Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 10 - Keirra's Friend

Chapter 10 - Keirra's Friend

Pinagtitinginan na kaagad ng mga estudyante ang kasama ko habang naglalakad. Hindi ko naman din sila masisisi dahil kahit ako ay sobrang nagagandahan din sa kanya.Sumulyap ako ulit sa kanya para malaman kung ano ang ginagawa niya. Tumitingin-tingin lang siya sa mga room habang sumusunod sa akin."I didn't think you have nice rooms here, 'no? Kahit nasa public school" Bigla niyang sabi. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti.Kahit ang accent niya ay halatang mayaman."Okay lang bang magtanong sa'yo?" Panimulang sabi ko."Sure, I don't mind" Sagot niya."Bakit ka nagtransfer dito?" Hindi ko mapigilang tanong."Uhm, aside from my dad has been transferred here... I also have a friend here. So I chose this school..." Nakangiting sabi niya.Biglang nasagi sa isipan ko sila Lara at Noah. Hindi ko rin alam kung bakit.Mukha naman siyang mabait para sa isang mayaman na naka-transfer dito. Hindi na rin ako nagtanong ulit hanggang sa makarating kami sa floor ng room namin.Tiningnan ko siya na halatang napagod sa pag-akyat. Medyo naawa ako sa kanya lalo ng alam kong first time niya rito."Okay ka lang?" Tanong ko nang malapit na siyang makaakyat kaya inilahad ko na ang kamay ko na tinanggap naman niya.Kinuha niya ang panyo sa bag niya bago nagpunas ng pawis sa mukha."Nakakapagod. I thought sa second floor lang tayo" Hindi ko mapigilang hindi maawa sa kanya."Sorry... Hindi ko pala nasabi na sa panghuling floor ang room natin." Nahihiyang sabi ko sa kanya."No, it's okay. I didn't ask you rin" Sagot niya.Infairness ang bait niya kaysa kay Lara. Hindi ko maipigilang kumpara sa kanya.Naririnig ko na ang ingay ng room namin kahit malapit na ang first period. Napatingin kaagad sila sa akin nang makita nila ako sa labas ng bintana ng room at alam kong naibaling na nila kaagad ang atensyon nila sa kasama ko.Pumunta kaagad ako sa harapan para makuha ang atensyon nila. Natigil naman din sila sa kung ano man ang ginagawa nila at bumalik sa mga kanya-kanyang upuan. Naghihintay naman sa labas ng pinto si Keirra para tawagin."May bago tayong kaklase. So makinig kayo dahil magpapakilala siya."Sumenyas kaagad ako kay Keirra para pumasok na siya."Hi, everyone. I'm Keirra, nice to meet you" Nakangiting sabi niya nang biglang tumayo si Lara mula sa kinauupuan niya."Oh my gosh! You're really here!" Hindi makapaniwalang sabi niya nang makita si Keirra sa harapan.Lahat ng kaklase namin ay napatingin sa kanilang dalawa nang nilapitan kaagad ni Lara si Keirra at niyakap."Magkakilala pala kayo?" Agad na tumingin ng masama si Lara sa akin kaya napaatras ako ng bahagya.Akala mo naman anong kasalanan ko na naman sa babaeng 'to eh."Yes, she's the friend I mentioned earlier" Masayang sabi ni Keirra sa akin.Napatango-tango ako."Ahh... Buti naman at hindi ka maiilang dito sa bago mong school" Hindi ko mapigilang hindi mapakamot.Kaagad naman na hinila ni Lara ang kaibigan niya papunta sa upuan nila ni Leila."Hey, can you transfer Leila's seat? I want Keirra to be my seatmate" Demand niya kaagad.Medyo bastos ang dating sa akin kaya pagsasabihan ko na sana siya nang magsalita si Keirra."Lara, you're being rude right now"Hindi ako makapaniwalang magkaibigan talaga silang dalawa.Naghahanap naman ako ng bakanteng upuan nang mapansin ko na may vacant pa sa katabing upuan ni Elton sa pinakalikod. Bigla namang tumayo si Leila at kinuha ang bag niya. Kitang kita ko na naiirita na siya."Thanks, Leila. Ang bait mo" Sabi ni Lara.Tumingin naman sa akin si Leila at nang makita niyang sasagutin ko na sana si Lara ay umiling siya sa akin at parang sinasabi na huwag ko nang patulan. May nagtaas naman ng kamay, si Aiza. Ang seatmate ni Paul."Pres, pwede bang magtransfer na lang ako ng upuan sa likod? Hindi din kasi ako nakakakita ng maayos dito sa pwesto ko" Suhestiyon ni Aiza.Napatango naman kaagad ako dahil nakalimutan ko pala na may mga taong nakakakita ng maayos kapag nasa malayo."Okay lang ba sa'yo, Lei?" Nag-aalalang tanong ko.Ngumiti naman siya at naglakad papunta sa upuang katabi ni Paul.Malalim akong huminga at napatingin sa orasan ng classroom. Ilang minuto na lang at first period na. Nagsisimula pa lang ang araw ko pero ito na kaagad ang bumungad sa akin.Bumalik na ako sa upuan nang pumasok na ang teacher namin."Yo're good?" Tanong ni Noah sa akin na ikinatango ko.Tumingin kaagad ako sa likod at nagtanong kay Leila kung okay lang siya tumango rin siya sa akin."This is Noah and behind that girl is Paul. They are my friends..." Pagpapakilala ni Lara na parang kung makapagsalita ay wala ako sa likuran ni Leila.Breaktime na kaya hindi na naman mapigilan ang pagdadaldal ng babaeng 'to."No, we're not friends we just knew each other" Bigla namang singit ni Noah sa sinabi ni Lara.Nahihiyang ngumiti si Lara at napahampas-hampas pa ng mahina sa kanya habang ako ay hindi mapigilang hindi matawa na ikinasama na naman ng tingin niya sa akin."Hi, Keirra. Welcome sa klase namin. I'm Paul and my friends are Noah and Rianne" Lumalabas na naman ang pagiging friendly nitong lalaking 'to. Ngumingiti pa siya habang nagsasalita."I see. You distinguish your friends very clearly..." Hindi ko na napagilang hindi matawa dahil sa isinagot ni Keirra."Sorry... May naalala lang akong nakakatawa" Pagdadahilan ko na ikinainis ng tingin ni Lara sa akin. Hindi na naman siya makabawi sa akin dahil dumating na ang susunod na teacher.Ilang buwan na rin matapos ang first semester ng senior high school namin. Malapit ng mag-closing ang school year kaya mas lalo na kaming busy sa student council dahil sa mga request ng mga bagong partylist na tatakbo para pumalit sa amin.Pinipilit pa ako ng president namin na pumalit sa posisyon niya bilang president pero tumanggi na ako dahil mas kailangan kong tumanggap ng raket lalo na at maggi-grade 12 na ako at kailangan kong makaipon pang-college. Bababa narin ako bilang presidente ng senior high school curriculum kapag grade 12 na ako at may ini-recommend na naman akong papalit sa akin. Mahirap na at mas kailangan kong magfocus sa grades ko dahil magiging graduating na ako sa susunod na pasukan.Mag-isa akong kumakain sa canteen ngayon dahil wala ang dalawa kong kaibigan.May training para sa sa gaganaping interschool sports ngayong taon. Hindi ko naman inexpect na mahilig pala sila sa sports kaya nung inaaya nila akong manuod ng mga laro nila ay tumanggi ako dahil alam kong magiging busy din naman ako sa student council."Can I sit here?" Biglang pagsulpot ni Keirra. Tumango ako at nagpatuloy sa pananghalian ko habang siya ay kumain na rin.Ilang buwan na din nang lumipat siya rito sa school amin. So, far hindi ko inaakalang totoong mabait siya dahil sa magkaibigan sila nila Lara. Nagtataka parin ako hanggang ngayon kung paano niya natitiis ang ugaling meron ang kaibigan niya."Where's Paul and Noah?" Tanong niya habang kumakain kami."Ah, may practice eh kaya ako lang mag-isa" Sagot ko sa kanya. "Ikaw? Hindi mo yata kasama si Lara?" Ako naman ang nagtanong."Oh, sabi niya she's going to watch something at the gym. I bet, pumunta sa practice nila Noah" Napatango ako dahil sa sinabi niya. Hindi pwedeng magkamali siya dahil alam ko naman kung gaano ka buntot ng buntot si Lara sa dalawa lalo na kay Noah.Natahimik ulit kami habang kumakain kaya naglakas loob na akong tanungin siya."Matanong nga kita... Paano mo naging kaibigan si Lara?" Bigla siyang tumigil at tumingin sa akin. Itinaas ko kaagad ang kamay ko. "Curios lang talaga ako, magkaiba kasi ang mga ugali niyo. Huwag mo sanang masamain" Explain ko agad sa kanya.Natahimik pa siya saglit bago sumagot."Actually, she's not really mean. We're classmates since in elementary hanggang ngayon. That's why we became friends. She's not nice but not that mean naman for me" Sagot niya kahit hindi ako naging satisfied sa sinabi niya."Ah, talaga? Ang maldita kasi sa akin kaya nagtataka ako kung bakit magkaibigan kayong dalawa..." Sabi ko habang kinukutsara ang pagkain ko."Really?"Mahinang napatalon ako sa kinauupuan ko nang narinig ko ang salitang 'yon mula sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at tama nga ang hinala ko."You like talking about people behind their back, pala?" Nakataas ang kilay nito at nakatayo na sa harapan ko.Nagkatitigan kaming dalawa at sa puntong 'yon ay alam kong posibleng gulo ang magiging kasunod ng lahat ng ito.