Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 27 - Chapter twenty-seven

Chapter 27 - Chapter twenty-seven

Isang malaking bahay ang hinintuan namin at naalala ko agad ang lugar na ito.

Ang bahay na ito ay minsan ko nang napuntahan noong bata pa ako.

So ito pala ang lugar kung saan tinago ni daddy ang ina at kapatid ni Light, i can't believe that after all this year may ganitong bagay na tinatago ang aking ama.

This place is full of memories dito ko nakilala ang batang lalake noon at minsan ko nang pinangarap na sana makita ko itong muli.

Nakita ko si Yuki na kanina pa tila kabado kaya hinawakan ko ito sa braso kaya napatingin ito sa akin.

"It will be fine i know how you badly want to meet your mom." Sabi ko dito kaya napangiti na ito at agad na lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako nito ng pinto.

Inalalayan pa ako nitong makababa kaya pinalo ko ito sa braso at nilakihan ng mga mata.

"Ano ka ba hindi pa nila alam na may laman ang tiyan ko." Sabi ko dito sa mahinang boses kaya agad itong tumango.

Hindi pa alam nina Kari na nagdadalang-tao kaya baka mahalata nito na kung paano ako tratuhin ni Yuki.

Binantaan ko pa ito sa pamamagitan ng tingin kaya napailing na lang ito tumawa ng mahina at tumango at nakita ko na bumaba na rin sina Kari.

This place never change a bit still the coolest resthouse, nasa tabing dagat at napakaganda ng landscape area.

Isang mababang bakod ang nasa harap namin at kawayan na pintuan lang ito at may nakita kami na lumabas na isang may katandaan nang babae.

Napatingin ito sa amin pero agad rin itong pumasok sa loob kaya nagkatinginan kami ni Kari.

Pero mayamaya lang ay may tatlong babae na lumabas, dalawang may katandaan na babae na kasing edad lang marahil ni mommy at isang babae na kasing edad ko rin.

Sa pagkakatitig ko dito ay nakita ko agad ang resemblance ng babae kay Light.

"Mommy." Turan ni Yuki na nakatingin sa isang ginang na nagbabadya na ang luha sa mga mata.

Agad na binuksan ng ginang ang tarangkahan at umiiyak ito na niyakap ng mahigpit si Yuki.

I saw how Yuki cried like a baby in his mothers arms.

"Mommy your really alive." Sabi nito sa ina nito na tumatango habang umiiyak rin ng malakas.

I crave for mothers hug eversince i am young kaya medyo nakaramdam ako ng ingit habang nakikita ko na yakap na ni Yuki ang ina nito sa wakas.

It was emotional and i feel relieved at the same time.

"Ang mabuti pa ay pumasok na muna kayo at sa loob tayo mag-usap." Sabi ng ina ni Light na napatitig sa akin kaya agad na kaming sumunod dito papasok ng kabahayan.

Nakaupo na kami dito sa malawak na sala ng bahay at naglapag ng juice at cookies ang ina ni Yuki na namumugto pa ang mga mata.

Medyo nailang ako dahil hindi ako binibitawan ng tingin ng ina ni Light at ng kapatid nito.

"I am Akisha the daughter of Marcelo De Luna." Pakilala ko sa mga ito at pinakilala ko na rin sina Kari na magalang na yumuko sa mga ito.

"I know hija i saw your picture when you are a child." Sabi ni Tita Linea at si Sunshine naman ang kapatid ni Light.

Kung hindi ako nagkakamali ay kasingtanda ko lang ito pero buntis ito base na rin sa laki na ng tiyan nito.

"Tumawag ang daddy mo sa akin na may bisita nga na darating, after so many years ay tumawag rin siya sa amin." Sabi ulit nito na nakangiti pa rin.

I saw how this woman full of love in eyes but i know she is in pain too.

Siguro dahil sa pagkakahiwalay nito sa pamilya nito ng mahabang panahon.

Dito kami nagsimulang magkwentuhan at hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Buong buhay namin ay nagtatago pa rin kami takot na baka isang araw ay dumating ang mga taong gustong pumatay sa amin." Umiiyak na sabi ni tita kaya napakuyom ako ng kamao.

"Sandali lang po bakit sinabi niyo na namatay na ang mag-ama niyo?" Tanong ko kaya napatitig ito sa akin.

"Yes hija they killed Elijah my son and my husband." Sabi nito kaya nagkatinginan kami ni Yuki at hindi rin ito makapaniwala.

"Pero tita no, Light is alive even uncle is alive and also my dad mom." Sabi ni Yuki na ikinasinghap ng mga ito at nagsimula na naman silang umiyak.

"Hindi ako makapaniwala sa plot twist ng buhay ng pamilya nina Light." Bulong ni Kari habang nakaupo ito sa tabi ko.

Dahil mahina ang pangangatawan ni Tita Linea ay kinailangan na nitong magpahinga.

Dumating ang asawa ni Shine kanina at may panganay na pala silang anak na lalake.

Pangalawa ang nasa sinapupunan nito kaya masaya ako na maayos ang naging buhay nila dito sa tulong na rin syempre ni daddy.

Kahit pala matagal nang panahon mula nang magkita sila ni daddy ay buwan-buwan ay may dumarating na pera para sa kanila.

Dahil nanahan na ang takot ng mga ito sa pagkatao nila ay hindi nila kailanman binalak pa na lumabas ng bayang ito.

"They are cruel Kari to think na magagawa nilang linlangin ang pamilya ni Light." Bulong sabay kuyom ng kamao ko.

Kung may magagawa lang ako na pwedeng makatulong dito ay sana gagawin ko ang lahat para mapagbayad ang mga taong ito.

"Pero ang tanong Akisha, sino nga ba ang taong nasa likod para maging ganito kakomplikado ang buhay nila?" Tanong ni Kari kaya napatingin ako dito at napahinga ng malalim.

"The older sister of Light's father the head of their family." Sagot ko dito at naalala ko ang mukha ng babaeng iyon.

She is powerful woman in Italy, their family clan is dominating in businesses in their country.

Hindi na rin nakapagtataka na kaya nitong manipulahin ang lahat ng bagay sa loob ng mahabang panahon.

In this case ang alam ni Light at ng ama nito ay patay na ang ina at kapatid nito, at si Tita Linea at Sunshine naman ay alam nila na wala na ang asawa at panganay nitong anak.

Napatitig ako sa kalangitan habang nakaupo ako dito sa balkonahe ng bahay, nasa harap ko ang payapang kagatan na ang alon ay banayad rin.

"Pwede ba akong umupo dito?" Napatingin ako kay Sunshine kaya umusog ako para bigyan ito ng space.

"Bata pa ako noon nang makita ko kung paano kami paulanan ng bala ng baril nina mommy kaya nagkaroon ako ng trauma." Kwento nito kaya napatitig ako dito.

"I am so sorry to hear that." Nasabi ko na lang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, to think na napakasakit ng pinagdaanan nila.

"Hows my kuya? Is he fine or our dad?" Magkasunod nitong tanong kaya napangiti ako dito at kinuha ang kamay nito at pinisil ko ito.

"He is fine a handsome but arrogant man but he is a good person." Sabi ko dito na ikinangiti nito.

Sunshine husband is the owner of resort in this town at may malaking tindahan at bigasan sa bayan.

Maganda ang buhay nila at alam ko na magiging maayos tin ang lahat.

Nakikipaglaro si Yuki kay Sky ang anak ni Sunshine at Miguel nang dumating si Kari at Crissy na galing sa bayan dahil namili ito ng kailangan dito sa bahay.

Tumawag ako kanina kay daddy at sinabi ko dito na magaan kaming tinangap ng ina at kapatid ni Light.

Nakahinga naman ito ng maluwag dahil sa sinabi ko ayaw muna ako nitong pauwiin kaya baka manatili kami dito ng ilang araw pa.

Gusto ko rin kasi munang ipahinga ang isip ko sa lahat ng bagay at hinihintay ko pa rin kasi ang tawag ni Light.

"I want to see my brother Akisha, do you have his picture?" Napatingin ako kay Shine kaya agad kong nilabas ang cellphone ko at narinig ko itong tumawa ng mahina.

"Boyfriend o asawa mo ba si kuya?" Tanong nito kaya nanlaki ang mga mata ko ay nahiya ako bigla kaya tinabihan ako nito dito sa upuan.

"He is my boyfriend Shine, i'm so sorry for not teling right away." Sabi ko dito sabay hingi ng paumanhin pero umiling lang ito.

"I am glad that my kuya has beautiful girlfriend like you." Nakangiti nitong turan kaya napangiti na rin ako.

"He is a good man but he has deep wound, maybe because of the bad things that he suffer when he is young." Bulong ko kaya kinuha nito ang kamay ko at pinisil ito kaya napatitig ako dito.

"And i hope now that you already know us, sana maging maayos na rin ang lahat masabi mo sa kanya na buhay pa kami ni mama." Sabi nito kaya tumango ako at nangako dito na gagawin ko ang lahat para maipaliwanag kay Light ang lahat at katotohanan.

Nagtagal kami ng tatlong araw kina Tita Linea at sa tatlong araw na iyon ay nakilala ko pa ang mga ito.

Napakabait nga nito lalo na ang ina ni Yuki na halos ayaw na ngang mawalay sa anak nito.

I saw how her eyes always set to Yuki at hindi sapat ang araw para sa kanilang mag-ina.

Nangako kami na babalik kapag naging maayos na ang lahat, kailangan pa rin kasi namin na mag-ingat dahil sa mga kalaban ng pamilya nila.

Bago kami umalis ay sinabi ko kina Sunshine na nagdadalang-tao ako at magiging lola ito at anak naman ngayon ni Light ang magiging apo nito.

Pinag-iingat ako nito at bumalik daw ako agad kaya nangako ako dito.

Pagod ako ng makauwi kami pinagbuksan ako ng pinto ni Dryle kaya napangiti ako dito.

"Magpahinga ka na Akisha, ako na maghahatid kina Kari." Sabi nito kaya napasilip ako sa bintana ng kotse at mahimbing ang tulog ng mag-asawa kaya tumango.

"Salamat Dryle sige na." Sabi ko dito kaya tumango ito kumaway na lang ako.

Napakunot noo ako dahil tila may nakatingin sa akin pero wala namang tao sa paligid.

Alas-dyes na rin ng gabi kaya agad na akong pumasok sa bahay namin.

"Nandyan ka na pala Akisha." Sabi ni Aunty Mariko kaya agad akong yumakap dito.

Nagpaalam na ako dito para makapagpahinga dahil inaantok na ako kaya sabay na kaming bumaba dahil hinintay lang pala ako nitong makauwi.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagbihis at naghilamos saka ko binuksan ang aircon at napahiga sa kama ko.

Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti, bukas ay tatawag ako kay Light at sasabihin ko dito na nagdadalang-tao ako at magkakaanak na kami.