Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko mismo sa harapan ko ngayon. Kumakain kaming tatlo ni Noah at Elton dito sa canteen nang dumating ang kaibigan naming magaling kasama si Leila at Therese. Umupo silang dalawa ni Leila sa harapan namin dala-dala ang mga pagkain nila habang ang isa nilang kasama na si Therese ay tahimik lang.Napatigil ako habang kumakain nang magsimulang maglambing si Paul kay Leila. Hindi ako makapaniwala at bubwelo na sana para kurutin sa tenga si Paul nang pinigilan kaagad ako ng dalawa kong kasama."Huwag niyo akong pigilan..." Banta ko sa kanilang dalawa pero hindi sila tumigil sa paghawak sa mga braso ko at sabay akong hinila paupo. "Ano ba 'to, Leila? Bakit naman d'yan kay Paul? Ano bang nakita mo talaga d'yan?" Sumbat kong tanong kay Leila na ngumiti sa akin."Riannie... Paul is your friend kaya I trust he's a decent guy... Isa pa I'm still thinking if I will date him or not. That's why he's courting me" Napabuntong hininga ako at matalas na tiningnan si Paul."If ever maging kayo at pinaiyak mo si Leila. Alam mo na talaga ang gagawin ko sa'yo, makikita mo..." Nambabantang sabi ko sa kanya."Ito naman parang hindi kaibigan... Sino ba mas mahal mo sa aming dalawa? Kahapon pa ako nasasaktan sa'yo ha" Reklamo niya sabay hawak sa dibdib niya na nagpangiwi sa akin.Umaarte para mapansin. Strategy nitong ugong na 'to."Bumitaw na nga kayo!" Sabi ko kay Noah at Elton na kanina pa hinahawakan ang mga braso ko.Bumalik ako sa pagkain at paulit-ulit na tinitingnan ng masama si Paul habang kapag nagrereklamo si Leila ay ngumingiti kaagad ako sa kanya."Protektahan niyo talaga ako, pre. Baka bigla nalang ako lapain ng isa d'yan" Biro ni Paul na ikinainis ko kaya hindi na ako nakapagpigil at pasimpleng kinurot siya sa binti.Natawa silang lahat sa ginawa ko at hindi pa natapos dahil kinurot niya rin ako pabalik sa binti. Babawi na sana ako nang pinigilan ako ni Noah.Nabigla ako dahil sanay akong walang emosyon ang mukha niya pero sa pagkakataong 'yon ay nakangiti siya habang nakahawak sa braso ko. Bigla akong umiwas ng tingin dahil baka mapatagal na naman ang pagtitig ko sa mukha niya.Bumalik ulit ako sa pagkain na biglang nainitan at napapaypay gamit ang kamay ko. Kumain na sila ulit pero nahuli kong nakatingin si Paul sa akin. Tumitig siya ng mabilis sabay tumaas ang dalawang kilay niya sa akin.Naguguluhang tumingin ako sa kanya pero ipinagsawalang bahala ko lang rin 'yon.Madilim na nang matapos ang huling klase namin. Medyo natagalan kami ngayon dahil sa announcement tungkol sa gagawin naming project na tatlo sa bawat isang grupo. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil inilista na kaagad ako ng dalawa bilang kagrupo nila."I think we should buy the materials right now. Pagkatapos bukas na natin simulan since it's weekend" Suhestiyon ni Noah na tumayong leader naming tatlo.Tumango naman kaming dalawa ni Paul. Buti na lang ay may nagbayad sa aking teacher kanina at kahit papaano ay may pera pa ako."Okay. Text ko nalang muna nanay ko" Sabi ko sa kanila.Naupo muna kaming tatlo sa bench habang naghihintay sa reply ni mama. Nasa kabilang dulo namin si Noah nang biglang tumabi sa akin si Paul at biglang ngumiti."Oh, bakit?" Taas ang kilay na tinanong ko siya."May napapansin ako pero saka ko na sasabihin kapag tama na ang hinala ko" Naguguluhang tingin ang ibinigay ko sa kanya."Ano na namang trip mo, Anthony Paul?" Nababanas na tanong ko sa kanya.Bigla niyang tinusok-tusok ang tagiliran ko habang tumatawa."Ano ba?!" Inis na sigaw ko sa kanya pero hindi siya tumigil kaya pinaghahampas ko na ang mga braso niya."Can you stop fooling like kids?" Biglang sabi ni Noah na pareho naming ikinatigil pero tumatawa parin siya kaya kinurot ko ulit siya panghuling pagkakataon.Tumunog naman kaagad ang phone ko kaya tumayo na kaagad ako."Tara na! Nakapagpaalam na ako" Deklara ko sa kanilang dalawa.Nag-insist na akong pumunta na lang kami sa isang minimart dahil mas mura doon kaysa sa mall. Pagpasok namin ay medyo matao kaya hinawakan ko na ang kamay ni Paul."Hawakan mo din si Noah para makalusot tayo papunta sa mga school materials" Sabi ko na kaagad niya namang sinunod. Wala naman din akong narinig na reklamo mula sa kanilang dalawa habang nagpapatiloy sa paglusot sa kumpulan dito."Totoo ba 'to? Yung cardboard 30 pesos lang?" Tumango ako sa kanya. "Bro, this is the same quality that we could get at the mall but it's a lot cheaper here" Hindi makapaniwalang sabi ni Paul."Sabi ko sa inyo eh. Buti na lang nakinig kayo" Proud na proud kong sabi."But it's quiet hot here" Komento ni Noah at napahawak sa kuhelyo ng uniform niya at pinagpapawisan na."Kaya mo pa? Kami na lang ni Paul ang pipili dito, doon ka na muna sa gilid para may hangin" Nag-aalalang sabi ko."Aba anong akala niyo sa akin? Hindi naiinitan?" Singit ni Paul na ikinasama ko ng tingin. "Sabi ko nga ang lamig dito..." Pagbawi niya."No. It's okay, kaya ko naman. Isa pa hindi mo naman abot lahat ng nasa stall. You might need me to reach some things too" Sabi niya na ikinasekreto kong ngiti at tumang-tango sa kanya.Napatikhim ako saglit at inayos ang mukha ko bago tumingin ulit sa kanya."Okay. Bahala ka..." Tanging sagot ko at tumalikod na para kumuha ng pentelpen.Nang pipila na para magbayad ay nag-insist na si Noah na siya na ang pipila habang kaming dalawa ay nagpapahangin muna sa gilid.Tinitingnan ko siya habang hawak ang basket at nakapila.Ang gwapo kahit nakatayo at pinagpapawisan na sa pila."Baka malusaw ang best friend ko..." Biglaang bulong ni Paul sa tenga ko. Tumawa-tawa pa ang loko dahil napatalon ako ng bahagya dahil sa ginawa niya."Ano na naman ba, Paul?" Naiinis na tanong ko sa kanya pero nangmamalisyang ngiti ang ibinigay niya sa akin."You have something to confess right? Sabihin mo sa akin, Rianne Leigh..." Nanglolokong sabi niya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.Teka, napapansin ba niya ang mga kilos ko?"Anong gusto mo? Ako pa ba ang magsasabi o ikaw?" Kunwari ay nagtatakang tumingin ako sa kanya."Ano bang sinasabi mo d'yan?" Nagmamaang-maangang sabi ko."Ah, sige. Ayaw mo ha..." Tatango-tangong sabi niya. "May gusto ka ba kay Noah?" Walang pag-aalinlangang tanong niya na ikinatigil ko. Kaya hindi kaagad ako makasagot sa sinabi niya kaya imbes na magsalita ay kinurot ko ang tagiliran niya sa inis.Napatingin ang mga tao sa amin sa loob ng minimart dahil sa biglang pagsigaw ni Paul at maging si Noah ay masamang tumingin sa amin kaya napa-peace sign ako sa kanya. Bumalik ang atensyon ko kay Paul."Ano bang pinagsasabi mo..." Nanggigil at bulong na sabi ko sa kanya.Nakahawak parin siya sa tagiliran niya pero nakangiti na ulit."Huwag ka ng magmamaang-maangan... Observant yata 'tong best friend mo, atsaka huwag kang mag-aalala hindi ko naman sasabihin. Secret lang nating dalawa...""Nahihibang ka na ba?""Anong nahihibang? May mata ako, nakita ko lahat..." Bato niya sa akin. "Pero totoo, ano? Tama ako 'di ba? Huwag mo ng i-deny, huling-huli na kita sa-""Nahuli ang alin?" Biglaang sulpot ni Noah sa harapan naming dalawa na ikinagulat naming pareho."Ah, wala. Nahuli ko lang na ginigiba ni Rianne ang mga paso ng school dahil sa nangyari sa akin nung dinala niyo ako sa clinic" Ang pinakawalang kwentang alibi na narinig ko sa tanang buhay ko."You really did that for him?" Napapikit ako dahil sa tingin niyang nang-aakusa at naniniwala sa sinabi ni Paul.Isa pa 'to. Uto-uto..."Maniniwala ka ba kung sasabihin kung oo?" Sarkastikong tingin ko sa kanya."Yes... I mean you could really do that..." Sagot niya na nagpaawang sa bibig ko.Napapadyak akong umalis at iniwanan silang dalawa dahil sa inis. Nang makalabas sila ay pareho silang tumatawa-tawa at nag-apir pa talaga sa harap ko.Inaya naman nila akong mag-ice cream muna bago kami tuluyang umuwi."Sa bahay tayo bukas at 9am..." Anunsyo ni Noah habang nilalantakan namin ang mga kanya-kanyang ice cream.Mahina akong kumain ng ice cream kaya kung minsan ay tumutulo na sa kamay ko. Napansin yata ni Noah kaya nagpresenta siyang humingi ng tissue mula sa tindera ng bakery kung saan kami huminto."Ayos, meet the family ka na agad bukas" Nanunuksong sabi kaagad ni Paul."Kaibigan ko kayo ni Noah, okay? Normal lang na mapatingin ako sa isa sa inyo paminsan-minsan" Pagdepensa ko sa panunukso niya."Talaga ba? Kapag ba tumingin ako kay Noah gaya ng mga titig mo hindi ba malaswa tingnan?" Nag-iimbestigang tanong niya dahilan para tumingin ako sa kanya na parang nandidiri."Ewan ko sa'yo..." Huling sabi ko sa kanya bago bumalik si Noah sa amin.Buong gabi akong hindi makaayos sa pagtulog dahil bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Paul kanina.May gusto ba talaga ako kay Noah? Para namang hindi, ah?Normal lang naman sigurong mapatingin-tingin sa isang tao 'di ba?Kinabukasan ay sinundo ako ni Paul sa amin. Tuwang-tuwa pa si mama dahil nakadalaw siya at as usual ay inuuto-uto niya na naman ang mama ko. Nagkukunwaring mabait, akala mo kung sinong santo."Oh, hi! Nandyan na pala kayo..." Bungad kaagad ng babaeng nagbukas ng pinto sa amin.Kilala ko na agad kung sino siya dahil medyo kapareho sila ng wangis ng mukha ni Noah."Hi, Tita. I'm here again, your handsome Paul" Birong sabi ni Paul at niyakap ang babae. Naibaling naman nito ang tingin sa akin."You must be, Rianne... Ikaw yung isa pang kaibigan ni Noah, right? It's so nice to finally meet you, hija. I'm glad you could fially visit us" Nakangiting sabi niya sa akin at pinapasok kami."Nice to meet you po, Tita.,, Opo, ako po si Rianne, nice to meet you rin po..." Nahihiyang sabi ko sa kanya na nakipagshakehands.Nilibot ko kaagad ang kabuoan ng bahay nila. Simple at elegante pero maaliwalas. Hindi masakit sa mata ang mga ilaw. Narinig ko agad ang isang pagbaba galing sa may hagdan kaya napatingin ako sa direksyon kung nasaan ko narinig ang mga yapak. Si Noah naka-sweat pants na grey at itim na shirt na mas lalong nagpalitaw sa pagkaputi ng balat niya. Ngayon ko lang siya nakitang hindi naka-uniform kaya medyo naninibago ako."You're here..." Sabi niya at lumapit sa aming dalawa ni Paul. "Mom, this is Rianne. She's my friend and classmate. May gagawin kaming project doon sa room ko" Pakilala at paalam niya sa nanay niya."Okay, no problem anak... I'll bring your snacks later" Sabi ng mommy niya at hinayaan na kaming makaakyat.Ang ganda at ang bait ng mama niya.Sumunod na kaming dalawa ni Paul sa kanya at pagdating namin sa kwarto niya ay napansin ko ang pulidong pagkakaayos ng mga gamit.Ang linis at ag bango. Masasabi mo agad na napakastrikto niya sa mga sariling gamit."You can sit anywhere. Kahit sa kama or kung saan ka comfortable" Sabi niya sa akin at kinuha ang mga materials na binili namin kahapon. "Doon muna ako sa kabilang room. Tinatapos ko pa kasi yung ibang ipi-print" Paalam niya na tinanguan namin ni Paul.Umupo kaagad si Paul sa hapag ng carpet kaya nakiupo na rin ako at nagsimulang ilabas ang mga pinamili naming materials kahapon nang bigla siyang magsalita."So, hindi mo parin ba ia-admit?" Biglaang tanong niya na alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin."Hindi ka parin nakakausad d'yan?" Pagmamaang-maangan kong tanong."Hindi.,, Hanggang hindi ka rin aamin" Sagot niya na ikinabuntong hininga ko."Ang kulit mo rin, 'no?""Kukulitiin talaga kita hanggang sa mapagod ka..." Napabuntong hininga ako ulit bago tumingin sa kanya."Okay, ganito..." Pinakiramdaman ko muna na kaming dalawa lang ang makakarinig sa sasabihin ko bago nagsalita. "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, okay? I mean, nagugulohan din ako... Nitong mga nakaraan lang kasi na parang may nagbago sa akin kapag napapatingin ako kay Noah pero hindi ko naman din masabi kung ano 'tong nararamdaman ko... I didn't feel this way before" Pagpapakatotoong sabi ko sa kanya.Napahawak siya sa baba niya at napatingin sa kisame. Kunwaring malalim ang iniisip pero maya-maya lang ay nagsalita rin."How about tulongan kita?" Nagtatakang tumingin ako sa kanya."Ha? Tulongan saan?""Tutulungan kitang mas maging close kayo para masabi mo kung ano talagang nararamdaman mo pero may kondisyon din ako..." Mas gumulo ang utak ko dahil sa pinagsasabi niya. "Tutulungan mo rin ako para mapasagot ko si Leila, ano game?" Alok niya sa akin.Napaisip ako bigla sa mga sinabi niya. Pwede rin naman para malaman ko kung mas may ilalalim pa ba 'tong nararamdaman ko o wala na tungkol kay Noah."Paano kung ayaw pala ni Leila sa'yo?""It's okay. I won't force her if she doesn't want to be with me. Nag-pramis ako sa'yo, 'di ba?" Napatango ako sa sinabi niya. "Sure ka ba sa sinasabi mo?" May pag-aalinlangang tanong ko."It's a win-win for you, Reyn... Isipin mo tutulong lang ako bilang kaibigan mo. Ano bang mawawala sa'yo?" Pang-eengganyo niya pa sa akin. "Ano game?" Inilapad niya kaagad ang kamay niya sa akin."Okay, sige na nga..." Pag-sang ayon ko sa huli."Sabi mo 'yan, ha? Tutulungan mo ako kay Leila at tutulong din ako sa'yo" Naniniguradong sabi niya."Oo na... Kaya ikaw umayos ka talaga sa panliligaw mo sa kanya..." Paalala ko."Syempre naman... Iba yata magmahal 'tong manok mo. Hindi ko lang alam sa manok ko..."Napailing na lang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gagamitin namin sa project."Let's see if you're really falling for him..." Huling sabi niya na ikinangisi ko.