"Rianne Leigh Lopez!"Napalingon kaagad ako sa tumawag sa akin habang papunta pa lang ako sa bagong room namin. Si Paul pala ang tumawag. Nakangiti at tumataas baba pa ang kilay nang lumapit sa akin.Nasa likod niya si Noah na halatang antok-antok pa para sa unang araw ng klase namin. Grade 12 na kami ngayon at isang taon na lang ay mga college na kami."Kamustang bakasyon ninyo?" Tanong ko sa kanila."Okay naman. Mas masaya sana kung sumama ka" Napailing naman ako sa sinagot niya."Alam niyo naman kagagaling lang ng nanay ko sa paggaling kaya nag-summer job muna ako. Hindi naman din pwede umabsent sa trabaho..." Naging busy lang ako buong summer hanggang enrollment.Pambili na rin ng mga gamit naming magkakakpatid para sa pasukan. Mas kailangan ko na rin mag-ipon ngayon dahil next year ay magaka-college na ako. Mabuti na lang talaga at gumaling na si mama. Dinagdagan naman din ni papa ang perang ipon ko nang dumating siya mula sa laot pero isang buwan lang namin siyang nakasama dahil bumyahe agad ang bangka nila para pumalaot ulit."Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Noah dahil nanamlay ang itsura."Naglaro kasi kaming tatlo ni Elthon kagabi kaya lang hindi na natulog ang dalawa..." Pagsiwalat ni Paul dahil hindi na makasagot si Noah at tumango na lang sa sinabi niya."Kaya pala late na naman 'yon..." Pagtukoy ko kay Elthon.Pagdating namin sa room ay pumwesto na ako sa isang upuan malapit sa binatana. Sumunod naman ang dalawa sa akin at inilatag ang mga bag nila sa tabi ng kinauupuan ko.Tigli-lima na ang mga upuan dito at tatlo na kaagad kaming nakapwesto. Nagmumuni pa ako nang dumating si Leila at lumapit sa akin habang ang dalawa ay lumabas na muna dahil hindi pa naman time."I'm so glad classmate tayo ulit!" Masayang sabi niya sa akin.Nahati kasi ang section namin ngayong Grade 12 na kami kaya may nabawas sa mga dating classmates namin. Akala ko ay maiiba na ang section ni Lara ngayong taon pero hindi rin natupad ang pinagdasal ko."Nasa ibang section na si Aiza, 'di ba?" Siya ang dating seatmate ni Paul bago si Leila."Oo. Sayang nga hindi na natin siya classmates pero nakita ko siya kanina mukhang okay naman" Balita niya sa akin. "Sinong katabi mo?" Tanong niya nang mapansin ang mga bag na nakalatag sa mga katabing upuan ko."Si Noah tapos si Paul" Sabi ko habang sunod-sunod na itinuro ang dalawang upuan kung saan nakapwesto ang dalawa."Ahh... Nasa likuran lang pala namin kayo" Sabi niya nang napagtanto."Sinong kasama mo d'yan?" Ako naman ang nagtanong."Si Therese ang katabi ko" Sagot niya. "Nasaan pala sila Paul?" Tanong niya at hinanap-hanap ang dalawa."Lumabas muna sila, ewan ko kung saan pumunta..." Sagot ko nang bigla siyang tumitig sa akin.Naningkit kaagad ang mga mata ko dahil alam kong may ibang ibig sabihin ang mga titig niya sa akin. Bigla siyang umupo katabi ko at humarap sa akin sabay hawak sa mga kamay ko. Napalayo pa ako ng bahagya dahil sa gulat."I will ask you. Sumagot ka ng totoo" Pambibiting sabi niya sa akin kaya mas lalong naguluhan ang mukha ko."Ano?" Mas naiintriga ako dahil ang tagal niyang sumagot at mahigpit parin ang hawak niya sa mga kamay ko."Promise me, hindi mo muna 'to sasabihin sa iba..." Tumango ako.Naghihintay na ako sa kung anong sasabihin niya nang biglang tumunog ang bell. Pumasok na kaagad ang teacher namin kaya nagmadali na rin silang bumalik sa mga kanya-kanyang upuan.Dumating naman kaagad ang dalawa kasama si Elthon na hindi na nakaupo kasama namin dahil naubusan na siya ng upuan sa linya namin kaya sa pinakalikod na siya nakapwesto. Tumingin pa ako sa kanya at napailing habang binigyan niya pa ako ng peace sign dahil sa late siya.Attendance lang ang ipinunta ng mga teacher sa lahat ng mga klase namin. May breaktime kaming isang oras bago ang susunod na klase kaya natulog muna ang katabi ko.Nang napatingin ako sa labas ng bintana ay nagmumuni-muni ulit ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng katabi kong upuan dahilan para mapalingon ako. Hindi ko alam kung anong timing ang dumating dahil biglang dumaan ang simoy ng hangin sa direksiyon namin. Napasulyap ako kay Noah na natutulog nang liparin ng hangin ang buhok niya na tinatago ang kabuuan ng noo niya.May kung anong gumulo sa sistema ko dahil bigla akong namangha sa mukha niya habang natutulog. Natigilan ako lalo na nang nakita ko sa malapitan kung gaano kahaba ang pilikmata niya at kung gaano kaperpekto ang mga kilay nito. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako ng matagal nang bigla akong tapikin sa kamay.Naalimpungatan ako at napatingin kay Paul. Bigla akong kinabahan nang ngumiti siya sa akin."Hayaan mo munang matulog 'yan..." Sabi niya sa akin na ikinaayos ng upo ko."Y-Yes, alam ko. Akala ko lang may muta..." Walang kwenta kong dahilan at agad na nag-iwas ng tingin.Bumalik ako sa ginagawa kong pagtingin sa labas kanina. Wala sa sariling napakagat ako ng labi dahil hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan kanina nang makatitig kay Noah.Hindi naman ganito dati at hindi ko alam kung natatameme ba ako o ano.Nagtataka ako sa sarili ko dahil buong maghapon ko ng hindi makausap o matingnan si Noah. Hindi rin naman siya nagsasalita at halos tulog din kapag breaktime namin. Nang dumating ang uwian ay nagmadali na akong pumunta sa student council nang hinarangan naman ako ni Leila habang nagmamadal dahil may gusto raw siyang sabihin."Pwede bang mamaya na lang, Lei? Chat na lang tayo mamaya pag-uwi ko, okay?" Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango sa akin kaya kumaripas na ako ng takbo papaalis.Hanggang ngayon ay kinakabahan ako dahil sa nangyari kanina.Naglilinis kami ng mga kasama ko sa student council nang biglang may tumawag sa akin at may naghahanap daw sa labas.Pagkalabas ko ay hindi ko mapigilang hindi magulat nang malaman kung sino ang naghahanap sa akin."Do I look like a ghost to you?" Parang naiinsultong tanong niya dahil sa reaksyon ko.Napahawak ako sa dibdib at tinapik-tapik ang puso ko para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko."Nagulat lang, eh..." Sabi ko habang pinanatiling maging kalmado. "Ba't ka ba nandito?" Nagtatakang tanong ko nang ipinakita niya sa akin ang isang plastik."I grab some food sa canteen. Dumaan na ako dito to give you some of it" Sabi niya sabay bigay sa akin at walang paalam na umalis."Thanks!" Sigaw ko nalang nang hindi na siya lumingon at nagpatuloy sa paglalakad paalis. Nakatalikod parin siya at naglalakad nang binigyan niya ako ng thumbs-up."Ay wow, iba talaga kapag long hair... Hinahatidan ng meryenda" Panunukso kaagad ni Liza sa akin nang makita ako sa labas."Bigay lang sa'kin 'to, ano ka ba?" Depensa ko sa kanya."Boyfriend mo?" Biglang tanong niya na biglang nagpainit ng mukha ko."H-Hindi! A-Ano kaibigan ko lang" Bigla akong nauutal at naalala ko naman ang nangyari kanina.Nanunuksong tumawa siya sa akin."Eh, ba't ka namumula?" Tuksong tanong niya sa akin.Nag-iwas na ako ng tingin at hindi na sumagot dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.Hanggang sa pag-uwi ko papalabas ng school ay sinusubukan kong isawalang bahala ang nangyayari sa akin. Mabagal na ang naging lakad ko nang makita ko sa may kalayuan ang pamilyar na mga tao na nakasandal sa isang motor.Hindi ko inaasahan nang makalapit ako ay si Paul at Leila ang nakita ko. Nag-uusap ng masinsinan silang dalawa kaya nagtaka ako."Anong meron sa inyong dalawa?" Biglang sulpot ko sa harapan nila at gulat na gulat pa silang pareho nang makita ako. Parang mga nakakita ng multo."Uy, best friend!" Biglang sabi ni Paul sabay umalis sa pagkakasandal sa motor niya at umakbay sa akin. "Hindi ka pa pala umuuwi?" Nahahalata kong may kakaiba sa kanila."Ba't nandito ka pa, Lei?" Nanghuhuling tanong ko.Bigla naman siyang bumasangot at napakrus sa mga braso niya."He told me he will drive me home. Ang tagal niyang nagbasketball. I was mad because it's getting late..." Reklamo niya na kaagad kong ikinatingin kay Paul at pinandilatan siya."Hoy, Anthony Paul Ocampo! Ano 'to?" Bigla ko kaagad hinawakan ng mahigpit ang mga braso niya kaya napapikit siya."S-Sandali! Sandali lang, Reyn... Magpapaliwanag ako, promise!" Pagpupumilit niya para sa pagtanggal nang pagkakahawak ko sa kanya. Binitawan ko naman din kaagad."Teka nga... Ba't ba kayo magkasamang dalawa? Bakit mo ba ihahatid si Leila?" Napatanong ako dahil napagtanto kong wala pala akong kaalam-alam sa nangyayari.Biglang natahimik silang dalawa. Hindi makatingin ng diretso sa akin. Kaya nang nahuli kong sumulyap si Paul ay nagtaas ako ng kilay."Ano? Wala bang sasagot sa-""I'm going to court her..." Pakiramdam ko ay parang bigla akong nabingi sa pagkakataong 'yon.Matagal kaming nagkatinginang dalawa at kahit isa sa amin ay walang nag-iiwas ng tingin. Naramdaman ko naman ang pamumuo ng inis sa akin kaya napapikit na ako at napabuntong hininga.Loko 'to, ah?Dahan-dahan kong ibinaba ang bag ko at sisipain na sana siya nang pinigilan ako ni Leila."Sira ba ulo mo, ha?! Anong ligaw-ligaw ang sinasabi mo? Hindi ako papayag!" Nanggigil na sabi ko sa kanya habang pinapatigil ako ni Leila.Naawa naman kaagad ako kay Leila kaya tumigil rin ako pero masamang-masama ang tingin ko na ibinigay sa kanya."Pwede ba Paul? Kung magbibiro ka lang naman, huwag na kay Leila... Akala ko ba girlfriend mo yung lumapit sayo na taga ibang school sa cluster meet?" Naguguluhang tanong ko dahil 'yon ang alam ko sa kanya.Hindi lang ako makapaniwala dahil sa ilang buwan na pagiging magkaibigan namin ay alam kong may pagkababaero siya. Medyo malandi ang lalaking 'to kahit pa sabihin ko man na kaibigan ko siya."Leila, okay ka lang ba? Ano ring nakain mo para hayaan mong manligaw 'to?" Tanong ko kay Leila habang nakaturo ka Paul na halatang natatakot sa akin."Kung makapagsalita ka naman parang hindi mo ako kaibigan..." Nanlulumong sabi niya. "Magpapabugbog naman ako sa'yo kapag niloko ko si Leila. Pramis ko sa'yo 'yan!" Kondisyon niya sa akin na mas lalong nagpainis sa akin kaya napahampas ako sa ulo niya.Dinadaing niya pa ang paghampas ko sa ulo niya nang magsalita si Leila."Reyn, this is what I want to talk to you kanina. Sasabihin ko naman talaga sa'yo but..."Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa kanilang dalawa."Ano pa bang magagawa ko kung gusto niyo naman? Hindi ko naman gusto maging kontrabida sa inyo pero binigla niyo rin ako, eh. Lalo ka na!" Sabi ko at masamang tiningnan ulit si Paul na nag-sign of the cross pa sa harapan ko."Promise, magpapakabait ako... Ihahatid ko na ang kaibigan mo. Baka gusto mong sumabay? Ihahatid na rin kita sa inyo..." Sabi niya habang nahihiyang nakangiti sa akin.Ang sarap kurutin ng pauli-ulit ang lalaking 'to.Sunod-sunod na pagbunotng hininga na ang pinakawalan ko kaya napagdesisyonan ko nang umuwi na kaming tatlo."Sige na nga... Ihatid mo na si Leila atsaka mag-usap tayo bukas..." Pagpapaalis ko sa kanilang dalawa.Pinagmasdan ko pa sila mula sa pagsusuot ng helmet kay Leila hanggang sa makaalis na sila ng tuluyan nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Awtomatikong napalingon ako nang makilala ko ang boses ng nagsalita."You looked like their mom a while ago" Sabi niya at mahinang tumawa.Hindi ko na naman namalayang napatitig na naman ako sa mukha niyang nakatawa.Bigla siyang natigilan kaya natigilan rin ako at naunang mag-iwas ng tingin dahil kinakabahan na naman ako."Ewan ko sa'yo"Ang tanging naisagot ko sa sinabi niya.