Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 9 - The Offer

Chapter 9 - The Offer

"Aray! Dahan-dahan naman po"

Impit na reklamo ni Paul habang ginagamot ang sugat niya sa likod.

Kaya pala todo inda siya sa likod niya kanina kasi medyo malaki rin ang sugat niya. Mabuti nalang at hindi naman umabot sa buto ang pagbagsak niya sa mga paso.

"May cream ako dito para sa mga pasa mo, hija. Ikaw na lang muna ang maglagay dahil tatapusin ko pa 'tong pagliliinis ng sugat sa kaibigan niyo" Sabi ng school nurse sa akin.

Tumayo muna siya at may kinuha sa drawer at pagkatapos ay iniabot sa akin ang cream na sinasabi niya.

"Saan ba kasi kayo nagsusuot-suot?" Naguguluhang bigkas niya habang nagpapatuloy sa paggamot kay Paul.

Napatingin ako sa kanya na pinagpapawisan at nakakagat sa labi niya habang iniinda ang hapdi habang nililinis ng nurse ang sugat niya. May nakita akong bimpo kaya lalapitan ko sana siya para punasan ang pawis niya nang nagsalita siya.

"Unahin mo muna yung braso mo" Pagpigil niya sa akin.

Napalingon naman ako kay Noah na napahawak sa blouse ng uniform ko.

"Upo..." Sabi niya na sinunod ko naman. "Treat your bruises first" Sabi niya at inilabas mula sa karton ang cream bago ibinigay sa akin.

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang muna sa kanila.

"Ayan, okay na. Magpahinga na muna kayo dito. Aalis na muna ako pero babalik ako mamaya para icheck kayo, lalo ka na..." Pagturo niya kay Paul. "Baka may masakit pa sa'yo. Mabuti nang sigurado tayo" Tumango kaming tatlo at ilang sandali lang ay umalis na ang nurse sa clinic.

Bigla namang natahimik ang buong silid. Walang umiimik sa aming tatlo kahit isa. Humiga na muna ako at tumalikod sa kanilang dalawa. Nahihiya pa ako dahil namamaga pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

Narinig ko naman ang pagtunog ng kabilang kama kaya napalingon ako.

"Uh... CR muna ako. I'll be quick" Walang kwentang pagbasag ni Noah sa katahimikan na meron kaming tatlo.

Hindi ko napigilang mapalingon kay Paul nang nahuli kong nakatitig na pala siya sa akin. Hindi siya nakapagpigil at siya na ang naunang magsalita sa aming dalawa.

"Iyakin ka pala, 'no?" Una-unang tanong niya na ikinairap ko.

"Ang clumsy mo pala, 'no?" Pagbawi ako agad sa sinabi niya.

Anong akala niya magpapatalo ako?Bigla siyang humalakhak.

"May sagot ka talaga sa lahat, 'no?" Tanong niya ulit na ikinataas ng kilay ko at napakrus ang mga balikat.

"Malamang. Ang talino ko kaya" Proud na sabi ko sa kanya nang mas tumawa siya.

Bumubusangot na ang muka ko dahil sa pagtawa niya sa lahat ng sinasabi ko.

May saltik yata ang lalaking 'to eh.Maya-maya pa ay tumigil siya sa pagtawa at sumeryoso ang tingin sa akin.

"Sorry, kanina Rey... I swear, I'm sorry for my dad's attitude earlier" Nakokonsensyang sabi niya sa akin.

"Huwag kang mag-alala hindi naman ako mahilig magtanim ng sama ng loob sa mga taong may atraso sa akin kaya wala na 'yon" Seryosong sabi ko sa kanya nang bigla namang bumalik si Noah.

"I saw your dad on the way here. Hindi ko nalang pinatuloy dito" Anunsyo niya sa aming dalawa ni Paul.

Akala ko sa CR lang ang punta niya nang napansin kong may mga inumin at pagkain siyang binili.

"Thanks bro...Nabigla din ako sa inasta niya kanina kay Rianne eh" Sabi ni Paul.

"He misunderstood everything..." Salita niya habang binubuksan ang mga pagkain at inabot kay Paul at sa akin. "Don't worry, I already told him what really happened" Sabi niya sa akin.

Naexplain niya man ang lahat o hindi kay Sir Ocampo ay walang magbabago. Hindi parin naman ako makakatanggap ng sorry mula sa mga taong kagaya nila.

"I already excused the three of us for the whole day. I kinda lied that both of your injuries were needed to stay here and that you need my help" Napaawang ang bibig ko sa lahat ng sinabi niya.

"Naniwala si Ma'am Lou sa lahat ng pagsisinungaling mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Anong gagawin ko? I lied for a cause" Nagmamalaking sabi niya bago kumain ng binili niya.

"Proud ka pa talaga?" Tanong ko.

"Malamang. I saved both of you from troubles. No need to thank me" Nakafocus sa pagkain niya habang sinasabi niya lahat ng 'yon.

"Ang galing talaga ng best friend ko!" Pagpuri naman ni Paul na nakapagpangiti sa kanya.

Hindi makapaniwalang napahiga ako dahil napapagod na rin ang utak ko dahil sa mga nangyari. Itinabig ko na muna ang ibinigay niyang pagkain at napatitig sa kisame.

"If you're not going to eat that then I should charge you" Pambabanta niya sa akin.

Mabilis akong bumangon at binuksan ang mga pagkain na itinabig ko kanina. Ang bilis naman magbago ng isip nitong lalaking 'to.

Maliit talaga ang kaligayahan ni Paul dahil nakatawa na naman kaagad siya dahil sa akin. Nagmamaktol pa ako na habang kumakain nang bigla na naman siyang nagsalita.

"We should hang out more..." Biglang komento ni Paul habang kumakain kaming tatlo.

"Look... It's fun whenever we're with you" Naguguluhan na ako sa sinasabi niya.

"Oo nga... Pwede mo rin kaming turuan ng mga kung anu-ano kung gusto mo" Pagsingit ni Paul na mas lalong ikinagulo ng utak ko.

Gaano ba ako ka-bad influence sa mga utak ng mga lalaking 'to?

"Anong makukuha ko sa pagsama sa inyo?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ba obvious? We're gonna be friends" Sagot ni Noah na nakapagpatigil sa akin.

"Pass. Ayoko sa inyo-" Pinutol niya kaagad ang sasabihin ko.

"You said you don't even have friends"Parang may kung anong sumuntok sa pride ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako kaagad nakapagsalita pero sinubukan kong bumawi.

"Anong akala niyo sa akin? May kaibigan ako 'no" Pagdadahilan ko.

"Sino?"

"Si Elton at Leila" Proud na sagot ko.

"They weren't even hanging out with you"

Sa puntong 'to ay parang may naririnig na akong nabasag sa kaloob-looban ko.

"Ano bang trip niyo? Seryoso ba talaga kayo d'yan?" Hindi ko mapigilang maitanong.

"We're not that bad to make fun of you. We're just offering you friendship, right Paul?"

Para namang batang tumango-tango si Paul habang ngumunguya. Nanliliit ang mga mata ko habang tinitingnan silang dalawa.

"Kung makatingin ka sa amin para naman kaming may masamang balak" Tuloy-tuloy niyang pagtatagalog.

"Masisisi mo ba ako? Eh, nung mga nakaraan lang inaaway niyo pa ako"

"Look. I really mean what I said. I have no other intentions but to be your friend. It's fun being with you and not boring at all" Napathumbs up si Paul.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Napahiga ako ulit habang nakahawak sa tinapay na kinakain ko kanina para iproseso ang lahat sa utak ko.

"Bahala nga kayo..." Tanging sabi ko bago bumangon ulit at nagpatuloy sa pagkain.

"Yes!" Nakangiting sabi ni paul na agad ring nabawi dahil sumakit ang sugat niya.

Nagulat pa ako nag biglang iniabot ni Noah ang phone niya.

"Put your number there and send a text to your number. So you can save mine as well" Hindi pa siya nakontento at nag-abot pa ulit ng isang phone. "Do the same thing to Paul's phone" Utos niya sa akin.

Pagod na pagod na yata talaga ang utak ko dahil wala na akong nagawa kung hindi sundin ang mga sinabi niya.

"From now on, I'll call you Reyn since we are now friends" Deklara niya.

"Ako rin! Pwede mo din kami gawan ng nickname kung gusto mo" Masayang suhestiyon ni Paul.Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.

Nababaliw na yata ako.

Dumiretso kaagad ako sa bahay nang pinauwi na kaming tatlo ng school nurse. Umabsent na rin ako sa student council at umuwi na para makapagpahinga. Hindi naman nahuli ni mama ang mga pasa ko dahil nagmukmok lang ako sa kwarto nang dumating ako. Kitang-kita siguro sa mukha ko ang pagod kaya pinabayaan niya muna ako at hindi man lang kumatok hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan papasok na sana ako ng room galing sa student council nang bigla akong sinabihan ng kaklase ko na pinapatawag ako ni Ma'am Lou sa faculty. Nagtataka man ay sinunod ko nalang.

Napaka-unusual naman yata kung magpapalinis pa siya na malapit na ang first period ng klase.Hinanap ko kaagad si Ma'am Lou pagdating ko at nang malapitan ko siya ay may napansin akong kausap niya.

Isang babaeng hindi nakauniform.

"Oo nga pala. Si Rianne, siya ang class president ng klase na papasukan mo" Nabigla ako pero kaagad kong tinago 'yon at tiningnan ang kinakausap niyang babae.

Maganda, maputi, mestisa, at chinita.

Ang perfect...

Mas matangkad yata siya ng kaunti kaysa sa akin.

"Rianne, pakitulungan mo naman itong bagong classmate mo. Transferee kasi siya. Hindi ko kasi siya masasamahan dahil marami rin akong ginagawa" Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango sa kanya.

Humarap ang babae sa akin at bahagyang ngumiti habang nagpapakilala.

"Hi, I'm Keirra. Nice to meet you" Sa salita niya pa lang ay alam ko nang mayaman siya.Bakit kaya maraming mga transferee ngayong year dito sa school?

Nag-offer siya ng shakehands kaya tinanggap ko.

"I'm Rianne, the class president. Sunod ka nalang sa akin. So, tara na?" Maikling sabi ko.

Binigyan niya naman ulit ako ng ngiti at sumunod sa akin gaya ng sabi ko.

Nakakapagtaka yatang may transfer sa kalagitnaan ng sem.