-His Barkadas-
Febuary 23, 2014
Dear Diary,
Hinintay ko siya sa mismong lugar na sinabi niya at maging sa tinakdang oras. Thirty minutes na akong nanatili sa may ibaba ng building at panay tingin lamang sa mga estudyante na dumaraan doon. Mga ilang sandali ay sa halip na siya ang dumating, mga barkada niya ang pumunta. May ibinigay sa akin na isang libro. Sabi ng kaibigan niyang si Roger ay ipinabibigay daw sa akin iyon ni Lance. Pero hindi naman ako nagtanong kung nasaan siya dahil nahihiya ako at di ko naman ka-close sila. Siya lang ang taong naging kumportable ako. May bahagya sa mukha ko niyon ang kalungkutan at dissapointment. Kaya, umuwi ako sa bahay niyon na hindi maganda ang mood at maging sa pagpasok ng school. Pero bago pa man matapos ang klase namin niyon ay tinanong ako ni Mina kung boyfriend ko na raw 'yong si Lance kasi madalas daw kami magkasama at nagkikita. Nang sabihin ko sa kanya na friends lang kami ay di naniniwala. Ako naman hindi nagpaliwanag pa at lalo na di maganda ang araw ko niyon.
Mag-isa lang ulit ako kumain ng snacks pagkatapos ng klase at maging sa pag-uwi ko ng bahay. Nagpatuloy lang sa pagbasa ng libro na ibinigay niya sa akin na may pamagat na, "A Song of Wraiths and Ruin,'' by Roseanne A. Brown. Katatapos ko lang basahin ang chapter two nito kaya nakapagsulat na rin kaagad sa'yo bago matulog.