Chereads / Reaching You (Epistolary Novel) / Chapter 9 - 8: It Surprised Me

Chapter 9 - 8: It Surprised Me

                          -It Surprised Me-

March 4, 2014

Dear Diary,

Hindi na sana ako magsusulat ngayon dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko sa nakita kanina during Social Science period namin. Wala ang professor namin kanina kaya inisip kong tumambay sa corridor at di sinasadya na makita ko 'yon- nang halikan siya ng babae sa kanyang pisngi. Halos mangiyak-ngiyak ako kanina sa sakit, hindi maigalaw ang mga paa at matulala sa eskenang 'yon. Nabalik lamang sa ulirat nang tuluyan ng bumuhos ang luha ko at bumalik na lamang sa loob ng classroom. Napansin pa nga iyon ng aking mga kaklase.

Ngayon, ibubuhos ko ng todo ang luha ko para bukas tapos na at wala ng sakit na mararamdaman. Sana nga bukas makalimutan ko na siya para hindi na nahihirapan pa sa ganito. Ang sakit lang talaga. Nakakainis rin dahil naniwala ako kaagad sa mga pinapakita at sinasabi niya puro kasinungalingan lang. Hays. Matutulog na ako at baka ito na muna ang huling sulat ko.