Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 4 - Apology

Chapter 4 - Apology

"Pres!" salubong ni Paul sa akin nang makita niya ako na naglalakad papunta sa faculty.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad pero bigla siyang humabol at lumitaw sa harapan ko.

"Alam kong galit ka parin sa sinabi ni Noah kahapon" Dinaanan ko lang siya at mas binilisan ang paglalakad. Hindi siya tumigil at hinabol niya parin ako. "Look, I'm trying to help..." Paliwanag niya kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

Napahawak ako sa bewang ko bago tumigil.

"Ano na naman ang pakulo niyo? Last niyo na 'to" Pangwa-warning ko sa kanya at nilagpasan siya.

Hindi ko naman maiiwasan si Noah sa classroom kaya nga nagpapakabusy ako ng todo sa student council.

"Hindi. Totoo talaga. Gustong humingi ng tawad ni Noah sa'yo" Naalimpungatan ako sa sinabi niya.

"Alam mo, hindi ko naman talaga ikinakahiya na nagdadala ako ng pagkain galing sa school gaya ng sabi niya kahapon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit napakaliit ng tingin niya sa akin dahil sa mahirap ako" Paliwanag ko sa kanya. "Hindi rin naman ako nagpupumilit ng apology galing sa kanya at wala rin naman akong pakialam. Huwag niya nalang akong pansinin, okay na 'yon sa 'kin" Sabi ko kay Paul.

Naawa rin ako sa sarili ko kahapon dahil sa mga natanggap kong tingin galing sa mga kaklase ko.

They did not deserve to see me like that.

"Sorry..." Mahinang sabi niya sa akin. "Hindi ko sila napigilan kahapon. Hindi ko rin kasi inakala na masasabi ni Noah 'yon. I was able to talk to him and he admits na mali 'yon" Tumahimik kaming dalawa sandali pagkatapos niyang magsalita.

Move on na sana dapat talaga ako sa nangyari kahapon pero hindi ko din basta basta makakalimutan ang lahat lalo na't magkikita kami araw-araw dito sa school. Totoo naman din ang sinabi ni Noah pero hindi ko rin magawang hindi masaktan.

Suntok sa realidad ko ang lahat ng mga salita niya sa akin.

Tatalikod na sana ako nang maalala ko ang damit ni Lara. Dali-dali kong binuksan ang bag ko at iniabot sa kanya ito na nasa plastic.

"Ito nga pala yung uniform ni Lara. Sabihin mo huwag siyang mag-alala dahil pina-laundry ko pa talaga 'yan kagabi. Ang bango pa n'yan" Sabi ko nang bigla siyang natawa.

"Actually, Lara can't tell if it's from laundry or hand wash. Kahit ako. Nilabhan mo nalang sana. Tinotoo mo pa talaga" Natatawang sabi niya sa akin.

"Ay hindi. Hindi ko basta-batang binabawi ang mga sinasabi ko kaya ayan. Pakihatid doon sa kaibigan mong judger. Akala mo naman kung sinong maganda" Mas natawa siya sa sinabi ko kaya natawa narin ako ng mahina. "Huwag mo ng sabihin na sinabi kong feeling maganda siya ha?" Pakiusap ko sa kanya pero tumatawa pa rin siya.

"Lara and I were not friends. Hindi rin siya kaibigan ni Noah. We just knew each other kaya 'wag kang mag-aalala hindi ko sasabihin" Assurance niya sa akin.

"Sabi mo 'yan ha? Kapag ako inaway nun ulit ikaw ang hahanapin ko" Hindi ko rin maintindihan ang lalaking 'to. Ang liit ng kaligayahan sa buhay.

Tawang-tawa sa akin.

"By the way, I'm Paul. Can I call you Rianne instead of Pres?" Nag-offer ito ng shake hands sa akin. Nagdadalawang isip man ako ay tinanggap ko rin.

"Bahala ka" Sabi ko at tinanggal na ang kamay ko. "Sige alis na ako. Bumalik ka na din doon sa room sabihan mo sila na behave lang sila at 'wag mag-ingay ng sobra. Sabihin mo galing sa'kin" Utos ko sa kanya at naglakad na paalis dahil late na ako sa meeting namin.

Pagdating ko ay naabutan kong may kausap ang president ng student council. President lang kasi ako ng senior high curriculum habang siya ay sakop mula Grade 7 hanggang sa amin na mga senior high. Kaya ang totoo vice president ako ng student council.

Napansin niya yata ang pagdating ko kaya tinawag niya ako para lumapit.

"Rianne, sila pala yung mga taga school paper natin. Si Ryde nga pala" Ipinakilala niya sa akin ang lalaki na may dalang camera at sobrang tangkad. "Siya pala ang magko-cover ng event ninyo. The photo journalist of our school" Hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanya.

Inimagine ko ang sarili ko na nakatayo katabi niya. Hanggang braso lang yata ako.

"Hi, I'm Ryde. Nice to meet you" Sabi niya sabay nakipagshake hands sa akin.

"I'm Rianne. Nice to meet you rin. I'm looking forward sa inyo" Pakilala ko sa kanya.

Kinilala ko rin ang ibang mga taga school paper at nakipag-usap na rin sa mga ibang officers para tanungin ang status ng mga program na gagawin namin para sa senior high school week.

Nang makabalik ako sa classroom namin ay walang tao. Naalala ko na career guidance pala namin ngayon at nasa counseling room ang lahat. Humilata na muna ako sa desk ko dahil four hours pa naman bago sila bumalik lahat dito sa room. Pagod rin ako kaya nagmumuni-muni na muna ako bilang pampalipas ng oras.

Ilang sandali lang ay pumasok si Leila kasama ang bagong kaklase namin na babae na kung hindi ako nagkakamali ay anak ng mayor namin.

"Are you okay?" Tanong ni Leila sa akin nang makalapit sabay lagay ng kamay niya sa noo ko.

Isa si Leila sa mga naging close ko nang magsimula ang school year ng senior high kaya bumangon ako at yumakap sa kanya.

"Leilany..." Malambing na sabi ko. "Mamatay na yata ako sa pagod" Totoong sabi ko nang mahinang tinapik niya ang ulo ko.

Kumawala rin ako sa yakap at tiningnan ang kasama niya.

"Hi. Bagong classmate ka namin 'no?" Tanong ko sa kanya.

Ang ganda niya sobra.

"Ay, hindi ko pa pala na-introduce sa'yo. Si Therese pala. I know her because of my family" Paliwanag ni Leila sa akin. Napatango ako at binigyan siya ng ngiti.

"Hi Therese. I'm Rianne. Class president niyo" Sabi ko sa kanya. "Pasensya na pala kayo sa nangyari kahapon" Nahihiyang sabi ko sa kanila.

"No need to be sorry. Wala ka namang ginawang mali" Sagot ni Therese sa akin. Hindi ko inaasahan ang sagot niya sa akin.

"Oo nga. Nagalit talaga ako kahapon pero hindi ko lang kaya na awayin sila" Dagdag ni Leila.

"Lara was rude too. I apologize on her behalf" Nabigla ako sa sinabi niya.

"Ay? Magkaibigan kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. We're cousins" Sagot niya na ikinatango ko ulit.

Mayaman nga talaga sila nila Lara.

"Nag-usap na ba kayo ni Noah?" Tanong ni Leila sa akin na ikinailing ko. Pumunta siya sa may water dispenser at nilagyan ang water bottle niya "You should try to talk with each other. He needs to say sorry din" Dagdag pa niya.

Inilugmok ko ulit ang mukha ko sa desk.

"Ewan ko. Bahala na siya. Tapos na naman 'yon" Nakatulalang sabi ko.

"Kahit na. He still need to apologize to you" Sagot niya at nakita ko siyang may kinuha sa bag niya.

Mga chocolates. Lumapit siya sa akin at inilagay niya ito sa desk ko.

"Oh, ayan. Para naman ma-energize ka. Babalik pa kami doon. Magpahinga ka nalang muna dito" Sabi niya na hinihintay si Therese na matapos sa pag-fill ng water bottle nito habang ako ay tumatawa sa tuwa dahil sa chocolates.

"Thank you, Leilany!" Tuwang sabi ko sa kanya nang papalabas na sila ng room.

Maliit lang ang kaligayahan ko pagdating sa chocolates. Muntik na akong makalimot na magbalot para dalhin sa bahay.

Nang tumunog na ang bell ay unti-unti ng pumasok ang mga kaklase ko para sa next subject. Dumating si Elton ay dumiretso siya kaagad sa akin at tinapik ang ulo ko.

"Ang daya mo naman. Four hours kami doon" Nagbibirong reklamo niya na ikinatawa ko lang.

Naramdaman ko ang pag-upo ng katabi ko pero umiwas ako ng tingin.

Buong hapon akong nagkukunwari na walang katabi at nakinig na lang sa lecture ng mga teachers namin. Mabuti na lang at hindi na ako kinausap ni Lara at nagpapasalamat rin ako dahil buong hapon ay may klase kami. Sure ako na kung nagkataon na break time namin ay aawayin na naman niya ako.

Nang matapos ang klase ay kaagad kong kinuha ang sapatos ko para umalis dahil kailangan kong pumunta sa faculty dahil may magpapalinis sa mga teachers.

"Hey, Rianne!" Narinig kong tawag sa pangalan ko at hindi ako nagkakamali na si Lara ang tumawag sa'kin.

Mabilis akong nagsuot ng sapatos at halos tinakbo pababa ang hagdanan para makaalis. Sigurado ako na aawayin na naman ako ng babaeng 'yon kaya mas mabuti ng iwasan ko na. Baka kapag pinatulan ko na siya ay makulong na ako dahil sa yaman ng pamilya niya.

Tatlong cubicle ang nilinis ko at buti na lang ay nagbayad kaagad ang mga teachers sa akin. Kailangan kong bumalik ng room para kuhanin ang bag ko at i-lock ito dahil halos lahat ng estudyante ay umuwi na rin.

Ngingiti-ngiti pa ako habang papaakyat ng room namin dahil sa kinita ko sa paglilinis. Madadagdagan na naman ang ipon ko. 

Tahimik na ang hallway kaya nag-expect ako na wala ng tao sa room pero nagulat ako nang naabutan kong may nakaupo parin sa tabi ng upuan ko.

Lumingon ito sa akin at bigla nalang nawala ang ngiti ko at napalitan ng inis. Si Noah.

Hindi ko siya pinansin at kukuhanin na sana ang bag ko nang magsalita siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

Hindi ko na sana siya kakausapin pero naisip ko na hindi ko rin siya maiiwasan habangbu hay kaya nagdesisyon na akong kausapin rin siya.

"Anong pag-uusapan natin?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Can you take a seat first? You'll look like a mom who's gonna nag her son" Hinila niya ako pababa para makapag-usap kami.

Aba hanep! Nakuha pa talagang magloko nitong lalaking 'to.

Hindi ko na pinatulan at sumunod na lang sa kanya. Naghihintay sa sasabihin niya sa akin.

"Sorry..." Panimula niya. Natahimik pa siya ng ilang saglit bago nagsalita ulit. "Hindi ko sinasadya na ipahiya ka kahapon. It's just that I was annoyed for some reason and somehow I vent it out on you" Nakatingin siya ng malalim habang sinasabi ang lahat ng 'yon.

Napalalim ang hininga ko na ngayon ay magkaharap na kami sa isa't-isa.

"Apology accepted" Ngumiti ako ng maliit sa kanya. "Actually, wala na naman sa'kin 'yon. Totoo rin naman lahat ng sinabi mo. Nahiya lang talaga siguro ako kaya nasampal kita. Sorry rin pala" Sabi ko at nag-peace sign sa kanya.

"It kinda hurts until now" Sabi niya habang nakahawak sa kaliwang pisngi kaya wala sa sariling hinawakan ko ang mukha niya at concern na tiningnan siya. "It was a joke" Natatawang sabi niya sa akin nang marealize kong nakahawak pala ako sa mukha niya.

"Ay sorry!" Biglang bawi ko sa paghawak sa kanya. "Ikaw kasi. Maldito ka rin eh" Pabirong sabi ko sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. "Oh, ano na naman?" Tanong ko.

"Akala mo naman parang hindi ka amazona" Sarkastikong puna niya sa akin.

Natawa na ako imbes na magalit.

"Let's try to not fight each other, deal?" Sabi nito at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Hindi ko mapa-promise dahil alam kong aawayin mo parin ako minsan pero sige, deal" Natatawang tinanggap ko ang kamay niya.

Nagtatawanan pa kaming dalawa nang biglang bumukas ang pintuan dahilan para parehas kaming mapalingon sa direksyon nito.

Lumitaw na naman ang babaeng kontrabida.

"Oh... You're here"

Si Lara.