano sa akin dahilan para mapaigik ako sa sakit.
Ang magazine pala na nasa mesita namin ang binato ng babaeng ito.
"Ikaw anong ginagawa mo? Bakit mo binato ng ganyan ang alaga ko!" Galit na sita dito ni Ate Doly, ito naman ang tamang-tama na pagbaba ni Kuya Simon na nagulat sa nakita.
"You witch bakit mo sinaktan ang kapatid ko ha!" Galit na sigaw nito kaya nagulat ang babae.
Dito na pumasok ang guwardiya at narinig ko na lang ang galit na utos ng kapatid ko sa mga ito.
Napaupo na lang ako at napahawak sa braso ko na tinamaan ng magazine.
Nag-aalala si Ate Doly na nilapitan ako at nagpaliwanag ito kay kuya dahil hindi ako makapagsalita.
"Aakyat na po ako kuya." Sabi ko dito na hindi ko na hinintay pa na magsalita ito at agad na akong umakyat sa taas.
Napaiyak ako nang makapasok ako dito sa kwarto ko dahil sa sobrang inis ko sa sarili ko.
That woman is my bully kaya alam nito na at malakas ang loob nito na gawin ang bagay na iyon, since i was in first year highschool ay nakakaranas na ako ng pambu-bully sa babaeng iyon at sa mga kaibigan nito.
At wala akong makapang lakas ng loob na magsumbong dahil tiyak ako na gagawin na naman ni daddy ang bagay na alam ko na hindi maganda.
I just want to protect them, at para mapigilan ko ang bagay na iyon ay kakayanin ko dahil ayokong maging kriminal ang ama ko.
I remember the day when i was in elementary, tinulak lang naman ako ng kaklase ko pero ilang araw lang ang lumipas ay namatay ang buong pamilya nito.
Ang worst is heard it from my father that he kill them and burn them alive, iyon ang unang beses na natakot ako ng sobra sa aking ama.
Kaya naman iniwasan ko na malaman nito na may mga tao na nambu-bully sa akin.
Dahik tiyak ako na papatayin sila ni daddy, at hindi ako papayag sa bagay na iyon.
Bukas ay kaarawan ko na at nandito ako ngayon sa bookstore para bumili ng bagong labas na libro na pinublish ng paborito kong author.
Sa pagliko ko ay hindi ko sinasadya na may mabanga dahilan para mawalan ako ng balanse pero may agad na nakasalo sa akin.
Isang matigas at mainit na katawan ang nakayakap sa akin ngayon at nang matingin ako sa kung sino man ito ay nagulat ako.
"Are you okay sweetheart?" Tanong nito na bagay ang boses nito sa gwapo nitong mukha.
Agad akong dumistansya dito at namumula ako na napayuko.
"I am fine, thank you mister." Sabi ko dito na napatingala ako dito dahil matangkad ito kaya tumango lang ito at napangiti kaya literal na lumakas lalo ang tibok ng puso ko.
Mayamaya lang may tumawag na dito kaya nagpaalam na ito kaya napatitig na lang ako sa likod nito.
Sino kaya ito? Ang gwapo ng lalakeng iyon at napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil ito ang unang beses na magkaroon ako ng interes sa isang lalake.