Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 11 - A Problem

Chapter 11 - A Problem

"Ano? You're not going to talk?"Hindi ako makapili ng salita na isasagot sa kanya kaagad dahil iniisip ko kung paano ko lulusutan ang sitwasyon na ito nang hindi niya ako mamasamain ng todo."Nagtanong lang ako kay Keirra..." Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil 'yon lang ang tanging nailabas ng bibig ko."Why are you even talking to her? Hindi naman kayo magkaibigan" Kahit kailan talaga umiiksi ang pag-unawa ko pagdating sa babaeng 'to."Nakiupo lang siya sa akin kaya kinausap ko, okay? Aba, hindi ko naman alam na masama na palang makipag-usap sa classmate mo?" Pabalang tanong ko sa kanya.Hindi ako aalis sa upuan ko kaya nagpatuloy akong kumain. Alam ko namang aalis rin siya kapag wala na siyang masabi sa akin."Bakit ba lagi kang nang-aagaw ng kaibigan? First, sila Noah and Paul. Now, you're starting to steal Keirra too. You're a witch!" Nanggigil na siya habang sinasabi ang lahat ng 'yon.Ito talaga ang hindi ko gusto sa babaeng 'to. Ang eskandalosa.Pinagtitinginan na kaagad kami ng mga tao sa canteen dahil sa kanya."Hindi ko na kakausapin si Keirra para sa ikakapanatag ng loob mo, okay na ba?" Nagpipigil sa inis kong negosasyon sa kanya."Lara, it's enough. She's not doing something wrong" Pagsingit ni Keirra sa aming dalawa."This witch! I don't really like her from the start. Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya na naman sa akin.Hinila na kaagad siya ni Keirra papaalis. Ang apologetic pa ng mukha ng kaibigan niya sa akin habang papaalis sila.Hindi ko talaga maiproseso hanggang ngayon kung bakit magkabigan silang dalawa ng babaeng 'yon.Bigla naman akong nakatanggap ng text message kay Paul at Noah na bilhan sila kamo ng tubig at konting pagkain dahil tinatamad na silang pumunta dito sa canteen. Ichineck ko pa kung may pera pa ako dahil baka hindi kasya sa ipinapabili nila.Bumili ako ng dalawang malaking bote ng tubig at mga biskwit para sa kanilang dalawa. Dumiretso na kaagad ako sa gym ng school para ihatid ang mga binili ko para sa kanilang dalawa. Naabutan ko naman silang nagpapahinga sa may bench at mga pawis na pawis."Ang dugyot niyo" Biro ko sa kanilang dalawa nang dumating ako. Iniabot ko kaagad ang plastik na may laman na tubig at pagkain."Thanks...." Sabi ni Noah na kinuha kaagad ang tubig.Kumuha na rin si Paul at iniabot sa aking ang bayad nilang dalawa."May practice pa kayo?" Tanong ko at napaupo narin sa bench."Break for 30 minutes kami..." Sagot kaagad ni Paul. "May nangyari daw sa canteen kanina?" Tanong niya. Ang bilis naman yata ng balita para umabot sa kanila kaagad."Nag-usap lang kami ni Lara..." Sagot ko sa kanila pero parang hindi sila kumbinsido. "Seryoso talaga. Nag-usap lang kami tapos medyo sumigaw si Lara, ayon lang..." Pagsasabi ko ng totoo."She's getting annoying every time..." Komento ni Noah."Kaya nga huwag niyo na lang kausapin, baka mas magalit sa'kin ng todo 'yon" Paalala ko sa kanilang dalawa.Napabuntong hininga naman si Paul at napasandal habang si Noah ay tahimik lang na umiinom ng tubig niya nang matanaw ko ang pagdating ng tao na kani-kanina lang ay pinag-uusapan naming tatlo.Kumaway kaagad siya sa dalawa kong kasama lalong lalo na kay Noah. Kitang kita ko naman kung paano siya umirap nang nakita niya akong kasama nila. Nag-iwas na lang ako ng tingin."Are you still practicing?" Tanong niya agad kay Noah nang makalapit siya sa amin. Kasama niya si Keirra na nasa likod niya at mahinang kumaway sa amin."We're on a break...." Tanging sagot ni Noah sa kanya.Hindi na siya nagdalawang isip na tabihan agad si Noah habang kami naman ni Paul ay nakikinig lang at pinaupo rin namin si Keirra."Why did you buy water? I have my water pa sa room. You should have told me..." Maarteng sabi niya.Nagkatinginan kaming dalawa ni Paul at parehong napatingin sa isa't-isa. Pasikretong nangungutya."We should hang out later, gusto mo? Isama na natin si Paul if you want?" Suhestiyon niya sa lalaking hindi man lang siya tinitingnan."I'm busy... May pupuntahan ako mamaya" Tipid na sagot ni Noah ulit sa kanya.Kinakausap niya pa si Noah kaya kaming dalawa ni Paul ang nagkukulitan muna. Isinali na rin namin si Keirra sa mga kalokohan namin na halatang walang kaalam-alam sa pinaggagawa namin.Nang tinatawag na silang dalawa para bumalik sa court ay niligpit ko na ang gamit nilang dalawa dahil aalis na rin ako."So, yaya ka na pala nilang dalawa?" Narinig ko na namang salita ni Lara. Hindi yata talaga ako tatantanan ng babaeng 'to.Nagmadali na akong ligpitin ang kalat at mga gamit nila para makaalis na kaagad. Nang matapos ay mabilis na akong naglakad papalayo dahil mauubusan ako ng bait kapag nagpatuloy pa akong makipag-usap sa babaeng 'yon.Wala na naman kaming klase sa mga subjects namin dahil malapit ng matapos ang school year at kung meron man ay madalas binibigyan lang kami ng mga assignments at activities na gagawin dahil napapagod na rin ang mga teachers na magturo lalo pa at sobrang busy nila kapag mga ganitong panahon.Pabalik na ako ng building namin nang makita ko si Elthon na nakasandal sa pader habang nakahawak sa dibdib niya. Bigla akong natakot kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik at tumakbo na kaagad papunta sa kanya."Elthon!" Hinawakan ko agad ang mga braso niya nang napansin kong halos hindi na siya makatayo.Dahan-dahan ko siyang pinaupo at sinamahan siya sa paghinga gaya ng dati naming ginagawa kapag ganitong nakakaramdam siya ng pananakit sa dibdib niya."Ano, okay ka na ba? Kaya mo na huminga ng maayos? May kailangan ka o ano?" Tanong ko sa kanya nang kahit papaano ay nahimasmasan na siya. Binigyan niya naman ako ng mahinang ngumiti at malakas na napabuntong hininga."Buti na lang ikaw lang ang nakakakita sa akin kapag nasa ganitong sitwasyon ako" Sabi niya na nakahawak parin sa dibdib niya sabay mahinang tinatapik ito.Mahinang hinampas ko ang braso niya na nagbibirong ikinareklamo niya sabay tawa."May panahon ka pa talagang magbiro?" Inis kong sabi sa kanya. "Ano kaya mo na umakyat? Sumabay ka na nga sa akin" Inis na sabi ko at dahan-dahan siyang itinayo sabay ipinaakbay sa akin atsaka hinawakan ang bewang niya."Para naman tayong galing sa rambulan nito" Komento niya habang papaakyat kami."Iiwan talaga kita dito, kita mo" Banta ko sa kanya na mahina niyang ikinatawa.Sinamahan ko na muna siya sa upuan niya at pinagpahinga. Nag-aalala ako kapag ganitong sumasakit ang dibdib niya. Itinext ko na rin ang kuya niya para sabihin ang kalagayan niya. Mas gusto niya kasi na ang kuya niya lang ang may alam sa mga nangyayari sa kanya. Naiintindihan ko naman din dahil ayaw din niyang mag-alala ang mga magulang niya.Nang dumating ang uwian ay kanya-kanyang nagpaalam sa akin sila Noah at Paul habang napagdesisyonan ko na rin na magkasabay na muna kaming uuwi ni Elthon. Malapit lang naman din ang bahay nila sa amin at madadaanan niya lang kapag uuwi siya.May araw pa nang nakauwi kami kaya mabagal kaming naglakad at nagkwentuhan sa daan. Matagal din kasi kaming hindi nakakapag-usap gaya ng dati."Kamusta naman si Mama mo, Reyn?" Tanong niya sa akin.Naalala ko naman na mas dumadalas ang pag-ubo ni mama nitong mga nakaraang araw. Pinagsasabihan ko naman din siya na huwag ng araw-araw tumanggap ng labahan dahil mas lumalala na ang pag-ubo niya sa napansin ko."Inuubo nga 'yon nitong mga nakaraan eh. Ba't mo natanong?" Nagtatakang sabi ko."Nakita ko kasi last week habang papasok ako ng school. Umuubo-ubo siya na parang nahihirapan huminga. Binigyan ko pa nga siya ng tubig..." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya."Kaya nga... Pinagsabihan ko na naman siya na sana hindi muna siya tumangggap ng labada ngayong linggo" Nag-aalalang sabi ko.Papalapit na kami sa bahay pero nagtataka ako dahil ang tahimik ng paligid. Kadalasan kasi kapag ganitong oras ay naabutan ko si mama na nagwawalis sa harapan ng bahay namin.Hindi ko maipaliwanag pero bigla akong kinutuban kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng gate namin. Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw nang madatnan ko siyang nakahandusay sa may bandang halamanan namin"Ma!!!" Gulat na gulat kong sigaw at tumakbo papunta sa kanya. Ibinangon ko kaagad siya at iniharap sa akin.Nanginginig na ako pero pinapanatili kong maging kalmado. Sinigurado ko kaagad na tingnan ang pulso niya kahit na masyado akong kinakabahan. Medyo napawi ang panginginig ko nang masiguraadong may pulso pa nga siya.Niyuyog-yog namin siya ni Elthon pero hindi siya gumigising"Ma, gising!" Desperadong sabi ko sa kanya na hanggang ngayon ay hindi nagmumulat ng mga mata.Nang hindi talaga siya umimik ay binuhat na siya ni Elthon at nagdesisyon na kaming sumugod sa ospital.Buong gabi akong nakabantay kay mama habang pinakiusapan ko muna si Elthon na patuluyin muna ang mga kapatid ko sa kanila. Ang sabi ng doctor may pneumonia raw si mama.Pinagalitan pa ako dahil bakit daw pinalala pa namin ang pag-ubo niya at hindi man lang napainom ng gamot. Itinext ko na rin ang kapatid ni mama para may magbantay sa kanya bukas dahil kailangan kong kumita ng pera.Hindi ako makatulog kahit anong gawin ko dahil pinoproblema ko ang magiging gastusin namin. Naisip ko na kailangan ko munang gamitin ang mga naipon kong pera at mangutang bukas dahil kukulangin ang pera ko bilang pambayad dito sa ospital.Napatingin ako kay mama na natutulog na may suporta ng oxygen tank sa paghinga niya. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay sobrang tanga ko bilang anak dahil hindi ko man lang napansin na nahihirapan na pala siya.Nanlulumong napaupo ako dahil sa nangyayari ngayon.