Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 31 - Chapter thirty-one

Chapter 31 - Chapter thirty-one

It's been five months long now again since i did not see nor hear anything from Elijah.

Kahit si Yuki at Dryle ay walang matinong sagot sa mga tanong ko.

They never mention him again kapag nagkakasama-sama kami.

Dryle is always by my side and he is a good friend of mine now.

Dangan nga lang ay si ate at aunty ay tinutudyo ako parati na baka kami pa ang magkatuluyan ni Dryle.

But i am just laughing at this maging si mama at daddy ay ganon rin pero nasa akin pa rin naman daw ang pagpapasya.

Hindi ko na kailanman nakikita ang sarili ko sa isa pang relasyon kahit naman na si Dryle na yata ang perpektong lalake na hinahanap ng isang babae.

Gwapo, mayaman, mabait, mapagkakatiwalaan, at handa kang ipagtangol lagi dahil sa linya ng trabaho nito, kita ko rin na napaka-responsable nitong tao.

He even merge our company to his own para daw makabangon ulit ang kumpanya ni daddy.

Tinangihan ito ni daddy nong una pero kahit si Yuki ay nakiusap na rin dito kaya wala nang nagawa pa si daddy.

Maayos ang lahat, si Kiel ay lumalaking bibo at malusog na baby.

Ito ang apple of the eye ng lahat, madalas nga kaming umuwi sa Romblon dahil ayaw ko naman na ipagkait ang anak ko kina Mama Linea.

Pero hindi ko naman pinaparamdam kay ate na puro na lang ang anak ko ang paborito ng lahat.

Even her son ay mahal na mahal rin naming lahat.

Gusto ko na maging kuya ito kay Kiel kapag lumaki sila at nakikita ko na mangyayari ito dahil lahat kami ay gagabayan ng maayos ang paglaki ng dalawang bata.

Also the daughter of Kari and Crissy na magiging muse namin sa pamilya.

Napatingin ako sa labas nang bumukas ang pinto at natanaw ko si Yuki at Dryle na magkasunod na naglalakad.

Mukhang may may isusumbong na naman ang dalawang ito na parehong tila laging problemado.

"Akisha can we talk to you for awhile?" Sabi ni Dryle kaya nagkatinginan kami ni ate na nasa tabi ko at tumango lang ito at tinawag ang isa sa katulong namin na tulungan ito na iakyat muna sa taas ang mga bata.

Nandito kami ngayon sa opisina ni daddy at narito rin ito dahil sabi ni Yuki ay dapat nandito rin daw si daddy.

"What about it Yuki, Dryle?" Tanong ko sa dalawa na nagkatinginan.

"We heard about Light after a month now, he still in Italy but one week ago he come back here but we don't know why he is here." Sabi ni Dryle kaya kinabahan ako at napatingin kay daddy na nakikinig lang.

"Alam niyo naman siguro kung gaano kalala ang nangyayari ngayon sa mafia organization diba? Magulo pa ang sitwasyon sa Italy at dahil ito sa pagpapalit ng liderato ng pamahalaan doon." Kwento ni Dryle na alam ko na bahagi rin ng isang mafia organization pero magkaiba sila ng grupo ni Light.

"I've heard it hijo and it's not that good as before." Sabi ni daddy na napatingin ako dito.

And i remember something maybe four days ago habang mag-isa akong pumunta ng mall.

Tila may nakatitig sa akin noon pero hindi ko sigurado kaya baka nga si Light iyon.

Napakuyom na lang ako ng kamao at napahinga ng malalim.

"Maybe he talk to his cousin, Anton Goldsmith is one of his cousin here Lirabelle if you want to know about Light go to him." Sabi ni Yuki sa akin kaya napatingin ako dito at kay Dryle na tumango lang.

"Lirabelle is my friend Akisha but we have limit for the case like this." Sabi nito kaya napatango na lang ako.

Nang matapos kaming magusap-usap ay naiwan kami ni daddy na kinausap ako.

"Go hija you need to do this after all he need to know about your son." Sabi ni daddy kaya napatango lang ako at napahinga ng malalim.

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos dahil magpapahatid ako ng La Union kay Dryle syempre kasama ko ang anak ko.

"Sigurado ka ba na kaya mo?" Tanong ni ate habang tinutulungan ako na ayusin ang bag na ang laman ay mga gamit ni Kiel.

"I am ate don't worry kasama ko naman si Dryle." Sabi ko dito kaya tumango lang ito at niyakap ako.

"Okay dahil may baby tayong dala babagalan ko lang ang pagda-drive." Sabi ni Dryle kaya napangiti lang ako at hinaplos ang ulo ng anak ko na mahimbing pa rin ang tulog.

"He always sleeping." Sabi ni Dryle kaya napangiti ako.

"Kakatapos lang kasi dumede at saka maagang nagising at nag-tantrums." Sabi ko dito na ikinatawa na lang nito.

Habang nagba-byahe kami ay tumawag naman si daddy at naka-monitor ito.

Alam ko na nag-aalala ito dahil ito ang unang beses na babyahe kami ng apo nito at hindi pa rin namin alam ang binabalak ng asawa nito kapag nagkataon.

Nang makarating kami sa isang hacienda ay dito ako kinabahan pero sabi ni Dryle ay mabuting tao si Anton Goldsmith at maaring ito ang makatulong sa amin para muli kong makausap si Light.

Nakatitig lang sa akin si Anton at ang asawa nito habang nakaupo ako karga ang anak namin ni Light.

"Please i want to know where he is." Bulong ko kaya nagkatinginan ang mag-asawa.

"Mag-usap muna kayo mahal, akin na muna si baby." Sabi ni Lirabelle kaya binigay ko dito si Ezekiel.

"Huling balita ko ay nasa Italy siya at abala sa organisayon." Sabi nito mayamaya kaya napatango ako.

Pwede akong kumuha ng ticket agad para mapuntahan ko ito.

"It's not easy to talk to him right now Akisha, he is not in his good state." Mayamaya ulit nitong sabi kaya kinabahan ako.

"Bakit hindi? Gusto ko lang naman malaman kung bakit bigla na lang siyang nagbago and why he suddenly left us." Bulong ko na turan dito kaya nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

"Akisha listen to me, he has his own reason why he did that. Masyadong mapanganib ang sitwasyon niya sa mga oras na ito at alam ko na pinoprotektahan ka niya sa mga kalaban." Sabi nito kaya kinabahan ako at natigilan at nag-isip ng malalim.

"I will ask the help of my friend to investigate that day at bukas lang ay pangako may sagot na sa katanungan mo." Sabi nito kaya napatango na lang ako at napahilamos ng mukha.

Mayamaya lang ay bumalik na ulit si Lirabelle dahil umiiyak na ang anak ko kaya binigay niya ito sa akin.

"Dumito na muna kayo para makapagpahinga ka at bukas na kayo bumalik sa Manila ni Dryle." Sabi ni Lirabelle kaya napatango lang ako at nagpasalamt dito.

"Ang kwartong ito ang tinutulugan ni Light kapag nandito siya." Sabi nito ulit kaya agad akong tumango at nilapag ang bag na dala ko.

Nagpaalam na ito kaya nang makalabas ito ng kwarto ay nilagay ko na sa kama si Ezekiel na mahimbing na ang tulog.

Napatingin ako sa buong silid at naamoy ko pa ang naiwan na bakas ni Light.

Nagbihis ako ng binigay na pantulog sa akin ni Lirabelle at saka ako tumabi sa anak ko.

Napaiyak ako dahil naawa ako sa anak ko, kung totoo ang sinabi ni Anton na gusto lang kaming protektahan ni Light ay ito na muna ang paniniwalaan ko.