My tummy is already three months now at nag-iingat pa rin ako ng husto.
Ayokong isipin amg stress at anxiety dahil makakasama ito sa baby ko.
I remember when the day i told to my dad and aunt that i am pregnant they didn't badmouthed me.
Instead they said that it was another blessing to our family.
Iyak ako ng iyak dahil hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon mismo sa bibig ng aking ama.
Yong pangamba ko na baka magalit ito at ma-disapointed ay hindi ko nakita dito.
My dad indeed change so much, nagpapakatatay na ito sa akin, sa amin ni ate at sapat na iyon para hindi ko gaanong maalala ang masakit na nangyari sa akin sa nakalipas na buwan.
I never talk nor have a single call from Light eversince we argue.
I still have the hope of maybe one of this days Light will call me and make it up for the two of us.
Pero dahil dalawang na ang lumipas ay tila malabo na yong lagi kong sinasabi sa sarili ko na sana bumalik ito.
My love for him are never fade, i still love him so much that its pain me to think worse.
"Look at you nakatulala ka na naman." Napatingin ako kay ate habang karga si Baby Jiro na three months old na.
"May iniisip lang ako ate." Sabi ko dito kaya napangiti lang ito.
Umupo si ate sa tabi ko at hinalikan ko sa noo ang pamangkin ko na antukin pero iyakin.
Dahil nakita ko ang pag-aalaga ni ate sa anak niya ay alam ko na hindi na ako mahihirapan kapag manganak na ako.
Isa pa ay may pamilya ako na alam ko na susuportahan ako sa lahat ng oras.
"Hindi na ako makapaghintay na manganak ka para may kalaro si Jiro." Sabi nito kaya napangiti na rin ako at tinitigan ang pamangkin ko.
"Sa loob lang ng dalawang buwan ay maraming nangyari." Sani ni ate mayamaya kaya napatango ako.
Si Aunt Mariko ay nagsimula nang mag-trabaho sa kumpanya namin bilang isang COO at si daddy ay paunti-unti ay nakaka-recover na.
Active na naman ito sa kumpanya pero dalawa o tatlong beses lang itong pumapasok.
Ito kasi ang pakiusap namin dito na ipaubaya na lang sa amin nina aunty ang kumpanya.
Sina Kari at Crissy ay dito na sa amin nakatira dahil gusto ko na kasama namin ang mag-asawa.
Si daddy pa nga mismo ang kumausap sa mag-asawa, at saka ay kabuwanan na ni Crissy kaya kailangan nang may umaasikaso dito dahil abala rin si Kari sa trabaho.
Crissys family are not in good terms with her, mula nang malaman ng mga ito na may relasyon ito kay Kari na dahil sa kapatid ni Crissy ay nalaman nila na bakla ang nobyo ng kapatid nila.
Kinasal sila sa judge isang buwan na rin ang lumipas pero sa Romblon kami nag-celebrate.
Kina Mama Linea na nakilala na rin nina aunty.
I told them about Light at nakita ko na tila nawalan na ng pag-asa ang mag-ina.
But i keep my promise to them that i will bring Light to them.
Yuki and Dryle is still in Italy at para na rin alamin kung ano ang nangyari kay Light doon.
Pero nag-aalala ako dahil hindi na sila ulit tumawag pa, dalawang linggo na ang dalawa doon at tatlong beses lang kaming nagkausap.
Hindi pa maganda ang balitang sinabi ni Yuki dahil medyo magulo pa daw.
"Nawawalan na ako ng pag-asa ate." Bulong ko kaya napatingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin na rin ako dito.
"Sabi ko naman sa'yo diba huwag kang mawalan ng pag-asa." Sabi nito mayamaya saka napangiti.
Isang tawag ang natangap ko mula kay Yuki sa hindi ko inaasahan na oras.
But he said that he didn't get to close to Light because of the security matter in their house.
Naka-ban raw ito sa bahay ng mga Rosenthal sa Florence, Italy.
Sabi nito ay mukhang tuluyan nang nabilog ng tiyahin ni Light ang ulo nito.
Pero may maganda itong balita uuwi na ito kasama ang ama nito na gusto nang makita ang mama niya.
Masaya ako para dito dahil mukhang mabubuo nang muli ang pamilya nila.
Dryle is with them at ito raw ang dahilan kung bakit nagkausap si Yuki at ng ama nito.
I can't wait to meet them again at para makilala ko na rin ang ama ni Yuki.
"Anak abala ka ba?" Tanong ni daddy kaya napatingin ako dito at umiling lang, nandito kasi ako sa sala at nagbabasa lang ng paborito kong book novel.
"Bakit po dad?" Tanong ko dito kaya sinabi nito na kung pwede ko itong samahan sa mall dahil may bibilhin raw ito.
Pero alam ko na para na naman ito kay Baby Jiro kaya napangiti na lang ako at nagpaalam na magbibihis lang ako.
Habang nagda-drive si daddy ay napapatingin ako sa labas napakaaliwalas ng panahon kaya napangiti ako.
"Bihira kitang makitang nakangiti anak." Sabi ni daddy kaya napatingin ako dito at napahinga ako ng malalim.
"Sorry po dad kung nag-aalala ka lagi sa akin." Sabi ko dito mayamaya kaya umiling lang ito.
"Hindi ka dapat humingi ng paumanhin sa akin hija, alam ko ang pinagdadaanan mo at nasasaktan ako dahil wala akong magawa para sa'yo at sa magiging anak mo." Sabi nito kaya naging emosyonal ako at napahawak sa tiyan ko.
"Dad, what if lumaking walang kagigisnan na ama ang anak ko." Bulong ko kaya kinuha nito ang kamay ko at pinisil niya ito.
"Then i can be the father, the lolo anything anak basta kung sakali man na tuluyan ka nang hindi balikan ng lalakeng iyon, it's okay anak as long as magiging mabuti kang ina para sa anak mo." Mahabang turan ni daddy kaya tuluyan na akong napaiyak pero agad naman ako nitong pinatahan dahil baka makasama pa raw sa akin ang sobrang emosyon.
Nagpasalamat ako kay daddy at nangako na magiging mas malakas na at mag-iingat.
Nasa grocery na kami ni daddy dahil naisipan na rin namin na mamili ng mga kailangan sa bahay.
Nagulat ako dahil napatigil sa paglalakad si daddy at tila may nakita na ikinagulat nito.
"I think i saw your mother just now." Bulong ni daddy kaya napakunot ako ng noo at napatingin sa paligid.
"Saan dad? Si mommy ba talaga ba yong nakita mo?" Tanong ko dito kaya napatango si daddy.
"Not your mom, but your real mother hija." Mayamaya nitong bulong na ikinasinghap ko.
"What dad?" Tanong ko kaya napatitig ito sa akin at napatingin sa paligid.
"I saw Bianca right now, oh gosh i can't believe it." Sabi nito at saka nagmamadali na naglibot sa buong aisle ng pantry.
Sinundan ko na lang si daddy dahil tila taranta pa ito at mukhang nakita nga niya ang totoo kong ina.
I can't beleive it that dito pa namin sakaling makikita ang aking ina.
"Hija? Do you remember me?" Napatingin ako sa babaeng tinawag ako at nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang babae na nakangiti ngayon sa harap ko.
"Tita Bianca?" Sabi ko pero natigilan ako dahil sa pangalan na nabangit ko.
"Bianca!" Napatingin ako kay daddy na nakatitig sa babae na nasa harap ko.
Gusto kong mapamura sa mga sandaling ito dahil sa isang katotohanan na nalaman ko ngayon lang.
Nakaupo kami ni daddy at Tita Bianca dito sa isang cafe kung saan pina-reserve pa ni daddy ang buong second floor.
"Tell me Bianca, why you suddenly left our daughter that day? Where did you go?" Tanong ni daddy dito na kanina pa nakatitig sa akin kaya naiilang ako.
"So hindi namatay ang anak natin gaya ng pinaniwala sa akin ng asawa mo!" Mariin nitong turan sa galit na boses kaya napakunot ang noo ni daddy.
Mahinang napamura sang aking ama ng may mapagtanto ito at napahilot na lang ng sentido nito.
"Did my wife did that? Why you did not call me?" Desperado na tanong ni daddy kaya napatawa na lang ito at napatingin sa akin.
"Kaya pala unang kita ko pa lang sayo ay may naramdaman na akong kakaiba hija, i really don't know that my daughter is before my eyes that day." Sabi nito na naging emosyonal kaya lumakas ang tibok ng puso ko na gusto kong mapaiyak.
"That woman is too much now, what can i do to her this time!" Bulong ni daddy kaya tumayo ako at pumunta dito at pinakalma ito dahil baka makasama na naman ito sa puso niya.
"Dad relax come on." Bulong ko na yumakap ako dito kaya napahinga ito ng malalim.
"If you are my mother, i am glad to meet you po. Now i am whole now that i already meet my reall mom." Sabi ko dito na tuluyan nang napaiyak kaya lumapit naman ako dito at yumakap dito ng mahigpit.
I cry too because for the first time in my life i already whole now, i meet my mother in abrupt moment.
Medyo may ilangan pa ang mga magulang ko habang nag-uusap kami at kita ko kung paano kumislap ang mga mata ni daddy sa tuwing tumititig ito kay mama.
I saw how they glance to each other but in an awkward moment.
"Saan ka nakatira ngayon? Bakit ka nandito?" Magkasunod na tanong ni daddy kay mama kaya napangiti ito.
"Someone ask me to come here and find my daughter, he said he knows that my real daughter is still alive but he suddenly out of contact now." Sagot ni mama kay daddy na nagkatinginan pa kami at kinabahan ako ng sobra.
"Who is she or he mama?" Tanong ko kaya napatingin ito sa akin.
"He my associate in our business in France, i met him a month ago and he said to come here and i will find my daughter." Napatango ako pero gusto kong malaman kung ano ang pangalan ng lalake o kung sino man ang tinutukoy nito.
"What is the name of this person Bianca?" Tanong ni daddy na kinuha ang kamay ko na nanginginig kaya napatingin sa amin si mama na tila nagtataka.
"He is Elijah Rosenthal. He is the son of my late brother bestfriend." Sabi ni mama kaya napaiyak na naman ako at napahawak na lang sa tiyan ko.
So Light did find my real mother all this time and he is the reason why i already met her.
Sinabi ko dito nong araw na pinasakay ako nito sa sasakyan nito nong nakita ako nitong umiiyak ay si Light ang kasama ko.
Hindi makapaniwala si mama at walang masabi sa mga sinabi ko dito.
Nayakap na lang ako nito at sabay na lang kaming umiyak, habang si daddy ay nakatitig lang sa amin pero may ngiti sa mga labi.