-My Graduation Day-
March 27, 2017
Dear Diary,
Wow, halos tatlong taon na ring lumipas bago ko simulan magsulat sa'yo. Ang tagal niyon ah. Walang sulatan at updates mula sa'kin. Pero sasabihin ko na ang lahat dito ngayon ang mga naganap noong nakaraang mga taon. Naluluha lang ako sa tuwing naalala siya at sa tuwing may napapakinggan na love songs. Naglalakad madalas lumuluha pero kaagad ko inaayos ang sarili para di halata. Sa kabila naman niyan, nakabawi ako sa mga academics ko at nakakuha ng mga grades na inaasam-asam ko. Hindi ako papayag na siya ang dahilan ng paglugmok ko. Tangi ko lang ginawa ay ginawa kong motibasyon ang heartbreaks para magpatuloy lamang sa buhay.
Kanina naman sa graduation ceremony, nakaramdam ako ng saya na naka-graduate na rin. Nakaraos na rin sa school life at magwe-welcome na sa buhay adulthood. Kailangan lang mgpakatatag kahit nandito pa rin ang feelings ko para sa kanya. Marami pa naman dapat i-priority sa buhay. Darating din ang taong karapat-dapat sa tamang panahon. Focus lang muna sa pagtatrabaho para makatulong sa family.