Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 30 - Chapter thirty

Chapter 30 - Chapter thirty

Kasama namin na umuwi si mama dahil hindi ako pumayag na hindi ito sumama sa amin.

Ang kasama raw nito na personal driver nito na si Michel ay agad nitong tinawagan na gulat nang makita kami ni daddy.

Sinabi ni mama dito na nahanap na ako nito at nakita ko na napangiti ito at agad kaming binati ni daddy.

Nag-convoy kami pero sa kotse namin ni daddy nakasakay si mama at sa harap ko ito pinasakay.

Medyo nagkailangan pa ang dalawa na tila mga teenager lang kaya lihim akong napatawa.

I wish how my parents will bloom their love again this time, but when i remember mom i felt something in my heart.

Asawa pa rin ito ni daddy at kasal pa rin kaya ayokong masaktan si mama kung sakali man na umeksena na naman ito.

Tumawag na ako kay Aunt Mariko na may mahalaga kaming bisita.

Alam ko na magugulat ito dahil sa pag-uwi namin ay kasama ko na ang totoo kong ina.

Nang makauwi kami ay agad na akong lumabas pero inalalayan ako ni daddy na napatingin sa amin si mama.

Nagtataka ito at nanlaki ang mga mata ng napagtanto nito ang lahat.

"Oh Bianca, do you know that our daughter will be a mother now to our first grandchild." Sabi ni daddy dito na proud pa na sinabi ito kay mama kaya tila may humawak na mainit na kamay sa puso ko.

"I so happy right now hija." Bulong na lang ni mama na tila paiyak na naman kaya agad na kaming pumasok sa kabahayan.

Si aunty ay tila nagtataka na nakatingin sa amin lalo na at nakatingin ito kay mama.

And when we told her about my mother she is bursting into tears.

"It's really nice meeting you ate." Sabi nito kay mama na nagyakapan pa kaya lalo akong napangiti.

Even my Ate Alicia, Kari and Crissy is really happy for us now that i already met my real mother.

Hindi natapos ang mga usapan namin pero dahil buntis ako ay kailangan ko nang magpahinga.

"Marami pa tayong panahon para makapag-usap kaya magpahinga ns tayong lahat." Sabi ni Aunty Mariko na kitang-kita ko ang saya sa mukha nito.

"Mama pwede ba na dumito na muna kayo? May mga kwartong bakante at pwede kayong manatili dito ni Michel please." Pakiusap ko dito kaya napatawa na lang at ito at napatingin kay daddy na tila humihingi ng permiso.

"I don't mind at all mas mabuti nga ito dahil para makasama mo ang anak mo." Sabi ni daddy na nakangiti medyo nag-aalinlangan pa ito.

"Baka magalit kasi ang asawa mo nakakahiya." Bulong nito kaya nagkatinginan na lang kami ni ate at sabay na napailing.

"My wife and i are not together anymore we've been separate for about a year now." Ito ang sinabi ni daddy kaya nakita ko ang pagkagulat kay mama.

I promise to her that i will tell her everything but now we need to take a rest for now.

Bukas na lang daw babalik sa hotel si Michel to petch their things.

Sinamahan na ito ni aunty na makaakyat sa kwarto nito at saka na kami nagpaalam sa isa't isa.

Si ate ay kanina pa nauna dahil pinatulog na ang pamangkin ko, si Kari naman at Crissy ay nauna na rin.

Si daddy ay nakita ko na sinara na ang main door at nagpaalam na kami dito ni mama na magkahawak kamay na umakyat papunta sa kwarto ko.

"How is your childhood anak?" Bulong ni mama habang nakahiga na kami, nakaharap ako dito at dahan-dahan naman nito na hinaplos ang pisngi ko.

"Lumalaki ako na salat sa pagmamahal ng isang ina, mom is never been affectionate to me ever since." Bulong ko kaya napaluha na ito kaya sinabi ko dito na ayos lang.

"I am so sorry for not been with you all this years anak." Bulong nito kaya hinaplos ko na lang ang pisngi nito.

I want to know why she left me but now i want to spend my time with her.

And i want to know her more dahil kung noon pangarap ko lang na sans may totoo akong ina aside from my mother who is the wife of my father.

Pero nong nalaman ko na hindi ito ang totoo kong ina ay mas lalo kong pinangarap na sana makita kong muli ang totoo kong ina.

At ngayon nga ay hindi ako makapaniwala na kasama ko na tin ito sa wakas.

And i am beyond happy right now.

Kinabig ako ni mama para mayakap kaya para akong bata na sabik rin itong niyakap at ngayon alam ko na ang pakiramdam na mayakap mo ang sarili mong ina.

Kabuwanan ko na at malapit na akong manganak kaya medyo hirap na rin ako sa pagkilos.

But i have my family now, my parents, my friends and also si aunty at ate na alagang-alaga ako sa lahat ng oras.

I remember when mama told me the reason why she left me with my dad.

Isa pala si mommy sa mga dahilan kung bakit muntik nang mamatay si mama noon even me also, i never felt hatred to someone before but i felt it with that woman.

Ito pala ang kumuha sa akin kay mama sa hospital kung saan ito nanganak at pinalabas na si daddy ang kumuha sa akin kapalit nang pagbalik nito sa Italy ng buhay.

Kaya pinangako ng aking ina noon na babalik na itong malakas at kaya nang labanan si daddy at mommy sa mga kasamaan nitong ginawa dito.

But my mom already know everything and dad and her talk about it already.

Hindi ko na nga namin napansin ang oras nong araw na iyon dahil sa napakarami naming pinag-usapan.

Nagkapatawaran na sila at dito na ako nagkaroon ng pag-asa na sana ay muli nilang buksan ang puso ng bawat isa.

Dad is already filled an annulment to his wife and because of the hatred that i felt for her.

I can't even call her now as mother and Ate Alicia too, she has done so much pain for us to feel this way toward her.

Nasa ibang bansa raw ito ayon sa abogado at uuwi ito tiyak oras na na malaman nito na nag-file na si daddy ng annulment dito.

Nakalabas na kasi ito ng kulungan at agad na nangibang bansa na nalaman lang namin last month pa.

May pera pa rin ito pero sabi ni mommy ay baka raw tinulungan ito ng pinsan nito na nasa New York.

Hindi ko na muna inisip ang bagay na iyon at may sinabi pa si mama nong araw na iyon.

Ikinagulat ko sa sinabi ni mama ay si Light pala ang naghanap kay mama at hindi ako makapaniwala na magagawa ito ng lalakeng iyon.

But until now hindi pa rin ako kinokontak ni Light and i don't know why he suddenly left after our last meeting.

My heart is aching everytime i remember that day, my heart is brokern into pieces, kung wala ang pamilya ko ay baka nabaliw na ako sa kakaisip ng kung ano-ano.

After ko manganak ay sisiguruduhin ko na makausap muli si Light, to let him know that his mother and sister are very much alive.

Nakabalik na rin si Yuki at Dryle syempre kasama na ang ama ni Yuki.

Ngayon ay wala itong masabi tungkol kay Light dahil huling beses pala nitong makausap si Light ay nagkaroon sila ng hindi magandang pag-uusap.

I don't know why Light is suddenly change but i still want to talk to him.

Napatingin ako kay mama at daddy na nasa garden at masayang nag-uusap habang karga ni daddy ang anak ni ate.

"They are lovely together." Sabi ni aunty kaya napatingin ako dito at napatawa na lang kami ni ate na nasa tabi ko.

"Hindi ka ba nagagalit na nagkakamabutihan na sila ulit?" Tanong ko kay ate kaya napatawa ito ng mahina at umiling lang.

"No of course my dear sister, i am happy for dad because this is the first time i saw him how happy he is." Sabi nito kaya napasandal na lang ako dito at naramdaman ko na bigla na lang kumirot ang tiyan ko.

"Ate Alicia manganganak na yata ako." Bulong ko kaya nataranta ito at agad na tinawag sina daddy.

I woke up with so much pain in my lower body and then suddenly i remember that i already give birth awhile ago.

Nakita ko si ate at aunty na nasa sofa at ang nasa tabi ko naman ay si mama.

"Mama…" Tawag ko dito kaya agad itong naalimpungatan mula sa pagtulog.

Umiiyak ako habang nakatitig sa anak ko na malusog at napakagwapo, kamukhang-kamukha ito ni Light.

Ang kulay ng mga mata, ang tangos ng ilong, ang pilikmata, ang paraan ng pagtitig ay nakuha lahat sa ama nito.

"Ano ang ipapangalan mo sa kanya anak?" Tanong ni mama kaya napatingin ako dito at napangiti at saka hinaplos ang pisngi ng anak ko.

"Ezekiel po mama." Bulong ko kaya napangiti si mama at saka napangiti at napatango.

Hindi ko maialis ang titig sa anak ko habang natutulog ito.

It's been one month now since i give birth to him and i can't believe it that i will be this happy everytime i am looking at this baby.

"Baka matunaw na yang anak mo sa pag-titig mo Akisha." Sabi ni aunty sa mahinang boses na may dalang miryenda at nilapag niys ito sa lamesa na nandito sa kwarto ko.

Napangiti lang ako at muli kong tinitigan ang anak ko.

"Napakasarap kasi niyang pagmasdan aunty, lalo na kapag nakapikit siya hindi nakakasawa ganito pala ang pakiramdam ng isang ina." Sabi ko dito kaya tinabihan na rin ako nito sa kama at nakatitig na rin kay Kiel.

"Oo Akisha napakasarap sa pakiramdam kapag naging ina ka na, para bang nawawala lahat ng problema mo sa tuwing matititigan mo siya." Sabi nito pero ramdam ko ang lungkot sa boses nito.

"Hindi pa naman huli ang lahat diba? I am still hoping that you will find someone again." Sabi ko dito na ikinatitig nito sa akin at napangiti lang.

"I am not into it right now hija, i am happy that i came back home with you and your dad but my first love will never replace in my heart." Sabi nito kaya napatango na lang ako.

I know she will never move on her first love.

Pero sana ay muli pa rin nitong buksan ang puso niya sa ibang lalake.