Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 5 - Love Team

Chapter 5 - Love Team

"Noah... I've been looking for you"

Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa pagkakasabi niya. Binawi ko kaagad ang kamay ko kay Noah bago niya pa man makita. Lumapit siya sa amin.

"Nag-usap lang kami. Anong prob-" Pintuol niya si Noah at tumingin sa akin.

"Anong pinag-usapan niyo?" Biglang tanong niya sa akin.

"Wala lang. Nag-sorry lang siya hindi kagaya ng isa d'yan" Mahinang sabi ko.

"You're weird...." Parang nandidiring salita niya sa akin.

Kinuha ko na lang ang bag ko para umalis bago pa ako mapaaway.

"Saan ka pupunta?" Pagharang ni Lara sa akin.

Ang hirap rin ng common sense ng babaeng 'to. Hindi nakakaintindi.

"Lubog na ang araw. Wala ng tao. Ano sa tingin mo? Mukha ba akong magka-camping dito?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Noah habang si Lara ay halatang inis na inis na naman sa akin.

"I'm asking you nicely. You should have answered nicely too" Hindi na ako makapaniwala sa sinasabi niya kaya nauna na akong lumabas ng room sa kanilang dalawa.

Naghihintay ako sa kanila na lumabas habang hinahanap ko ang susi para mai-lock na ang room.

"Lalabas kayo o ila-lock ko kayo d'yan?" Tanong ko sa kanila.

Inikutan lang ako ng mata ni Lara at sumunod kay Noah.

"Let's go" Sabi ni Noah kaya ini-lock ko na ang pinto at nagdouble check nang makita kong parang hinihintay niya ako.

"You said let's go. Tara na?" Singit ni Lara.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko" Hindi ko napigilang tumawa at tiningnan ang pagkabigla ni Lara dahil sa sinabi ni Noah.

"Okay na..." Pinipigilan ko ang pagtawa. "Doon na ako dadaan para mas malapit sa gate" Hindi parin ako maka get over sa eksena.

"How about ihatid ka nalang namin ni Paul? Saan ba ang bahay mo?" Tumingin ako kay Lara na at napansin na siya naman ngayon ang hindi maipinta ang mukha.

"Hindi na. Malapit lang naman yung bahay namin dito. Maglalakad na lang ako" Sabi ko pero hindi siya tumigil at inaya pa ako ulit.

"I insist. It's getting darker. Baka kung mapano ka-"

"Sshh...." Pagputol ko sa kanya. "Uuwi na ako. Kitakits na lang bukas" Sabi ko at tumalikod na sa kanilang dalawa.

"Why do you have to ask her?" Dinig na dinig ko ang iritableng boses ni Lara sa buong hallway.

"Why not?" Tanong naman ni Noah.

Nagdadabog na yapak pababa ang huling narinig ko habang pababa narin ako ng hagdan. Hindi ko maiwasang hindi matawa.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para tumulong sa pagset up ng stage para sa first day ng program sa Friday. Nagdadalawang isip man akong umakyat sa kahoy na hagdan para magsabit ng mga ide-decorate ay ginawa ko na dahil wala ring may gustong umakyat.

Syempre nakaalalay rin sila sa baba para hawakan ng mahigpit ang hagdan at baka mahulog ako. Mataas pa naman ang kababagsakan ko kapag nagkataon.

"Isa pa" Sabi ko habang naghihintay ng isasabit na ginawa naming decoration. Nakatingin lang ako sa taas at tinitingnan kung pantay ba o nasa ayos ang lahat.

"Here..." Nagulat ako sa buong boses na nagsalita kaya napatingin ako pababa.

Si Ryde. 

Napatitig pa ako sa kanya nang iniabot nito sa akin ang isa sa mga decoration.

"Hi..." Biglang sabi niya bago ngumiti sa akin dahilan para mabigla ako.

Agad kong hinablot ang bulaklak mula sa kanya at nagkunwaring nag-iisip kung saan ilalagay ito pero ang totoo ay natameme ako saglit.

Ang gwapo!

"Ano ba naman 'yan! Pati dito may love team!" Napatingin ako sa nagsalita.

Si Liza, ang secretary ng student council. Nagkatinginan pa ulit kami ni Ryde pero umiwas kaagad ako ng tingin nang umingay ang stage dahil tinutukso na kaming dalawa. Natahimik tuloy ako hanggang sa natapos kami.

As usual pabalik na naman ako ng room para sa klase namin nang naabutan ko silang naglalaro ng truth or dare. Karamihan sa mga naglalaro ay ang mga babae naming classmates. 

Huminto ang bote sa tapat ni Lara. Hindi ko alam kung saan sila nakakita ng boteng gamit nila ngayon pero pinanuod ko na lang sila.

"Truth or dare, Lara?" Tanong ng kaklase kong si Gale.

"Truth..." Nakasmile na sagot niya.

"Okay... Ito gusto ko talaga 'tong itanong sa'yo" Naintriga naman ako kaya mas lumapit ako sa kanila.

"Spill it..." Confident niyang sagot.

"Anong meron sa inyo ni Noah?" Naghihintay kaming lahat sa magiging sagot niya nang bigla siyang ngumiti ng pagkalaki-laki.

Nagawi ang tingin niya sa direksyon ko at bigla nalang siyang tumigil sa pagngiti. Umikot na naman ang mata niya. 

Naghihintay lang naman ako ng sagot. Ano na naman ang ginawa ko?

"We're kind of a thing..." Kinikilig na sabi niya sa mga classmates namin habang ako ay nandiri bigla at bahagyang tumawa nang maalala ko ang nangyari kahapon.

Nagtilian ang mga kasama niya sa laro kaya umalis na ako dahil sa ingay nila. Nang makaupo ay may tumapik sa likod ko. Si Paul.

"Okay na kayo?" Nakangusong turo niya kay Noah.

"Yata? Depende kung hindi ako aawayin ulit nito" Sabi ko naman sabay tingin kay Noah na nakikinig saming dalawa.

"We have a deal" Sagot naman niya kay Paul.

"Let's celebrate the world peace!" Biro ni Paul kaya napatawa kaming pareho ni Noah. "Hindi. Totoo, ayaw niyo? Libre ko!" Nagtataka ako bigla sa kanila.

"Anong libre?" Naguguluhan kong sambit sa kanya.

"I'm inviting you to hang out with us mamaya pagkatapos ng klase" Anusyo niya sa 'kin.

"Yeah. Why don't you come para makabawi rin ako" Saad ni Noah.

Nagdadalawang isip ako na sumama dahil kailangan namin maglinis ng ofice ni Ma'am Celine mamaya ng kapatid ko.

"Kayo na lang. May kailangan akong gawin mamaya eh" Pagtanggi ko sa kanila.

"Hinatayin ka nalang namin para tuloy tayo mamaya" Pagpupumilit ni Paul.

"Hindi talaga eh. Kasama ko kasi ang kapatid ko" Sabi ko para matigil na sila.

"Are you worried about coming with us? Kasi mga lalaki kami?" Pagsingit ni Noah.

"Medyo. I mean, bago palang tayo nagkakilalang tatlo" Pagpapakatotoo ko sa kanila.

"Imbitahin ko nalang din si Aiza atsaka si Leila. Ano game? Invite mo na rin si Elton" Nag-iisip pa ako ng isasagot nang biglang sumingit si Lara sa usapan naming tatlo.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Nakaharap siya kay Noah.

"We're planning to hang out" Tipid na sagot ni Noah sa kanya.

Natatawa talaga ako everytime na nag iinsist si Lara. Para bang deserve niya ang rejections na parang hindi na natatanggap niya galing kay Noah.

"Where? Sama ako" Bigla siyang humawak sa braso ni Noah at nagpa-cute.

Bigla namang dumaan si Gale sa harap namin at nakita ang pinaggagawa niya.

"Tingnan mo nga naman. Layag na layag ang love team natin dito oh!"

Umingay bigla ang room sa panunukso sa kanila. Nahihiyang pinapatigil naman ni Lara ang mga kaklase namin kahit halata namang gustong-gusto niya.

Nahagip ng mga mata ko ang mukha ni Noah na wala man lang reaksyon sa nangyayari sa paligid niya. Hindi ko napigilang hindi tumawa ng mahina at mas natawa pa ako nang lumingon ako kay Paul na napailing na lang.

Sinaway ko naman ang lahat na huwag masyadong lakasan ang ingay nila kaya nang medyo nawala na ang ingay nila ay bigla na naman ako ang naging paboritong punain ni Lara.

"Hey, I want to talk to you" Mahinang hinila niya ang braso ko na nagpainit ng ulo ko. "I'll be just kind because Noah told me that I should apologize to you. So sorry. Sorry for what I did and just forgive me already" Mandar niya sa akin na hindi ko napigilang magpigil ng inis.

Hindi ako tumatanggap ng mga fake apology lalong lalo na kung galing sa mga taong kagaya niya.

"Stop..."Pagtigil ko sa kanya. "I'm not going to say sorry for this but I can't accept your apology kung ganito ka mag-sorry. You're doing it publicly just to be on the good side. Tama ako hindi ba?" Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Isang sincere na sorry lang naman ang kailangan ko sa'yo pero hindi mo nagawa. Hindi na din ako nag-expect dahil alam ko naman na hindi mo kaya. Hindi ako tumatanggap ng pekeng sorry" Sabi ko bago tumayo at pumunta sa may water dispenser namin para kumuha ng tubig.

Tinitingnan ko siya pero wala siyang naging ibang reaksyon kung hindi ang tumayo at umalis.

Napatingin ako kay Paul na napa-thumbs up habang si Noah ay ngumisi sa akin.