Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 12 - Sincere

Chapter 12 - Sincere

Matapos akong nakapaglinis sa faculty ay pagod na pagod akong umakyat pabalik ng room dahil gustong-gusto ko munang umidlip. Pakiramdam ko na kasi ay parang hahandusay na ako sa kahit anong sandali.

Hindi parin nagigising si mama nung umalis ng ospital kaninang madaling araw. Mabuti na lang at maagang dumating ang tiyahin ko para mabantayan siya.

Ang dalawa kaagad ang sumalubong sa akin nang pagdating ko sa fourth floor.

"Are you dead?" Ang salubong na tanong ni Noah sa akin. Itinuro ko naman ang mga mata ko para ipakita sa kanila.

"Obvious ba? Wala akong tulog. Idlip muna ako, ha?" Sabi ko sabay tapik sa mga balikat nila bago tumalikod at pumasok na sa room namin.

Dumiretso kaagad ako sa upuan at inihilata ang ulo ko sa desk. Napansin kong sumunod pala sila papasok sa akin kaya sinabihan ko na si Noah na gisingin ako paglipas ng isang oras dahil babalik pa ako sa office ng principal dahil may pinasa akong letter of solicitation.

Kakapalan ko na ang mukha ko na humingi ng tulong dahil kakailanganin ko ng sapat na pera para sa therapy at mga gamot na kailangan ni mama.

Paggising ko ay bumangon na kaagad ako at nag-ayos. Nagpaalam kaagad ako sa kanilang dalawa at sinundan naman na ako ni Elthon dahil sasamahan niya raw ako sa solicitatation.

Mabilis kaming natapos sa dalawang year ng junior high kaya nag-aya na muna siyang kumain kami. Tatanggi pa sana ako dahil inaalala ko na yung ibibili ko na lang ng pagkain ay itatabi ko na lang sana para sa gastusin ni mama pero pinilit niya parin ako at nilibre.

Pagkatapos naming kumain ay sunod na naming pinuntahan ang dalawang year na natitira sa junior high. Kahit parang mahihilo na ako sa pagpapasalamat sa mga teachers ay pinilit ko parin ang katawan ko na gumalaw.

Papunta na kami sa building ng senior high nang may tumawag sa amin. Hindi na ako lumingon at huminto muna saglit dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako dahil sa init ng panahon.

"Anong ginagawa niyo?" Napalingon kaagad ako sa nagsalita.

Kahit kailan talaga ay hindi ko mapipigilan ang pangingialam niya sa buhay ko. Hindi ako sumagot dahil wala na rin akong enerhiya para kausapin siya.

"Solicitation... Kailangan kasi ni Rianne" Sagot ni Elthon sa kanya.

Bigla naman siyang natawa.

"Are you that poor to ask for money from the students in this school?" Nangungutyang tanong niya.

Kahit pagod na pagod na ako ay hindi ko mapigilang hindi sumagot.

"Bakit? Masama bang humingi ako ng tulong? Atsaka kung ayaw mong magbigay ede huwag!" Sumbat ko sa kanya.

Hindi ko na pinakinggan ang sagot niya dahil hinila ko na si Elthon para makaalis at maipagpatuloy ang pangongolekta namin.

Napahinga na ako ng maluwag nang makaabot kami sa floor namin. Nakiusap kaagad ako sa mga teachers tungkol sa solicitation ko at pumayag naman kaagad sila hanggang sa makaabot kami sa mismong room namin. Napasulyap pa ako sa lalagyan ng pera na hawak ni Elthon.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil naalala ko ang mga nagbigay ng mga tulong sa amin. Binigyan din kami ng ibang mga teachers kaya nagpapasalamat ako ng sobra sa eskwelahan namin.

"Guys, settle down..." Panimula ko nang makapasok at pinaupo silang lahat.

"You're already here?" Tanong kaagad ni Lara nang nasa harapan na ako. "You've already got some money from the other years. Why did you continue your limos here?" Pakiramdam ko ay parang sasabog na ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

Hindi ko na pinansin at binasa na agad ang solicitation letter ko sa harapan nilang lahat. Nakita ko kaagad ang pagkabigla ng mga kaklase ko nang marinig ang binasa ko.

"Nasa sa inyo lang guys kung gusto niyo lang naman magbigay. Hindi ko naman kayo pinipilit pero salamat sa kung ano man ang mabibigay niyong tulong sa amin ng pamilya ko" Nahihiyang salita ko sa kanila pero hindi ko inaasahan na lumapit kaagad sila kay Elthon at nagsimulang magbigay.

Sinusubukan kong hindi maiyak sa pagkakataong 'yon. Dala na rin siguro ng pagod. Nahihiya pa ako nang biglang malalaking bills ang ipinasok sa lalagyan ng mga ibang kaklase ko.

"Huy, baka wala na kaong allowance n'yan" Nag-aalalang paalala ko sa kanila na ikinangiti lang ng iba sa kanila at sinabihan pa ako na okay lang daw sa kanila.

Idinaan ko na lang ang lahat sa pasasalamat at bumalik muna sa upuan ko. Tinatapik-tapik pa ako ng iba at tinatanong kung okay lang ako. Halatang-halata na siguro sa mukha ko ang pagod.

"You could have told us" Bungad ni Noah sa akin.

"Reyn, get well soon sa mama mo" Singit ni Leila na nginitian ko at nagbigay ng thumbs up sa kanya.

"Hindi ko na nasabi sa inyo. Alam niyo naman na sobrang busy ko kanina..." Dahilan ko para sa kanila. "Salamat nga pala sa mga bigay ninyo. Ang laking tulong na sa akin at kay mama" Sabi ko dahil isa sila sa mga malaking pera ang ibinigay sa amin ni Elthon.

"Pwede bang sumama kami mamaya sa pagbisita mo sa mama mo?" Tanong ni Paul na tinanguan ko nalang muna dahil naiidlip na talaga ako.

Nang mag-uwian ay nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo nila Elthon. Sinabihan ko muna ang president namin na hindi muna ako aattend ng kahit ano sa student council ngayong linggo dahil magbabantay ako sa ospital pagkatapos ng uwian.

Medyo tahimik na ang school nang magkasalubong na naman kami ni Lara sa may hagdan papunta ng room. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa at nagpatuloy sa pag-akyat. Akala ko ay hindi niya na ako tatawagin nang pinahinto niya ako.

"Hey, I wanted to talk to you..." Tumingin ako sa kanya at naghintay ng susunod niyang sasabihin. Halatang nag-iisip pa siya ng sasabihin kaya tumingin na ako sa relo ko.

"Pwede bang ipagpabukas na lang natin kung ano man 'yang sasabihin mo ha? Kailangan ko na kasi talagang umalis" Sabi ko sa kanya at mabilis na umakyat pabalik ng room.

Hindi ko na pinansin ang mga pagtawag niya sa akin dahil alam kong naghihintay na sila Paul sa akin.

Nang mabuksan ko ang kurtina kung nasaang kama si mama ay napangiti ako nang maabutan ko siyang gising. Gising na siya pero nanghihina parin.

Ipinakilala ko naman kaagad sa kanya sila Paul at Noah bilang mga bagong kaibigan ko at napangiti nang makapag-usap sila nila Elthon at Paul.

Pumunta na muna ako sa pharmacy kasama si Noah para bilhin ang mga gamot na nireseta ng doctor sa amin nang magsalita si Noah.

"You're mom is pretty..." Bigla niya na lang salita. Natawa naman ako.

"Saan nanggaling 'yan?" Natatawang banggit ko.

"Wala. I just said it out of nowhere" Pagtatapos niya kaagad sa usapan.

Nang makabili kami ng mga gamot ay bigla akong napahinto dahil bigla akong nahihilo kaya napaupo na muna ako sa malamig na baka na upuan ng ospital.

"Hindi ka kumain kanina?" Concern na tanong niya sa akin at hinawakan ang noo ko.

"Kumain... Nilibre ako ni Elthon kanina" Sagot ko at napamasahe sa noo ko nang maitanggal ang kamay niya. Natahimik siya saglit.

"You're too strong for a woman. Kanina ko pa nakikita na pinipilit mo nalang gumalaw para makapunta dito..." Hindi ako makaimik sa sinabi niya.

Mas lumala ang pakiramdam ko kaya wala na akong nagawa kung sumandal muna at makapagrelax kahit saglit.

"Wala eh... Alangan naman na hindi ako humanap ng paraan? Eh, ako lang ang meron ang mama ko ngayon..." Pinapangunahan na ako ng emosyon ko dahil sa nararamdaman kong pagod. "Sino ba naman ako para magreklamo? Wala namang magagawa ang reklamo ko sa buhay. Atsaka hindi rin naman ako mababayaran ng mga reklamo ko..." Salita ko habang sinusubukang hindi umiyak.

"Kaya nga sabi ko ang lakas mo..." Sagot niya sa akin. "Do you know why Paul and I decided to be your friend?" Tanong niya nang sumisinghot na ako at nakatingin sa kanya. Tumawa pa siya ng mahina.

"We're both amazed by you... You're not even afraid of everything" Paliwanag niya na ikinangiti ko.

"Galing ko 'no?" Sabi ko sabay nagpupunas ng mga luha ko.

Inaamin ko sa sarili kong proud na proud ako sa kung ano man ako ngayon. Proud ako na kahit ano man ang mangyari ay gagawa at gagawa ako ng paraan para maging matatag.

Hindi ko na napigilang mapahikbi habang tumatawa.

Nagpalipas oras lang kami saglit dahil hindi ko na napigilang hindi humikbi kanina. Dala na rin siguro sa lahat ng pagod ko ngayong araw.

Kinabukasan ay pumasok ulit ako dahil kailangan na naming magpapirma ng mga clearance namin. Iniiwasan ko parin si Lara dahil wala akong balak na guluhin siya lalong lalo na ngayon na wala parin akong sapat na tulog.

Nagdesisyon akong pumunta ng rooftop para sana magpahangin dahil medyo makulimlim at mahangin ngayon nang hindi ko alam na nakasunod pala siya sa akin.

"Are you avoiding me?" Tanong niya kaagad sa akin ng kaming dalawa nalang.

"Obvious ba?" Balik ko sa kanya.

Umikot lang ang mga mata niya kaya tumalikod na ako nang nagsalita siya.

"I felt so stupid yesterday... Gusto ko lang humingi ng sorry... I-I didn't mean what I said, not when it's for your mom's health..." Lumingon ako sa kanya pero hindi niya sinalubong ang mga tingin ko. "I'm ashamed and I'm sorry... It's okay if you don't want to forgive me because I hate you... T-That's the truth and you possibly hate me too, right? But the hate I have for you is for you alone and not for any of your loved ones... I hope you can understand that..." Dagdag niya.

Hindi ko gaanong maproseso ang mga sinabi niya pero nagawa ko parin siyang sagutin.

"I do not feel any hate for you... Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. Aaminin ko naiinis lang ako kapag napupuna mo ako pero hindi ako magtatanim ng galit sa'yo. Ang kulit mo lang din kasi..." Nakaismid kong sisi sa kanya na totoo naman.

Tumingin siya sa akin at hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga ngiting ibinigay niya.

"That's what I thought... Again, I'm so sorry and I hope your mom will be okay soon..." Huling sabi niya bago tumalikod sa akin at naglakad papaalis ng rooftop.

Napatingin ako sa langit. Mukhang uulan pa yata.

Hindi ko gaano naintindihan ang naging pag-uusap namin ni Lara pero at least this time ay sincere ang sorry niya.