"Rianne!"
Hindi ko na pinakinggan pa at mabilis na akong lumabas ng room.
Wala akong ideya kung saan pupunta dahil wala akong gagawin sa student council at malamang ay sarado rin ito ngayon.
"Please!" Rinig kong pakiusap niya na hindi ko na nilingon. "Rianne!" Malakas ang boses na tawag niya sa akin.
Napatingin ang lahat ng tao sa hallway kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang lingunin siya atsaka kinaladkad pataas ng building.
Umabot kami sa rooftop at nang makarating kami roon ay ini-lock ko ang pinto.
"Ano bang kailangan mo?!" Bulyaw ko kaagad sa kanya.
"Mag-usap tayo" Nag-aalala ang ekspresyon ng mga mukha niya.
Ilang buwan ko ding hindi nakita ang mukhang 'yan.
"Ano na naman ba ang problema, Alex? Okay na naman tayo, 'di ba?" Naguguluhang sabi ko. Bigla niyang kinuha ang kamay ko.
"Alam mong hindi... Hindi mo na ako kinausap simula nung araw na 'yon" Sagot niya sa akin.
Binawi ko kaagad ang kamay ko sa kanya. Galit na galit na tiningnan siya sa mga mata.
"Okay na ako. Tapos na tayo. Ano pa bang gagawin ko?" Napatawa ako sa inis bago nagpatuloy. "Alam mo? Hindi naman ako nagalit dahil hindi mo maamin sa mga magulang mo kung ano tayo pero hindi ko matanggap na ganon pala kababaw ang tingin mo sa mga magulang ko. Bakit?! Dahil may pera kayo at mahirap kami?" Paglalabas ko ng sama ng loob sa nangyari sa amin.
"I'm sorry..." Tanging sagot niya.
"Ha, sorry? Ayon lang?" Sarkastikong tanong ko.
Tumalikod ako dahil ayokong makita niya akong iiyak.
"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Kahit ano, gagawin ko. Patawarin mo na naman ako, oh? Babawi ako. Bibisita ako ng madalas dito kahit magkaiba na yung school natin" Pagpupumilit niya.
"Hindi..." Sagot ko sa kanya. "Hindi na tayo babalik sa dati, naiintindihan mo ba? Okay na ako, naka move on na. Okay ka lang naman din sa bagong buhay mo 'di ba? Okay na tayo. Ano pa bang gagawin natin?" Malapit nang pumiyok ang boses ko.
"Please give us an another chance" Determinadong sabi niya.
"Anong chance ang sinasabi mo? The moment na hindi mo 'ko naipagtanggol sa mga sinabi ng mga tao tungkol sa akin ay tapos na tayo. Hindi pa ako nahihibang para makipagbalikan sa isang gagong katulad mo!" Bigla niya akong hinatak at iniharap sa kanya. "Aray! Ano ba? Nasasaktan ako" Pagpupumiglas ko dahil mahigpit niyang hinawakan ang palapulsohan ko.
"I said we're getting back!" Bulyaw niya sa akin na ikinagulat ko. Napalitan kaagad ng nag-aalalang ekspresyon ang mukha niya. "I'm sorry, Love... Hindi ko sinasadya... I'm sorry I yelled at you...." Pagbawi niya.
Naalala ko na ngayon na isa rin pala sa dahilan ng hiwalayan namin ay ang ganitong ugali niya sa akin.
Kumawala ako sa pagkakahawak niya.
"Umalis ka na dito pagkatapos ng mga kailangan mong gawin." Huling salita ko bago nagtungo sa pinto ng rooftop.
Narinig ko naman ang paghabol niya kay binilisan ko na ang pagbaba.
"Rianne!" Patuloy na sigaw niya. "Fuck! I said come here!" Galit na galit ang boses na tawag nito sa akin. "Are you fucking-" Naputol ang sasabihin niya nang malaman niyang nakuha niya na ang mga atensyon ng mga estudyante.
Hindi niya na naituloy pa kung ano man ang gusto niyang sabihin dahil alam kong ramdam niya na ang mga tinginan ng lahat sa kanya. He hates situations like this.
Ayaw niyang malaman ng mga ibang tao ang ganitong side ng pagkatao niya.
Ngumiti ako ng marahan sa kanya habang nakatingin.
"You know me. I hate yelling" Sabi ko bago itinuloy ang pagbaba ko.
Nahagilap ko pa ang mabilis niyang pagtakbo papataas.
Sa kabilang hallway siguro dadaan.
Babalik na sana ako ng room nang mapansin ko ang pamamaga sa may pulso ng parehong mga kamay ko. Hinawakan ko na rin ang mga braso ko at nakumpirma ko nga na may naramdaman akong kirot sa mga parte na 'yon. Nagdesisyon na muna ako na pumunta sa canteen para bumili ng malamig na inumin dahil alam kong magiging pasa ang mga 'to.
Sigurado kasi ako na kapag nakita ito ng nanay ko ay sobrang mag-aalala 'yon.
Naglalakad ako papunta sa canteen nang nakasalubong ko si Elton na parang may hinahanap. Tinawag ko naman kaagad siya at nang makita niya ako ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya hanggang sa makalapit siya sa akin.
"Ano? Okay ka lang?" Unang tanong niya sa akin sabay hawak sa palapulsohan ko nang napansin niya ang mga pamumula nito. "Gago talaga 'yon..." Galit niyang dagdag bago tumingin sa akin habang ako ay napabusangot sa kanya.
"Anong ibinanta sa'yo?" Pangdideretso ko sa kanya.
Alam kong pinagbantaan siya ni Alex nung pumasok ako sa room kanina dahil nakita kong kinakabahan ang mga tingin niya kanina.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Tara na sa canteen bilhan na-"
"Elton James..." Pang-warning ko sa kanya dahil ayaw niyang sabihin. Nakahawak parin siya palapulsohan ko nang yumuko siya at nagsalita.
"I'm sorry, Reyn... Sabi niya sa akin mawawalan ng trabaho si mama sa school nila kapag hindi ako humanap ng paraan na magkausap kayo" Napahawak ako sa noo nang malaman ang totoo.
Iba rin talaga ang bituka ng lalaking 'yon. Hindi ko alam kung bakit ko pinatulan 'yon.
"Screenshot mo lahat ng convo ninyo at huwag mo nang sagutin ang mga chats niya. Lokong 'yon kung anu-anong alam. Send mo na din sa akin ang mga screenshots para may panlaban tayo" Tumango siya at sinabayan na ako sa paglalakad.
Papunta na kami ng canteen nang nakasalubong namin sila Noah at Paul.
"Oh, saan kayo? Malapit na ang time, ah?" Napapagod na akong sumagot kaya mabuti na lang at si Elton na ang nagsalita.
"Pa-excuse naman kami bro sa teacher natin. Bibili lang kami ng malamig na inumin para mabawasan yung pasa nito" Sabi niya sabay taas ng kamay ko.
Hindi ko maiwasan na hindi magbago ang ekspresyon ko sa pag-inda ng sakit dahil sa pagkakahawak ni Elton. Kaagad niya namang binatawan nang mapansin ang reaksyon ko.
"Ha? Bakit, anong nangyari?" Tanong ulit ni Paul at pareho silang napatingin ni Noah sa palapulsohan ko. "Anong nangyari d'yan?" Hindi na lang ako umimik.
"I have my water bottle at the gym" Biglang salita ni Noah kaya natuon ang atensyon naming tatlo sa kanya. "The water bottle has an ice. Mas madali 'yon para d'yan" Paliwanag niya sa amin bago tiningnan ulit ang mga kamay ko.
"Ganon ba? Pwedeng makahingi bro?" Tanong ni Elton sa kanya habang tumingin sa akin si Noah bago sumagot.
"I think mas mabuting kayo na ni Paul ang magpa-excuse sa amin ni Rianne" Pagdedesisyon niya na bahagya kong ikinabigla. "Kami na lang ang pupunta sa gym" Dagdag niya.
Tumingin sa akin si Elton na parang naghihintay mula sa akin ng sagot habang ako ay nabibigla parin.
"Ah, oo. Pwede naman..." Tanging naisagot ko sa kanya.
Bigla namang hinablot ni Paul Ssi Elton at inakbayan.
"Oo nga naman, bro. Siya naman ang may-ari ng water botlle kaya siya nalang ang sasama. Huwag kang mag-aalala safe si Rianne sa tropa ko" Nakangiting sabi niya kay Elton na lumingon pa sa akin sa huling pagkakataon.
Tumango ako sa kanya at nang makita niya ang reaksyon ko ay naglakad na sila pabalik ng building habang naiwan kaming dalawa ni Noah na parehong walang mga imik.
"Tara..." Pagsira niya sa katahimikan sa pagitan namin.
Nang nabuksan niya ang gym ay naabutan namin na may klase sa PE ang ibang strand kaya nang makita niya ang teacher ay nilapitan at kinausap niya kaagad ito.
Narinig ko agad ang mga bulong-bulongan at mahinang tilian ng mga babaeng estudyante nung nakikipag-usap si Noah sa teacher nila.
Sikat din pala siya?
Pagkatapos niyang makausap ang teacher ay lumapit siya sa akin ay pinaghintay ako sa may bench para kuhanin ang water bottle niya. Nang bumalik siya ay dala niya na ang isang bimpo at ang water bottle.
Naglagay kaagad siya sa bimpo ng mga ilang piraso ng ice at ibinalot niya bago iniabot sa akin. Mahinang idinikit ko agad ito sa kamay ko. Kailangan hindi na 'to makita mamaya o hindi mapansin pag-uwi ko.
"So what happened?" Napatingin kaagad ako sa kanya.
Nanliliit ang mga mata ko na tumingin sa kanya dahil sa pagkachismoso niya.
"Chismoso ka pala?" Napaismid siya nang sinabi ko 'yon.
"I was just asking out of concern. Hindi naman kita pinipilit" Iritableng sagot niya.
Napakasumpungin rin nitong lalaking 'to.
Mahina akong natawa habang nagpatuloy sa pagpapalamig ng mga pasa ko. Natahimik kami ulit pero maya-maya ay sinagot ko rin ang tanong niya.
"Nakita mo naman siguro yung lalaki kanina" Panimula ko habang nakatingin sa kanya. "Ex ko. Hindi ko naman alam na dadating pala siya ngayon. Nagkasagutan kami ng konti" Sabi ko at marahang ngumiti sa kanya.
Hindi siya umimik kaya itinaas ko na ang blouse ko sa bandang braso at sinimulan na idikit din ang bimpo sa parteng 'yon.
"Pati d'yan?" Nabibigla niyang sabi. Tumango ako nang tiningnan niya naman ako ng malalim.
"Why did you date that guy? Anong nakain mo?" Nang-iismid na naman siya sa akin.
"Hindi ko rin alam, 'no? Hindi ko rin alam bakit ko pinatulan 'yon" Maging ako ay napapatanong din sa sarili ko kung bakit.
"You're a dumb girl" Nakangising sabi niya sa akin.
Napansin ko naman na wala ng ice sa bimpo kaya pabiro kong ibinato ito sa kanya.
Natawa ako ng sumigaw siya. Hindi siya nakapagpigil at nilapitan pa nga ako at mahinang pinisil ang braso ko dahilan para mapaawang ang bibig ko.
Siya naman ngayon ang tumatawa. Naglolokohan pa kami sa isa't-isa nang hindi ko na napansin na gumagaan na pala ang pakiramdam ko sa mga sandaling 'yon.