Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 3 - Conflicts

Chapter 3 - Conflicts

Buong araw na hindi ako naging payapa. Kung wala akong klase ay panay utos naman ang mga taga-faculty sa akin lalo na't may event kaming paparating mga senior high.

Stress na stress narin ako dahil hindi ko naman din magawang iwan ang ibang officers sa pagsasaayos ng magiging program.

"Rianne!" Salubong ni Ma'am Celine sa akin.

Papunta sana ako sa isa sa mga kubo para magpahinga kahit mabilis lang. Hindi ako nakapag-agahan kanina kaya gusto na munang humilata kahit sandali.

"Yes po?" Tanong ko sa kanya nang may inabot siya sa palad ko.

"Ito nga pala yung bayad ko sa'yo nung nakaraan" Sabi niya. Naalala ko naman na pinakiusapan niya nga pala ako na ngayong week na lang ang bayad ko sa paglinis ng office niya. "Magpapatulong ulit ako sa'yo sa susunod ha? Dalhin mo na rin yung kapatid mo para may kasama ka" Nakangiting tumango ako sa kanya.

Mahirap man ang buhay pero nagpapasalamat ako sa mga taong tumutulong sa akin.

"Sige po, Ma'am. Salamat nga po pala" Nakangiting sabi ko sa kanya habang papaalis na.

Sinilip ko kung may tao sa paligid kaya tiningnan ko na ang perang ibinayad niya.

Napatalon ako sa tuwa nang makita kong isang libo ang ibinigay niya. Ang akala ko ay limang daan lang dahil 'yon naman ang napag-usapan namin.

Nawala ang pagod na naramdaman ko kanina at nakangiting naglakad papunta sa canteen. Bibili na rin ako ng pagkain na ihahatid kay AJ.

Magbabayad na sana ako sa mga binili ko nang dumating si Elton. Natanaw ko din sa kalayuan ang mga bago naming kaklase.

"Ang yaman mo ngayon ha?" Puna niya agad nang makita ang pera ko. Kumuha siya ng maiinom sa fridge ng canteen at magbabayad na sana nang sinabi ko na ako na lang ang magbabayad din ng kinuha niya. "Naks! Galante" Natatawang sabi niya.

"Sweldo ko kay Ma'am Celine kanina 'yan. Bumili na ako dito para magkabarya" Sabi ko sa kanya. Inabot na sa akin ng tindera ang sukli kaya binilang ko naman.

Habang nagbibilang ay may dumating na nakasunod sa akin kaya aalis na sana ako. Nakahawak naman si Elton sa akin para hindi ako madapa sa pagbibilang.

"Akala mo naman mayaman..." Bigla kong narinig kaya lumingon ako sa kung saan ko narinig 'yon.

Yung babaeng kasama ni Noah na nakapwesto sa harap na upuan ko ang may sabi. Hindi ko nalang siya pinatulan at naglakad na lang papalayo.

"Doon na lang muna tayo" Sabay mahinang hila ni Elton sa akin.

"Ba't ba ganyan mga kaklase mo? Akala mo naman kung sinong mayaman rin. Nasa public school lang din naman" Hindi ko mapigilang hindi maglabas ng sama ng loob habang kumakain ng empanadang binili ko.

"Hayaan mo na. Spoiled lang kasi 'yan si Lara dahil pareho sila ni Paul na teachers ang parents dito" Naintriga ako sa narinig ko mula sa kanya.

"Ay totoo? Sinong teacher ang parents nila?" Tanong ko at nagtype ng message kay AJ na pumunta sa canteen dahil recess na.

"Anak ni Sir Del Mundo si Lara tapos si Paul anak ni Sir Ocampo" Naguguluhan na tumingin ako sa kanya.

"Anak? Hindi ko alam na may anak na pala sila ni Ma'am Annie na kaedad natin" Tukoy ko sa asawa ni Sir Ocampo na naging teacher namin sa science noong Grade 9.

"Anak kasi ni Sir Ocampo si Paul sa labas" Halos pabulong na sabi ni Elton sa akin.

Napatango tango ako dahil sa nalaman ko. Hindi na ako nagtanong ulit dahil hindi ko gustong sumawsaw sa kung anong issue ng ibang tao.

Nasulyapan ko naman si AJ na naghahanap sa amin kaya kumaway na ako. Nakita niya rin naman kami kaya tumakbo na siya papunta sa amin. Nang bigla kong makita na sasalubong sa kanya si Lara na kinakausap sila Noah at nakatalikod na naglalakad. Nataranta ako nang nakita ko na mababangga ng kapatid ko si Lara kaya tumayo ako para sumenyas sa kanya pero huli na ang lahat nang nabangga na nga niya si Lara.

Agad na napatingin ang lahat ng tao sa canteen. Narinig ko agad ang iritableng sigaw ni Lara kaya mabilis akong tumakbo sa kung nasaan sila.

"Look what you have done?!" Naabutan kong sigaw ni Lara kay AJ na nagpupunas sa dumi ng uniform niya.

Pareho silang natapunan ng spaghetti na dala ni Lara. Itinayo ko naman kaagad ang kapatid ko at tinulungan siya sa pagtatanggal ng mga pasta sa damit niya.

"Ate..." Kinakabahang bigkas niya sa akin. Itinago ko siya sa likod ko.

"Ba't nandito ka?!" Pabulyaw na tanong niya sa akin.

"Kapatid ko bakit?" Pagbalik ko sa tanong niya.

"Anong gagawin mo sa damit ko ngayon?! You have to do something about this!" Sigaw niya sa akin.

Gustong gusto ko man siyang patulan ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko at huminga ng malalim.

"Pwede ba na labhan ko na lang? Ibabalik ko kaagad bukas" Mahinahon kong pakiusap.

"Anong laba? Ayokong kinakamay ang damit ko!" Napaawang ako sa naging sagot niya.

Ang pangit talaga ng ugali ng babaeng 'to.

"Ano ba?! Pwede namang magpalit ka nalang at ibigay mo sa'kin 'yang damit mo. Ipapa-laundry ko na lang para sa'yo. Ano masaya ka na?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Nagdadabog na umalis rin ito sa harap ko pagkatapos kong masabihan. Nagkatinginan pa kami ni Noah at Paul pero hindi na rin sila umimik at sumunod lang kay Lara.

Sinabayan naman ni Elton si AJ para makapagpalit ng damit. Mabuti nalang at may extrang damit na si Elton dahil kung hindi ay papasok sa klase ang kapatid ko na may mantsa ng spaghetti. Sa classroom nila AJ na lang rin siya kumain dahil sa nahihiya na siya sa nangyari kanina sa canteen.

Pagbalik ko sa room namin ay wala pa silang tatlo kaya nagdesisyon akong umidlip muna sa upuan ko habang naghihintay at dahil break time parin naman. Hindi rin ako nakatulog pero nakalugmok parin ang ulo ko sa desk. Nang naramdaman ko na ang pagdating nila Noah ay hindi ako makabangon kaya nagpanggap akong natutulog nang bigla akong tapikin.

"Gising" Narinig ko na si Lara. Bumangon na ako at humarap sa kanya. "Here's my uniform. Ipa-laundry mo talaga ha? Like what I said, hindi ko gusto na hand wash" Tumango ako at kinuha ang damit niya.

Iidlip na sana ako ulit nang magsalita si Noah.

"Ako na magbabayad sa laundry, baka kasi wala ka ng pera" Nabaling ang tingin ko ng matagal sa kanya at hindi ko alam kung papaano ko iproproseso ang sinabi niya.

Insulto ba 'yon o pagmamagandang loob?

Nag-aabang ako ng magiging reaksyon niya nang bigla siyang natawa.

"Ba't ka nakatingin? Do you really need money to pay for the laundry?"

"Hey, sobra naman yata-" Narinig kong saway ni Paul sa sinabi niya nang dinagdagan ni Lara ang sinabi ni Noah.

"She's in awe for your kindness, No. Say thank you ka naman" Nangungutya ang ngiti niya nang sabihin niya 'yon sa akin. Sumingit si Paul sa kanilang dalawa para sawayin sila pero hindi ko na mapigilang hindi pumatol sa mga pinagsasabi nila.

"Shut up!" Sigaw ko sabay tayo.

Galit na galit na tumingin ako sa kanila. Alam kong pinagtitinginan na ako ng buong klase.

"Sino ba kayo?! Anong ginawa ko? Malaking kasalanan ba na bumangga ang kapatid ko sa'yo?" Tanong ko kay Lara na natigilan dahil siguro sa biglaan kong pagsigaw. "Ikaw naman ang tatanga-tanga kanina ha? Naglalakad ka ng patalikod tapos yung kapatid ko pa ang may kasalanan? Pano mo nasabing ikaw ang tama dito kung ikaw naman ang dahilan kung bakit nagkamantsa ang punyetang damit mo! Huwag kang mag-alala, ipapalaundry ko agad 'to mamaya para mabalik ko kaagad bukas kahit hindi naman namin kasalanan" Sarkastikong puna ko sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita kaya humarap ako kay Noah.

"At ikaw! Ang presko mo ha? Hindi ko naman sinabi kahit kailan na kailangan ko ang pera mo. Mag-ooffer ka na nga lang ng pera sa akin, huwag naman sanang galing pa sa magulang mo. It's not even your money" Sabi ko sabay hampas ng uniform ni Lara sa kanya bago kinuha ang bag ko at aalis na sana nang pigilan niya ako.

"Bitaw..." Nambabantang sabi ko sa kanya. Ipinahid niya ang napasang mantsa sa damit niya sa akin.

"Hindi pwedeng ako lang..." Hindi niya parin binibitawan ang braso ko kahit pa pinapalo ko na ang braso niya.

Pinipigilan na rin siya ni Paul pero hindi siya tumitigil.

"I simply know you kaya nasabi kong wala kang pera. Alam ko na tinatanggap mo ang tira-tirang pagkain dito sa school. You're living as a beggar" Insulto niya sa buong pagkatao ko.

Sa oras na 'yon ay naramdaman ko na ang tingin ng lahat sa akin. Pakiramdam ko ay bigla akong hindi makahinga ng maayos.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at malakas siyang nasampal. Nabitawan niya kaagad ang braso ko kay kinuha ko na agad ang uniform ni Lara dala-dala ang bag ko at umalis kaagad.

Pinipigilan kong umiyak kaya naman nang makita ko ang guard ng school ay nagsinungaling na ako sa rason para lang makauwi na. Pumayag naman kaagad siya nang makita niyang papaiyak na ako.

Umiiyak ako habang naglalakad papauwi sa kanto namin. Nakita ko pang nagtitinginan ang mga kapitbahay namin sa akin pero wala na akong pakialam at binilisan na lang ang paglalakad.

Mas lalo lang akong napaiyak nang naabutan ko si Mama na naglalaba at pawis na pawis.

Hindi ko inaakalang magiging ganito ka daya ang mundo.