Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 6 - A Visitor

Chapter 6 - A Visitor

Hindi na bumalik ng klase si Lara. Tinanong ko pa nang magbreak time sila Paul at Noah kung bakit hindi nila sinundan ang kaibigan nila.

"Hindi naman namin talaga kaibigan si Lara. She was just hanging out with us" Napaismid ako sa sinabi ni Noah. "What?" Tanong niya nang mapansin ang reaksyon ko.

"Ibang level din kayo 'no? Hindi pa pala kaibigan ang turing ninyong dalawa sa kanya pero baka kaibigan niya na talaga kayo sa kanya" Paliwanag ko.

"Malabo din" Singit ni Paul sa sinabi ko. "She has friends. Kaibigan niya nga si Therese" Dagdag niya.

"Malamang, pinsan niya daw eh" Puna ko sa sinabi niya.

"It's the same thing. They're cousins and friends" Salita ni Noah.

Napailing ako sa kanila at itinigil na ang pakikipag-usap dahil dumating na rin ang teacher namin para sa next subject.

Medyo nag-aalala na ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman intensyon na sobrang saktan si Lara at gusto ko lang sana siya itama. Hindi ko naman alam na aabot sa punto na hindi na siya papasok ulit sa klase.

Tumunog na ang bell pero hindi parin bumalik si Lara. Tumayo na kaming lahat para magpaalam sa last subject teacher namin at naging busy na ang classroom nang nagkanya-kanya na ng kuha ng mga gamit panglinis ang mga kaklase namin.

"Leilany!" Tawag ko sa kanya habang inaayos ang bag ko. Lumapit kaagad siya sa akin.

"Tapos na ako maglinis kaninang umaga ha?" Sabi ko dahil madalas ay hindi na ako nakakapaglinis ng room kung hapon dahil kailangan ako sa faculty o sa student council. Siya rin kasi ang class monitor namin.

Ako rin naman ang naglilinis sa umaga ng room namin dahil ako naman ang may hawak ng susi kaya madalas ay dapat maaga ako sa pagpasok. Unfair naman din kasi sa kanila kung hindi ako maglilinis kapag naka-assign ako bilang cleaners.

"No problem, Rey. Uuwi ka na?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan ako na nagliligpit ng mga gamit ko.

"Hindi. May raket ako kay Ma'am Celine sa office niya ngayon. Sayang rin" Napatango siya sa akin. Aalis na sana ako nang may biglang magtanong pa sa akin.

"Anong gagawin mo sa office ni Ma'am Celine?" Nagtatakang tanong ni Paul sa akin.

"Maglilinis?" Sagot ko.

"That's why you can't come with us?" Tumango ako.

"Oo. Kasama ko rin kasi yung kapatid ko atsaka sayang yung magiging bayad ni ma'am" Paliwanag ko sa kanila ni Paul.

"Hintayin ka nalang namin pagkatapos mo. Sama mo na rin yung kapatid mo. Ano game?" Tumingin ako sa relo ko.

"Baka magabihan na kami matapos. Next time na lang" Pagdadahilan ko.

"We'll wait. That's final" Biglang singit ni Noah.

Ay ang kulit! Ang tigas ng mga ulo nilang dalawa.

Napakamot ako sa ulo ko at naguguluhan na tiningnan ulit ang oras.

"Sige na, d'yan lang naman tayo sa tapat ng school" Pagpupumilit ni Paul.

Hindi na ako nakatiis at pumayag na lang para matapos na ang pag-uusap namin.

"Osige na nga. Bahala na kayo" Sabi ko at mabilis na tumakbo papalabas ng room.

Naabutan ko sa baba ng building namin ang kapatid ko kaya hinablot ko na agad siya.

"Ang tagal mo naman, Ate" Reklamo niya pero pinabilisan ko lang siya sa paglalakad dahil baka hindi na namin maabutan si Ma'am Celine.

Lakad takbo ang ginawa namin dahil nasa ikatlong palapag ng pangalawang building ang office na kailangan naming puntahan. Nang dumating kami ay isasara na sana ni ma'am ang pinto ng office niya nang lumingon siya sa aming dalawa.

"Oh, akala ko hindi na kayo dadating?" Lumapit siya sa amin na parehong naghahabol ng mga hininga namin.

"Ma'am, magpapalinis ka pa po ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Ay oo. Nagtaka nga ako bakit ang tagal niyo. Bukas ko nalang sana ipagagawa sa inyo at kailangan ko na kasing umuwi" Sabi niya nang may kinuha siya sa bag niya.

Ilang sandali lang nang may inabot siyang susi at pera sa akin.

"Hala, ano po 'to?" Tanong ko dqahil sa pagkabigla.

"Iiwan ko nalang sa'yo ang susi atsaka bayad ko. Kayo na ang bahala dito, alam ko naman na maasahan ko kayo" Binuksan niya kaagad ang pinto ng office niya at ini-on ang ilaw. "Kung gusto niyo ng meryenda, may pagkain d'yan para kapag nagpahinga kayo hindi kayo magugutom" Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.

Ang bait talaga ni Ma'am Celine palagi sa akin.

"Sige po, ma'am. Kami na po ang bahala ni AJ. Huwag po kayang mag-aalala, malinis na malinis na 'tong office niyo bukas" Assurance ko sa kanya.

"Sige. Kailangan ko na talagang umalis. Iwan ko na kayo dito at pakilock na lang pagkatapos atsaka yung susi pakihabilin na lang sa guard" Nagmamadaling sabi niito sa akin.

"Sige po. Ingat po kayo" Paalam ko sa kanya nang tuluyan na siyang umalis.

Nang nasigurado naming wala na siya ay nagkatinginan pa kami ng kapatid ko at parehong ngumiti sa isa't-isa.

"Ayos! Bili tayo ng inasal mamaya pagkatapos, Ate ha?" Tumango ako sa kanya.

"Pero bago 'yan, tapusin muna natin lahat dito. Ayusin natin ang paglilinis dahil bayad na tayo" Paalala ko sa kanya bago kami tuluyang nagsimula.

Pawis na pawis na ako habang binubuhat ang isang plastic bag ng basura. Magtatapon na sana ako nang natanaw ko sa hindi kalayuan ang dalawang lalaki na nakatambay sa isa sa mga kubo dito sa school. Parang nakasandal sa isang motor.

Nagtataka man ay nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang basurahan nang maalala ko ang usapan naming tatlo kanina nila Paul at Noah. Kaya nang matapon ko na ang basura ay mabilis kong tiningnan ulit ang kubo at nanliliit ang mga matang kinilala ang dalawang lalaki na nakita kong nakatambay.

Hindi nga ako nagkamali at sila nga. Akala ko ay hindi nila totohanin ang usapan.

"Hoy!" Pagkuha ko ng atensyon nilang dalawa sabay palakpak ng dalawang beses.

Agad din naman silang tumingin sa direksyon ko.

Nang narealize yata nila na ako ang tumawag sa kanila ay pinaadar kaagad ni Paul ang motor niya at nagmaneho papunta sa kinatatayuan ko.

"Akala ko nagbibiro lang kayo" Salubong ko sa kanila.

"Paanong magbibiro? We waited for almost an hour" Reklamo ni Noah.

"Ede sorry naman..." Sarkastikong sagot ko sa kanya at ibinaling ang tingin kay Paul. "Okay lang sa parents mo na magabihan kayo?" Tinanong ko na sa kanya dahil alam kong teachers dito ang mga magulang niya.

"Okay lang naman. Alam naman nila na si Noah ang kasama ko" Paliwanag niya. "Ano, tapos ka na? Tara?" Tumango ako sa kanya.

"Hindi yata tayo kasya d'yan sa motor mo. Isasama ko kasi yung kapatid ko" Sabi ko sa kanya. "Saan ba tayo pupunta? Mauna na lang kayo doon tapos susunod lang kami ni AJ" Suhestiyon ko.

"AJ? Who's that?" Tanong na naman ni Noah.

"Kapatid ko. Pangalan niya 'yon"

"Then I'll go with you" Bigla siyang bumaba mula sa pagkakasakay sa motor ni Paul. "Yung kapatid mo na lang ang pasakayin kasama si Paul" Siya naman ang nagsuggest.

"Eh? Okay lang ba sa'yong maglakad?" Nagdadalawang isip akong maniwala sa kanya.

"Oo. Paul's good with my suggestion. Tara na" Bigla niya akong pinatalikod sa kanila at hinawakan ang likod ko para maitulak papalakad.

"Sandali... Okay lang sa'yo Paul?" Lumingon ako sa kung nasaan siya at nakita ko naman na nakangiti siya at nakathumbs up.

Umaykat na kaming dalawa para sunduin ang kapatid ko.

Nagulat pa si AJ nang dumating si Noah na kasama ko. Walang isa na nagsalita sa kanilang dalawa habang idino-double check ko ang lahat ng saksakan bago isara ang pinto ng office. Hanggang sa paglabas naming tatlo ay wala akong narinig na imik mula sa isa sa kanila.

Naunang maglakad si Noah pababa sa amin kaya tumabi kaagad sa akin si AJ at pabulong na nagsalita.

"Manliligaw mo, Ate?" Pabulong niyang tanong dahilan para mahinang nahampas ko siya sa braso.

"Baliw! Hindi. Naging tropa ko lang. Classmate ko 'yan. Nag-aaya silang kumain" Mahinang sagot ko sa kanya.

"Classmate mo naman din si Kuya Alex dati pero na-" Tinakpan ko kaagad ang bibig niya at pinandilatan siya.

Nagpeace sign siya kaagad sa akin.

Nang nagkita-kita na kaming apat ay kaagad na kinausap ni Paul si AJ at nagpakilala sa isa't-isa. Tipid na ipinakilala naman ni Noah ang sarili niya at ang makasakay si AJ kay Paul ay pinaalahanan kong huwag mag-drive ng mabilis at mag-ingat sila.

Habang kami naman ni Noah ay nagsimula na rin sa paglalakad. Malapit lang naman din ang kainan na tinutukoy nila kaya mabilis lang naman kung lalakarin.

"Okay lang naman sa amin ni AJ na maglakad. Nauna nalang sana kayo ni Paul" Sabi ko bago ibinigay sa guard ng school ang susi sa office ni Ma'am Celine at bumalik sa kanya.

"Why? You do not like walking with me?" Tanong niya na ikinakamot ko.

"Alam mo. Napapansin ko talaga na puro ka English. Foreigner ka ba? Para rin kasing may lahi ka" Curios kong tanong habang tinitingnan siya sa malapitan nang bigla niyang itinapat ang kamay niya sa mukha ko.

"You're too close..." Narinig kong sabi niya.

Grabe ang laki ng kamay. Nasakop ba naman ang buong mukha ko.

Tinanggal ko ang kamay niya at bumalik sa pagtatanong.

"Hindi. Seryoso na. Galing ka ng abroad?" Sinserong tanong ko. Bigla siyang natigil pero bumalik rin sa paglalakad.

"I'm from Canada. Kailangan lang namin lumipat dito" Napatango ako nang makumpirma ang hinala ko.

Kaya pala puro siya English.

"Pero bakit ang fluent mo rin magsalita ng Tagalog?" Isa pang tanong ko.

"My mom tried to talk with us in Filipino whenever we were at home. Kaya medyo marunong akong magsalita"

"Ah... Kaya pala" Hindi mawala ang curiosity ko kaya nagtanog pa ako sa kanya. "Eh, paano kaya naging magkaibigan ni Paul?"

"He was my friend already before we move to abroad" Sagot niya nang tumingin siya sa akin. "You've known something about me. How about you?" Napatawa ako sa sagot niya.

"About me? Wala. Ako lang yung panganay tapos tatlo kaming magkakapatid. Yung tatay ko mangingisda tapos yung nanay ko housewife" Pagbuod ko sa sarili kong buhay.

"That's not what I meant." Pagtutol niya sa sinabi ko. "I'm referring to your friends" Wala akong naisip sa sinabi niya kaya nauna ako ng medyo mabilis sa paglalakad para mag-isip.

"Ewan... Wala na akong naging kaibigan sa sobrang busy ko bilang working student eh" Pagpapakatotoong sabi ko. "Ayoko naman din na sumingit sa mga circle of friends ng lahat dahil alam ko naman na hindi ako magiging madalas na nandyan para makasama sila." Sabi ko nang ma-realize kung papaano ako nabuhay ng wala talagang naging kaibigan. "Pero si Leilany, yung classmate natin. Siya yata ang masasabing kong unang kaibigan ko" Nakangiti kong sagot sa kanya.

Napatitig siya sa akin bago nagsalita ulit.

"You're lonely" Tanging sabi niya.

"Alone but not lonely" Pagtatama ko sa sinabi niya nang matanaw ko na naghihintay sa labas ng kainan si Paul at AJ na nagtatawanan.

Hinila ko na kaagad si Noah para malapitan sila. Nagreklamo pa sila nang dumating kami. Itinext ko na lang si mama na sa labas na kami maghahapunan ni AJ para hindi siya mag-alala.

Nagkasundo kaagad sila Paul at AJ sa hindi ko malamang dahilan. Tuwang-tuwa pa na nagkwento sa akin ang kapatid ko habang papauwi kami. Nagpasalamat naman ako sa dalawa dahil nabusog talaga nang makauwi.

Kinabukasan nang pabalik na ako para sa first subject ko ay sumalubong sa akin si Ma'am Celine.

"Hello, ma'am. Good morning po" Bati ko sa kanya. Humawak siya sa braso ko at mahinang ngumiti.

"Thank you sa paglinis ng office ko ulit, hija" Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat dahil sa laki ng ibinayad niya sa amin. "Wala 'yon... By the way, kaklase mo pala dati ang nephew ko noong junior high?" Bigla akong naguluhan sa sinabi niya.

"Ah, sino pong kaklase?"

"Si Alex" Mabilis akong naalimpungatan sa sinabi niya. "I've mentioned you last night at kilala ka raw niya dahil naging classmate kayo" Hilaw na ngiti ang isinukli ko sa mga sinabi niya.

"Ah... Opo, classmate ko nga siya dati" Gusto ko na tuloy umalis.

"Buti naman. Pupunta yata siya dito ngayon para kuhanin ang ibang documents niya para sa bago niyang school. Baka magkasalubong kayo" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Ah... Ganon po ba? Sige po, batiin ko nalang kapag nagkita kami. Alis na po ako, time na po kasi" Mabilis kong paalam sa kanya at mabilis na umakyat pataas.

Nang makarating ako sa room ay naabutan kong may nagkukumpulan sa may bandang likod kaya malakas ang boses ko na tinanong ang mga kaklase ko.

"Hoy! Ano 'yan?" Pagtawag ko ng pansin sa kanila.

Nang mawala ang kumpulan ay ang isang tao agad ang nahagip ng paningin ko.

Katabi nito si Elton na parang kinakabahan na tumingin sa akin.

"Hi, Reyn..." Bigkas nito habang kumakaway at nakangiti sa akin.

Natigilan ako saglit pero pinagkrus ko lang ang braso ko habang nakatayo sa harapan at hindi siya pinansin.

"Guys, settle down. Paparating na ang first subject natin"

Dumiretso kaagad ako sa upuan ko at nagpanggap na parang walang nangyari.

Mabuti na lang at dumating na ang teacher dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin.