Nagising na maganda ang pamiramdam ko, alas otso na pero parang gusto ko lang mahiga.
Pero parang gustong may lumabas sa lalamunan ko kaya napabangon ako at pumasok ng banyo.
Nagduwal ako na tanging laway lang lumabas sa bibig ko at nanghina ako bigla.
Napaupo ako sa sahig ng banyo at napahawak sa tiyan ko.
Ito ba yong tinatawag nila na morning sickness? Kaya pala hirap na hirap si Crissy dahil minsan ko nang nakita kung paano ito magduwal sa umaga.
Nang masiguro ko na hindi na ako nahihilo pagtayo ko ay nagmumog ako at napahilamos na lang ako ng malamig na tubig.
Habang nagpupunas ako ng mukha ko ay napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog kaya agad ko itong kinuha.
Napangiti ako dahil si Light ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
Pero yong excited ko na malaman na nandito na ito ay nawala dahil seryoso ang boses nito at gusto nitong magkita kami.
Nagtaka ako kung bakit ganon ang boses nito na tila kakaiba kaya kinabahan ako.
Inayos ko na lang ang sarili ko at agad na nagbihis dahil sabi nito ay naghihintay ito sa labas ng bahay namin.
Pababa na ako nang makita ko si daddy na nasa sala at abala sa pagbabasa ng newspaper.
"Good morning dad." Bati ko dito kaya napangiti ito at humalik ako sa pisngi nito.
"Good morning too anak, hindi na kita nahintay kagabi dahil inantok na ako." Sabi nito kaya napangiti lang ako at tumango.
Nagpaalam ako dito na lalabas dahil magkikita kami ni Light kaya tumango lang ito.
Agad na akong lumabas ng bahay at nakita ko agad ang kotse ni Light lumapit ako dito.
Lumabas ito at pinagbuksan ako ng pinto pero hindi man lang ako nito binati o ano.
Tahimik lang itong nagda-drive at kabado ako kung bakit ganito ang kilos nito.
Seryoso ito at medyo mabilis ang patakbo ng kotse kaya napatingin na ako dito.
"Light can you slow down please." Pakiusap ko dito kaya sandali itong napatingin sa akin pero hindi ito nakinig kaya medyo nahilo ako.
Hindi ko alam pero iniisip ko ang anak ko kaya takot na takot ako sa mga sandaling ito.
Sa wakas ay bumagal na ito at nasa tabing dagat na pala kami at agad itong huminto kaya nakahinga ako ng maluwag.
Agad itong bumaba kaya napababa na lang din ako.
"Bakit kasama mo si Dryle? At umaga ka na umuwi!" Biglang sabi nito kaya napakunot noo ako at kinabahan pa lalo.
"Hinatid lang niya ako galing kina Kari." Agad kong turan dito kaya napamura ito ng malakas dahilan para mapapitlag ako.
"Damn it Akisha! Can you just tell the truth what is between the two of you! Are you fucking him too!" Sigaw nito na ikinagulat ko ng husto at tila nablanko ang isip ko sa narinig ko mula rito.
Sinampal ko si Light na ikinagulat nito dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nito.
"Bakit ka ganyan magsalita Light? Pwede ba pakingan mo muna ang paliwanag ko." Naiiyak ko na turan dito kaya napatitig ito sa akin.
"No, wala ka nang dapat ipaliwanag nagawa ko na ang matagal ko nang gusto ang masira ang buhay ng pamilya mo so we're even now." Sabi nito na ikinadurog ng puso ko kaya napakuyom ako ng kamao at napaiyak na ng tuluyan.
"Now that sa bibig mo mismo nanggaling yan, fine we're broke up Elijah and thank you for everything kahit na alam ko na bahagi lang iyon lahat ng mga plano mo!" Nanginginig kong turan dito saka ako tumalikod dito at naglakad paalis dito.
Knowing na hindi ko alam kung anong lugar ang pinagdalhan nito sa akin.
How i wish this is just my nightmare pero alam ko na ito na realidad.
Iyak ako ng iyak habang naglalakad at nang may humintong kotse sa likod ko ay natakot ako.
"Are you okay hija?" Narinig ko ang tanong ng isang babae kaya napatingin ako dito.
Huminto ang kotse nito at bumaba ang isang babae na kasing-tanda lang marahil ni mommy.
"Halika sumakay ka at mainit na ang sikat ng araw." Sabi nito na inalalayan ako na makapasok sa kotse nito.
Wala na akong nagawa dahil iyak pa rin ako ng iyak kaya nang makaupo ako ay pinunasan nito ang luha sa pisngi ko.
"Is your boyfriend break up with you? Don't cry over him he is not worth it for your tears." Sabi nito kaya lalo akong napaiyak at hinayaan na lang ako nito.
Kumalma na ako at nahihiya pa rin ako kay Tita Bianca na nagpakilala sa akin.
This woman is kind at ang kasama nito si Ate Michel ang driver nito na agad nilapagan kami ng apple juice.
Pero hindi ko gusto ang amoy nito kaya hindi ko ito ginalaw.
"You want water instead?" Tanong ni tita kaya napatango lamg ako dito.
I love apple juice but because maybe that i am pregnant ay hindi ko gusto ang amoy nito ngayon.
"Saan ka ba umuuwi? Ihahatid ka na namin." Sabi nito mayamaya kaya nahihiya ulit akong napayuko.
"Salamat po sa inyo dahil naabala ko pa kayo." Bulong ko kaya hinawakan lang nito ang kamay ko.
"By the way what is your name hija?" Tanong nito kaya napatingin ako dito at namula dahil nagpakilala na sa akin ang dalawa pero ako ay hindi pa.
"My name is Akisha De Luna po." Agad kong pakilala pero nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.
"De Luna? Taht is your surname?" Magkasunod na tanong ni Ate Michel kaya napatingin ako dito at napatango.
"Is there something wrong po?" Tanong ko kaya agad naman na umiling ang dalawa.
"Wala hija, tayo na at ihahatid ka na namin sa inyo. Sa kalagayan mo ngayon ay hindi ka pwedeng umuwi ng mag-isa." Sabi nito kaya napatango na lang ako.
Narinig ko ang cellphone ko na tumutunog kaya agad ko itong nilabas sa bag ko na buti na lang ay hindi ko tinangal kanina.
Si Aunt Mariko ito kaya agad kong sinagot ang tawag.
Napatayo ako na pinagtaka ng dalawa kaya napatitig ako kay Tita Bianca.
"Pwede niyo po akong ihatid na sa hospital, manganganak na po kasi ang ate ko." Sabi ko sa kanila kaya agad naman na tumango si tita.
Nang makarating kami sa hospital kung saan nag-send ng location si Kari ay agad akong nagpasalamat sa mga ito.
"Thank ypu so much po sa inyo." Pasasalamat ko dito kaya agad naman na ngumiti si tita na niyakap pa ako kaya gumaan na lalo ang pakiramdam ko.
Nang makaalis na ang kotse nina tita ay agad na akong pumasok sa hospital.
"Akisha ang ate mo manganganak na." Sabi ni Kari na sinalubong ako kaya agad akong napatango.
Dinala nina Kari si ate sa hospital kanina dahil habang nag-aalmusal sila ay pumutok na raw ang panubigan nito.
Buti na lang at sakto na nandoon si Kari at naiwan sa bahay si daddy at Crissy na susunduin na lang mamaya ni Kari.
Si Aunt Mariko naman ay nasa restroom daw at inasikaso na rin ang kwarto na lilipatan ni ate kapag nakapanganak na ito.
Napaupo na lang ako at napahinga ng malalim at napahilamos ng mukha ko.
Tinabihan ako ni Kari na binigyan ako ng tubig kaya agad ko itong kinuha at uminom ako.
"Kumusta ang lakad mo?" Tanong nito mayamaya kaya natigilan ako at naalala ko ang nangyari kanina.
"Light ia mad Kari, and i don't why so i told him to break up with me." Wala sa sarili kong bulong nakaramdam ako ng hilo kaya napasandal ako kay Kari at dito ako tuluyang nawalan ng malay.
"Better na huwag siyang masyadong mapagod dahil baka lalo lang itong makasama sa kanya at sa baby niya." Ito ang narinig kong boses nang muli akong magkamalay.
Napamulat ako at nakahiga na ako dito sa hospital bed at may nakakabit nang swero sa akin.
"Gising ka na pala hija." Sabi ng doktor kaya napatango ako at napatingin sa akin si Kari na agad umupo sa tabi ko.
"Bakit hindi mo sinabi na buntis ka Akisha!?" Galit nitong tanong kaya agad kong kinapa ang tiyan ko at napahinga ng malalim.
Nagpaalam na ang doktor kaya kami na lang ang naiwan ni Kari.
"Kumusta si ate? Nanganak na ba siya?" Magkasunod ko na lang na tanong pero seryoso lang akong tinitigan ni Kari.
"Answer my question first Akisha De Luna!" Gigil nitong turan kaya napatingala ako sa kisame at agaf na napaiyak.
Sinabi ko kay Kari na three weeks na akong buntis at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito.
Lalo pa at basta na lang akong pinagbintangan ni Light namg walang dahilan.
Niyakap na lang ako nito at nag-iyakan kami pareho at ramdam ko na galit na galit ito dahil nanginginig pa ito.
Isang malusog na baby boy ang anak ni ate at napaka-cute nito.
Nakita ko kung gaano kasaya si daddy at aunty na makita ang apo nila at hindi ko maiwasan na hindi mapahawak sa tiyan ko.
I am pregnant and i am afraid to tell them about my condition.
Light is not coming back anymore at nahihiya ako sa kanila na sabihin ang kalagayan ko.
Hangang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi masaktan.
Malaki ang naging pagtatalo namin kanina at hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganong sitwasyon.
Nakatitig ako sa anak ni ate habang natutulog ito at kakatapos lang itong patulugun ni ate.
Lumabas ito mula sa banyo at nakangiti itong tumabi sa akin.
"She's cute right? Kamukha siya ng ama niya." Sabi ni ate na halata ang lungkot ng bangitin nito si Blue, kaya tumango lang ako at napahawak sa tiyan ko.
"It will be fine Akisha, kapag bumalik si Light sabihin mo sa kanya ang lahat." Sabi nito kaya napatitig ako dito at tumango.
"Natatakot ako ate baka hindi na siya bumalik." Bulong ko kaya pinigilan ako nito na mag-isip ng masama.
"Nag-away lang kayo pero babalik iyon." Sabi nito kaya napatitig akong muli sa pamangkin ko at napangiti na lang.
Sana nga magkatotoo ang sinabi ni ate pero sa ngayon ay kailangan ko munang mag-ingat lalo na at medyo maselan ang pagbubuntis ko.
Ayokong makaramdam ng anxiety dahil baka mapahamak pa ang anak mo sa sinapupunan ko.
Si ate alam na niya na buntis ako at masaya ito para sa akin, napakalaki na nga ng pinagbago nito kaya labis-labis akong nagpapasalamat dito.