-Moving On-
March 14, 2014
Dear Diary,
Sampung araw na pala ang lumipas nang muli akong sumulat sa'yo. Pasenya ka na. Wala lang talaga ako sa mood magkwento kaya pati mga scores ko sa mga exams mababa. Grabe talaga ang epekto niya sa'kin. Pero ito na ang huli para maging malungkot ako para sa kanya. Kailangan ko magpatuloy at ayusin ang pag-aaral ko. Hindi dapat siya maging hadlang sa mga goals ko. Hindi dapat pinaghihinayangan ang isang taong mangloloko na tulad niya. Nakakapagod masyado at nagmumukhang tanga.
Bago ako matulog, gusto ko lang sabihin sa'yo na baka ito na ang huli kong pagsusulat sa'yo. Para kasi 'yong pakiramdam ko ay wala ng enthusiasm na magkwento pa tutal wala na rin namang sasabihin na magandang nangyari. Puro lang tungkol ito sa studies ko, everyday experiences as a student lang naman at syempre sa paggawa ng mga gawaing bahay. Pasensya ka na muli, my dearest friend.