Abala ako sa trabaho ngayong araw at napapahilot na lang ako ng noo ko dahil marami-rami rin itong papeles na binabasa ko.
Buti na lang at nasa bahay na si aunty at hindi na ako mag-aalala para kay daddy.
Binalak na naman na pumasok sa bahay si mommy pero buti na lang at nakatapat na ito ni aunty.
Malaki ang impact nito kay mommy gayong bumalik na ito at makakalabas na rin si ate na susunduin namin sa isang araw.
Everything is settle now and we had productive life everyday.
Pero nang maalala ko ang nangyari sa party kahapon ay hindi ko maiwasan na hindi na naman mag-isip.
The San Gabriel like what my father said that Xerxes San Gabriel is a mafia boss ay hindi ko maiwasan na hindi isipin na kung bahagi rin ba si Light ng organisasyon na sinasabi ng aking ama.
This is another revelation again at habang tumatagal ay nakikilala ko si Light pero sa ibang tao nga lang.
Wala kasi itong sinasabi sa akin na kahit ano kaya hindi ko alam kung sino nga ba talaga ito, mula nong unang makilala ko ito hangang ngayon ay wala akong alam sa pamilyang pinanggalingan nito.
Ang tanging alam ko lang ay half italian ito na galing nga sa Italy at dito nakabase ang trabaho nito.
Pero maging ang trabaho nito ay wala akong masyadong alam.
Like what dad said hindi biro ang mga nag-alok ng investment sa kumpanya namin at hindi ito makapaniwala na magkakaroon ng interes ang mga ito sa kumpanya namin.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito at si Light pala abg tumatawag.
Dalawang araw mula nang maganap ang party at dalawang araw ko na rin itong hindi nakikita.
Naging abala na rin ito sa trabaho kaya hinayaan ko na lang muna ito, tumatawag naman ito pero nangungumusta lang.
Nabasa ko ang message nito at nami-miss na raw ako nito at susunduin ako nito mamayang hapon.
Sinagot ko lang ito na pumapayag ako at saka ko na muling binitiwan ang cellphone ko at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.
Sumapit ang hapon at kung hindi pa ako kinatok ng sekretarya ko ay hindi pa ako tatayo sa upuan ko.
Naghihintay na daw sa baba si Light kaya inayos ko na ang bag ko at pinatay ang computer ko saka na ako lumabas ng opisina ko.
Pababa na ako nang makita ko si Light na kausap ang guwardiya dito sa parking area kaya napailing na lang ako.
"Magandang hapon Ma'am Akisha." Bati ni manong kaya binati ko rin ito at napatingin ako kay Light na agad akong nilapitan at hinalikan sa noo saka kinuha ang dala ko na bag.
Pinasakay na ako nito sa kotse na bago na naman na model kaya napailing na lang ako.
"Buwan-buwan ka yata nagpapalit ng sasakyan." Sabi ko dito kaya tumawa lang ito at nag-drive na.
"Yuki bought it at nagpalitan muna kami." Sabi nito kaya napatango na lang ako.
Dahil pagod ako ay medyo binaba ko ang upuan ko at napapikit.
"Tired babe?" Tanong ni Light na kinuha ang kamay ko at hinalikan ng paulit-ulit kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Dahil ayaw na ni Light na mapagod ako ay umuwi na lang kami dahil may dinner naman sa bahay.
Lalo ko tuloy minamahal si Light dahil sa ugali niyang ito at medyo nakalimutan ko ang mg bagay na nagpapasama lalo sa pamiramdam ko.
Sa ngayon iiwasan ko na muna ang mga bagay na nagpapalala sa mga isipin ko at gusto ko munang maging masaya.
Habang nagdi-dinner na kami ay napagkwentuhan namin ang tungkol sa pag-uwi sa amin ni Ate Alicia.
Dahil excited si aunty ay inayos na nito agad ang kwarto ni ate pati na rin ang mga gamit para sa baby nito.
"Masaya ako dahil makakauwi na rin ang kapatid mo hija." Sabi ni daddy na nakangiti kaya napatango ako at hindi ko maiwasan na hindi tignan si Light kung ano ang reaksyon nito.
Mahigpit ang hawak nito sa tinidor at kakaiba ang buska ng mukha nito bagay na ikinakaba ko.
"Is there something wrong babe?" Bulong ko dito kaya napatitig ito sa akin at nawala na bigla ang tila galit nito sa mukha.
Nang matapos ang hapunan namin ay agad na rin nagpaalam si Light kaya naman hinatid ko na ito sa gate.
We shared kiss and said goodnight to each other before he open the door to his car.
Napahinga ako ng maluwag dahil kumpirmado ko nga na may lihim itong galit sa pamilya ko.
Pero hindi ako papayag na magawan nito ng masama sina daddy, kung kinakailangan kong magmaang-maangan sa harap nito ay gagawin ko.
Pumasok ako sa kabahayan na ramdam ko pa rin ang kaba dito sa dibdib ko.
"May problema ba hija?" Tanong ni daddy na nakatingin pala sa akin kaya napatitig ako dito.
Siguro panahon na rin para itanong kay daddy ang tungkol sa nakaraan at kung kilala ba talaga nito si Light.
"Dad can we talk?" Tanong ko dito kaya napakunot noo ito pero niyaya ako na umupo dito sa sofa.
"What it is hija?" Tanong nito kaya napahawak ako ng mahigpit sa braso ko at huminga ng malalim.
"Dad about the incident when i was eight years old, i want to know how i survive in that fatal accident?" Tanong ko dito na nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito.
"It was long time ago hija bakit gusto mong malaman ang tungkol sa bagay na iyon?" Tanong rin ni daddy kaya sinalubong ko ang titig nito.
"Dad do you know or remember the Davidson surname?" Tanong ko ulit dito kaya napahinga ito ng malalim at napahilot ng noo.
"I do hija actually when you introduce Light to me and how i certain remember where was i heard his surname." Sabi nito mayamaya kaya napalunok ako at marami akong gustong itanong sa mga oras na ito.
"Light real name is Elijah Rosenthal Davidson and he has hostility to our family." Sabi ko dito kaya nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni daddy.
"I do remember when you almost die in accident before at isang pamilya ang invlove sa insidenteng iyon." Bulong nito kaya kinabahan ako.
"Anong nangyari sa kotseng nakabangga mo dad? Buhay ba sila? O nakaligtas o patay?" Magkakasunod kong tanong kaya napatitig ito sa akin dito na kami dinaluhan ni aunty dahil nakatayo na ako at nanginginig ang buo kong katawan.
Hindi ko na rin namalayan na umiiyak na ako kaya agad akong niyakap ni aunty.
"Calm down hija please." Bulong nito sa akin na agad akong binigyan ng tubig.
I want to know the truth kaya lang ay tila inaalala pa ni daddy ang nangyari ilang taon na ang nakararaan.
Then suddenly my dad starting to tell the story seventeen years ago.
I can't believe it what i am hearing right now maging si aunty ay hindi rin makapaniwala habang nakikinig kay daddy.
"Sa tingin namin ay hindi magkakaroon ng aksidente nang araw na iyon kung walang mga sasakyan na nakasunod sa amin." Sabi ni daddy na nakayuko lang.
"Nadamay lang tayo hija nagkataon lang na yong daan paalis ng resthouse natin ay dinaanan rin ng kotseng iyon. At dahil mataas ang lagnat ng ate mo noon kaya napilitan kami na umalis ng mommy kasama kayong dalawa at nangyari na nga ang aksidenteng iyon na muntik mo nang ikamatay maging ang Ate Alicia mo." Sabi ni daddy kaya hindi ako makapaniwala.
Kung ganon ay nagkamali ng akala si Light na ang pamilya ko ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya nito.
"One week later when the incident happened ang mommy mo at ang lolo mo ang gumawa ng paraan para hindi makarating sa publiko ang tila bangungot na iyon." Sabi ni daddy kaya napatanga ako dito.
Si mommy at si lolo na naman ang dahilan at sigurado ako na malaki ang kinalaman nila sa trahedyang iyon.
Dahil ayoko nang mapagod si daddy ay sinabi ko dito na pwede naman namin ipagpatuloy ang usapan namin bukas.
He want to tell me everything pero may kinabukasan pa at medyo sumama na rin ang pakiramdam ko.
Umakyat ako na inaalala pa rin ang mga kwento ni daddy tungkol sa nangyari noon.
I was young that time so i don't know what happend that day but i remember i met a young girl who has the same age like me.
Ang resthouse na pag-aari ng pamilya namin sa Batangas before ay madalas namin pagbakasyunan nong mga bata pa kami.
At natatandaan ko na may katabi rin na bahay-bakasyunan ang sa amin dahil nasa tabi itong dagat at isa pa ay private property ang lugar na iyon.
Tinawagan ko si Yuki dahil may gusto akong malaman at may gusto akong kumpirmahin dito.
Agad naman itong pumayag na magkita kami dahil medyo maaga pa naman.
Nagbihis ako ng jacket at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at muling bumaba.
"Saan ka pupunta hija?" Tanong ni aunty kaya lumapit ako dito.
"Hindi po ako makakatulog ng mahimbing kung wala akong malalaman." Sabi ko lang dito at sinabi ko na may katatagpuin ako at hindi naman ako magtatagal.
Nag-drive na ako papunta sa lugar kung saan ako hihintayin ni Yuki.
Kinawayan ako ni Yuki nang makita ako nito kaya agad akong lumapit dito, sa isang cafe kami nagkita at agad ako nitong pinaupo.
"Anong pag-uusapan natin at kahit ganitong oras ay nakiusap ka pa sa akin." Sabi nito na nakangiti kaya huminga ako ng malalim.
Nagsimula akong magsabi dito o mag-kwento tungkol sa nangyari maraming taon na ang nakararaan.
"Yuki who is Light? Bakit bigla na lang siyang dumating at bakit malaki ang galit niya sa pamilya ko?" Magkasunod kong tanong kaya nakita ko ang gulat sa mukha nito at napakamot ng ulo.
"He want revenge Akisha, because your family he believe that your father is the one who killed his mother and sister and also my mother." Diretso nitong sagot kaya napasinghap ako sa sinabi nito at kinabahan ng husto.
"My dad he maybe a cruel man but i believe that he will not killed an innocent people." Bulong ko habang nakatitig dito.
"Pero lahat ng ibidensya ay nagtuturo sa pamilya mo Akisha lalo na sa ama mo, ang ama ni Light hangang ngayon ay nasa comatose pa rin hangang ngayon." Sabi nito kaya nangilid ang luha sa mga mata ko.
"Naaksidente kami labing-pitong taon na ang nakararaan at dahil iyon sa kotseng bumanga sa amin noon habanhlg tumatakas ito sa mga kotse na humahabol sa kanila Yuki." Sabi ko dito mayamaya kaya napakunot noo rin ito at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"I have scar in my left abdomen due to fatal car crash we had that time and i almost died at dahil iyon sa pagkakasangkot namin sa insidenteng iyon Yuki." Patuloy ko pa kaya napatayo na ito at napaiyak na ako ng tuluyan.
"No Akisha, ang balita sa amin noon ay nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng mga De Luna at ng ina ni Light kaya pinatay sila ng ama mo." Sabi nito na hindi rin makapaniwala sa sinasabi nito kaya napailing na lang ako.
Ano ba talaga ang totoo? Bakit magkaiba ang kwento ni daddy at ang bersyon ng kwento ni Yuki?
Bakit pakiramdam ko ay may mga taong masa likod ng bagay na ito at nadamay lang ang pamilya ko.