-My Adulthood Life-
August 05, 2018
Dear Diary,
Kundi pa ako naghalungkat sa mga gamit ko sa cabinet hindi na kita maalalang sulatan. Mahigit dalawang taon na kaya ang lumipas matapos ang araw ng graduation ko. Wala na akong sinulat na anumang updates tungkol sa buhay ko. Bakit kailangan ko pa isulat eh wala namang magandang nangyari. Puro na lang seryoso ako. Hindi na magawang ngumiti man lang. Ngayon ko lang na-realized na ganito pala kapag nasa adulthood stage ka na. Mas maraming struggles na dumarating na hindi mo inaasahan. Mas mahirap pa sa pinagdaraanan mo noong school life pa.
Isang taon din ako natambay sa bahay dahil sa kahirapan maghanap ng trabaho. Bukod pa sa educational background and achievements, kailangan din ng work experience. Eh kaka-graduate ko lang that time eh. Ano makukuha kong job experience? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga employers dito sa Pilipinas. Palibhasa kasi di hinihigpitan kaya ok lang. Mabuti nga sa awa ng Diyos, nakahanap na rin ako ng trabaho. Isang office staff ng Emerald Star company. Ang maganda nagkaroon naman ako ng mga ka-vibes dito hindi tulad noong college life ko. Mga apat sila at panglima ako. Tuwing lunch sabay-sabay kami kumakain at gayundin sa snacks. Kapag lalabas ng office sabay din pero nagkakaiba-iba na rin ng direction ng pupuntahan at sasakyan pauwi kaya ako mag-isa na lang din.
Maliban diyan mayroon pang isang tao sa office namin na madalas magpapansin sa'kin kaya minsan inaasar ako karamihan ng mga katrabaho ko lalo na sila Olive, hays. Pero naikuwento ko rin sa kanila ang tungkol kay----teka, ayaw ko ng banggitin ang pangalan niya. Ikaw na ang bahala kung sino siya. Kilala mo naman na siguro siya di ba? Heto naman ang sinasabi kong papansin at sobrang kulit na si Gian na madalas ding nanglilibre sa aming apat ng snacks. Hays, dahil sa kanya tuloy may naalala tuloy ako. Sa accounting department naman siya naka-assigned at six months na rin siya sa company. Ako naman nasa human resource department at nasa isang taon na rin. Tapos heto minsan kapag mag-isa na lang ako panay pang-aasar sa'kin. Kainis nga siya eh. Isang araw tinanong niya sa'kin kung pwede siya mangligaw at direkta ko kaagad sinabi na hindi para di na umasa no? Pero kahit sinabi ko ng gano'n di pa rin siya natigil, hays. Nangungulit pa rin siya at nagpapansin sa facegram account ko. Alam mo ba kung ano ginagawa niya? Panay like or react and comment sa mga posts ko. Kung minsan naman sa "My day" ko. Tapos kapag gabi dami niyang messages sa messenger na di ko basta sini-seen. Hindi talaga ako interesado sa kanya. Bilib din ako talaga sa fighting spirit niya, ibang klase.