-The Gossips-
March 2, 2014
Dear Diary,
Nakasakay na ako kanina ng jeep at pauwi na rin sa bahay pagkatapos ng shooting namin para sa short film na ginagawa. Ito na kasi ang magiging finals namin at individual ang grades nito. Kinuha lamang ako bilang supporting role sa nasabing film na ginagawa namin. Ayos naman at nagampanan ko nang maayos. Kaso biglang nagbago ang timpla ng mood ko nang may narinig akong usap-usapan. Hindi ko naman sinasadya makinig sa umpisa. Subalit nang marinig ko ang pangalang Lance Rey ay bigla ako naging interesado makinig sa kwentuhan nila. Actually, hindi naman nila ako napansin o nakilala kasi nga natakpan ang mukha ko niyon ng libro na nire-review ko na pilit ko pinapasok sa utak pero hindi kaya.
Heto na nga nakinig ako. Sabi-sabi nila may nagpunta sa school campus namin kanina. Tapos, nakita nilang kasama nito si Lance. Nalito sila dahil akala nila ako 'yong kasama. Grabe, halos bumilis ang tibok ang puso matapos marinig 'yan at di na'ko interesado pa makinig. Iniisip ko na sana tsismis lang 'yon at imbento lang. Kaya, imbes mag-review ngayong gabi ay nag-scroll na lang ako sa internet sa laptop ko. Tapos naalala kita at nag-type kaagad ako ng nangyari buong araw.