-Waiting For Him-
Febuary 28, 2014
Dear Diary,
Ngayon lang ulit ako nakapagsulat dulot ng kalungkutan nang ilang araw ko na siya di nakikita o kahit nakakausap man lang sa facegram. Hindi ko man lang alam kung ano na nangyayari sa kanya o napaano siya? Dahil kahit sa facegram account niya wala ako nakita na anumang post at update tungkol sa kanya. Sobrang lungkot ko na talaga ngayon kaya tuloy akala nila mama at papa kanina ay maysakit ako. Lance, nasaan ka na ba? Magparamdam ka naman please oh. Masasabi kong masyado na'kong dependent sa kanya. Napaka-sweet at caring naman niya kasi.
Nalalapit nanaman ang finals namin, tsk. Di pa ako nakakapag-review. Eh wala, nawawalan ako ng gana. Kahit anong anggulo naalala ko siya. Panay tingin ko nga sa cellphone ko baka sakaling may text na siya at kung minsan sumisilip din ako sa facegram account ko baka nag-chat na siya. Hays, nakakabaliw na.